You are on page 1of 12

CITY SCHOOLS DIVION OF OMMARk

I
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon DATE & :
Rehiyon IV - A CALABARZON
Dibisyon ng Panlunsod na mga Paaralan ngDasm - S

PANDIBISYONG MEMORANDUM

Sa mga: Pangalawang Tagapamanihala ng mga Paaralan


Hepe ng Kurikuluml Hepe ng Pampaaralang Pamamahala
Tagamasid Pansangay /Tagamasid Pampurok
Pampublikong /Pampribadong Punong-guro ng Paaralang Elementarya at
Sekundarya
Dalubguro/Ulong-guro/ Susing-guro/Guro sa Elementarya at Sekundarya
Altematibong Pamamaraan sa Pagtuturo (ALS)

__j
at4A-2
Buhat kay: MANUOENTINO, E/
Tagapamanihala ng mga Paaralan

Paksa: PLYESA NG BALAGTASAN PARA SA PAGDIRI WANG NG


BUWAN NC WIKA

Petsa: 12 Hulyo, 2017

Ipinababatid ang piyesang gagamitin para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay ang


sumusunod:
Antas Elementarya," Pagbabago: Katuwang o Sagwil sa Kalikasan at Kaunlaran ng
Bayan";
2. Antas Sekundarya," Ang kasangkapan ng Bagong Henerasyon Saan Ka sa Darating
na Panahon?"

Kalakip nito ang sipi ng piyesa.

Hinihiling ang dagliang pagpaparating sa mga kinauukulan ng mga impormasyong


nakapaloob sa Memorandum na ito.
Antas Elementarya
Pagbabago: Katuwang o Sagwil sa Kalikasan at Kaunlaran ng Bayan?

Sinulat ni: Dr. Eulalia I. Marquez


PSDS, Cluster 1

Lakandiwa: Magandang araw p0 sa lahat ng mga naririto.


Kami'y nagpupugay tapat na sumasainyo
Bigyang daan natin ang dalawang nagtatalo
Sagwil nga ba sa kaunlaran at kalikasan itong mga pagbabago?

Ito pong inyong lakandiwa ang siyang naatasan


Na sa ating paksa ay siyang maging tagapamagitan
Pagbabago/teknolohiya nga ba'y sagwil sa kalikasan o katuwang sa
kaunlaran nitong ating bayan?

Masigabong palakpakan hiling ko sa madla


Balitaktakan at opinion ay magsipagsimula
Tingnan ang bawat panig limiin ang bawat salita
Pag- isipan ang tinig katwiran ay kanino nga?

Ang unang titindig at mangangatwiran


ang pagbabago claw ay sagwil sa kalikasan
teknolohiya umano ay di daan sa kaunlaran
pagkat pumapatay sa ating kalikasan.

Sagwil ang Pagbabago:

Sinasabi ko sa inyo, pagbabago'y sagwil sa kaIikasan


Usok ng sasakyan, pabrika at mga minahan.
Mga nuclear power at mga "atomic bomb"
Hindi ba't polusyon ang hatid sa bayan
silbing sandata nitong digmaan sa kasalukuyan?

Kung minsan, teknolohiyang celfon ang siyang dahilan


Mga "pin code" sa "atm" "call center" at mga "on line"
Naging daan sa kasawian ng ating mga kabataan
Makikipag "eye ball" lang daw ang tanging paalam
Di na muling nakabalik pa sa kanilang tahanan
Pagbabago sa kabihasnan pati ugali'y nakisabay
Halik na pagbati na dati'y mano p0 inay/itay
Ni ang po at opo sagot nang paggalang
Bihira na ngayon kaysa karaniwan.
lyan kuno ang uso pagbabago kung tagurian

Pagbabago katuwang sa kaunlaran:

Halal, usok agad ang pinagbintangan, mga pabrika at mga minahan?


