You are on page 1of 23

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.6
Panitikan : Tulang Liriko - Pastoral
Teksto : “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa” (Tula mula sa Egypt)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Wika : Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin
(Padamdam na Pangungusap, Pahayag na Tiyakang
Nagpapadama ng Damdamin at Konstruksyong
Gramatika.)
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ie-f-65)


 Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at
kapanahunan ang persona sa tula.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ie-f-65)


 Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin
ay ipinararanas ng may akdasa pangunahing tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-Ie-f-64)


 Nabibigyang puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding damdamin.

PANONOOD (PD) (F10PD-Ie-f-64)


 Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng
ugnayan ng mga tauhan sa pwersa ng kalikasan.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ie-f-67)


 Nababasa nang paawit ang ilang piling saknong ng binasang tula.

PAGSULAT (PU) (F10PU-Ie-f-67)


 Nakasusulat ng tulang pandamdamin na nagpapahayag ng
positibong pananaw sa buhay sa likod ng pagiging masalimuot nito.
 Nagagamit ang angkop na paraan ng pagpapahayag ng damdamin
sa isang tula.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ie-f-60)


 Nagagamit ang angkop na mga paraan ng pagpapahayag ng
damdamin sa isang tula.

Unang Markahan| 101


TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-Ie-f-64)


 Natutukoy ang bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng
ugnayan ng mga tauhan sa pwersa ng kalikasan.

II. PAKSA

Panitikan : “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”


(Tulang Liriko - Pastoral - Egypt)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Istratehiya: VIDEO OF SPOKEN WORD POETRY


Pag-unawa sa mensahe ni Juan Miguel Severo sa kanyang
tulang "Ang Nag-iisa"

"Ang Nag-iisa"

Noong unang panahon


Noong ang mga bituin ay alitaptap pa lamang sa bukid
Ang araw ay namumuhay sa pagitan ng dalawang bundok
Ang buwan ay isang dalagang lagalag sa gubat
Minsang tumingala ang Nag-iisa sa langit
Umawit ng isang hiling kay Bathala
Baguhin ninyo ako

Unang Markahan| 102


Tanggalin ang kadena sa aking mga kamay
Ang bato sa aking mga paa
Bigyan ninyo ako ng gabing hindi kasing dilim
Ng umaga na hindi kasing ginaw
At sinagot sya ni Bathala:
Ibibigay ko sayo ang iyong hiling
Kung tatanggapin mo ang alok kong sugal
Kailangan mong languyin ang pinakamalalim na ilog ng lungkot
Kalaban ang pinakamatitinding alon ng pighati
At hindi ka dapat lumubog
Kaya't ang Nag-iisa ay lumusong sa tubig
Sinanay ang sarili sa hirap ng paghinga
Lumangoy patungo sa dalampasigan ng saya
At nang umahon sya mula sa kanyang sugal
Kasama nyang umahon ang pag-ibig - ang pagmamahal
Sa unang pagkakataon
Ang Nag-iisa ay Nag-mamahal
Magkasama nilang nilakbay ang bawat burol, lambak at talampas ng
maligaya
May pangako ng walang wakas
Pero nagbago ang anyo ng pag-ibig
Naging galit, pagod, sinungaling, mapagkimkim
Muling bumigat ang kamay at paa ng Nagmamahal
Kasabay nito ay ang pagdating ng isang napakalaking unos
Na nilunod ang lupa sa baha
At sa gitna ng napakalakas na ulan ay hindi na makilala ang mga nasalanta
At ng matapos ang sigwa, kasama ang puso sa nasalanta
Kasama ang pag-ibig sa nawala
Ang Nagmamahal ay muling Nag-iisa
Ang Nagmamahal ay muling Nag-iisa
Pero pagkatapos ng napakaraming gabi na kay dilim at ng umaga na kay
ginaw
Sa wakas, napangiti muli sya
Kinausap muli si Bathala, lulusong muli sa tubig
Susugal at susugal pa
Kinausap muli si Bathala, lulusong muli sa tubig
Susugal at susugal pa Dahil hindi ba't sapat na kabayaran ang sakit sa
pagmamahal?
Hindi ba't mas tinataya natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal?

https://www.youtube.com/watch?v=d8trTWzs7BM

Unang Markahan| 103


Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PICK YOUR QUESTION
a. Tukuyin ang pagsubok na pinagdaanan ng isang taong ibig matupad
ang kahilingan.
b. Ilarawan ang una at ikalawang bahagi ng damdaming naranasan ng
persona sa tula?
c. Bigyang pansin ang estilo ng may akda. Paano sinimulan ni Juan
Miguel Severo ang kanyang tula?

