You are on page 1of 7

PANITIKAN NG LUZON (UNANG BAHAGI)

REHIYON NG HILAGANG LUZON (ILOCOS)

BURITA o BUBURITA
mga bugtong

PAGSASAO
Ito ay mga salitang nagbibigay-dunong.

Nagbibigay-repleksyon tungkol sa pangaraw-araw na buhay sapagkat ito’y nakaugat sa bukod-


tanging mga pinagdaanan ng mga Ilokano na siyang umukit ng kanilang kasaysayan at kultura.

DALLOT
Isa itong ginaganap na chant o tulang kinakanta tuwing kasalan o kaarawan.

Naisasalamin nito ang simpleng pamumuhay ng mga Ilokano.

DUNG-AW
Ito ay isang ginaganap na chant o tulang kinakanta na nagsasalaysay ng hirap at ginhawa, pati
narin ang kwento ng buhay ng mga namatay na, maaaring kahit mga nabubuhay pa.

Naisasalamin rin nito ang napagdadaanan ng ma Ilokano sa buhay.

PAKASARITAAN TI BIAG
Ito ay mga epiko. (Biag ni Lam-ang)

KABLAAW
Ito ay isang tulang nagpaparangal.

Ipinapakita na ang karangalan ay hindi pang-isang tao lang.

Kapag ang isa ay nagtagumpay, pook mo ang nagtagumpay; Kapag ikay ay natalo, pook mo rin
ay talo.

BUKANEGAN
Ito ay ipinangalan kay Pedro Bukaneg, isa sa mga maskilalang makata noong panahon ng mga
Kastila.

Inilalarawan nito ang pagkatiyak at pagkasalimuot ng isip sa sining ng pagtatalo.

ARIKENKEN
Ito ay isang pagtatalo sa salita.
Ito ay ipinapalabas bago magsimula ang bukanegan.
DUAYYA o DUNGDUNGUENKANTO
Isa itong magiliwang kanta tuwing papatulugin na ang bata.

LALLAY
Ito ay isang tula o kantang nagsasabi ng kwento, isang ballad.

BADENG
Isa itong harana ng pag-ibig.

LITERATURA NG PANGASINAN

PABLITA o BONIKEW
Ito ay mga bugtong.

ALIGANDO
Ito ay isang awit tuwing pasko o Christmas carol na may 565 na taludtod at kasalukuyan parin
kinakanta ng mga namamaskong matatanda na ngayon.

Pagkalipas ng awitan, niyayaya silang makisalo sa hapunan o meryenda.

GOZOS
Ito ay mga nobenang inaawit.

PABASA
Ito ang pagbasa at pagkanta ng Pasyon.

PASANTABI
Ito ang karaniwang inaawit sa simula ng isang pagtatanghal.

Nagsisilibi itong panimula o prelude, pati na rin apologia sa ano mang pagkukulang ng
pagganap.

MGA AWIT KAY ROSING


Ang mga ito tanging Pangasinense.

Ang Rosing ay pangalan ng isang dalaga na kinagigiliwang awitan ng mga harana

Si Rosing ang Pangasinenseng bersyon sa Inday ng BIsaya, Manang Biday ng Iluko, at Neneng
ng Tagalog.
MALINAC LAY LABI

“Maliwanag ang gabi”


Hindi pa natatagalan ang pinagmulan nito, ngunit isa na sa mga paborito ng mga Pangasinense.
Kinakanta ito nang may masidhing pagkamakabayad ng mga Pangasinenseng nasa ibang
lupain, kasunaod lang ng pambansang awit.
CANCIONAN
Isa itong pagtatalo sa kanta.

Kinagigiliwan din ito tuwing may mga piyesta sa bayan.

ULIRAN
Ito ay mga alamat.

DIPARAN
Ito ay mga pangaral sa pagpapakumbaba at katapatan, mga susi kaunlaran.

Ito ay gumagamit halos ng metapora tungkol sa katawan upang magparating ng mensahe.

Karaniwan itong nababanggit sa mga pag-uusap kapag nakikita ng nagsasalita ang


pagkakataong magpamalas ng isang ideya o pangaral.
ANLONG
Ito ay mga tula.

TONGTONG
Ito ay mga tuluyan.

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

Ang panitikang pasalita ng


Cordillera ay Ito ay mga tuluyanmaaaring
ritwal o di ritwal.

Ang panitikang Cordillera


ay binubuo ng mga
epiko, awitin, mito,
alamat,bugtong,
kuwentong bayan
at salawikain.

Canao- isang ritwal


nanagpaparangal sa
espiritu ng
kanilang mga ninuno

2 uri ng Canao
simple- pagkatay ng baboy,
tapoy, pagluto ng
kamote,gabi at
bigas

malaking canao- pagkatay ng


baboy, kalabaw,
baka at kabayo.

Ang baboy na may


batik na itim ay sagrado
para sa kanila at ito
ang tinatanggap
ng mga espiritu at
nagbibigay ng
suwerte.

