You are on page 1of 8

Department of Education

Region VI-Western Visayas


Schools Division of Himamaylan City
Vallega Street, Himamaylan City

ARALING PANLIPUNAN 10
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2019-2020

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Sinong sosyologo ang nagsabi na ang lipunan ay isang buhay na organismo kung
saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain?
A. Charles Cooley B. Emile Durkheim C. Karl Marx D. Max Weber
2. Paano makakamit ang kaayusang panlipunan kung ang lipunan ay binubuo ng mga
taong may magkakawig na ugnayan at tungkulin?
A. Kung ang mamamayan ay palaging handa sa kalamidad.
B. Kung may maayos na interaksyon ang mga mamamayan sa isang lipunan.
C. Kung ang mga mamamayan ay nakikiisa sa mga kilusan laban sa pamahalaan.
D. Kung ang lahat ng mga mamamayan sa lipunan ay may parehong paniniwala.
3. Anong istrakturang panlipunan ang naglalarawan sa isyu tungkol sa Death Penalty
kung saan magkasalungat ang paniniwala ng simbahan at estado?
A. Gampanin B. Institusyon C. Status D. Social Group
4. Anong tawag sa isang posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan?
A. Gampanin B. Institusyon C. Status D. Social Group
5. Nakapaskil sa mga paliparan ang babalang “Drug Trafficking is punishable by
death”. Ang paglabag sa batas na ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Norms/Mores B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D. Simbolo
6. Sinasabi na ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na
naglalarawan sa isang lipunan. Ano ang ipinahahayag dito?
A. Magkakatulad tayo ng kultura.
B. Masaya tayo sa ating kulturang kinagisnan.
C. Iisang kultura lamang ang umiiral sa ating lipunan.
D. Ito ay bahagi ng pang araw-araw na pamumuhay ng tao.
7. Bilang isang mag-aaral, paano mo mahaharap at matutugunan ang mga isyung
panlipunan.
A. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling
komunidad.
B. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong
panlipunan.
C. Pilitin ang pamahalaang tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa
mamamayan.
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan.
8. Ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan na nararanasan natin
sa lipunan?
A. Naglalarawan ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang
lipunan.
B. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinaharap ng
indibiduwal.
C. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung
personal ay hindi.
D. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan
samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.

Page 1 of 8
9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan ng simbolo bilang elemento
ng kultura?
A. Ang paglabag sa batas trapiko ni Marlene ay may kaukulang kaparusahan.
B. Ang pagmamano sa mga matatanda at paggamit ng po at opo ni Mary.
C. Ang panata ng mga deboto sa Simala, Cebu.
D. Ang pagbebenta ng droga.
10. Ano ang tawag sa batayan ng kung ano ang katanggap-tanggap at hindi sa grupo o
lipunan sa kabuuan?
A. Norms B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D.Simbolo
11. Paano mo pauunlarin ang iyong kamalayan sa mga isyung nangyayari sa iyong
lipunan?
A. Sa pamamagitan ng paglinang ng kritikal at malawakang pag-iisip upang
mahasa ang ibat-ibang kasanayan at pagpapahalaga sa isyung nagaganap sa lipunan.
B. Sa pamamagitan ng pagsiwalat ng mga isyu sa social media para labanan ang mga
maling gawain sa lipunan.
C. Panonood o pagbabasa ng mga isyu sa media para mapapahalagahan ang mga tauhan
at pangyayari.
D. Pag-usapan ang mga isyu sa ating kapaligiran para maiugnay ito sa ating sarili at
ibang tao.
12. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang maituturing mong isyung personal?
A. Biglang pagtaas ng mga bilihin C. Mabilis na paglobo ng populasyon
B. Kahirapan sa probinsya D. Pagkasira ng isang pamilya
13. Anong batas ang ipinatutupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9262 C. Republic Act 7610
B. Republic Act 9003 D. Republic Act 7042
14. Ano ang tawag sa mga basurang nagmumula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento, mga basurang nakikita sa paligid, mga basurang nagmumula sa
sektor ng agrikultura at iba pa?
A. Biodegradable Waste B. Electronic Waste C. Residual Waste D. Solid Waste
15. Ano ang pangunahing sanhi ng pagdami ng solid waste sa ating bansa?
A. Paglakas ng industriya
B. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
C. Walang maayos na pasilidad para sa basura
D. Hindi paghihiwalay ang basura sa tamang lalagayan.
16. Ano ang tawag sa pagbabago ng klima sa buong mundo kung saan nararamdaman
ito noong kalagitnaang ika-20 na siglo?
A. Climate Change B. Deforestation C. Global Warming D. Illegal Logging
17. Sa pagtaas ng populasyon, nasisira na rin ang ating kagubatan.Ano ang maaring
epekto nito?
A. Ang mga dating kagubatan ay ginawang plantasyon at tirahan dahil sa mataas
na demand sa mga pangunahing produkto at pangangailangan.
B. Pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga hayop sa gubat.
C. Dahil sa pangangailangan sa uling at kahoy.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
18. Anong tawag sa pagkasira ng yamang tubig kung saan namamatay ang mga coral
reefs sa ilalim ng mga dagat dulot ng pag-init ng kapaligiran?
A. Polusyon B. Coral Bleaching C. Red Tide D. Illegal Fishing
19. Anong batas ang ipinatupad na kung saan hinihikayat dito ang partisipasyon ng
lahat ng ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan
upang makihalok sa tree planting activities?
A. Proclamation No. 216
B. Proclamation No. 643
C. Proclamation No. 1081
D. Proclamation No. 1763
20. Isa ito sa mga Local Government Units o LGUs na may pinakamahusay na
halimbawa sa pamamahala ng solid waste na kung saan ang mga dumpsites ay
pinagkukunan ng enerhiya sa tulong ng Methane Recovery for Power Generation.
A. Bago City, Negros Occidental C. Sto. Tomas, Davao del Norte
B. Quezon City D. Teresa, Rizal
21. Alin sa mga ito ang epekto ng Climate Change sa kalusugan?