Nakalimot ka na ba aking kaibigan na dito nanggaling inyong kabuhayan
Mula sa pagmimina ika'y nakapag-aaral, mabilis na biyahe dahil sa sasakyan.
Komunikasyon ay bumilis " maging nasan ka man?
Agad mong natatanggap, ang alawans na kailangan.

Maging sa pagkain , at mga gawain, lahat ay gumaan di maililihim


Nakakapagsaliksik gamit ang" Internet "modernization ay nasa paligid.
Teknolohiya'y gamit maging sa medisina agad nasisilip ibat-ibang sakit
Ultrasound, MRI , X'ray ,lazer at iba pa nakatutulong di mo ba nababatid?
Katwiran lamang aking nasasambit payo ko sa iyo ay mag-isip isip.

Huwag sagkaan mga pagbabago bagkus ay gamitin na katuwang ito.


Minahan nga ba ang problema o nasa nagpapatupad nito?
Katapatan, kaayusan ,malasakit sa kalikasan lyan ang tandaan mo
Magsaliksik ng pantulong upang mailigtas itong mundo.
Siyensiya at teknolohiya, daan ng ating pag asenso.

Dahil sa CCTV, nahuli ang mga criminal


May mga alarma sa ating tahanan
Gayundin naman sa mga seminar
Sa tulong ng 'power point" panayam ay gumaan
Ano pa ang nais aking kaibigan?
SagwiI ang Pagbabago:

Bakit di mo makita aking katwiran na ang pagbabagoy sagwil sa kalikasan?


Di mo ba nakikita mga kaganapan at mga pangyayari sa kapaligiran?
Wala nang respeto mga kabataan, di na nag uusap mag-anak sa tahanan
Internet/ facebook/ google /telebisyon/ at cellphone ang tangan
Lahat na binabago siyensya ang dahilan, mapa kalikasan pati kasarian.

Mga subdivision ang dulot ay baha at nauubos na, ang aning sagana
Lahat apektado ng mga pagbabago, panganib na dulot hindi alintana
Mga pagbabago mula sa teknolohiya, gayundin naman ang sanhi ng siyensiya
Kaunlaran nga bang matatawag kahit na ang kalikasan ay ma upasala?
Kalikasan ay igalang, 'wag pagsamantalahan ,maging Iigtas tayo lagi tuwina.

Pagbabago katuwang sa kaunlaran:

Magtanim ng halaman sa ating bakuran kahit na sa paso


Bulaklaking halamanan, mga gulay, maging mga puno
Magbanat ng buto, kilos na aking mga katoto
Teknolohiya,siyensya, kaunlaran man ang gusto
Pagbabagong may disiplina pagbabagong may puso

Kalikasan ay mahalin, huwag pagsamantalahan


Pagbabago'y sagwil sa kalikasan at kaunlaran
Kung pansarili ang hangad at hindi sa kalahatan
Baha at mga kalamidad, sanhi na rin ng kapabayaan
Makialam tayo dapat, pagkat atin din ang pakinabang.

Lakandiwa:

Ating narinig mga pinaghuhugutan, pagbabago; daan sa kaunlaran


Gayundin naman ang teknolohiya at pagbabago ; sagwil sa kalikasan
Timbangin: tama at mali ang bawat pananaw sino sa kanila ang may katwiran
Isaisahin ang mga aspeto; mula sa pagbabago dulot nga ba'y kaunlaran?
0 ang pagbabago ang sagabal upang mapagyaman itong kalikasan.
Gamitin ang teknolohiya sa pagpapaunlad ng kal;kasang mana
Kailangan ang disiplina sa sarili, pamayanari at pamilya
Magkatuwang na pagbabago ,kaunlarang sama-sama
Sundin ang batas na pinatutupad, iwasan ang pagmimina.
Sa halip ay pagyamanin at ipagmaaki sa mga turista

Pagbabago nga ba'y sagwil sa ating kaunlaran?


o sa ating kaunlaran pagbabago ang daan?
Sa ating narinig at mga napakinggan
Alin sa daiawa ang higit na matimbang
Kayo na ang humatoi kung sino ang may katwiran!
Antas Sekundarya
Ang kasanykapan ng Bagong Henerasyon Saan ka sa Darating
na Panahon?

