You are on page 1of 24

TITLE: Stop Bullying!

Narrator FM: Ibabahagi ko sa inyo mga mag-aaral ang


isang kwento ng naapi sa dating iskwelahan na aking
nahawakan.
Narrator FM: (continuation) Nagsimula ang kwentong
ito nang makita ng isang mag-aaral na binubully ang isa
nitong kamag-aral. At naisipan niyang magsumbong sa
akin.

Kyla: Magandang umaga po Sir, nais ko lang po sanang


sabihin sa inyo na nakita ko po sina Eugene at Jb na
binubully ang isa sa saming kamag-aral.

Principal FM: Magandang umaga rin Kyla, salamat sa


pagsabi sa akin. Tignan na lang natin kung ano ang
maari nating gawin para sa sitwasyong ito.


Narrator FM: Ipinatawag ko si Eugene at JB upang
kausapin at agad naman silang sumangayon na hindi na
sila muling mang-aapi pa ng kanilang kamag-aral.

Jb: Pre, paano ba yan? Ngayong nakita at sinumbong na


pala tayo ng kyla na yan sa principal?

Eugene: Pre, gusto mo bang siya na lang ang ating


susunod na bullyhin?

Jb: O’ sige pre, isunod na natin siya.

Narrator FM: Kinabukasan ay napansin ni Kyla na tila


sinusundan siya ng dalawang bully na si Eugene at JB na
isinumbong niya sa akin. Kaya naman ay dali dali siyang
tumakbo sa kanyang nakatatandang kapatid na si Kisses.

Kisses: Ba’t naparito ka ading? May problema ba?


Kyla: Ah, kasi ate naalala mo ba yung naikwento ko sa
iyo kagabi na may mga nambubully ng kamag-aral ko?

Kisses: Oo ading, bakit?

Kyla: Napansin ko po kasi ate na sinusundan nila ako


kanina pa. Siguro nalaman nila na ako yung nagsumbong
sa kanila kahapon sa principal.

Kisses: Ako bahala sa iyo ading sabihin mo na lang sa


akin kung sasaktan ka nila. Hayaan mo, susubukan ko na
lang silang komprontahin pag ‘tapos ng klase ko.

Narrator FM: Sumunod ay dito na nagsimulang apihin si


kyla ng dalawang bully na sina Eugene at JB.
Narrator FM: (continuation) Nang si Kyla ay papasok sa
kanilang paaralan…

Jb: Hoy! Ikaw ba yung nagsumbong sa amin?


Eugene: Ahh, ikaw pala yung sumbongera. Ang taas-taas
naman ng tingin mo sa sarili mo para ipahiya kami sa
harap ng principal.

Kisses: Hoy! Ano ba?! ‘Diba kinompronta ko na kayo


kahapon? Pwede bang tigil-tigilan niyo na ang kapatid
ko.

Jb: Ikaw ba yung ate nung sumbongerang yon? Sinasabi


ko, pagsisihan niyong pinakealaman niyo kami. Parehas
kayo ng ading mo, mga bruhang pakealamera!

Narrator FM: At umalis na nga ang dalawang bully na


parang may dalang binabalak…
Narrator FM: (continuation) At sa mga sumusunod na
araw kanilang napagplanuhan na pag-diskitahan ang
mag kapatid.
Jb: O’ pre? Ano na ngayon ang gagawin natin? Mukhang
matapang yung ate ng kyla na yon ah?
Eugene: Wag kang magaalala. May plano ako.

Narrator FM: Pagkalipas ng ilang linggo, hindi na inaapi


o nilalapitan ng dalawang bully ang dalawang
magkapatid. Hindi nagtagal may nalaman ang dalawang
magkapatid na hindi nila inaasahan…

Kyla: Ate, alam mona ba yung balitang kumakalat


ngayon sa ating paaralan?

Kisses: Hindi ading, ano ba yon?

Kyla: Pinag-uusapan na tayo sa buong paaralan. Sinasabi


na nilang ang nanay at tatay daw natin ay dating
nakulong dahil sila daw ay dating mga magnanakaw.
Kisses: Ano?! Sino kaya ang nagkalat ng masamang
impormasyong ito?!
Kyla: Ate, dalawang tao lang naman ang pumapasok sa
isip ko kung sinong may kagagawan nito.

Kisses: Sino?

Kyla: Ang dalawang bully na nangaapi sa atin sa mga


nakaraang mga araw.

