You are on page 1of 16

SINTAKSIS/SINTAKS

(PALAUGNAYAN)

Ang pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap o sentens ang tinatawag na sintaks.


Dalawang uri ang pangungusap sa Filipino.

(1) Pagpapanaguri/predikeytib at
(2) Di-pagpapanaguri/non-predikeytib

ANG PAGPAPANAGURI
Tinatawag na pagpapanaguri ang pangungusap na may simuno/sabjek/tapik/paksa at
panaguri/koment/predikeyt. Ang simuno ang pinag-uusapan. Ang panaguri ang nagsasaad ng
tungkol sa simuno.

ANG SIMUNO

Ang ang ay nagpapakilala sa simuno at ipinakita na rin ang mga panghalili sa mga iyon
na mga panghalip panao at pamatlig.

Maaaring pariralang nominal (pangalan at panghalip), pang-uri, pandiwa, pang-abay,


eksistensyal o pang-ukol ang simuno. Pinangungunahan ito ng marker na ang. Parirala ang tawag
sa lipon ng mga salitang walang simuno’t panaguri.

a) Pariralang Nominal
Nagkaisa ang mga taong-bayan. Nagkaisa sila.
Nagkaisa sina Juan. Nagkaisa ang mga ito.
b) Pariralang Pang-uri
Kailangan ang matalino. Hinahangaan ang masisipag.
Si Haring Solomon ang matalino.
c) Pariralang Pang-ukol
Awa ang nasa Diyos. Paglilingkod ang para sa kanya.
Gawa ang nasa tao. Hindi nakalabas ang nasa sa silid.
d) Pariralang Eksistensyal
Mabuti rin ang may sasakyan. Malungkot ang walang kaibigan.
Mainam ang may sariling bahay.
e) Pariralang Pandiwa
Madali ang magsalita. Nagtatalo ang mga naghuhukay.
Mahirap ang gumawa.
f) Pariralang Pang-abay
Paghandaan natin ang bukas. Kalimutan na natin ang kahapon.
Pangako niya ang paluhod na paglakad.
(Itinuring na ring parirala ang isang salita dahil sa pagbabalangkas ng mga pangungusap
makikita ay pang-ilalim na istruktura noon sa hindi talagang iisang salita iyon.)

ANG PANAGURI

Maaaring pariralang berbal o di-berbal ang panaguri ng mga pangungusap.

a. Pariralang Di-Berbal
*Tinatawag na pariralang di-berbal ang mga pariralang pangngalan o panghalip,
pang-abay, pang-ukol, at eksistensyal.
1. Pariralang Pangngalan 4. Pariralang Pang-ukol
Anawnser si Rey Langit. Nasa tao ang gawa.
Komenteytor si Louie Beltran. Sa kanila ang parangal.
Presidente si Ginang Reyes. Ayon sa batas ang naganap.
2. Pariralang Panghalip 5. Pariralang Pang-abay
Ikaw ang may sala. Patalikod ang lapit niya.
Ito ang katarungan. Bukas ang araw ng paghuhukom.
Ang mga iyon ang dalhin mo rito. Patingkayad ang lakad niya.
3. Pariralang Pang-uri 6. Pariralang Eksistensyal
Masinop si Demy. Mayroon nga sila.
Kapita-pitagan ang dekana. Mayroon naman pala kayo.
Kalunus-lunos ang nangyari sa San Francisco. Wala na ang pag-asa niya.

b. Pariralang Berbal

Sa pariralang berbal dapat talakaying muli ang tungkol sa pokus at komplemento ng


pandiwa. Naiiba ang pandiwa dahil nababanghay ito, nababago ang anyo batay sa aspeto,
depende sa pokus ang nagiging panlapi nito. Kahit na si Dr. Jose Rizal sa kanyang pag-aaral ng
gramatika, binanggit niyang pinakamahirap na bahagi ng pananalita ang pandiwa at dapat pag-
ukulan ito ng masusing pag-aaral. Sa kasalukuyang panahon hindi na ang tungkol sa tinig na
aktibo o pasibo ang binibigyan-diin kundi ang tungkol sa pokus. Sa Filipino lamang
napakaraming maaaring gawing pokus sa pangungusap na hindi nagbabago ang diwang
ipinahahayag, ang binibigyan-diin lamang ang nababago.