Paksa: "Ang pamamahagi ng Condom sa mga pampublikong paara Ian"

PAN I MU LA

Lakandiwa- : Ako P0 ang lakandiwa na may matalas na dila


Inutusang pumagitna sa magaganap na hidwa
Atin pong matutunghayan, mahigpit na tunggalian
Habang ang mga ginoo, dito'y nagsisipaglaban
Hindi ako ang hahatol kaya huwag pong pupukol
Ayaw ko ni sa hinagap ng kahit anumang bubukol

Hindi biro ang humarap, sa ganitong kaasalan


Kaya dapat silang bigyan malakas na palakpakan
Ang taong may kabanalan o ang taong marunong claw
Ang tamang pangangatwiran sino ang mangingibabaw
Bibigyang linaw po nila, isyung napakainit pa
Pihadong matutuwa ka, lahing adan ngingisi na

Isang paalala lamang, bata't may murang isipan


Kayo po ay umuwi na, baka hmndi maibigan,
Mga maseselang bagay, baka nila'y masumpungan
Patnubay p0 ng magulang ang higit na kailangan
Sa Paksang pag-uusapan ang "Condom" sa paaralan
Ipapamamahagi na claw ang sagot sa kahirapan

Paniwalang kumokonti, moral na aral na bali


Sa kanila'y ngumingiti, liberal na piling pili
kilala si Magdalena, sa lipunang nagdurusa
kaysa kay Maria Clara, ngayon ay etsapuwera
huwag nang pakahabain tawagin ipakilala
Kayo po'y pumagit na labanan'y umpisahan na.

Konserbatibong: Sa aking makakalaban, panauhin sa tanghalan


Pananaw Sa ginoong lakandiwa huradong mangangasiwa
Kakayahang pinagpala, na malaki ang tiwala
Ako p0 ay natutuwa, higit na mananariwa
At makasama ko kayo, sa araw ng pagpapala
Isang magandang araw po, ang aking pagsisimula

Amin pong iginagalang, ang pangaral ng magulang


Dito ang salitang moral, ang pagtutumbas ay dangal
Dahil ang turo nila'y, nanatili sa isipan
Manatiling kabanalan lagi pong tinatandaan
Upang hindi malimutan, ang moral na iniingatan
Sabi ng aking inang, buhay mo katumbas niyan

Pahina 1
Pag-uusapang immoral ako po'y di makapabor
Lalo't ang kabataan po, siyang gamiting pang-arbor
Napakalupit naman pong, isakay sila sa bapor
Nang maruming kaisipan, nang mga taong diktador
Pahalagahan ang tugon sa naghihingalong nasyon
Hindi p0 sagot ang condom, paglobo ng populasyon

Malayang :Ang liberal ng lipurian, ang kabataang milenyal


Kaisipan Pagsaludo sa harapan, nang may pagbibigay galang
Sa Lakandiwang mararigal, huradong iginagalang
panauhin sa tanghalan, bisita't mga magulang
Aking pagbati sa inyo, ito'y tunay at totoo
Isang magandang araw p0, pati sa mga katoto

Sawang sawa na p0 ako, samu't saring karahasan


lyang usaping sekswal, bago pa ba sa lipunan?
May mas gagrabe pa ba dyan, sa digmaang nasaksihan.
Hindi p0 lingid sa lahat, maging musmos pa man iyan
Unti-unting nawawala, inosenteng kabataan
Di ba dapat ikatuwa, hindi na tayo mulala

Nais ko pong ipaglabari, ang aming karapatan


lyong may patas na laban, tulad ng wika ni Pacman
Pabor ako sa tinurari, dapat na pong ipaalam
Condom ipamamahagi sa maraming paaralan
Dito ay walang masama at makakatulong pa nga
Bakit nila haharangan? Imbes pasulong ay baba?