Page 2 of 8
A. Ang pagkatunaw ng mga yelo sa Artic at Arntartic Circle kaya ang
karagatan ay nagiging mas mainit,
mas mataas, at mas asidiko.
B. Paglaganap ng mga sakit tulad ng cholera, dengue at komplikasyon dulot
ng malnutrisyon.
C. Pagkaroon ng forest fires and heat waves sa mga kagubatan.
D. Pagkaparalisa ng transportasyon dahil sa mga pagbaha.
22. Ang magsasaka ay nahihirapan sa suplay ng tubig para sa kanilang
pananim dulot ng matinding tagtuyot.
Sa anong aspekto ng Climate Change nakaaapekto ito?
A. Epekto sa Kabuhayan
C. Epekto sa Kapaligiran
B. Epekto sa Kalusugan D. Epekto sa Pamahalaan
23. Paano magiging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna o
kalamidad?
A. Sa pamamagitan ng ulat panahon ng PAGASA.
B. Sa pamamagitan ng pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS.
C. Sa pamamagitan ng pakikinig at panunuod sa SOCIAL MEDIA.
D. Sa pamamagitan ng mahusay na plano ng DISASTER
MANAGEMENT.
24. Sa pagmimina, nanganganib ang kalusugan ng tao at ng iba pang
nilalang sa kagubatan dahil sa mga
kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na
mineral. Anong uri ng hazard ito?
A. Biological Hazard B.Human-Induced Hazard C. Natural
Hazard D. Physical Hazard
25. Anong uri ng kalamidad o sakuna ang pagputok ng bulkan at lindol?
A. Environmental Disaster B. Man-Made Disaster C. Natural Disaster
D. Technological Disaster
26. Kung ikaw ay bibigyang ng pagkakataon para ipahayag sa inyong
barangay ang iyong kamalayan
tungkol sa pagharap sa kalamidad. Ano ang gagawin mo bilang bahagi ng
lipunan?
A. Mag-imbita ng isang tagapagsalita na may alam tungkol sa
paghahanda sa tuwing may emerhensiya
o sakuna sa tulong ng inyong barangay kapitan.
B. Mag-upload ng video clips tungkol sa paghahanda sa kalamidad sa
social media gaya ng Facebook.
C. Mamigay ng pamplet tungkol sa “Do’s and Don’ts” Bago, Habang at
Pagkatapos ng kalamidad.
D. Gumawa ng isang plano at hakbang upang maiwasan ang mga
darating na sakuna.

27. Alin dito ang tumutukoy sa konseptong VULNERABILITY na may kaugnayan sa


Disaster Management System?
A. Kung ang bahay ay gawa sa matibay na materyales.
B. Kung ang pamayanan ay malapit sa dagat at sentro ng bagyo.
C. Kung hindi matanggap ng mamamayan ang nangyaring sakuna.
D. Kung bigo ang pamahalaan sa pagbibigay babala tungkol sa paparating
na kalamidad.
28. Tayong mga Pilipino ay may kakayahang tanggapin ang mga sakunang
dumarating sa ating buhay.
Anong kaugalian ang ipinapakita dito?
A. Hindi matitinag o Resilience B. Masayahin o Joyful C.
Matiisin o Patience D. Umaasa o Hopeful
29. Aling kaisipan ang tama sa tinatawag nating Philippine Disaster Risk
Reduction and Management
(PDRRM) Framework?
A. Pagharap sa kalamidad sa tuwing mararanasan ito.
B. Tungkulin ng pamahalaan ang Disaster Management.