Tinatawag na pokus ang relasyong panggramatika ng pandiwa at ng


komplemento/kaganapan/komplement. Kabilang sa komplemento ng pangungusap ang (1) aktor
na siyang gumagawa ng kilos, (2) gol na siyang tumanggap ng kilos,(3) lokatib na siyang pook
na pinangyayarihan, (4) direksyunal na siyang pinag-uukulan, (5) benepaktib na siyang
pinaglalaanan, (6) instrumental na siyang kagamitan sa pagsasakilos at (7) kawsatib na siyang
kadahilanan ng kilos at (8) resiprokal. Sa Ingles, aktor pokus lang at gol pokus. Higit na
marami ang pokus sa Filipino na talagang mahirap isalin sa Ingles, sapagkat sa pagsasalin sa
Ingles, ang aktor pokus pa rin ang lumalabas.
Muling magbibigay dito ng mga halimbawa ng iba’t ibang pokus, dahil ang naunang
paliwanag ay tungkol lamang sa mga pandiwa. Ngayon ang bibigyan-diin ay tungkol sa
pangungusap na siyang magiging pagsasanay sa susunod na aralin tungkol sa pagpaparirala.

1. Aktor Pokus- ang simuno ang gumaganap ng kilos.


Napapaloob dito ang mga panlaping um-, mag-, mang-, ma-, maka-, makapag-, makipag-,

Aktor Pokus

Panlapi Pandiwa Simuno Gol Benepaktib


-um Kumukuha ang mananahi ng sinulid para sa kasama.
-mag Naglaba ang labandera ng barong para sa asawa.
-mang Namitas ang hardinero ng bulaklak para sa guro.
-maka Makagagawa ang eskultor ng mural para sa munisipyo.
-makapag Nakapagdala si Denise ng hikaw para kay Ging.
-makipag Makikipagkita siya kay Mirasol (direksyunal)

2. Gol Pokus- ang gol ang siyang simuno ng pangungusap, napapaloob dito ang mga panlaping
in-, an-, at ma-.

Gol Pokus

Panlapi Pandiwa Aktor Simuno Benepaktib


-in Kinuha ng mananahi ang sinulid para sa kasama.
-an Nilabhan ng labandera ang barong para sa asawa.
-ma Napitas ng hardinero ang bulaklak para sa guro.

3. Lokatib Pokus- ang pook ang siyang simuno ng pangungusap. Napapaloob ang mga
panlaping in-, an-, at pag- an.

Lokatib Pokus
Panlapi Pandiwa Aktor Gol Simuno
-an Kinunan ng mananahi ng sinulid ang makina.
-in Linangin mo ng araro ang bukid.
-pag-an Pinaglutuan ko ng adobo ang kawali.

4. Direksyunal Pokus- ay pinag-uukulan ang siyang simuno ng pangungusap.


Napapaloob dito ang mga panlaping an-, at in-.

Direksyunal Pokus
Panlapi Pandiwa Aktor Simuno
-an Tinawagan ng binata ang kapatid.
-in Dinalaw ng doktor ang pasyente.
5. Benepaktib Pokus- ang pinaglalaanan ang siyang simuno ng pangungusap. Napapaloob dito
ang mga panlaping i-, ipag-.
Benepaktib Pokus
Panlapi Pandiwa Aktor Gol Simuno
-i Ikinuha ng mananahi ng sinulid ang kasama
-ipag Ipinaglaba ng labandera ng barong ang asawa.

6. Instrumental Pokus- ang kagamitan ang siyang naging simuno ng pangungusap. Napapaloob
dito ang mga panlaping ipang-, maipang-.
Instrumental Pokus
Panlapi Pandiwa Aktor Gol Simuno
-ipang Ipinamingwit niya ng isda ang kawayan.
-maipang Naipangunguha ko ng bulaklak ang gunting.
7. Kawsatib Pokus- ang kadahilanan ang siyang naging simuno ng pangungusap. Napapaloob
dito ang panlaping -ika-.

Kawsatib Pokus
Panlapi Pandiwa Aktor Simuno
-ika ikinalungkot niya ang nangyari.

8. Resiprokal- ang aktor at gol ay simuno ng pangungusap.

Nagmamahalan sila.

Ang Aspekto

Sa makabagong linggwistika, hindi na tinatalakay ang panahunan. Aspekto na ang


binibigyang- diin. Nagpapahayag ito kung nasimulan na, ginaganap at patuloy na ginaganap o
gaganapin pa lang ang kilos. Tinatawag itong 1. Naganap na 2. Ginaganap at 3. Gaganapin.
Katulad din nito sa Ingles na Pangnagdaan, Pangkasalukuyan at Panghinaharap. Kaya lang sa
Filipino ay maaaring magamit ang parehong istruktura kahit na gamitin ang kahapon, ngayon at
bukas di tulad sa Ingles na makikita kaagad ang pagkakaiba. (Hindi magagamit ang isang
istruktura sa lahat ng panahunan tulad ng to eat, ate and eating.)

