You are on page 1of 25

Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Sa kasalukuyan, masasabi na unti-unting nagiging tagilid ang wikang Filipino pag dating

sa pagpili ng mga magulang ng pangunahing wika na itinuturo nila sa kanilang mga anak kung

buong bansa ang pag-uusapan. Alam nating lahat na ang Pilipinas ay binubuo ng maraming

kapuluan at ito rin ang dahilan kung bakit napakarami ng ating diyalekto, kaya naman hindi

maikakaila na ang nakagisnan na matutunan ng mga bata ay ang tradisyunal na wika o ang

partikular na diyalekto sa kanilang rehiyon na pinagmulan. Ito ay wala namang duda na

katanggap-tanggap sa lipunan sa kabuuan, ngunit masasabi na ito rin ang pangunahing dahilan

kung bakit mayroong dibisyon sa ating mga Pilipino pagdating sa pagkakaintindihan, gayon man

sa kultura. Dahil nga sa dibisyong ito, isinulong ang isang uri ng pambansang midyum para

maging susi sa pagkakaintindihan at pagkakaisa nating mga Pilipino, hindi lamang bilang isang

bansa, kung di bilang isang sambayan na iisa ang pagkakakilanlan. Ang pambansang midyum na

ito ay walang iba kung di ang ating wikang pambansa, ang wikang Filipino.

Ayon sa naisapublikong artikulo ng GMA News Online hinggil sa kasaysayan ng wikang

Filipino (2009) – Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon

ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng

mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa

sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong

Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa.

Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan


sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng

komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang

Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.

134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang

pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang

pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa." Noong 1940 ipinalabas ni

Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag

ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang

pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959

nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na

nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Sa 1973 Konstitusyon noong

kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon

2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at

pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang

Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Noong panahon naman ng

Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang

Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang

pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at

pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

Kaya kung iisipin, sa simula palang ay hindi na sana ganoon kalaking hadlang ang

natural na dibisyon nating mga Pilipino dahil mismo sa ating pambansang wika, ang wikang

Filipino na mas kilala bilang wikang “Tagalog”. Kung ang nasabing wika ay pinagtutuonan

lamang ng pansin o halaga, at patuloy na itinataguyod at itinuturo nating mga magulang sa ating
mga anak simula mismo sa ating indibiduwal na mga tahanan at hindi lamang hinahayaang

matutunan sa mga paaralan, masasabing makakamit ng wikang Filipino ang totoong kahulugan

nito bilang “National Language of the Philippines” kung saan isa sa mga layunin nito ay ang pag

isahin, o mapagkaisa ang ibat-ibang kapuluan at mga rehiyon sa ating bansa. Pero ito naman

kaya ay talagang binibigyan ng pansin at pinapahalagahan ng lahat ng mga magulang, lalo na sa

mga magiging magulang palang? Siguro ang sagot sa tanong na ito ay “Oo”, o siguro naman ay

“baka”, o di naman kaya ay “nakagisnan lang” kung ang pinag-uusapan ay ang mga rehiyon

kung saan Tagalog ang pangunahing salita o lingguwahe. Pero paano naman kaya ang mga

rehiyon sa Visayas at Mindanao kung saan hindi Tagalog ang opisyal na wika, partikular na sa

Cebu City?

Ipinaalala ni Reyno (2018) ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagtuturo sa mga bata.

Ayon sa kanya – Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit

ang wikang Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata

na magamit ito araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang

maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata

ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa

kanyang pakikipagtalastasan sa iba.

Ayon pa sa nasabing personalidad – “Ang isang batang matalas sa wikang Filipino ay

angat sa karaniwan. May kakayahan siyang makipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa.

Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang

magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako

kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan

ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at
magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang

magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura.

Nararapat lamang na matutuhan nila ito.” Si Reyno ay ang kasalukuyang Filipino Subject Area

Coordinator ng Ateneo Grade School.

Ngayon, kung isaalang-alang ng mga magulang sa Cebu City ang lahat ng mga maaring

kadahilanan o mga aspeto sa pagpili ng wikang ituturo sa kanilang mga anak simula sa murang

edad, ang wikang Filipino kaya ay magiging katanggap-tangap sa kanila bilang wika na dapat

ituro, bukod sa nakagisnang diyalekto, sa kani-kanilang mga supling na musmos sa halip na

banyagang wika, kagaya ng wikang Ingles? Mapatotohanan kaya ang naunang nabanggit na ang

kasalukuyang estado ng ating wikang pambansa ay patuloy na nagiging tagilid kung ikukumpara

sa ibang sikat na mga wikang banyaga?

Balangkas Konseptwal

Hindi lingig sa kaalaman nating lahat na ang ibat-ibang banyagang wika kagaya ng

wikang Koreano, wikang Hapon, wikang Pranses, o di naman kaya ay wikang Ingles, ay unti-

unting sumusikat at pinag-aaralan ng karamihan sa ating mga Pilipino dahil sa patuloy na

lumawak na impluwensya ng telebisyon o mga pelikula, o kaya naman ay sa kadahilanan na ang

mga ito ay nagiging kaagapay na sa ating patuloy na pag unlad, partikular na dito ang pag-

usbong ng turismo, at lalong-lalo na ang pag usbong ng ekonomiya ng bansa kung saan ang mga

nasabing wika ay ang pangunahing kasangkapan. Ang pinaka angkop na halimbawa nito ay ang

patuloy na pag unlad sa industriyang “BPO” sa Cebu City. Pangunahing pangangailangan ng

industriyang ito ang kasanayan sa wikang Ingles pagdating sa kabuuang lakas-paggawa.