Narrator FM: Pagkatapos manghinala ang dalawang


magkapatid, kanilang pinuntahan ang dalawang bully
para kausapin.

Eugene: Ano ang pinunta niyo dito? Naghahanap ulit ba


kayo ng away?
JB: Pre, hayaan mo na lang muna sila magsalita baka
may gusting pagusapan..
Kisses: Ano ba ang gusto niyo sa mga buhay niyo?
Mangsira ng buhay ng iba? Aba, grabe na kayo ha! Pati
mga magulang namin pinagkalat niyong mga
magnanakaw kahit hindi naman ito totoo.

Kyla: Ate, kumalma ka muna, hindi maaayos ang gulo


pag ganito ka makipagusap.

JB: Ano ngayon kung kami nga nagkalat non? Wala na


kayong magagawa. Dahil, lahat ng mga kamag-aral
natin isa lang ang pinagkakatiwalaan.

Kisses: Hindi kami magpapaapi sa inyo kahit ano pa yan.


Balang araw kayo rin ay makakarma.

Narrator FM: Ang araw ay mabilis na lumipas, at ang


mga estudyante ay nalimot na ang chismis na ikinalat ng
dalawang bully. At nung sumunod na umaga, bago
pumasok ang dalawang bully napagisipan nila na
isagawa ang pangalawa nilang plano para maibuhay
muli ang nakakakalat na chismis.

Eugene: Pre, kunin mo yung cellphone ng principal ng


walang nakakakita.

Jb: Bakit naman pre? Parang ang hirap naman niyang


pinapagawa mo.

Eugene: Ako bahala, yan ang ilalagay natin sa bag ni


Kyla, ipapalabas ulit nating isa siyang anak ng mga
magnanakaw.

Jb: Sige pre, sabi mo yan ha. Basta alam mo ginagawa


mo.

Narrator FM: Nailagay na ng magkaibigan ang cellphone


sa bag ni Kyla, makalipas ng ilang minuto ako ay
pumasok sa aking opisina at napansin kong nawawala
ang aking cellphone.
Narrator FM: (continuation) Kaya naman ay sinabihan
ko ang bawat guro kung pwede ba na icheck ang mga
bag ng bawat estudyante sa bawat baitang at nang
nakarating ako sa ikawalong baitang, nalaman kong...

Kyla: Sir! Maniwala po kayo! Hindi ko po talaga alam


kung bakit napunta ito sa bag ko!

Eugene: Talaga ba kyla? Magnanakaw ka na nga,


sinungaling ka pa. Bakit mo dinideny? Eh kitang-kita na
nga na nandyan sa bag mo eh.

Jb: Pare parehas lang kayong magkakapamilya. Mga


magnanakaw!

Kyla: Totoo naman ang mga sinasabi ko. Na sa kantina


ako kanina at iniwan ko lang ang bag ko dito. Wala
kayong ibedensya na pagbintangan ako, kasi hindi ko
naman talaga yon ginawa.

Narrator FM: Narinig naman ng nakakatandang kapatid


ni Kyla na siya ay sumisigaw mula sa kabilang silid, kaya
naman agad niya itong pinuntahan.

Kisses: Anong nangyayari dito? Bakit niyo inaaway ang


kapatid ko?

Eugene: Andyan na din pala yung ate mong kagaya mo.


Inutusan ka ng ate mo ‘no? Palibhasa, wala kasi kayong
pambili ng cellphone kaya ginagaya niyo ang mga
magulang niyo.

Kisses: Wala kayong karapatang sabihin sa amin ng


kapatid ko yan! Sa pambubully ba na ginagawa niyo
nagiging masaya kayo? Sa tingin niyo ba tama yang
ginagawa niyo? Masaya na ba kayong nakakasakit kayo
ng tao?

Principal FM: Tumigil kayo. Kayong apat, pumunta kayo


sa aking opisina. Ngayon din!

Narrator FM: Kami ay pumunta na sa opisina para ayusin


ang gulo, ito ang mga nangyari…

Kyla: Sir, parang awa niyo na, maniwala po kayo sa akin


na sa kantina lang po talaga ako hanggang matapos ang
oras ng meryenda, at aking iniwan ang bag ko sa aming
silid-aralan.

Principal FM: Alam mo ba, nagtataka rin ako’t alam ko


namang hindi mo naman ‘yon magagawa.