Halimbawa:
Kumain siya kahapon ng lugaw.
Kumain ka bukas.
Kumain ka ba ngayon?
Ang Komplemento

Ang iba pang pariralang pangngalang may kaugnayan sa panaguring pandiwa ay ang
tinatawag na komplemento. Ito ang tinatawag ng mga komplementong aktor, gol, benepaktib,
direktib, lokatib, instrumental at kawsatib. Pinangungunahan ito ng mga marker na siyang
nagpapakilala kung anong komplemento ang mga iyon.
1. Komplementong aktor- nagpapakilala ng gumaganap ng kilos, pinangungunahan ng ng/ni.
Gol Pokus Pandiwa Komplementong Aktor Simuno
-in- Binili ni Ana ang kotse.

2. Komplementong Gol- nagpapakilala ng tagatanggap ng kilos, pinangungunahan ito ng -ng.


Aktor Pokus Pandiwa Komplementong Gol Simuno
-um Bumili ng bahay ang asendero.

3. Komplementong benepaktib- nagpapakilala ng pinaglalaanan, pinangungunahan ng para


sa/kay.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol Komplementong benepaktib
-um Bumili siya ng laruan para sa anak.

4. Komplementong Lokatib- nagpapakilala ng pook na pinangyarihan, pinangungunahan ng sa.


Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol Komplementong Lokatib
-um Bumili siya ng laruan sa Rustan’s.

5. Komplementong Direksyunal- nagpapakilala ng direksyon o taong tagatanggap ng kilos,


pinangungunahan ng sa/kay.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Komplementong Direksyunal
-um Dumalaw ang binata kay Vilma.

6. Komplementong Instrumental- nagpapakilala ng kagamitang gagamitin sa pagkilos,


pinangungunahan ng sa pamamagitan ng.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol Komplementong Instrumental
-mang Namitas siya ng bulaklak sa pamamagitan ng gunting.

7. Komplementong Kawsatib- nagpapakilala ng kadahilanan ng kilos, pinangungunahan ng


dahil sa/ kay.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol Komplementong Kawsatib
-um Sumakit ang tiyan niya dahil sa santol.

8. Resiprokal
Nagmahalan ang magkasintahan.
MGA URI NG PANGUNGUSAP

Nauuri ang pangungusap sa Paturol, Pautos, Patanong at Padamdam.

1. Paturol- ang nagpapahayag ng impormasyon at nilalagyan ng bantas na tuldok (.).


 Noong ika-2 ng Pebrero, 1993 pumutok ang bulkang Mayon.
 Si Presidente Fidel V. Ramos ang pumalit kay Presidente Corazon Aquino.
 Si Supremo Soledad Suarez ang namumuno sa Iglesia Mistika.
 Nasa Lecheria, Laguna, ang Watawat ng lahi.
2. Pautos-Pakiusap ang nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap na karaniwang nilalagyan
ng kuwit (,) kapag may tinatawag at nagtatapos sa tuldok (.). Karaniwang nilalagyan ng
panlaping maki-at paki ang mga salitang-ugat na pandiwa upang magpahayag ng
pakiusap at paggalang.
 Jose, pakikuha mo naman ang baso. Makiraan nga. Ilarawan mo ito.
 Mely, Pakidala naman iti roon. Tumakbo ka na.
3. Patanong- ang nag-uusisa o nagtatanong, nilalagyan ng bas a loob ng pangungusap o
nilalagyan ng tinatawag na panghuling tanong pagkatapos ng pangungusap at nagtatapos
sa pananong (?). Ang ba ang kataga o marker na patanong.
 Anong oras na ba?
 Kailan ba matatapos ang mga brownout? Matatapos din iyon di ba?
 Nanalo ako ng kotse, totoo ba? Dadalhin na rito, tunay ba?
4. Padamdam- ang nagpapahayag ng masidhing damdamin na nagtatapos sa padamdam (!).
 Salamat po Diyos ko! Naku po! Nanalo ako! Talagang mahiwaga!