Mga Uri ng Canao


1.Kape- isinasagawa kung
may bagong bahay
na tayo o
pagkalibing sa
yumaong kamag-anak.
2. Kayed- isinasagawa upang
mapanatili ang
pagiging puno
sa barangay.
3. Sabeng- isinasagawa ng
bagong mag-asawa
kadalasan ay
mayaman ang
nakagagawa nito.

4. Pechit- pinakamataas na
uri ng canao.
Tumatagal ng
tatlo hanggang
apat na araw.
Epiko ng Ipugaw
1. Hudhud
2. Alim

Mga Anyo ng Literatura sa Rehiyon II (Lambak ng Cagayan)

EPIKO
Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga
nararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot,
pagmamahal o di kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo
sa isa. Ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o
"Biuag anni Malana" sa lokal na dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga
puno at mga bamboo at kinakanta sa mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon
pagkatapos ng mga mahahabang giyera at iba pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito,
henerasyon sa henerasyon.
Biuag and Malana

SALOMON
Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco” o instrumentong may limang
kuwerdas tuwing Pasko sa harap ng altar. Ito ay kasama sa salu-salo kung saan may alak,
kape, tsokolate, at iba pa. Ang nilalaman nito ay tungkol sa pagkakabuo, pagkapanganak, at
buhay ni Jesu Kristo.

VERZO
Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat na linya
at tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa mismong okasyon tulad ng
kasal at binyag. Ang verso ay karaniwan ding nagtuturo ng moralidad.

AWIT
Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng dinadala nito ay
pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na maibibigay.
Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta nito ay umabot sa
pinakamataas nitong antas noong panahon kung saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay
nanghaharana sa mga babae o "magingnganay" na natitipuhan nila.

Subalit, noong panahon ng malawak na opresyon o Martial Law ay kakaunti na lamang ang
tumatangkilik sa mga awit dahil sa dalawampung taon na pamumuno ng lumang rehimen kung
saan ang kalayaan nang mga mamamayan ay may limitasyon.
SALAWIKAIN
Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay pwedeng isang prosa o
maaari rin itong tula. Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral.
BUGTONG

Ang "palavvun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag bilang isang anyong pang-kasiyahan
o kung sa ibang kaso, maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino. Ito ay itinuturing na
pang-relaks kung pagod.

PANITIKAN NG PAMPANGA
Ang tumayla o tumaila ay hele o awiting pampatulog. Ito ay maituturing na orihinal sa mga
Kapampangan.
Ang bugtong ay kilala rin sa tawag na “Bugtoñgan”. Karaniwan itong binibigkas sa mga lamayan
at kasal.
kasebian o casebian - Ito ang katumbas ng salawikain ng mga Tagalog.
awiting bayan ng Kapampangan:
a. Ang una ay ang basulto o basultu na karaniwang inaawit ng mga pastol sa bukid.
Maaari rin itong awitin habang isinasayaw.
b. ang pamuri. Ito ay mula sa salitang “buri” na ang ibig sabihin ay gusto. Ito ay
isang awit ng pag-big o “love song”.
c. ang pang-obra. Ito ay isang awit sa pagtatrabaho.
d. ang paninta na mula sa salitang “sinta” na ang ibig sabihin ay minamahal o pag-
ibig.
e. ay ang karagatan o caragatan. Ito ay isang patulang larong ginagawa tuwing
may lamay.
f. ang diparan. Ito ay tulad ng sawikain ngunit inaawit.
g. ang bulaklakan na isa ring paligsahan gamit ang pagtula kung saan may
dalawang grupo – isa ng mga lalaki at isa rin na mga babae.
h. “goso”. Ito ay inaawit kasabay ng biyolin at tamburin tuwing gabi bago ang araw
ng Todos Los Santos (All Saint’s Day). Ito ay nagtataglay ng tiyak na aral sa buhay at mabagal
na tempo.
i. ang duplo ay isang patulang laro. Ito ay tagisan ng galing sa pagpapahayag sa
pamamagitan ng tula at kaalaman sa mga bagay na napapatungkol sa kultura.
j. sapatya. Ang pangalan nito ay mula sa salitang “tapatio” na tumutukoy sa isang
Mehikanong sayaw. Ito ay isinasayaw habang inaawit. Ito rin ay tagisan sa pagtula.
k. “pabasa” – pasyon ni Hesus. Puni naman ang tawag kung ang pasion ay
ginagawa bilang isang pampublikong aktibidad.
l. cenaculo – pagtatanghal sa huling panahon ni Hesus sa mundo.
m. salubong - Itinatampok nito ang kuwento ng pagkikita ni Kristo at ni Inang Maria
matapos ang muling pagkabuhay ng una.
n. harana - Ito ay mga awit ng pag-ibig na kinakanta kasabay ng instrumentong
pangmusika.
o. tinatawag na dalit ang mga pangkaraniwang awitin.

You might also like