2. Pokus na Tanong

a. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga


taga - Ehipto?
b. Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?
c. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga
taga - Ehipto?
3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: PREZI MUNA


Pag-unawa sa impormasyon mula sa presentasyong prezi.

. Panitikan at Tula mula sa Ehipto


ni Bernadette Morales
https://prezi.com/bsbcgc3e0z10/panitikan-at-tula-mula-sa-egpyt/

Gawain:
Mungkahing Estratehiya: PIN THE WORDS
Bawat pangkat ay magkakaroon ng representante upang
iangkop ang metacard sa mga larawan.

Book of the dead Amduat Utterance


Coffin text s Bull of Heaven

1. 2.

3. 4.

Unang Markahan| 104


Angkop na kasagutan:

1. Book of the dead 2. Coffin text


3. Utterance 5. Bull of Heaven

ANALISIS

1. Paano napatunayan na ang mga taga Ehipto noong una pa lamang ay


may interes na sa pagsulat ng tula?
2. Saan kalimitang ipinatutungkol ang mga naukit na tula?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

Unang Markahan| 105


B. Elehiya
C. Soneto
D.Oda
E. Awit
F. Dalit

Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015


nina Vilma C. Ambat et.al. pahina 87-89
http://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ang-tinig-ng-ligaw-na-gansa
http://tagaloglang.com/ano-ang-tulang-liriko/
http://tulangliriko.blogspot.com/

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: BUUIN MO


Bumuo ng konsepto ng araling tinalakay gamit ang mga gabay na
ideya.
Tulang Pastoral

Simpleng paraan ng Gumagamit ng mga


pamumuhay simbolo kaugnay ang
kalikasan

Ugnayan ng persona sa Uri at Elementong Tula


kalikasan

Pagpapaha-
laga sa
buhay

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: HUGOT LINES

Bumuo ng isang saknong ng tula na maglalaman ng sariling


karanasan, nabasa o narinig na nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa
pwersa ng kalikasan.

Unang Markahan| 106


IV. Kasunduan

1. Magsaliksik ng iba pang tula mula sa Pilipinas na tiyakang


nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan.
2. Basahin nang may pag-unawa ang akdang
“Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”
3. Paano nasasalamin sa tula ang kultura ng Egypt?

Unang Markahan| 107


LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ie-f-65


 Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at
kapanahunan ang persona sa tula.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ie-f-65)


 Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin
ay ipinararanas ng may akda sa pangunahing tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-Ie-f-64)


 Nabibigyang puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding damdamin.

II. PAKSA

Panitikan : (Tulang Liriko - Pastoral - Egypt)


Teksto : “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Wika : Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at
Saloobin (Padamdam na Pangungusap, Pahayag
na Tiyakang Nagpapadama ng Damdamin at
Konstruksyong Gramatika.)
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: ISHARE SA SOCIAL MEDIA

“BAYANI NG BUKID”
Isa-isahin ang masasalaming kultura mula sa tula at patunayan kung
bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at kapanahunan ang persona ng
tula.

Unang Markahan| 108


Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: FISHBONE TECHNIQUE
a. Ilahad ang damdaming nangibabaw sa awit.
b. Sa iyong palagay makatotohanan ba ang inilalahad ng kompositor/liriko
sa mensahe ng awit? Patunayan.

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: SINE MINUTE!


Pagpapanood ng videoclip ng aralin mula sa youtube.

“Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
https://www.youtube.com/watch?v=jM_Y1RqhWhk

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE BALL
a. Sino ang persona o nagsasalita sa tula?
b. Ibahagi ang nabuong kaisipan matapos mapanood ang videoclip ng
tula.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: SQUEEZE A MINUTE


Piliin mula sa talaan ang mga salitang may pagkakatulad ng
kahulugan sa mga salitang nasa loob ng kahon.

nakulong naloko mailap kawala


pain mahirap hulihin silo bilanggo
takas preso pugante nabihag

alpas

Ligaw na
gansa

bihag

bitag

Unang Markahan| 109


Pangkat II: Mungkahing Istratehiya: T - CHART
Suriin ang mga simbolong ginamit sa tula at ipaliwanag ang
kahulugan nito. Tukuyin ang suliraning ipinaranas ng may akda sa
pangunahing tauhan.
Tinig ng Ligaw
na Gansa

Simbolismo Kahulugan

pain

Ligaw na
Gansa

bihag

Pangkat III: Mungkahing Istratehiya: VIDEOKE TAYO


Bigyang puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpalutang
ng matinding damdamin
“Ikaw” ni Yeng Contantino
hhttps://www.youtube.com/watch?v=itAFdkIlFNo

Pangkat IV: Mungkahing Istratehiya: COMPARE AND CONTRAST


Paano nagkakatulad at nagkaiba ayon sa kayarian ang dalawang tula?
Ang Tinig ng Ligaw Kayarian Bayani ng Bukid
na Gansa
Pagkakatulad
a. sukat
b. tugma
c. talinghaga
d. kariktan
Pagkakaiba
a. sukat
b. tugma
c. talinghaga
d. kariktan

Unang Markahan| 110


Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
May mga
Ang mga inilahad ay
datos /gawain
datos/gawain ay Angkop ang higit na
Kaangkupan sa na hindi
inilahad ay datos /gawaing nangangaila-
Task/Layunin gaanong
nagpapakikita ng inilahad. ngan ng
nagpapakita ng
kaangkupan . kaangkupan
kaangkupan.
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
miyembro ng
Ang lahat ng
pangkat ay
miyembro ng
walang
pangkat ay Dalawa sa
disiplina. Hindi
nagkakaisa at may May pagkakaisa miyembro ng
maayos ang
respeto sa isa’t at pangkat ay hindi
presentasyon.
isa. pagtutulungan maayos na
Nangangaila-
Napakaayos ng ang bawat nakikilahok sa
ngan ng
Kooperasyon kanilang miyembro. gawain.Maayos
disiplina at
ipinakitang Maayos ang ang ipinakita
respeto sa
presentasyon dahil ipinakitang nilang
bawat
lahat ng miyembro presentasyon ng presentasyon at
isa.Kailangan
ay kumikilos sa bawat isa. may respesto
lahat ng
gawaing sa bawat isa.
miyembro ay
nakaatang sa
nakikipagtulu-
bawat isa.
ngan sa
gawain.
Malikhain at
Napakamalikhain
mahusay ang Walang buhay
at napakahusay ng Maayos na
pagpapalutang ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa napalutang ang
sa nais pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na ideya na nais
ipabatid na ng mensahe /
mensahe/ ipabatid.
mensahe/ ideya.
impormasyon
impormasyon.
 Pagtatanghal ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

Unang Markahan| 111


ANALISIS

1. Sa iyong palagay, bakit kaya ang mga damdaming nakapaloob sa


isang akda ay kailangang iparanas sa tauhan ng tula/mambabasa?
2. Paano naging mabisa ang paggamit ng mga simbolo sa pagpapalutang
ng damdamin ng tula?
3. Paano nagkaiba at nagkatulad ang mensahe ng tula mula sa Ehipto at
Pilipinas?
4. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Mga Paraan sa Pagsulat/Pagpapalutang sa Kariktan ng Tula

1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng


mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na
mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa
rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinulat. Nagiging
bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw
tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang
Karanasan, mga namasid niya o bunga lamang ng kanyang makulay na
imahinasyon.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa
kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang
pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay at matatalinghagang
pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan
ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula kung ipinakikita
at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe
ng kanyang akda hindi lamang niya ito sinasabi.
http://tulangliriko.blogspot.com/

Ang “Tinig ng Ligaw na Gansa” ng Ehipto at “Bayani ng Bukid” ng


Pilipinas ay magkaparehong isang tulang lirikong pastoral. Ang dalawang
tula ay magkatulad din ng paksa. Inilalarawan ng dalawang tula ang
komplikasyon ng buhay at simpleng buhay. Ngunit ang dalawang tula ay
magkaiba sa ilang elemento tulad ng pagkakasintunugan ng mga salita sa
huling pantig ng bawat taludtod ( tugma), bilang ng pantig sa bawat
taludtod (sukat) at naitatagong kahulugan sa salita o pahayag ( talinghaga).
Magkaiba din ang dalawa sa kariktan nito. Magkaiba ang impresyon na
nakakintal sa isipan ng mambabasa.
https://brainly.ph/question/194840

Unang Markahan| 112


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: POST IT ON THE WALL!

Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga


taga - Ehipto?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: SABAYANG PAGBIGKAS

Bumuo ng isang simpleng tula na tutukoy sa pagiging bayani sa


kanilang lugar

4. Ebalwasyon

Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan sa bawat bilang.

Ang galit ay ang apoy na sumusunog sa aking puso.


Simula ng bawiin ang suhay ng aking buhay halos hindi ko na
maihakbang ang aking mga paa patungo sa parang na dati ay
kandungan ng aking kabuhayan.
Subalit ang panahon ang naging daan upang ang
sinisikil na galit ay mapaglabanan, upang ang mga
inspirasyong nabalam ay lingunin at muling magbungkal.
Makapagbinhi man ng suhay hindi para sa sarili kundi sa
bayan.
ni Gemma A. Montalbo

1. Tukuyin ang suliraning inilahad sa sitwasyon.


a. Kaibigan b. Minamahal c. Magulang

2. Bakit itinuturing na bayani ang persona sa tula?


a. Matatag b. May pagtanggap c. Responsible

Panuto: Piliin sa kahon ang ang angkop na kasagutan. (3-4)


a. mapagbigay c. ikinabubuhay
b. Hindi tunay ang kalayaan d. minamahal

3. Ang galit ay ang apoy na sumusunog sa aking puso. Simula ng


bawiin ang suhay ng aking buhay

Unang Markahan| 113


4. patungo sa parang na dati ay kandungan ng aking kaligayahan.

Panuto: Piliin ang diwang ipinahihiwatig ng taludtod ng tula. Letra


lamang ang isusulat
5. Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi?
Ang mata mo’y nakadilat at bulag na di mawari
a. hindi tunay ang kalayaan
b. walang karapatang magsalita
c. namamanhid sa pagkukunwari
d. walang karapatang makapagpahayag

Susi sa Pagwawasto:

1. B 2. B 3. D 4. C 5. A

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan

1. Magsaliksik ng iba pang tulang pastoral mula sa Egypt at suriin ang


damdaming nakapaloob dito.
2. Basahin at unawain ang mensaheng akdang “Republikang
Basahan” ni Teodoro Agoncillo.
3. Ano-anong damdamin ang makikita sa nasabing tula. Bigyang
patunay.
4. Magdala ng mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang emosyon.

Unang Markahan| 114


PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ie-f-60)


 Nagagamit ang angkop na mga paraan ng pagpapahayag ng
damdamin sa isang tula.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ie-f-67)


 Nababasa nang paawit ang ilang piling saknong ng binasang akda.

II. PAKSA

Wika : Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at


Saloobin
(Padamdam na Pangungusap, Pahayag na
Tiyakang Nagpapadama ng
Damdamin at Konstruksyong Gramatika.)
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na
biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: IARTE MO!


Sa pamamagitan ng larawan, iaarte ang sumusunod na sitwasyon
kaugnay sa emosyon sa larawan. Bawat pangkat ay magkakaroon ng
representante upang isagawa ang gawain.
1. Taong lihim na hinahangaan
2. Kakilalang may mabigat na suliranin
3. Taong nais hingan ng paumanhin
4. Kaklase na hinahangaan mo dahil sa kanyang kabutihan

Unang Markahan| 115


Gabay sa Pag-unawa:
Mungkahing Estratehiya: DRAWLOTS
1. Isa-isahin ang mga emosyong ipinamalas ng mga piling mag-
aaral.Iugnay ang mga ipinamalas sa gawain sa kabuuang emosyon
na dapat taglayin ng isang tula.
2. Bakit nararapat na magtaglay at magbagi ng damdamin ang
isang tula sa mambabasa?

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: SCENE MO ‘TO!


IPagpapabasa ng Tulang “Republikang Basahan”
(Pagbasa nang paawit) Papangkat
Republikang Basahan
Ni Teodoro Agoncillo
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
pahina 258

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION
a. Bakit hindi tunay ang pagkamit ng kalayaan ng bansa ayon sa may-
akda?
b. Paano makakamit ang tunay na kalayaan ayon sa tula?
c. Paano ipinahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa tula?