Masasabing ang pag-unlad na ito mismo ay isa sa mga kadahilanan kung bakit naiiwan ang

wikang Filipino pagdating sa prayoridad ng mga magulang sa pagpili ng pangunahin o

pangalawang lingguwahe na ituturo sa kanilang mga anak. Gaano kayo ito ka totoo sa

kasalukuyan? Gaano ito ka totoo sa Cebu City na ang pangunahing wikang nakagisnan ay hindi

Tagalog kung di “Bisaya?”

Kinukonsider o isinasaalang-alang ng pag-aaral na ito ang konsepto nina Maglinao, Gura,

Manalo, at Lopez (2015) na nagsasabing:

Ang mga magulang ang tagahubog ng kakayahan at kagalingan ng mga anak. Sila ang

pangunahing nakakaimpluwensya sa mga gawi, pamamaraan at pananalita ng isang

indibiduwal. Sa lahat ng aspetong bumubuo sa pagkatao ng isang anak, ang mga

magulang ang nagsisilbing pundasyon at gabay lalo na sa larangan ng wika at

komunikasyon. Ang paraan ng pakikipag-usap at wikang gagamitin ay isang

napakahalagang pamanang maibibigay ng isang magulang sa kanyang anak. Sa

pakikipagsabayan sa modernong panahon ngayon, maraming pagbabago ang naganap. Isa

na rito ay ang midyum ng pakikipagtalastasan ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Mas pinipili nilang palakihin ang kanilang mga supling na mas kilala at bihasa sa wikang

Ingles at hindi sa wikang nakagisnan na ang wikang Filipino.

Malinaw na nailahad ng mga nabanggit na mananaliksik ang kaisipan na hatol sa

pagganap ng mga magulang bilang impluwensya sa kanilang mga anak, at gayunman ang

kaugnay na kapalaran ng wikang Filipino pagdating sa larangan ng wika at komunikasyon na

nagiging resulta sa nasabing impluwensya at pagpili. Idiniin nila na ang rason at ang awtput ng

pagtuturo ay tuwirang nakikita ng mga magulang mismo, kung gayon sila ang mga natatanging

may mataas na kwalipikasyon upang maka pag-ulat kung ano para sa kanila ang nararapat, ano
ang mga wikang pinagpilian, at ang buong katanggapan ng napili na wika na dapat ituro sa kani-

kanilang mga anak na paslit sa kasalukuyang lipunan. Dito natin maiiugnay o maikukumpara ang

kalagayan ng ating wikang Filipino sa kasalukuyan, at gayon man sa hinaharap.

Ang konseptwal na balangkas o “Conceptual Framework” ng pananaliksik o pag-aaral na

ito ay ginamitan ng “Input-Process-Output model” kung saan inilalahad ng Input Frame ang

propayl ng mga tagatugon tulad ng edad, kasarian, katayuan sa buhay, at Civil Status. Ang

kuwadra ng proseso naman o Process Frame ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng

mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon ng mga

nakalap na resulta. Ang Output frame o ang kuwadra ng kinalabasan ay sumasaklaw sa

implikasyon ng mga nakalap na datos at ang masasabing hatol o konklusyon ukol sa estado at

katanggapan ng wikang Filipino bilang wika na, bukod sa nakagisnang diyalekto, ay ituturo ng

mga magulang sa kanilang mga batang anak o paslit sa Cebu City.


Operasyonal na Balangkas

Ang balangkas ng pag-aaral na ito ay nagsasaad ng mga pamamaraan ng pananaliksik at

mga baryabol sa pag-aaral. Gagamitin ng mananaliksik ang balangkas na ito sa kabuuan ng pag-

aaral mula sa pagkukonsepto hanggang sa pagbuo ng kongklusyon. Ang proseso ng pag-aaral na

ito ay gagamit ng sarbey na pamamaraan ng pananaliksik at ito ay isasagawa sa napiling

tagatugon ng mananaliksik. Ibabatay ng mananaliksik ang pag-gawa ng mga pag-aaral sa

kraytirya o palatuntunin na nakasaad sa balangkas konseptwal at paradimo ng pag-aaral. Saka

lamang pag natapos maisagawa ng mananaliksik ang pagkalap ng datos mula sa mga

tagapagtugon ay magsasagawa na ito ng interpretasyon ng mga kuhang datos. Ang pamamaraan

ng pagsusuri ay gagawin ayon sa edad, kasarian, at katayuan sa buhay o pang araw-araw na

gawain, at Civil Status. Batay sa mga nasabing datos, doon makukuha at mabuo ang

kongklusyon sa pag-aaral na ito.