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA ANYO:


Payak, Tambalan, Hugnayan

1. Payak ang pangungusap kapag nagpapahayag ng isang diwa, maaaring tambalan ang
simuno at panaguri na pinag-uugnay ng at.
 Mega star si Sharon.
 International star si Lea.
 Mang-aawit si Sharon at si Lea.
 Artista ang mang-aawit na si Lea.
 Artista at mang-aawit sina Lea at Sharon.
2. Tambalan ang pangungusap kapag nagpapahayag ng dalawang diwa na pinag-uugnay ng
at, ngunit, datapwat at subalit.
 Mega star si Sharon at international star si Lea.
 Naghihimala ang Birhen sa Agoo at naghihimala rin ang Birhen sa Lipa.
 May kapansanan siya subalit napaglabanan niyang lama ang pagsubok sa buhay.
 Matanda na siya datapwat malakas pa ang tuhod niya.
3. Hugnayan ang pangungusap na binubuo ng malaya at di –malayang sugnay na
pinangungunahan ng kung, kapag, samantala, habang, sapagkat, upang, nang, pagkat,
dahil sa. May simuno at panaguri ang sugnay tulad ng pangungusap ngunit bahagi
lamang ito ng pangungusap.
 Kung may pananalig ka sa sarili, magtatagumpay ka.
 Habang nasa kabundukan pa ang Bundok Pinatubo ang lahar malaking panganib ang
darating.
 Nararapat puntahana ang mga makasaysayang pook upang maisadiwa ang mga
nagawang kabayanihan ng ating kalahi.
 Kilalanin natin ang katangian ng ating bansa nang maipagmalaki natin ito.
 Samantalang nasa isip mo iyon walang mangyayari sa buhay mo.

DI-PAGPAPANAGURING PANGUNGUSAP

May mga pangungusap na walang simuno ngunit may ipinahahayag na buong diwa,
samakatuwid walang ang marker na matatagpuan dito. May mga pangungusap namang walang
panaguri ngunit may diwa rin. (Sa Ingles may simuno ang mga pangungusap na ito maliban sa
padamdam at amenidad.)

1. Penomenal- na nagsasaad ng kalagayan ng panahong dulot ng kalikasan. Nababanghay


ang nasa unang hanay dahil mga pandiwa ang mga ito.
 Umuulan. Umaaraw. Lumilindol. Bumabaha. Maulap. Kumukulog.
2. Temporal- na nagsasaad ng kalagayang panandalian o panahunan lamang.
 Bukas na. Taglagas na. Tagsibol na. Mayo na. Semana Santa na. Linggo na.
3. May modal- na nangangahulugan ng gusto, nais, ibig.
 Gusto niya ng kapangyarihan.
 Nais ko ng kotse.
 Ibig mo ng katanyagan, di ba?
4. Eksistensyal- Nagpapahayag ng pagkamayroon o wala.
May pangulong babae.
Walang dumating.
5. May ka ang pandiwa- na nangangahulugan ng katatapos na pagganap ng kilos.
Kakakain lang ni Letty.
Katatawag lang ni Annie.
6. Padamdam na pangungusap.
Aray! Naku! Aba! Saklolo! Holdaper!
7. Paghanga- ginagamitan ito ng panlapi para sa kaantasang pasukdol na napaka-, ng kay, at
ng ang na sinusundan ng salitang-ugat.
Napakaganda ni Gemma!
8. Amenidad
Salamat po. Magandang umaga po. Ang bait niya!
TUNTUNIN SA PAGPAPARIRALA SA WIKANG FILIPINO
May mga tuntuning dapat isaalang-alang sa pagpaparirala. May kaugnayan ito sa pagbubuo ng
mga pangungusap.

PP (Pangungusap)= P (Panaguri) + S (Simuno)


P= PD (Pariralang Pandiwa)/ PN (Pariralang Pangngalan)
PH ( Pariralang Panghalip) /PU (Pariralang Pang-uri)
PD= Pd (Pandiwa) +/- K (kaganapan)
Pd= asp. (aspekto) + pl (panlapi) + s.u. (salitang-ugat)
1 2 3
Asp= asp 1 (ginanap) asp (ginaganap) asp3 (gaganapin)
pl=- um-, mag-, mang-, in-, an-, i/ ipang-, ika-,…atb
s.u.= alis, luto, hiram, dala, punta, sama, etc.
K= kg (kaganapang gol), kl (kaganapang lokatib), kb (kaganapang benepaktib), kk (kaganapang
kawsatib), kd (kaganapang direksyunal), ka (kaganapang aktor), ki (kaganapang instrumental).
g
kg = ng + Pn
kl = sa + Pn l pang-uri (pu) pang-angkop (pang-akp)
kb = para + Pn b pang-abay (pa) panghalip (ph)
kk = dahil sa + Pn k pantukoy (pt) pandiwa (pd)
kd = sa + Pn d pangatnig (pgt)
ka = ng + Pn a pandamdam (pdm)
ki = sa pamamagitan ng + Pn i
PN= M (Marker)/M (m) + Pn
(si)
(pangangalan)/ Pn (pangngalang pantanging-ngalan)

M= ang, ng, sa, si, ni, kay


M(m) = ang mga, ng mga, sa mga, sina, nina, kina

Pn= tao, bata, lalaki, babae at iba pa.