Lakandiwa : Tila may hugot sa dila, mukhang malalim ang hiwa


Nagpakilalang makata, mahusay at dalubhasa
Walang itulak ikabig, matatalas pa ang bibig
Muling pumagitna kayo, ipagtanggol kinabig nyo
Subukan talino't tatag ipamalas utak pantas
Huwag maging talipandas, hikayatin lahat itaas

Konserbatibong :Ako po ay hindi hangal, hindi tulad ng karibal


Pananaw Bulag sa katotohanan, mangmang pa sa kaalaman
Wala na ang kabanalan, sa plastik nating lipunan.
Nasaan na ang iyong D'yos, kamunduhan ang nilimos
Bakit sila papayagan mabuo sa kabataan
maging salot ng kamunduhan. alipin ng pag-uulayaw

Pahina 2
Balak pa ninyong ituro, pagsusuot niyan kamo
Gamitin ang paaralan. Sa makamundong kasalanan
Ano kayo mga hibang, Hindi ba't kabastusan yan
Ang imulat agad sila sa condom ng may kahalayan
Gusto mo sa paaralan unang ituro pa iyan
"Ito ang plastic na Iigtas ano ka tila si hudas?

Tawag ko sa bagay na yan ang supot ng kahalayan


Tayo pa ang magsasabi subukan masarap iyan
Kawawang bayan ni Juan at puro na kamunduhari
lyan ay tawag ng laman hindi tiyang kumakalam
Huwag ng ipamalita at sobrang nakakahiya
Pati itong mga bata condom na ang mapapala

Malayang : Pagha rap sa tanghalan at ipaglaban karapatan


Kaisipan Sa mahigpit na kalaban na udyok ng kabanalan
Subalit waldas naman P0 ang kanya ng kamalayan
Hindi porket protektahan bastusan na agad iyan
Ang wikang santo at banal ipamumukhang mo diyan
Laging wika'y kabanalan heto't madumi nfl naman

Agad ba ay kabastusan? Naisip ng kabataan


imumulat na sa mundo hindi p0 iyon ang gusto
Sabi nga nitong pilosopo si Confucious na totoo
"pag-iwas so anumang laban hindi isang karuwagan."
Tamang paggamit ng plastic upang hindi magkasakit
Aabusihin ang pilit dito'y laging ikakabit

Konserbatibong :Aba! Ginoong Liberal di tutugon sa tinuran.


Pananaw Hihikayat sa isipan sabihin mong ligtas iyan.
Nabasang pahayagan porsiyentong kaligtasan
Wala pong nakakaalam kahit pa dalubhasaan
Kung matapat at magalang hindi ka manghihinayang
Kaya ang condom na iyan pulutin nasa kangkungan

Condom na pinasisikat parang ginto ang pabalat


Bakit hindi maapuhap katotohanang mailap
Ginamit pa si confucious para maging "delicious"
kung nabubuhay pa iyan sigurado batok ka dyan
Bastos na pananalita mali ang binabalita
tong Katotong mayabang isip nama'y nahihibang

Pahina 3
Malayang :HalGinoong Konserbatibo, para kang isang tinidor
Kaisipan Kulang nalang ay burador sarap mo pong itirador
"Prevention is better than cure" hindi lumala para "pure"
Van sabi ng mga doktor hindi p0 sila impostor
Kaya sasabihin mo pa ako ay nagpapabida
Paano kung makahawa di wala ka ring kuwenta

Mahuhuli mo ang isda sa kanya ring bunganga


kung mabuti sa kapwa hindi ba't walang masama
Bakit ka papatianod sa sistemang inuuod
Marami na ang nakulong sundalong may isinulong
Hindi ba't walang nangyari kahit sino pang marunong
Propeta at astang kulapol dila'y nagkabuhol-buhol.