Page 3 of 8
C. Isinusulong ang Community-Based Disaster Management Approach.
D. Ang mga NGOs ang siyang mamumuno sa pagbuo ng Disaster
Management Plan.
30. Ano ang tawag sa isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may
banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at
pagtataya ng mga risk na maaari
nilang maranasan?
A. Community Based-Disaster and Risk Management C. National Disaster
Risk Reduction and Management
B. Disaster Management D. Top-Down Approach
31. Paano nagkakaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management
Framework at ang Community-
Based Disaster Risk Management Approach?
A. Sa pamamagitan ng pagsulong ng NDRRMC sa Community Based-
Disaster and Risk Management
Approach na siyang bubuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran.
B. Sa pamamagitan ng pag-uugnay nila sa mga NGOs na siyang
mamumuno sa pagbuo ng Disaster Management Plan.
C. Sa pamamagitan ng pagsulong nila sa Top-Down Approach.
D. Lahat ng nabanggit ay tama
32. Anong konsepto ang naaayon sa Community Based-Disaster and Risk
Management kung saan nagsisimula sa
mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa
pagtukoy, pag-analisa,at paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa kanilang pamayanan?
A. Bottom-Up Approach B. Left-Right Approach C.
Top-Down Approach D. Up-Down Approach
33. Alin dito ang kalakasan ng Top-Down Approach na makatutulong sa
pagharap ng mga darating na sakuna?
A. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang
kaunlaran ng kanilang kumunidad.
B. Agad na natutulungan ng pamahalaan ang mga may malalaking
problema, tulad ng sa mga kalamidad.
C. Malawak na partisipasyon ng mamamayan sa komprehensibong pagplano.
D. Pagbuo ng mga hakbang na maayos sa disaster management plan.
34. Ano ang pagkakaiba ng top-down approach at bottom-up approach sa pagharap
ng suliraning pangkapaligiran?
A. Sa bottom-up approach ay nabibigyang pansin ang maliliit na detalye
na may kaugnayan sa mga kalamidad samantalang sa top-down approach
naman ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa
pagpaplano ay inaasa sa ahensya ng pamahalaan.
B. Sa bottom-up approach, ang mga mamamayan ay may kakayahang
simulan at panatilihin ang kaunlaran
ng kanilang komunidad katulad sa top-down approach.
C. Magkapareho ang katangian ang bottom-up approach at top-down
approach kasi pareho silang may bahagi sa disaster management system.
D. Lahat ng nabanggit ay MALI.
35. Ano ang magiging resulta kapag sumanib ang top-down approach at
bottom-up approach sa pagbuo ng
disaster risk reduction and management plan?
A. Matibay na plano at hakbang ng disaster management system.
B. Magkaroon ng malinaw na ideya tungkol sa dalawang approach.
C. Pagkakaisa ng dalawang approach para sa kaligtasan sa mga dumarating
na sakuna.
D. Magkaroon ng aktibong pakikilahok ang mga mamamayan sa mga gawain
ng pamahalaan at
inisyatibo na magplano para sa kaligtasan ng komunidad.
36. Anong angkop na approach ang pinakamahusay gamitin sa pagbuo ng
disaster management plan?