Pn(si) = Lorna, Roberto at iba pa.
1 2
PH = M + Ph /Ph /Ph1 p(m) /Ph2 p(m)
Ph1 = ako, ikaw, siya
Ph2 = ito, iyan, iyon
Ph1 (m) = tayo, kami,kayo, sila
Ph2 (m) = ang mga ito, ang mga iyon, ang mga iyan

PU = M + Pu/Pu p
Pu = pl (panlapi) +s.u. (salitang-ugat)
Pu(m) = maramihan
=
Pl = ma-, pala-, mapang-, -an, atbp.
s.u. = ganda, buti, hinhin, atbp.
S = M + PN/PH/PU/PD
PAG-IISTRUKTURA NG PANGUNGUSAP
BATAY SA TUNTUNIN NG PAGPAPARIRALA

Bahagi ng pagkaalam sa wika ang kaalaman kung paanong pinagsama-sama


ang tinatawag ng constituent o mga sangkap at mapangkat-pangkat ang mga ito.
Ang kaalamang ito ang maaaring katawanin ng set ng mga patakarang matatawag
na pagpaparirala. Ito ang kasangkapan sa pag-aaral ng sintaktika ng anumang wika.
Makikitang buhat ito sa simpleng istruktura tungo sa malawak na istruktura.

a. Pangungusap-------- Panaguri + Simuno


PP--------------- P + S
b. Panaguri-------------- Pariralang Pangngalan
P----------------- PN
c. Pariralang Pangngalan- Marker + Pangngalan
PN------------- M + Pn
d. Simuno--------------- Pariralang Pangngalan
S ----------------- PN
e. Pariralang Pangngalan- Marker + Pangngalan
PN------------ M + pn
Pn
P
d r a

Pn

3
g
P
g

a
a
Pn

Pd
(R) (si) (si)
Pn + pgt + Pn

3
l

P
P

pang - an
Sadyang mabilis ang takbo niya. Kusang naglingkod ang sundalo.
Bahagyang narinig ang sinabi nito. Nanalangin ng paluhod si AnaVictoria.
f. panggaano tulad ng sapat, katamtaman, labis at kulang.
1. Labis magsalita ang mayabang.
2. Katamtamang alat ang gusto niya.
3. Sapat na baon ang kailangan.
4. Kulang magsaing ang katulong.
g. pag-ayaw o pagpapahindi o pagpapatunay tulad ng ayaw, hindi
1. Ayaw kumain ng bilanggo.
2. Totoong mahusay na manunulat si Ricky.
3. Hindi tinanggap ang bisita.
4. Tunay magmalasakit ang gobernador.

4. Kaganapan o Komplemento tulad ng


a. gol na pinangungunahan ng ng
Bumili ng kuwintas ang nars.
Kumain ng lumpia si Gng. Cruz.
b. benepaktib na pinangungunahan ng para sa/kay
Namili ang nars para sa kaibigan.
Nagluto ang kusinero para sa bisita.
c. Kawsatib na pinangungunahan ng dahil sa
Sumakit ang tiyan niya dahil sa santol.
Inatake siya dahil sa init.
d. Instrumental na pinangungunahan ng sa pamamagitan ng
Nangisda siya sa pamamagitan ng bingwit.
Nanahi ang modista sa pamamagitan ng makinang de koryente.

PAGPAPAHABA NG SIMUNO SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAHAYAG NG:

a. Pagmamay-ari na pinangungunahan ng ng/ni.


Matalino ang anak ng propesor.
Iyon ang panukala ni Presidente Quezon.
Malapalasyo ang bahay ng inhinyero.
Malaman ang payo ni Sekretarya Defensor.

b. Paglilinaw o aposisyon na pinag-uugnay ng pang-angkop na ng/na.


Kanya ang bagong kotse.
Nagtatagumpay ang masipag na mag-aaral.
Iyon ang masusing pagtatalakay.
Ginagantimpalaan ang masinop na gawain.

c. Lokatib na pinangungunahan ng sa
Mahirap ang buhay sa bundok.
Nakalimutan na ba ang Rebolusyon sa EDSA?
Naglipana na ang mandaragit sa lungsod.
Mapakikinabangan ang lupain sa Hapon.

You might also like