Kisses: Pabor po ako sa sinabi niyo Sir. Hindi nga po ako


makapaniwala na magagawa yon ng kapatid ko eh.
Ah, pwede po bang ireview na lang natin ang cctv
footage ng ikawalong baitang at nang opisina niyo? Para
matukoy na natin kung sino talaga ang gumawa nito.

Narrator FM: At nang nireview na namin ang cctv,
ngayon ay nakita naming hindi nga talaga si Kyla ang
nanguha ng aking cellphone…

Kisses: Tignan niyo! Hindi pala ang kapatid ko ang


nanguha ng cellphone niyo eh. Ang mga bully ang lahat
ng may kagagawan nito. Ano bang gusto niyong
ipalabas?

JB: Anong gusto niyo? Magsorry kami? Mas pipiliin pa


naming masuspend kesa humingi ng kapatawaran.

Eugene: Sang-ayon ako sa kapatid ko.

Principal FM: Sigurado ba kayo dyan?


Narrator FM: Nang nagalit na ang nakakatandang
kapatid ni Kyla sa dalawang bully, napagdesisyonan kong
isuspend ang dalawa ng isang linggo.

Narrator FM: Makalipas ng isang linggo, muling


nakapasok ang dalawang bully na si Eugene at JB. At ang
una nilang ginawa ay pumunta kila Kyla at Kisses at
humingi ng kapatawaran sa magkapatid.

Jb: Ah Kyla at Kisses, pumunta kami rito para humingi ng


tawad sa mga nagawa namin.

Eugene: Gagawin namin lahat para mapatawad niyo


kami.

Kisses: Ah ading? Sa tingin mo ba totoo ang paghihingi


nila ng tawad?

Kyla: Akala niyo ba ganon-ganon lang yon? Pagkatapos


na pagbintangan niyo ako sa kasalanang hindi ko naman
ginawa. Dinamay niyo pa pati ang mga magulang namin
na walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
Eugene: Ewan ko rin sa inyo eh. Kami na nga humihingi
ng tawad kayo pa galit.

Jb: Tumatapang kana pala Kyla ah. Pangisang


pagkakataon niyo lang ito. Kami na nga ang humihingi
ng tawad at nagpapakumbaba.

Kisses: Alinman, hindi namin pagsisihang hindi namin


kayo pinatawad. Sa tingin niyo ba? May magagawa yang
paghingi niyo ng tawad? Kahit alam ko naman na hindi
talaga kayo taos pusong humihingi ng tawad at kayo
lamang ay napipilitan.


Narrator FM: Pagkatapos sabihin ni Kisses ‘yon, agad
namang umalis ang dalawang bully ng may galit sa
kanilang mga mukha.


Kisses: Ading napahanga mo ako sa iyong ginawa
kanina, ganyan dapat, hindi ka dapat nagpapaapi.

Kyla: Salamat ate, pero naging matapang lang naman


ako dahil sayo, lagi mo kasi akong pinagtatanggol.

Kisses: Wala yun, basta maniwala ka lang sa Panginoon


at ikaw ay kanyang babantayan.

Narrator FM: Simula noong araw na ‘yon natutong


maging matatag ang pinanandigan ni Kyla. Ang mga
nabibiktima ng mga bully ay kanya ng ipinapagtanggol.
At hindi na siya nagpapaapi sa mga bully gaya ng dati.


Eugene: Napapansin mo ba? Parang nagiging
tumatapang na si Kyla. P’ano na ngayon tayo gaganti
n’yan?

Jb: Anong na sa isip mo?


Eugene: ‘Di ko na rin alam eh. Siguro tigilan ulit natin
siyang bullyhin, total hindi lang naman siya yung
estudyanteng pwede natin bullyhin eh.

Narrator FM: Ang dalawang bully ay wala ng maisip na


balak upang gantihan si Kyla. Dumako muli sa
problemang…
Narrator FM: (continuation) Habang naglalakad si Kyla
papunta sa silid aralan ng nakakababang baitang, nakita
niya na nananakit sila Eugene at JB ng nakakabatang
kamag-aral.


Kyla: Hoy! Jb, Eugene; Anong ginagawa niyo? Pati bata
nating kamag-aral sinasaktan niyo? Ano ba ang
problema niyo?

Jb: Ano bang pake mo? Eh, hindi naman na ikaw yung
binubully namin.
Eugene: Pre baka lang naman gusto niyang madamay
din? Ano Kyla? Parang gusto mo din ata masaktan?

Kyla: Hindi ko sinasabing ginugusto ko yang gawin niyo


sa akin. O’ baka gusto niyo ding madagdagan ang record
niyo sa dito sa eskwelahan?