Page 4 of 8
A. Bottom-Up Approach C. Top-Down Approach
B. Integrasyon ng Dalawang Approach D. Wala sa kanila
37. Ano ang pinakasentro ng CBDRM Approach?
A. Aktibong partipasyon ng mga mamamayan upang magamit ang kanilang
kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan.
B. Pagkilala sa dalawang approach, ang Bottom-Up Approach at Top-Down
Approach
C. Pagtulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng kalamidad
D. Pagbuo ng mga proyekto ng NDRRMC
38. Paano magiging matagumpay ang CBDRM Approach?
A. Kung hindi tayo tutugon sa DRRM plan
B. Kung ang mamamayan ay may kamalayan sa DRRM plan
C. Kung ang mga mamamayan ay makikiisa sa mga plano ng pamahalaan
D. Kung magtutulungan ang pamahalaan, iba’t ibang sektor ng lipunan
tulad ng mga mamamayan, NGO,
at business sectors.
39. Ano ang tawag sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin
ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa
isang partikular na panahon?
A. Capacity Assessment B. Hazard Assessment C.
Risk Assessment D. Vulnerability Assessment 40. Ano ang tawag sa hakbang
na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan?
A. Disaster Preparedness B. Disaster Response C. Hazard Assessment
D. Vulnerability Assessment
41. Bakit mahalaga ang mga impormasyon na makukuha sa Vulnerability
Assessment?
A. Para maiwasan ang sakuna sa isang pamayanan.
B. Para mabatid ng mga mamamayan ang kanilang pagiging vulnerable sa
mga disaster.
C. Dahil ito ay isa sa mga gawain ng pamahalaan upang matugunan ang
suliranin sa mga kalamidad.
D. Dahil makatutulong ito sa pagbuo ng disaster risk reduction and
management plan ng isang pamayanan.
42. Anong uri ng migitation ang tawag sa ginawang plano at paghahanda ng
pamahalaan upang maging
ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hassard?
A. Action Mitigation B. Disaster Mitigation C. Non-Structural
Mitigation D. Structural Migitation
43. Ano ang tawag sa ikatlong yugto ng CBDRRM Plan na tumutukoy kung
gaano kalawak ang pinsalang dulot
ng isang kalamidad?
A. Disaster Preparedness B. Disaster Response C. Hazard Assessment
D. Vulnerability Assessment
44. Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ng sapat na impormasyon
at pang-unawa ang mga
mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng hazard at
kalamidad upang maihanda
sila sa mga posibleng epekto nito. Bilang isang mag-aaral,paano ka
makakatulong sa iyong kapwa batay sa
iyong kaalaman tungkol dito?
A. Pag-aralan nang mabuti ang hakbang ng Disaster Preparedness para maging
handa sa darating na kalamidad.
B. Gumawa ng malikhaing poster ad, maaari itong video presantation o flyers at
ipaalam ito.
C. Gumawa ng sariling disenyo ng Disaster MAnagement Plan at ipaskil sa bahay.
D. Lahat ng nabanggit ay TAMA.
45. Anong maaring gawin ng mag-aaral batay sa ika-apat na yugto ng CBDRRM
Plan, ang Disaster Rehabilitation and Recovery?

Page 5 of 8
A. Maging aktibo sa proyekto ng NGO o ang pamahalaan na humihikayat sa
kanilang partisipasyon upang
mamahagi ng relief goods o maging volunteer sa mga gawain para sa
rehabilitation at recovery.
B. Wala silang gagawin kasi ang mga gawain ay para lamang sa mga NGO tulad ng
Amity o Red Cross.
C. Magsasagawa ng pananaliksik at panayam ang mga mag-aaral.
D.Magbibigay ng malaking pera sa mga nasalanta ng kalamidad.

46.Nagpagawa si Ivan ng dike upang dahil laging umaapaw ang ilog malapit sa
kanilang bahay tuwing umuulan
ng malakas. Anong hakbang ang ginawa ni Ivan batay sa CBDRRM Plan?
A. Capacity Assessment B. Hazard Assesment C.
Non-Strutural Migitation D. Structural Migitation 47. Paano isinasagawa ng
NDRRMC ang kanyang tungkulin bilang sangay ng pamahalaan sa kasalukuyan?
A. Sa pamamagitan ng internet at text, nagbibigay babala habang nangyayari
ang sakuna.
B. Sa pamamagitan ng internet at text, naghahanda ng mga plano para sa
paparating na sakuna.
C. Sa pamamagitan ng internet at text, nagpapalabas ng maling babala bago
mangyari ang sakuna
D. Sa pamamagitan ng internet at text, nagpapalabas ng pinakasariwang
balita at babala tungkol sa kaganapang may kinalaman sa mga
sakuna.
48. Anong disiplina dapat magkaroon tayo upang maiwasan ang malaking
pinsala dulot ng kalamidad?
A. Maging mabait na mamamayan C. Maging mayabang na
mamamayan
B. Maging mapayapang mamamayan D. Maging responsableng
mamamayan
49. Bilang kasapi ng lipunan, bakit mahalagang maunawaan ang mga hakbang
at kahalagahan ng CBDRRM Plan?
A. Dahil maaari kang makatulong sa pagpapanatiling handa at ligtas ng
kanilang komunidad sa
panahon ng iba’t ibang kalamidad.
B. Dahil hindi natin alam kung kailan ang paparating na kalamidad kaya
kailang malaman natin ito
C. Dahil kailangan nating maunawaan ito para maging maayos ang buhay
D. Dahil mahalaga ito sa pang-araw-araw nating buhay
50. Sa pag-aaral mo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management Approach, alin dito
ang may tamang pagtugon sa mga hamong at suliraning pangkapaligiran?
A. Pagsulong sa Top-down Approach
B. Pagharap sa kalamidad sa tuwing mararanasan ito .
C. Tungkulin ng lahat ang paglutas sa Suliraning Pangkapaligiran
D. Sa pamahalaan nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging
disaster-resilient ang buong bansa

WAKAS
You are a citizen, and citizenship carries responsibilities.”