Sa pag-aaral na ito, susuriin ang ebalwasyon o sagot ng mga magulang ayon sa

sumusunod na mga paksa: Ang pagpili ng pangunahing wika, bukod sa nakagisnang diyalekto,

na dapat ituro sa mga anak; mga salik sa pagbuo ng desisyon kung ano ang wikang pipiliin; ang

kabuuang katanggapan ng wikang napili ng mga magulang sa Cebu City at ang mga implikasyon

at kaugnayan nito sa kasalukuyang estado ng ating wikang pambansa kung ihahambing sa mga

banyagang wika na napili ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

Paglalahad ng Suliranin

Naka sentro ang pag-aaral na ito sa ebalwasyon ng mga magulang at ang mga salik na

kanilang isinaalang-alang sa pagpili ng wika na itituro sa kanilang mga anak; ang kanilang mga
hakbang na ginagawa dahil sa pagnanais na maitaguyod ang kahusayan at ang kakayahan ng mga

bata na umangkop sa lipunan na kanilang ginagalawan sa kasalukuyan at sa pag dating ng araw.

Sa tiyakang pag-aaral, pagsisikapan ng pananaliksik na ito na sagutan ang sumusunod na mga

katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:

I.Magulang

i.Edad

ii.Kasarian

iii.Katayuan sa Buhay

iv.Civil Status

II.Magiging magulang pa lang

i.Edad

ii.Kasarian

iii.Katayuan sa Buhay

iv.Civil Status

2. Ano ang kinalabasan ng masinsinan na panayam sa mga piling respondente ayon

sa mga sumusunod na katanungan:

I.Ano ang wika na inyong pipiliin o napili na bilang pangunahin/pangalawang

wika para ituro sa inyong mga batang paslit, o sa mga magiging anak palang

bukod sa nakagisnang diyalekto sa Cebu City?

II.Ano-ano ang mga dahilan sa pagpili ng nabanggit na wika?

III.Ano para sa inyo ang katanggapan ng wikang Filipino pagdating sa pagpili ng

wika na ituturo, bukod sa diyalekto sa Cebu, sa inyong mga anak na paslit?


Saklaw at Limitasyon

May kahirapan ang pagkuha ng aktwal na sample na pwedeng kumatawan sa tigpo na

populasyon kaya ang pananaliksik na ito ay sumailalaim sa “Quantitative method” at ginamitan

ng "non-probability convenience sampling", kung saan ang mga respondente ay pinili ng

mananaliksik base sa “convenience” o kanyang kaginhawan.

Pagtutuonan ng pansin sa pag-aaral na ito ang “preference” o kagustuhan ng parehong

mga magulang at sa mga magiging magulang palang sa Cebu City pagdating sa pagpili ng

wikang ituturo, bukod sa nakagisnang diyalekto, sa kanilang mga kasalukuyan at magiging

supling.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito para malaman at mabatid kung ano ang mga karaniwang

dahilan o aspeto na umaambag sa pagpili ng parehong mga magulang at mga magiging magulang

ng wika na ituturo, bukod sa nakagisnang diyalekto, sa kanilang mga anak na may murang edad

at kung paano ito direktang nakakaapekto sa katanggapan ng wikang Filipino bilang

pangunahing wika kung ikukumpara sa mga sikat na banyagang wika na kagaya ng wikang

Ingles. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa kasalukuyang estado at katanggapan ng ating

pambansawang wika sa Cebu City, masinsinan na maipaparating sa mga magbabasa ang

katotohanan na patuloy na nanghihina at nanganganib na mabura ang wikang Filipino sa pang

araw-araw na buhay ng mga bata dito sa ating lugar. Dahil dito, may posibilidad na mahimok

ang mga magbabasa at mapukaw ang kanilang kamalayan tungkol sa kasaysayan at layunin ng

ating sariling wika.


Sa mga magulang. Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

magulang sa Cebu City, at maging sa ibang parte man ng bansa, upang sila ay mapa-alalahanan

sa tunay na kahalagahan ng wikang Filipino. Makakatulong ito para mai-tatak sa kani-kanilang

kamalayan na ang patuloy na pag-gamit sa banyagang wika ay hindi magiging solusyon para

mapabuti ang pag-aaral ng kanilang mga bata. Matutukoy sa pag-aaral na ito ang impluwensya

ng mga magulang sa mga gawi, pamamaraan at pananalita ng kanilang mga anak.

Sa lahat ng aspetong bumubuo sa pagkatao ng isang anak, ang mga magulang kasi ang

nagsisilbing pundasyon at gabay lalo na sa larangan ng wika at komunikasyon kaya tungkulin

nila na mabalanse at hindi magpag-iwanan ang kanilang mga supling pagdating sa wikang

Filipino na patuloy na itinuturo sa paaralan. Sana ang pag-aaral na ito ay magpapa-alala at

maging gabay sa kanilang pag hubog at paglinang sa kakayahan ng kanilang mga anak habang

maaga pa, upang hind maging mahina ang kanilang pang-unawa sa larangan ng Filipino.