Gawain:
Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag ang
ginamit sa bawat pangungusap.

Paraan ng
Pangungusap Damdamin Pagpapahayag

1. Humimbing kang mapayapa,


mabuhay kang nangangarap

2. Kalayaan! Malaya ka, oo na nga,


bakit hindi?
Sa patak ng iyong luha’y malaya
kang mamighati!

Unang Markahan| 116


3. Ang buhay mo’y walang patid na
hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan
mong dumarating!

4. Ang galing-galing mong magsaulo


ng tula.

5. Ang husay ng mga taga-Egypt sa


kanilang sining, di ba?

6. Talagang galit na galit ang makata


nang isulat niya ang tula.

7. Wala na tayong pag-asa kung


patuloy tayong magpapaalipin.

8. Sobrang sipag ng mga magsasaka


sa ating bansa!

9. Wow! May pag-asa pa tayong


umunlad!
10. Pasensiya na,wala na akong
magagawa.

ANALISIS

1. Paano nagiging makulay/mabisa ang alinmang akdang pampanitikan?


2. Bilang isang mag-aaral sa panitikan, paano mo higit na bibigyang kulay
ang mga tulang susulatin mo?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

DAGDAG KAALAMAN-(FOR YOUR I N F O R M A T I O N)

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Pagsasalaysay

Alam mo ba na... ang wika ay hindi lamang instrumento sa


pagpapahayag ng kaisipan kundi ng saloobin,gawi, at paniniwala? Sa
pamamagitan nito’y naipahahayag natin ang nadarama natin sa ating kapwa.
Pagpapahayag ng Emosyon
Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa
wikang Filipino, kabilang ang sumusunod:

Unang Markahan| 117


1. Isang paraan ang paggamit ng padamdam na pangungusap na may
natatanging gamit: ang pagpapahayag ng matinding damdamin. Tulad ng
sumusunod na mapapansin ang bantas na padamdam (!) na hudyat ng
matinding damdamin sa pasulat na rehistro, pati na ang pananong(?) na
ginagamit ding hudyat sa ilang matinding damdamin:
2.
a) Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo.Naks! Ganda! Bilib ako!
b) Pagkagulat: Ha? Nakakahiya.Inay! Naku po!
c) Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako, Yehey! Yipee!
d) Pag-asa: Harinawa, Sana sumama ka sa group study namin.
e) Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako! Kakainis!

Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa


emosyong nadarama. Gaya nito:
a) Paghanga: Wow, ang ganda n’yan, a!
b) Pagkagulat: O, ikaw pala!
c) Pagkalungkot: Naku, kawawa naman siya!
d) Pagtataka: Siyanga? Totoo bang sinabi mo?
e) Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommmy.
f) Pagkagalit/ Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka!
g) Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka na!

2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang nagpadama


ng damdamin at/ o saloobin ng nagsasalita. Gayon man, mahuhulaang hindi
masyadong matindi ang damdaming inihahayag sa ganitong paraan.
Pansinin ding ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag, bagama’t maaari
ring gamitan ng padamdam ang bawat isa upang makapaghudyat ng
mas matinding damdamin.
a) Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa paligsahan.
b) Pagkasiya: Mabuti naman at narito na kayo.
c) Pagtataka: Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang
balitang iyan.
d) Pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang kinalabasan ng pagsusulit.
3. Maihahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng sumusunod na

karaniwang binubuo ng pariralang nominal o adjectival.


a) Ang ganda ng tulang iyan!
b) Nakakapanggigil talaga ang alaga mong aso!
c) Ang ilap ng gansa!

 Paggamit ng mga ekspresiyong karaniwang nagpapahiwatig ng antas ng


kasukdulan o kasobrahan.
a) Napakakulit ng lalaking mangingibig!
b) Sobrang bait ng mag-aaral.
c) Ang ganda-ganda niya!
d) Talagang gulat na gulat si Arvyl.

Unang Markahan| 118


 Paggamit ng negatibong ekspresiyon na binibigyang-diin kapag
binibigkas, kasama ang ano man, sino man, saan man at iba pa.
a) Wala kang maaasahang ano man sa kaniya.
b) Hindi matatalo ng sino man ang marunong manuyo.
c) Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa akin.

