You are on page 1of 4

Ka Ugong : Magsisimula ang ating paligsahan sa oras na maghanay at

magkapantay ang dalawang daliri ng orasan.

Narrator : Dahil sa mga binitawang salitang ito, Agad agad nilang nasimulan ang
paligsahan.

Narrator : Ang dalawang mag-asawa ay hindi nag pansinan na animo’y hindi


magkakilala. Nakalipas lang ang ilang minuto ay dumating ang kanilang
kapitbahay na si Kimberly…

Kimberly : Isang napaka-gandang tanghali sainyo aking kapitbahay!

Narrator : Ang masayahing si Kimberly ay nabigla sa insal ng mag-asawa sapagkat


siya’y hindi pinansin ng mag asawang sina Ka Ugong at Ka Maldang,

Kimberly : Hay Nako,(May halong pagtatampo) anong masamang hangin ang


inyong nalanghap upang kayo’y magkaganyan? Parang kalian lang ay
tayo’y maroong magandang pinaguusapan..

Narrator : Nagtataka si Kimberly kung bakit hindi siya pinapansin ng mag asawa.
Patuloy niyang kinukulit ang mag-asawa ngunit hindi parin siya
pinansin,Kaya napag isipan ni Kimberly na tawagan ang kaibigan ni Ka
Ugong na si Badang upang siya’y matulungan..

Kimberly: Badaaaaaaaang!!!!! Maari mob a akong matulungan sapagkat mayroon


akong masamang balita saiyo!

Badang: ano iyon Kimberly?

Kimberly : May masamang nangyare sa ating kapitbahay kaya’t ako’y iyong


samahan baka sakaling matulungan natin sila!
Narrator: Agad silang pumunta sa bahay ng mag-asawa at laking pagkagulat na
lamang ang bakas sa mukha ni Badang nang makita nya ang mga ito.

Badang : (may halong pagkagulat) Nakupooo!! Anung nangyayari dito ??

Kimberly : (natataranta) Hindi ko alam!!! Para silang statwang naka upo.. Nag
aalala na ako,baka kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa..
(hindi napapakali)

Badang: Alam ko na!! Ganito, Tawagan mo ang doktor na si Mang Kepweng at ako
na ang bahala sa dalawang ito…

Narrator : Dali daling namang pinuntahan ni Kimberly ang bahay ng Doktor na si


Mang Kepweng, Habang abalang inaasikaso ni Badang ang mag-asawa.

Kimberly : Tao po??? Mang kepweng? Nariyan po ba kayo?

Mang Kepweng : Oh Kimberly, Ano ba ang pakay mo at napadalo ka saking


munting tahanan?

Kimberly : Mang Kepweng, kailangan namin ang tulong mo..


ang mag asawa kasing sina Ka Ugong at Ka Maldang ay parang statwa
na hindi gumagalaw. Lubos na akong nag aalala para sakanila!!
(lubos nang nag aalala)

Mang Kepweng : Ano pa ang hinihintay mo? Hali na’t tumungo na tayo sa kanilang
tahanan!!

Narrator : Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang doktor at si Kimberly sa


bahay ng mag-asawa.
Mang Kepweng : (Tinitigan si Ka Ugong at si Ka Maldang) Hmmm… Buhay naman
ang kanilang diwa ngunit ayaw lang nilang mag-salita

Narrator : Naparaan ang mga tambay at napansing nagkakagulo sa loob ng bahay


nina Ka Ugong.

Tambay 1 : tingnan nyo iyon!! Mukhang nagkakagulo sa loob ng bahay nina Ka


Ugong at Ka Maldang!!(pagkagulat)

Tambay 2 : That’s right mamen!

Tambay 3 : Mukhang tama ka dyan par!

Kimberly : Ano naman ang ginagawa nyo dito??

Tambay 3 : Napansin naming nagkakagulo kayo dito kaya hindi namin napigilang
pumasok.

Tambay 2 : Yeah boi we did!

Kimberly : Ahh.. Ganun ba??

Badang : Pwede ba?? Huwag muna kayong mag usap, kita nyo namang
may kailangan pa tayong gawin dito..
(habang nakahawak kay Ka Ugong at Ka Maldang)

Mang Kepweng : Alam ko na ang solusyon sa ating problema! Subukan kaya nating
patawanin sila, baka sakaling magsalita na itong dalawa ?
Narrator : Pumayag silang lahat sa naging desisyon ni Mang Kepweng.
Sumayaw silang lahat sa patawang paraan at kumanta sila ng mga
kantang paloko.
(sumayaw ang ang lahat)

Narrator : Sa kasamaang palad, ang mag-asawa ay walang bakas ng pag imik at pag
kibo.. Naisip nilang hindi sapat ang kanilang pagpapasaya sa mag-
asawa, kaya’t ipinag patuloy nila ang pag papatawa.
(muling sumayaw ang lahat pero mas todo)

Narrator : Kasabay sa indak nina Kimberly at ang tunog na “toots toots toots” Hindi
nakapagpigil at sumabog din sa kakatawa si Ka Maldang dahil sa paulit
ulit na pag sasayaw ng mga taong ito…

Ka Maldang : Tama na! tama na! masakit na ang tiyan ko sa kakatawa


(mangiyak-ngiyak na sinasabi ni Ka maldang)

Ka Ugong : Sa wakas nag salita Karin!! O papano nyan, ako ang nanalo sa ating
paligsahan kaya’t ikaw na mag huhugas na pinggan ahh…

Narrator : Naka At doon natatapos ang istoryang


“Bakit ang babae ang naghuhugas ng pinggan”

You might also like