Sa mga guro. Makakatulong ang pag-aaral na ito para lubusan nilang ma tantsa ang

kinalaglagyan ng ating sariling wika at kung paano ito unti-unting humihina at nawawala sa mga

probinsyang hindi Tagalog ang nakagisnan na lingguwahe. Sana ay maging inspirasyon nila ito

upang itaguyod ang muling pagyabungin ang wikang Filipino pagdating sa pagtuturo sa mga

batang mag-aaral upang patuloy na maging buhay ang ating sariling wika hanggang sa mga

susunod pang mga henerasyon.

Sa mga estudyante. Mahalaga ang pananaliksik na ito upang maipamulat sa mga mag-

aaral, sa elementarya man o sa mataas na antas, ang kahalagahan ng paglinang sa kanilang

kakayahan hindi lamang sa ating sarilang wika, kung di sa asignaturang Filipino sa kabuuan

dahil maaaring hindi sapat na matukoy at mapag-aralan lang ang ibat-ibang bahagi ng ating

pananalita. Sana epektibong maiparating ng pag-aaral na ito sa mga estudyanteng magbabasa na


mas magiging makabuluhan kung gagamitin ang ating sariling wika sa pakikipagtalastasan sa

iba, lalo na sa pakikipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa, sa ating mga kapwa Pilipino.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

salita ay binibigyang-katuturan:

Artikulo – Ang isang artikulo ay isang seksiyon na naglalaman ng impormasyon na

kalimitan ay makikita sa magasin, dyaryo, internet o kaya sa anumang uri ng publikasyon.

Balarila – Ang balarila ay isang agham na tumatalakay sa mga salita sa kanilang

pagkaka-ugnay-ugnay.

Banyaga – Ang kahulugan ng banyaga ay isang tao, bagay o kulturang hindi katutubo o

likas sa isang bansa o lugar.

Bisaya – Tumukoy sa wika ng mga taong nasa kapuluan ng Bisaya at Mindanaw. Ang

salitang bisaya ay nahahati pa sa ilang pangkat ng dialekto o kaurian nang pagbigkas gaya nang

Cebuano, Samar-leyte o waray, romblon, ilongo, karay-ah, bisaya nang bohol at iba pa. Dahil

dito binubuo ng maraming bilang nang tagapagsalita ang pagbigkas na ito, kaya lang ay hindi

isahang uri dahil sa mga pagbabago ng kaurian ng ilang salita at paraan nang pagbalanghay nito.

Ang Bisaya ay kapatid na pagbigkas ng Tagalog sa Luzon na may maraming pagkakatulad ng

mga salita.

Cebu City – Ang lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang

lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng Kalakhang Cebu. Matatagpuan ang Cebu sa silangan ng

Negros, sa kanluran ng mga pulo ng Leyte at Bohol.

Civil Status – Katayuang sibil; halimbawa: may asawa o walang asawa.


Diktador – Ang diktador ay isang tagamuno ng isang bansa o estado pag oras ng mga

malalaking pangyayari katulad ng digmaan. Madalas sila nakakakuha ng kapangyarihan sa

pamamagitan ng himagsikan, ngunit ang iba ay nagiging diktador sa paraan ng eleksiyon.

Diyalekto – Ang diyalekto ay isang natatanging uri ng wika na ginagamit sa isang

rehiyon o lugar. Ang mga ito ay magkakaiba sa punto, diin at pagbigkas depende sa rehiyon

kung saan ito ginagamit.

Ebalwasyon – Ang ebalwasyon ay ang proseso ng paghuhusga ng halagang naidulot ng

proyekto o programa kaugnay sa mga naplanong aktibidades at pangkalahatang layunin. Bahagi

ng ebalwasyon ang paghuhusga ng kahalagahan ng isang bagay, kaya naman ito ay naiiba sa

pagsubaybay (ang pagsubaybay ay pag-oobserba at pag-uulat ng oberbasyon).

Estado – Katayuan ng isang tao, bagay, o pangyayari.

Industriyang BPO – ay isang uri ng “outsourcing.” Ang outsourcing ay pagkuha ng

isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing

layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin

ang sa palagay nila ay higit na mahalaga. Ang BPO ay nangangahulugang Business Process

Outsourcing.

Kagawaran – Departamento o sangay ng pamahalaan.

Kalihim – Ang kalihim sa ingles ay secretary. Ito ay maaring pinuno ng kagawaran ng

departamento o opisyal ng kompanya, at iba pa.

Kautusang Tagapaganap – Tumutukoy sa mga batas o kautusan na inilalabas o

nilalagdaan ng ating pangulo.

Komite – Lupon o bahagi ng samahan na nilikha para gumanap ng partikular na gawain.


Komunikatibo – Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng

simbolikong “cues” na maaring berbal o di-berbal.

Konggreso – Ang Kongreso ng Pilipinas (Ingles: Congress of the Philippines) ay isang

pangunahing tagapaggawa ng batas ng Pilipinas. Isa itong bikameral na katawan na binubuo ng

mataas na kapulungan, ang Senado, at ang mababang kapulungan, ang Kapulungan ng mga

Kinatawan.

Kongklusyon – Ang katapusan ng isang proseso o isang pangyayari; ang sumaryo ng

mga argumento, pag-aaral, artikulo o teksto.

