You are on page 1of 5

KABANATA I

ANG KALIGIRAN AT SULIRANIN NITO

1.1. PANIMULA

Ayon kay Agapito(2015) Ang teoryang romantisismo na nakabatay sa


kasaysayan at paghanga sa kagandahan ay nagpapakita ng
napakaraming pagbabago na naganap sa panitikan.Ito ay makikita sa
mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga awit at
korido na ang pinaka paksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at
prinsipe.Tumatalakay rin ito sa mga katutubong buhay sa malalayong
nayon. Nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Ang
damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap.
Nagbibigay ito ng patunay hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng
pagtakas sa katotohanan, heroismo at pantasya. Nagpapamalas ang
romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay
sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao,
paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal,
pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw
na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalaking nag-
aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at
kagandahan. nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.

May mga iba’t-ibang genre ang mga pelikula at ang genreng romansa
ang pinakatampok sa lahat. Ang a love so beautiful na
pinapangunahan ni Chen Xiaoxi at Jiang Chen ay nagmula sa
bansang Tsina ito’y pinangaasiwaan ni Yang Long na bumabase sa
isang nobelang To Our Pure Little Beauty Na isinulat ni Zhao
Qianqian. Ating tunghayan at alaamin kung bakit sinubaybayan at
kung paano nahuli ang interes ng mga manonood ng seryeng ito.

1|Pahina
1.2. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa pag baba ng tanong na nais solusyonan ay tatangkain na mabigyang-


kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-anong mga romantisismong eksena na naipakita sa Dramang a love so


beautiful?
2. Paano naakakapekto ang teoryaang romantisismo sa paghuli ng interes ng
mga manonood?

1.3. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito, ay kung ano-ano ang mga


romantisismong eksena na naipakita sa a love so beautiful at kung paano
nakakaapektot ang teoryang romantisismo sa naturang serye.

1. Maisa-isa ang mga romantisismong eksena na naipakita sa Dramang a love


so beautiful?
2. Masuri kung paano naakakapekto ang teoryang romantisismo sa paghuli ng
interes ng mga manonood.

1.4. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Malaman kung papaano na nakakaapekto ang teoryang romantisismo sa


paghuli ng interes ng mga manonood upang maipahiwatig natin kung gaano nga ba
nagbago ang paraan na ginagamit ng mga direktor o manunulat sa paggawa ng
isang drama serye sa paglipas ng panahon. Maipagkukumpara natin ang mga
mahahalagang impormasyon na nakuha natin mula rito at upang malaman kung ano
na nga ba ang interes ng mga manonood mapa bata man o matanda.

Ang sumusunod ang tiyak na kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral:

Para sa mga direktor : Itong pananaliksik na inilikha naming ay maari nilang


gamitin upang matatap ang adhikain ng mga manonood.

2|Pahina
Para sa mga manonood: Mas magiging malawak ang kaalaman ng mga
manonood na nagbasa ng pananaliksik na ito. Mas magiging mulat sila sa mga
pinapanood nilang mga drama serye.

Para sa mga mananaliksik: Lumalawak ang kaisipan ng mga mananaliksik dahil sa


walang humpay na pagbasa , nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng
interpretasyon. Lumalawak ang karanasan- napapalawak ang eksperyensya ng
isang manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha
sa pagkalap ng mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na
literatura. Nalilinang ang tiwala sa sarili- tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung
maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na isinagawa.
Nadaragdagan ang kaalaman- ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman
kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng
pananaliksik.Ito rin ay para makadiskubre ng bagong kaalaman. Mabatid ang lawak
ng kaalaman sa isang partikular na bagay.

1.5 . SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, kung Ano-anong mga romantisismong


eksena na naipakita sa Dramang a love so beautiful at kung paano naakakapekto
ang teoryaang romantisismo sa paghuli ng interes ng mga manonood. Mga palagay
ng mga manonood ukol sa kanilang dramang pinapanood at paanong paraan
naisasakatuparan ang teoryang romantisismo.

Isinasaalang-alang sa pananaliksik na ito ang pagsusuri sa paraan ng


pagpasok ng teoryang romantisismo sa mga drama serye . Gayundin ang
pagsasaaalang-alang sa kanilang mga opinyon, puna at mungkahina makatutulong
upang mapagtibay ang isinagawang salin. Hanggang dito lamang ang saklaw ng
pananaliksik na ito at hindi na masyadong palalawakin pa.
3|Pahina
1.6. KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN

Para makatulong na mabigyang linaw ang mga salitang ginamit sa


pananaliksik naito ay binigyang kahulugan ang mga sumusunod na katawagan.

Teoryang Romantisismo - ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.


Ang damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap.Nagpapakita
ang Romantisismo ng kahalagahan ng damdamin ng isang tao. Mas
pinapahalagahan pa ito kaysa mga gamit sa mundo. Anyo ito ng pag-iisip na
nagpapahalaga sa indibidwal, imahenasyon, orihinalidad, at perpeksiyon. Sa
romantisismo rin matatagpuan ang laging pag-aangat sa higit na mataas na antas o
nibel ang kaluluwa, pag-iisip, at moralidad.Umusbong ang Romantisismo sa Europa
noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang
klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin
at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan,
pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na
kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal,
pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan
at kahandaan magmahal sa babae/lalaking nag-aangkin ng kapuri-puri at
magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan. Ang namamayani sa pananaw
na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Pinaiiral dito ang sentimentalismo at
ideyalismo.Higit na pinahahalagahan dito ang damdamin kaysa idieyang siyentipiko.
Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral,intelektwaal at espiritwal.
Ang teoryang romantisismo ay karaniwang naglalarawan ng mga sitwasyong
nagaganap sa pangaraw-araw sa buhaay.Inaasahaang ang lahat ng tauhan ay
magiging huwaran,maharlika at pawangaa mabubuti ang inilalarawaaan.

4|Pahina
Drama - Ayon kay Elam (1980 ) Ang drama ay isang spesipikong moda ng
kathang-isip na kinakatawan ang pagkakaganap. Hango ito sa Griyego na
nangangahulugang "aksiyon" na hinango mula sa "gagawin" Ginaganap ang mga
drama sa iba't ibang media: teatro, radyo, pelikula, at telebisyon. Kadalasang may
kasamang musika at sayaw: inaawit sa buong katagalan ang drama sa opera;
kabilang sa mga musikal ang sinasalitang usapan (dialogue) at mga awitin; at ilang
mga anyo ng drama na may instrumentong musikal (halimbawa, melodrama at Nō
ng mga Hapon). Sa ilang panahon ng kasaysayan (ang lumang Romano at bagong
Romantiko), sinulat ang mga drama upang basahin sa halip na ginaganap sa
improvisation (pagsasagawa ng kusa), wala pa sa simula ang mga sandali ng
pagkakaganap ng drama; gumagawa ang mga gumaganap ng isang dramatikong
script ng kusa sa mga manonood.

5|Pahina

You might also like