― Paul Collier

Page 6 of 8
ARALING PANLIPUNAN 10
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2019-2020
Talaan ng Ispisipikasyon

Pamantayang Pangnilalaman : Ang mga magaaral ay may pagunawa sa:mga sanhi at implikasyon ngmga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi na mgapagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.

Pamanatayan sa Pagtanggap : Ang mga mag-aaral ay:Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao

Pamantayan sa Pagkatuto No. Weigh Behavior and No. of Placement Items


of ts
Remem Underst Applyin Analyzi Evaulat Creatin Tota
Day
s bering anding g ng ing g l
30% 30% 15% 5% 5% 5%

1. Naatalakay ang katuturan 1 4% 1-(1. ) 1-(2.) 2


nglipunan at ang mga
bumubuo rito.
2. Nasusuri ang istrukturang 1 4% 1 (4.) 1 (3.) 2
panlipunan at ang mga
elemento nito

3. Nasusuri ang kultura bilang 2 8% 1 (10) 3 (6.,5.) 1(9) 4


mahalagang bahagi ng
pagaaral ng lipunan
4. Naipaliliwanag ang 1 4% 1 (8) 1(7) 2
pagkakaiba at pagkakatulad ng
mga isyung personal at isyung
panlipunan.
5.Nasusuri ang bahagi ng 1 4% 1 (12) 1 (11) 2
bawat isa sa pagtugon sa mga
isyu at hamong panlipunang
kinahaharap sa kasalukuyan

6. Natatalakay ang 2 8% 3 1 (15) 4


kasalukuyang kalagayang (13,14,
pangkapaligiran ng Pilipinas 16)
7. Nasusuri ang epekto ng mga 1 4% 1 (18) 1 (17) 2
suliraning pangkapaligiran

8.Natatalakay ang mga 1 4% 2 2


programa at pagkilos ng (19,20)
iba’t ibang sektor upang
pangalagaan ang kapaligiran
9. Natataya ang kalagayang 1 4% 2 (21, 2
pangkapaligiran ng 22)
Pilipinas batay sa epekto at
pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran
10. Naipaliliwanag ang 3 12% 1 (25) 2 1 (27) 1(28) 1 (26) 6
katangian ng top-down (23,24)
approach sa pagharap sa
suliraning pangkapaligiran
11.Nasusuri ang pagkakaiba 3 12% 2 1(32) 1(29) 2 6
ng top-down at bottom (30,33) (31,34)
up approach sa pagharap sa
suliraning pangkapaligiran

12. Nakabubuo ng konklusyon 1 4% 2 2


sa angkop na (35,36)
approach sa pagharap sa
suliraning pangkapaligiran

13. Nauunawaan ang mga 1 4% 1 (37) 1(38) 2


konsepto na may
kaugnayan sa pagsasagawa ng
CDRRM
Plan
14. Naipaliliwanag ang mga 1 4% 2(39,40 2
hakbang sa pagsasagawa )
ng CBDRRM Plan
15. Natutukoy ang mga 2 8% 2 1(41) 1 (44) 4
paghahandang nararapat (42,43)
gawin sa harap ng panganib na
dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran Page 7 of 8
16. Naisasagawa ang mga 1 4% 2 2
hakbang ng CBDRRM Plan (44,46)
17. Napahahalagahan ang 1 4% 2 2
pagkakaroon ng disiplina (47,48)
at kooperasyon sa pagharap sa
mga panganib na dulot ng mga
suliraning pangkapaligiran
18. Nasusuri ang kahalagahan 1 4% 2(49,50 2
ng )
Community-Based Disaster
Risk Reduction and
Management Approach sa
pagtugon sa mga hamon at
suliraning pangkapaligiran
TOTAL 100% 15 15 8 7 3 2 50

Susi sa Pagwawasto

1 B 26 A

2 B 27 B

3 B 28 A

4 C 29 C

5 A 30 A

6 D 31 A

7 B 32 A

8 C 33 B

9 B 34 A

10 B 35 D

11 A 36 B

12 D 37 A

13 B 38 D

14 D 39 B

15 B 40 A

16 A 41 D

17 A 42 C

18 B 43 B

19 B 44 B

20 B 45 A

21 B 46 D

22 A 47 D

23 D 48 D

24 B 49 A

25 C 50 C

Page 8 of 8

You might also like