Konstitusyon – Ang konstitusyon o saligang batas ay isang pangkat ng mga prinsipyong

saligan o pundamental o nailunsad at naitatag na mga pamarisan na pinagbabatayan o

inaalinsunuran kung paano pinamamahalaan ang isang estado o iba pang organisasyon. Ang

pinagsama-samang mga alituntuning ito ang bumubuo (kaya't tinawag na "konstitusyon", mula

sa Ingles na constitute na may kahulugang "bumubuo") sa kung ano ang entidad). Kapag naisulat

na ang mga prinsipyong ito upang maging isang kalipunan o pangkat ng mga kasulatang

pambatas, ang mga dokumentong ito ay masasabing bumubuo ng isang "nasusulat" na saligang

batas.

Lingguwahe – Ang linggwahe o “language” ay salitang Kastila na tumutukoy sa wika.

Ito ay ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ang linggwahe o wika ay koleksyon ng tunog, simbolo

at kaugnay na bantas upang magpahayag ng kaisipan.

Midyum – Paraan o pamamaraan; paraan ng komunikasyon na ginagamit sa pakikipag

usap, pakikipagtalastasan, at iba pa.

Musmos – Ang musmos ay maaring sanggol, bata, inosente o wala pang muwang.

Nakagisnan – Kinalakihan o kinasanayan.


Non-probability convenience sampling – Uri ng sampling technique na ginagamit sa

estadistika o Statistics.

Pagkakakilanlan – Ang salitang pagkakakilanlan ay nangangahulugan na katangian.

Maaari itong gamitin sa isang bagay, tao, hayop, lugar, pangyayari, at iba pa. Nagagamit ito

upang malaman ang pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay. Gayundin nang sa gayon ay mas

madalian ang isa na matandaan ang isa pang bagay o iba pa.

Pananaliksik – Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong

impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng

kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa

pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa

pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon; Isang

prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan

(obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong

paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi

nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Quantitative method – nagbibigay diin sa mga sukat ng layunin at ang statistical,

matematika, o numerical analysis ng data na nakolekta sa pamamagitan ng mga botohan, mga

questionnaire, at mga survey, o sa pamamagitan ng pagmamanipula ng mga umiiral nang

statistical data gamit ang computational techniques. Nagtutuos ang dami ng pananaliksik sa pag-

iipon ng numerong datos at pangkalahatan sa mga grupo ng mga tao o upang ipaliwanag ang

isang partikular na kababalaghan.

Rebolusyonaryong Gobyerno – Ang pamahalaang rebolusyonaryo ay isang uri ng

pamahalaan na ang pangunahing prinsipyo ay para sa makabansang soberanya, batay sa


alituntuning batas at para sa kinikilalang demokrasya. Dito sa Pilipinas isang halimbawa nito ay

ang 1986 People Power na nagpatalsik sa sa dating pangulong Ferdinand Marcos at

pagkakabuwag ng kaniyang pamahalaang diktatoryal.

Rehiyon – Ang rehiyon ay isang salita o katawagang pangheograpiya na ginagamit sa

maraming kaparaanan sa iba't ibang mga uri ng heograpiya. Sa pangkalahatan, ang rehiyon ay

isang may hindi kalakihang sukat (midyum) na lugar o area ng lupa o tubig. Mas maliit ito kaysa

buong pook ng isang bagay (na maaaring, bilang halimbawa, ang daigdig, isang bansa, isang

sakop ng bundok, at iba pa). Mas malaki ito kaysa isang tiyak o espesipikong lokasyon.

Maaaring tanawin ang rehiyon bilang isang kalipunan o koleksiyon ng mas maliliit na mga bagay

(katulad ng mga estado ng Bagong Inglatera sa Estados Unidos) o bilang isang bahagi ng isang

mas malaking kabuuan (katulad ng "ang rehiyon ng Bagong Inglatera ng Estados Unidos").

Sample – Sampol; Kaunting bahagi ng kabuuan.

Sarbey – kagamitan na kadalasang ginagamit sa mga pananaliksik na naglalayong

makakuha ng mga impormasyon, partikular na ang bilang o dami ng mga tao sa isang partikular

na kondisyon.

Supling – Ang kahulugan ng Supling ay anak.

Surian – Tumutukoy sa Surian ng Wikang Pambansa ("National Language Institute", na

ngayon ay kilala na bilang Komisyon ng Wikang Filipino).

Talatinigan – Ang talatinigan o diksyonaryo ay isang aklat naglalaman ng mga salita at

mga kahulugan nito na nakaayos ayon sa pagkasunod-sunod ng titik sa Abakada o Alpabeto.

Tigpo – Ito ay nangangahulugan na “Target.”


Tradisyunal – Ang tradisyunal ay ang nakasanayang gawin ng mga tao na may

nakatakdang araw o petsa. Inuuri rin ang tradisyon batay sa ugali, nasyonalismo, kapaligiran at

iba pa.

Wikang Pranses – Ang Pranses (Pranses: français; Ingles: French) ay isang wika na

nagmula sa Pransiya. Noong 1999, ito ang wikang may ika-11 pinakamalaking bilang ng mga

tagapagsalita sa buong daigdig, sinasalita ng higit-kumulang na 77 milyong tao (tinatawag na

francophones) bilang inang wika, at 128 milyon na kinabibilangan ng mga tao na tinatanggap ito

bilang pangalawang wika.