Konserbatibong :Huwag kang ham bog taong baog takot ba sa binhing hinog
Pananaw At kilabot na kilabot mga mata ay naglilibot
ang paglalagay ng supot sagot sa sa salitang limot
kay Adang takot na takot daig pa ang batang bubot.
At daig mo pa ang asong bahag sa takot ang buntot
Condom na pinapamulat sa matang mulat na mulat

Masayang napag-usapan pero kakadiri naman


Sapagkat isipin mo lang paano itatapon yan
Hindi iyan parang bulkan at sasabog kahit saan
Parang baha tuwing ulan hindi na mabilang- bilang
Pati ba ang paglilinis ipapakitang mabilis
Parang kape may 3 in 1 parang damit buy I take 1

Malayang Kaisipan :hmm, Ikaw ang tila bastos, propetang bintog na bintog,
Tiyang mong mukhang puputok. Banal ka at maka-Diyos
pero mali-mali naman depenisyon mo ng bastos.
Porke't don isinusuot mata agad ay malikot
Ganyan mong paniniwala bayan ni Juan'y mawawala
Kung nais mong mapahiya mag-isa kang tumihaya

Tingnan mo ang Amerika at bumantog sa kanila


Ang Condom sa kabataan di masamang kaasalan
Ito lang namang kalaban ang nagsasabing bastos yan
Paano ko to nalaman aba'y balitang malaman
Lahat ng dako ng bayan lto'y napag-uusapan
Kaya ba ay kabaliwan Kung ayaw mapag-iwanan

Pahina 4
Konserbatibong :Galing mong mag-Amerika bakit di ka dun tumira
Pananaw Dapat sayo sa Africa kulay ng balat itim pa
Akala ko'y makabayan namutawi'y kadakilaan
Sinabi'y mahal ang bayan kolonyalismo ba yan?
iyang supot na tinukoy sa ulo dapat matukoy
mukha ka namang siyokoy sa dagat dapat lumangoy

Lakandiwa: Sandali po at huminto pahayag tila na malayo


Balikan pinapaksa p0 huwag pong tayong lumayo.
Condom sa mga silid aralan ipapamahagi na claw
Ano P0 ang masasabi upang hindi magsisi
Turuan ang kabataan tiyak na kabanalan
0 buksan ang isipan Milenyal na kabataan

Muli nating balikan talas ng kanilang isipan


makatang nagtatagisan dunong at katalinuhan
humarap sa tanghalan buksan ang salitaan
Sa husay ng bigkasan sinong may maaasahan
Humanda p0 sa paglaban dito sa harapan
Muling tinatawagan umpisahan ang labanan

Malayang Kaisipan :Ako'y nababagabag pang-unawang libag


kalabang kong banal ang tunay na hangal
Batid na makapamuksa makontrol ang bansa
Hirap nang magsalita ivan ang pinapamalita
Maagang maging magulang kung hindi maiiwasan
Paggamit ng supot na lyan tanging laban ng bayan

Ako p0 ay sang-ayunan hangad mabuti sa bayan


Hindi dala'y kahalayan alisin ang kamang-mangan
lto'y tanging kailangan sa lumulobong lipunan
Huwag padalos-dalos kabayan pangakong kabanalan
Hindi matatapos diyan ang problema ng buntisan
Kaya atin pong sang-ayunan condom sa inang bayan

Konserbatibong Huwag pabubulag sa mabangong bulaklak


Pananaw Tinik sa mapupulang rosas mapagpanggap na mandurugas.
Ang nasyong inaaruga sa pagmamahal at pagkalinga
Hindi hihipo nang masama lalo't sa bayang dinakila
Kung makamundong talipapa sayo ay ipapasipa
sa mundong napadapa sa putik ng lupa

Pahina 5
Lurnaking pangaral ng magulang may paggalang kariino man
lyang supot na pinipithaya sino ba ang mapapahiya
Parang marurning lupa maputi sa sirnula putik ang mapipiga
Huwag kayong tutugon hangarin kayo ay magugumon
Mahalaga dangal ng nasyon hindi ng nayon