 Paggamit ng mga tanong na retorikal ( Patayutay na pagtatanong upang


bigyang diin ang isang kaisipan. Ito ay tanong na hindi sinasagot
sapagkat lantad na)

a) Ang ganda ng ginawa nila, di ba? (Napakaganda ng ginawa nila!)


b) Dahilan ba iyan para malungkot ka? (Hindi iyan sapat na dahilan
para malungkot ka!)
c) Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi? (Hindi, sapagkat
nakasusi ang bibig)
d) Anong diperensya noon? (Wala iyong diperensya)
e) Sino ang hindi nakaalam niyan? (Alam iyan ng lahat)

Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015


nina Vilma C. Ambat et.al. pahina 95 - 97

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: BRAINSTORMING

Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: SPOKEN WORD POETRY

Bumuo ng isang saknong ng tula at iaplay ang nagiging karanasan sa


pag-aaral. Isaalang alang ang paggamit sa mga damdaming tinalakay.

3. Ebalwasyon

Panuto: Isulat ang letra kung anong paraan ng pagpapahayag ang


ginamit.
a. Paggamit ng pandamdam na pangungusap
b. Paggamit ng mga pahayag sa tiyakang nagpapadama ng
damdamin/saloobin ng nagsasalita.
c. Paggamit ng konstruksyong Gramatikal
d. Parang nagpapahiwatig o hindi tuwirang pagpapahayag ng
damdamin.

Unang Markahan| 119


1. Mukhang babagyo ng malakas.
2. Sobrang talino mo naman.
3. Ikinalulungkot ko hindi ka niya pwedeng makausap.
4. Naku! Bakit hindi ka man lang tumawag bago mo ako
pinuntahan!
5. Wow! Kakaiba ang talento mo!

Susi sa Pagwawasto

1. D 2. C 3. B 4. A 5. A

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan

1. Maghanap ng iba pang tula na nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin


at tukuyin ang paraan ng pagpapahayag.
2. Alalahanin ang isang karanasang narinig o nabasa hinggil sa
pinagdaraanang suliranin. Ihanda ang sarili sa pagbabahagi ng naging
pananaw sa nasabing karanasan.

Unang Markahan| 120


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-Ie-f-67)


 Nakasusulat ng tulang pandamdamin na nagpapahayag ng
positibong pananaw sa buhay sa likod ng pagiging masalimuot nito.
 Nagagamit ang angkop na paraan ng pagpapahayag ng damdamin
sa isang tula.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.6


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estatehiya: GAYAHIN MO AKO!
Sa paraang patula, sumulat ng isang text message sa isang
kaibigan o kaklase na may pinagdaraanang suliranin upang mapanumbalik
ang kanyang pag-asa o positibong pananaw sa buhay.
ANALISIS

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapahayag ng tao sa kaniyang


emosyon at damdamin.
2. Paano makatutulong ang isang tula sa paglalahad ng
emosyon/damdamin ng isang tao?

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya: HALINA’T LUMIKHA
Paano makatutulong sa pagbuo ng isang tulang pastoral ang mga natamong
kaalaman sa araling tinalakay? Unang Markahan| 121
APLIKASYON

GOAL - Nakalilikha ng isang tulang pastoral na may mensaheng


makapagbibigay ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng
pagiging masalimuot nito.

ROLE - Isa kang Guidance Councilor

AUDIENCE - Mga mag-aaral na may mga suliraning pinagdaraanan sa


buhay.

SITUATION - Napansin mong sa murang edad ng mga mag-aaral ay


masalimuot na ang mga suliraning kanilang hinharap. Ito ang
nagiging sanhi ng hindi nila pagkakaroon ng lubos na
atensyon sa pag-aaral.

PRODUCT - Isang tulang pastoral.

STANDARD- Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Kabuluhan ng nilalaman
B. Lalim ng mga pananaw
C. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan
D. Kalinawan ng pagkakasulat
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Lumikha ng natatanging tulang pastoral ng sariling karanasan.


2. Basahin at unawain ang Aralin 1.7, Epiko ni Gilgamesh mula sa
Mesopotamia.

Unang Markahan| 122


3. Alamin ang mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali at
iba pang pakikilanlan ng lahi ng bansang Mesopotamia.

Unang Markahan| 123

You might also like