Wikang Hapon – Ang wikang Hapones o wikang Hapon o wikang Niponggo o wikang

Nihonggo ay isang wikang sinasalita ng mahigit sa 130 milyong katao, karamihan sa bansang

Hapon at sa mga komunidad ng mga Hapones sa buong mundo.

Wikang Ingles – Ang Ingles ay isang wika na nagmula sa mga wikang Aleman na isang

sangay ng Indo-Europeong pamilya ng mga wika. May malaking populasyon ng mga nanalita ng

Ingles sa Estados Unidos, Nagkakaisang Kaharian, Canada, Australia, Bagong Selanda, Nigeria,

Irlanda, Pilipinas, Hong Kong, Singapore at ilan pang mga bansa. Dahil sa impluwensiya ng

Kaharian ng Britanya at Estados Unidos, naging lingua franca ito sa iba't ibang mga bansa. Ito'y

ginagamit pangkalawakan sa mga Komonwelt at mga internasyonal na mga organisasyon.

Tinatala na ang total ng mga nanalita ng Ingles bilang unang o ikalawang wika ay 500 milyon

hanggang 1.8 bilyon na katao.

Wikang Koreano – Ang Wikang Koreano ay ang opisyal na wika ng parehong Hilagang

Korea at Timog Korea. Ito rin ang isa sa dalawang opisyal na wika sa Nagsasariling

Prepekturang Koreano ng Yanbian sa Tsina.


Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, tinatalakay ang literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang mga literatura na may kaugnayan sa pag-aaral na kasalukuyang ginagawa ay hango

sa mga literaturang lokal, mga dayuhang artikulo at babasahing nasa internet.

Lokal na Literatura

Sa literaturang Filipino, ang pinag-uukulan ng punto ay ang kahalagahan ng ating sariling

wika sa ating kasaysayan, sa ating pagkakaisa, at sa ating pagkakakilanlan bilang isang bansang

may sariling kalayaan at kultura. Subalit mapapansin ang animo’y hindi maiiwasan na mga

talakayan tungkol sa unti-unting pagbabago ng ating pananaw ukol dito.

Nakasaad sa “Filipino o Ingles: Ano ang dapat na gamitin sa pagtuturo sa mga

paaralan?” na isang artikulo na naisapubliko ng GMA News (2017) na dalawang panukalang

batas ang nakabinbin ngayon sa Kamara de Representantes na naglalayong palakasin ang wikang

Ingles at gamitin ito bilang paraan sa pagtuturo. Pero tutol sa panukala ang Komisyon sa Wikang

Filipino dahil labag umano ito sa Saligang Batas at hindi maka-Pilipino. Ayon pa sa nasabing

artikulo, sa ilalim ng House Bill No. 5091 na inihain ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga

Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, nais ng mambabatas na mahasa at mapahusay pa ang kakayahan

ng mga mag-aaral sa pagsusulat at magsasalita ng dayuhang wika. Nais niya na gamitin ang
Ingles bilang pangunahing medium of instruction sa araling Ingles, Matematika at Agham simula

sa grade 3 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan. Samantalang wikang Filipino naman

ang gagamitin sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. Nais din ni Arroyo na hindi

bababa sa 70 porsiyento ng oras ng pagtuturo sa mga paaralan sa secondary level ay dapat

nakalaan sa paggamit ng wikang Ingles. May hiwalay ding panukalang batas [House Bill 5397]

na inihain si Parañaque City Rep. Eric Olivarez, para palakasin din ang paggamit ng Ingles sa

pagtuturo sa grade school, high school, college, at vocational education. Idinahilan niya na dapat

mapanatili at mapagbuti pa ng mga Pinoy ang husay sa dayuhang wika na halos ginagamit sa

buong mundo para sa pakikipagkalakalan at pagtatrabaho, lalo na sa mga malalaking industriya

tulad ng Business process outsourcing. Batay umano sa annual Business English Index (BEI)

noong 2012, isang pag-aaral na ginawa umano ng Global English, at tanging ang Pilipinas ang

nakakuha ng iskor na mataas sa 7.0 mula sa 76 bansa. "Young minds must be trained to be fluent

in the languege being used worldwide as this will serve as their stepping stone in a guaranteed

good career in the future," paliwanag ng mambabatas sa kaniyang panukala.

Pero pinabulaan ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na pinamumunuan ang

Pambasansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario. Ayon sa kanya, hindi naaayon sa

Saligang Batas ang mungkahi na dayuhang wika, sa halip na pambansang wikang Filipino, ang

gagamitin bilang pangunahing paraan sa pagtuturo. Sa position paper ng komisyon na inihanda

bilang pagtutol sa panukala ni Arroyo, sinabi na muli lang binuhay ng HB 5091 ang mga dati

nang panukala na inihain [tulad ng HB 8460 noong 2009], na Ingles ang gamitin sa pagtuturo

pero ibinasura na noon ng Senado. Idinagdag nito na nakasaad sa Saligang Batas na Filipino ang

wikang pambansa, at dapat itong linangin, payabungin at pagyamin.