Malayang Kaisipan : Ginoong Makagumon ikaw ang pantasyang pulpol


hindi lahat kaharap santo't poon may nakalimutan ang labi noon
lahat may lihim iniipon Kaya ikaw rna'y patapon
Ginoo't makahatol para kang sobrang nilarnon
iyong bintang wala sa panahon tingnan mo ang kahapon
Hindi kami basahan kundi mga tao ring magagalang

Konserbatibong :Sa ginoong kalaban basehan ng busilak na kalooban


Pananaw Condom ipagamit na raw parang suntok sa kalabaw
Baka p0 nakakalimutan turo ng simbahan
Huwag pong gumamit niyan labag iyan sa kabanalan
Ang pagpatay ng tao hindi na ba mapipigalan
Sampung utos kasama yan inyo sanang balikan

Bakit ka maniniwala sa magaling mamula


Taong aligagang-aligaga maraming hiwaga
Pa rang Condom sa simula tila tayo'y mulala
May "flavor" at "coloring" parang celiphone may ring
Ano Ito pagkain? Sa darning maihahain
Maraming pagpipilian hindi alarn kung ilan

Lakandiwa : Sa makata'y walang itulak ikabig rnahirap masarnbit sa bibig


Tagisan sa balagtasan Pinoy champion kahit saan
lyan P0 ang inaasahan dito sa ating tanghalan
Subalit kailangan husgahan huling balitaktakan

Ginoong itataas ang morall o nagbibihis na lipunan


Hihilingan p0 sa dalawa tapusin na ang laban
sabihin sa madla ang huling salitaan
upang mahusgahan kung sino ang lamang
Ngayon po'y pumagitna sa huling labanan
Tapusin sa maganda ang pinagdedebatihan

Malayang Kaisipan : Condom hindi rnasarna kung gagamitin sa tama


Upang sakit hindi makatama makabuntis ay masama
Ating huwag kalimutan ang lurnolobong lipunan
Mahirap na nga ang bayan dadami pa si kabayan
Sa kabataang milenyal liberal na mamamayan
Tulungan natin ang bayan huwag nating pabayaan

Pahina 6
Konserbatibong :Akin ang condom na iyan hindi para sa murang isipan
Pananaw Imumulat lang natin sa mundong makasalanan
Usaping hindi pampaaralan huwag pong pabayaan
Ang kabataan lamunin ng maruming kasangkapan
Sa Liberal at mga taong modernong "caveman."
Gawaing nais tularan gawang taong "ape man"

Ang gawaing iyon ay banal regalong bigay ng Maykapal


Taong kanyang pinakamamahal handog na may dangal
kapag may "vendoo" na tindahan piso lang pwede kahit saan
Maging ito man ay hindi nila kasintahan nasaan dangal at kahihiyaan
Pilipinang pinepedestal kagaya ni Gat. Jose Rizal
Matapang at walang inuurungan ngayo'y didiligan

Bakit mo dudungisan ang pangalang ibinandila


Berdugo ka na nga yata nagaga lit parang bata
Huwag maibigay ang gusto mamato ng bato
Huwag maging pato lilipad kung kelan gusto
Kayo po ang humatol kung kayo ay papatol
Magiging "In" na ngayon condom na ang baon

Lakandiwa : Ating narinig huling sambit tagahatol ang maiipit


Sa hatol na sasapit tiyak mamimilipit
Kung hatol nasapit ang makatang sumabit
Mga pahayag na pitpit tulad ng ibong tiririt
Loob niya'y ipit hanggang huling sambit
Pahayag na maliit luha ang bitbit

Kailangan may tanghaling Panalo usaping sino ang tab


Ngunit ayon sa desisyon dilang kumati ngayon
Usiserong nagsipagmeron tengang nabusog ngayon
Ayon sa inampalan kayo claw ang magdesisyon
Sapag-uwi kayo'y lumingon sa condom ba'y babangon
balak ipamigay sa paaralan ituro sa kanilang leksyon
Ayaw nilang masisisi ang sibilisasyon manabo puro ekspekulasyon.

Inihanda at isinulat ni: G. Nino Fernando E. San Diego guro sa Congressional NHS

Pahina 7

You might also like