Narrator FM: Dali-daling agad tinulungan ni Kyla ang


nakakabata nilang kamag-aral. Pinapunta niya ito sa
clinic at pagkatapos nilang gawin iyon, nagpunta si Kyla
at humingi muli ng tulong sa aking opisina upang
isumbong sa akin ang pangyayari. Agad ko ding
ipinatawag sina Eugene at JB papunta sa aking opisina.

Principal FM: Kayong dalawa ulit? Pang-ilang beses kona


kayong pinuna sa mga pambubully niyo. Hindi pa din ba
kayo natututo? Matanong ko, ano ba ang rason at bakit
kayo nambubully?

Eugene: Hindi din namin alam ng kapatid ko kung bakit.


Siguro sa paraang pambubully dito namin nabubuhos
mga problema namin.

Kyla: Naiintindihan ko naman kayo. Pero para sa akin,


hindi ito sapat na rason para mang-api kayo nang mga
kamag aral natin at kung sino-sino na lang. Sana nga
hindi niyo na ulitin.

Principal FM: Nais ko na tawagin niyo ang mga nabully


niyo Eugene at JB at kayo mismo ang humingi ng tawad.
Kasama na rin d’onsina Kyla at Kisses, isa rin sila sa
inyong inapi at kailangan niyong humingi ng tawad mula
sa kanila.


Narrator FM: Agad nang umalis ang dalawang
magkapatid na si Eugene at Jb upang pumunta at
humingi ng tawad sa kanilang mga kamag-aral na
kanilang binully.

Eugene: Ah Kisses, Kyla, pasensya nga pala sa mga


ginawa namin sa inyo ng iyong kapatid mapatawad niyo
sana ulit kami at asahan niyong magbabago na kami.

Jb: Oo nga, pasensya na rin alam kong huli na ang


paghingi namin ng tawad sa inyong magkakapatid pero
sana patawarin niyo kami.
Kisses: Hindi ko masasabing pinapatawad ko kayo ng
lubusan dahil hindi ko tanggap ang ginawa niyo sa aming
magkapatid. Pero aasahan ko na mag babago na kayo at
huwag niyo na sana gawin sa iba ang ginawa niyo sa
aming magkapatid.
Jb: Salamat kisses naiintindihan namin na hindi ganon
kadaling magpatawad.

Eugene: Naiintindihan ka namin kisses salamat hayaan


mo asahan mong mag babago na kami at hindi na kami
muling mambubully

Narrator Fm: Pagtapos nilang humingi ng tawad kay


kisses umalis silang may ngiti na sa kanilang mga labi na
tila naging magaan ang kanilang mga kalooban sa pag
hingi nila ng tawad. Pagtapos nito ay sunod sunod na
nilang pinuntahan ang iba pa nilang kamag-aral na kanila
ring binully at humingi sila ng tawad dito. at agad rin
naman silang pinatawad ng iba nilang mga kamag aral

Jb: Hay ganto pala ang pakiramdam kapag humihingi ka


nang tawad.

Eugene: Oo nga ang sarap sa pakiramdam na wala kang


dinadala na mabigat na kasalanan.
Narrator FM: Pagkatapos nilang humingi ng tawad sa
lahat ng kanilang binully ay nag punta sila saakin.

Jb: Ah sir nais rin po sana namin na humingi ng tawad


sainyo sa pagiging pasaway naming dito sa eskwelahan.

Eugene: Tama po si jb sir paumanhin po kung lagi po


kami ang may record dito sa eskwelahan at nambubully
po kami ng mga kamag aral namin.

Principal: Naiintindihan ko kayo jb at Eugene


naiintindihan ko na nambubully kayo dahil kulang kayo sa
atensiyon ng magulang niyo pero sana lagi niyong
tatandaan na hindi tama ang mambully ng kahit sino
dahil sa sarili niyong rason sana huwag nang maulit ito at
maging tanda ito para baguhin ang inyong sarili,sana
maging aral ito upang hindi na muli kayo mambully pa ng
inyong mga kaklase.

Eugene: Opo sir salamat po asahan niyo po na hindi napo


ito mauulit.
Jb: Salamat rin po sir opo mag babago na po kami.

Narrator Fm: Makalipas ang ilang araw napapansin ko na


hindi na nga nambubully ang dalawang magkapatid
masaya narin silang pumapasok hindi gaya dati at naging
makakaibigan na sila nila kisses at kyla.

You might also like