Hindi maikakaila na mahirap hadlangan ang pagbabago. Kasabay ng modernisasyon sa

lipunan ay ang unti-unting pagbabago rin ng ating mga nakahiligan o "preference" at mga

pananaw sa mga bagay-bagay, kabilang na rito ang ating wikang pambansa. Ayon pa kay Mario

I. Miclat, Ph.D., (2015) sa kanyang naisapublikong artikulo na pinamagatang “Ang Kalagayan

ng Wikang Filipino sa Panahon Ngayon” – “Hindi ngayon lamang dekadang ito sumulpot ang

problema ng pambansang wika, o lingua franca, o wikang panlahat. Hindi noon lamang panahon

nina Quezon sa pamahalaang Commonwealth kalahating siglo ang nakararaan. Pinag-uusapan na

iyan kahit noong mahigit apat na raang taon na.” Ngunit kung matatandaan, ginawan ito ng

paraan nina Quezon kung saan ang kanilang pagsisikap at pagpupunyagi ay nag resulta mismo sa

pagkakasaad sa Saligang Batas na Filipino ang wikang pambansa, at dapat itong linangin,

payabungin at pagyamin.

Binanggit ni Cabrera (2009) na ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis tungo

sa pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang kaisipang ito mismo ay isinaad din ni Manuel Luis

Quezon na siyang tinagurian na Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang nanguna upang

pagbuklurin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng isang wikang matatawag na sariling atin.

Wikag kumakatawan sa lahat ng mga Pilipino. Ang nasabing wikang pambansa na nabuo ay

batay sa Tagalog sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nilagdaan niya noong

Disyembre 30, 1937.

Bakit Tagalog? Tagalog ang sinasalita ng higit na nakararaming Pilpino, lalo na sa

Maynila at karatig bayan, na sentro ng edukasyon, kalakal, hanapbuhay, pulitika, agham, at

industriya. Sa ganitong dahilan napagpasyahan ng lupon ng mga mananaliksik ng wika na ibatay

sa Tagalog ang wikang pambansa. Mabilis itong itinuro sa iba’t ibang paaralan sa bansa sa loob

ng 20 taon.
Ayon pa kay Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng buhay

natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa

nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang

kamtan ang kailangan natin.” Kasabay ng araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal

kabilang na ang mga pulitiko, propesyonal, at mga simpleng mamamayan ay nakakabit na sa

kanila ang paggamit ng wika sa tuwing makikisalamuha‟t makikipagtalastasan upang

kanilangmakamtan ang layunin sa lipunang ginagalawan. Pinapatunayan lamang nito na kapag

ginamit at pinapalaganap ang Wikang Filipino kasabay ng modernisasyon sa kasalukuyan ay

maipapalaganap din ang produkto, kultura, at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Ang wikang pambansa ay isang mahalagang instrumento sa pagkakaroon ng pambansang

pagkakaisa o nasyonalismo. Ang pagtatag ng isang pambansang wika ay isang simbolo ng

pagkakaroon ng iisang hangarin. Pinagtibayan ito nina Catacataca, Espiritu, at Villafuerte (2001)

na ayon pa sa kanila, lubhang importante ang adapsyon ng panlahat na pambansang wika

sapagkat ito ay makapangyarihang kasangkapan sa pagbuo ng pangkalahatang unawaan at

pagkikintal ng pambansang pagmamalaki ng sambayanan. Ang wika ay nakatali sa ating kultura.

Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ang wika ang

kasangkapan sa pagpapadaloy ng kultura, ang kultura naman ang humuhubog sa kung paano

gumagana ang wika sa tiyak na lipunan o pangkat- tao, atang wika naman ang lingguwistikong

sagisag ng mamamayang nagsasalita nito na nagbubuklod ng kalinangang pinagsasaluhan.

Pero sa makabagong panahon ngayon, isa sa mga salik na siyang nagiging dahilan sa

unti-unting pababago ng ating pananaw at pagpapahalaga sa ating sariling wika ay ang paglitaw

ng mga makabagong industriya na nagdudulot ng ng kaukolang pagbabago sa ating lipunan.


Dayuhang Literatura

Samantala sa mga artikulo ng mga dayuhan, nailathala ang mga sumusunod na mga

pananaw at kasaysayan hinggil sa ating wika:

There is more than one language in the Philippines, and there is no single

language that is spoken throughout the islands. (Tr. by Ramon Echevarria, Makati:

Historical Conservation Society of the Philippines, 1969). The languages most used, and

most widely spread, are the Tagal and the Bisayan… Of all these languages, it was the

Tagal which most pleased me and which I most admired… I found in this language four

qualities of the four greatest languages of the world… it has the abstruseness [depth] and

obscurity of the Hebrew; the articles and distinctions in proper as well as in common

nouns of the Greek; the fullness and elegance of the Latin; and the refinement, polish,

and courtesy of the Spanish. (Tr. by Frederic W. Morrison of Harvard University and

Emma Helen Blair, B&R,, Vol. 12, pp. 235-242).

Makikita ang paghanga ng mga nabanggit na mga dayuhang personalidad sa wikang

Tagalog kaya hindi mahirap na isipin kung bakit ito ang hinirang na ating wikang pambansa,

bagkus sa dami ng wikang ginagamit nating mga Pilipino.

Ayon naman sa "Tagalog: A History of the Language of the Philippines" (Living

Language, 2014):

There are more than 50 million speakers of Tagalog in the Philippines, mostly in

the southern parts of Luzon, the archipelago’s largest island. Other dialects spoken in the

Philippines include Cebuano, Ilokano, Waray-Waray, Hiligaynon, Pangasinan, Bikol,

Maranao, Maguindanao, Tausug, and Kapampangan, but the official language, Filipino,

is based on Tagalog. There are also significant numbers of Tagalog-speaking


communities in other countries, with the largest in the United States where it ranks as the

sixth most-spoken language.

Derived from “Taga-ilog,” which literally means “from the river,” Tagalog is an

Austronesian language belonging to the Malayo-Polynesian subfamily, with outside

influences from Malay and Chinese, and later from both Spanish and American English

through four centuries of colonial rule. This influence is seen in Tagalog words and their

spelling.

Tagalog had its own writing system based on an ancient script called the

Baybayin that uses a syllabic alphabet, which the Spanish colonialists romanized. Even

the modern alphabet has been changed several times to incorporate foreign sounds from

both Spanish and English.

There are thousands of loan words in Tagalog, particularly from Spanish, and the

use of “Taglish,” the mixing of Tagalog and English, is common, especially in urban

areas. In both spoken and written Tagalog, English words (sometimes spelled according

to their Tagalog pronunciation, oftentimes not) are used alongside words of Spanish

origin. Some of these borrowed words do have equivalent forms in Tagalog but their use

is reserved for formal or literary language. But many of these loan words do not have

Tagalog counterparts, especially those that refer to objects or concepts that did not exist

in the country prior to the arrival of Westerners.

However, in spite of all the foreign borrowings in Tagalog, the richness of the

language remains intact. Foreign words are not absorbed into the language without being

subjected to the complexity of Tagalog’s system of affixes—or syllables or letters fixed

within a word—which permits any noun to be turned into a verb and vice versa. If
language is the collective product of the genius of a people, as linguist Wilhelm

Humboldt put it, affixation is the genius of Tagalog and its challenge as well.

Pinaliwanag naman ni J. Nicole Stevens (1999) ang patuloy na epekto ng mga banyagang

wika sa ating wikang pambansa simula noon paman. Sabi nya:

During World War II, Japan occupied the Philippines for three years. At this time

English was still the official language of the Philippines, however, Japanese certainly

influenced the various dialects during this time as well.

Debates continued back and forth in America and in the Philippines as to whether

the official language of the country should be English or one of the other native

languages. It was part of the agreement of American occupation that in 1946, the

Philippines would become independent of the US again. At that time, Tagalog became

the official language of the Philippines, this change having been decided about ten years

later and having begun already to be implemented in the educational system.

Even though English is no longer the official language of the Philippines, it

continues to be taught today along with Tagalog in the public schools. Several English

words have also found their way into Tagalog and other Filipino languages, and are

simply conjugated and adjusted to fit the conventions of the languages into which they

are adapted. Some examples are the English word "transfer" which is used in some

languages to mean "move" (as in "magtransfer kami sa Maynila"–"we are moving to

Manila") and the English "adjust" which is used with the same meaning (as in "maaram

ko mag-adjust"–"I know how to adjust").


Additionally, the languages of the Philippines continue to borrow words from one

another. Since the languages come from a common root anyway, it is often hard to

distinguish which words are simply descended from the same roots and which have been

borrowed later from another Filipino language. Among both categories, these words do

not always have the same meanings in the different languages, in fact, one must be

careful not to make embarrassing errors!

Over the course of its development, Tagalog (and other languages of the

Philippines) have been influenced by Chinese, Japanese, Spanish, English, and many

other languages, in trade and in occupations by various countries. They have taken and

adapted words from all of these languages to make them part of their own languages.

They have, however, still maintained their own languages, and maintained separations

from one language to another.

Mga Kaugnay na pag-aaral

Ang pinakabagong pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik na ito ay

ang pag-aaral nina

Pananaliksik sa Pilipino 11

--------------------------------------------------------------------------------------------------

(https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan-ng-wikang-filipino/story/)

(https://pagpapanatilinggintongpamana.tumblr.com/post/130461289603/pagpapanatili-ng-gintong-

pamana-paano-kaya)
Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay limampu (50) na mga mamamayan sa Cebu City na

mga may edad dalawamput-lima (25) pataas.

http://www.pilipino-express.com/eh-kasi-pinoy/tampok-pinoy/538-tagalog-noon-ngayon-naman-

ay-filipino.html

https://ncca.gov.ph/about-ncca-3/subcommissions/subcommission-on-cultural-

disseminationscd/language-and-translation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-ngayon/

Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad by Pamfilo D. Catacataca, Clemencia C. Espiritu

Patrocinio V. Villafuerte

https://www.livinglanguage.com/blog/2014/11/25/tagalog-a-history-of-the-language-philippines/

http://linguistics.byu.edu/classes/Ling450ch/reports/filipino.html

You might also like