dalawang magkapatid, ang isa ay si Aya Eva Iza Olivia Ursula
at ang isa ay si Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara.
Isang araw habang naglalaro ang magkapatid sa
kanilang bakuran malapit sa masukal na kagubatan nakagat ng ahas si Aya Eva Iza Olivia Ursula.
Tumakbo si Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana
Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara sa kanyang ina at sumigaw “Ina, nakagat ng ahas si Aya Eva Iza Olivia Ursula, ano ang gagawin natin?” “Ano?” gulat na sambit ng ina. “Nakagat ng ahas si Aya Eva Iza Olivia Ursula? Takbo at sabihin kay ama.” Magkasabay silang tumakbo at sumisigaw. “ Ama, bilisan mo nakagat ng ahas si Aya Eva Iza Olivia Ursula, ano ang gagawin natin?” Nakagat ng ahas si Aya Eva Iza Olivia Ursula?” ang gulat na sagot ng ama. “Takbo at sabihin sa mangagamot.”
Sabay silang tumakbo patungo sa mangagamot. “Doktor
bilisan mo, nakagat ng ahas si Aya Eva Iza Olivia Ursula, ano ang gagawin natin?” “Nakagat ng ahas si Aya Eva Iza Olivia Ursula?” ang gulat na sagot ng mangagamot at kinuha ang kanyang gamit at naligtas si Aya Eva Iza Olivia Ursula sa pagkalat ng lason sa buong katawan. Makalipas ang isang linggo, naglalaro na naman ang magkapatid sa kanilang bakuran malapit sa masukal na kagubatan, kinagat ng ahas si Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara. Tumakbo si Aya Eva Iza Olivia Ursula sa kanyang ina at sumigaw “Ina, nakagat ng ahas si Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara, ano ang gagawin natin?” “Ano?” gulat na sambit ng ina. “Nakagat ng ahas si Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara? Takbo at sabihin kay ama.”
Magkasabay silang tumakbo at sumisigaw. “ Ama, bilisan
mo nakagat ng ahas si Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara, ano ang gagawin natin?” “Nakagat ng ahas si Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara?” ang gulat na sagot ng ama. “Takbo at sabihin sa mangagamot.”
Sabay silang tumakbo patungo sa mangagamot. “Doktor
bilisan mo, nakagat ng ahas si Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara, ano ang gagawin natin?” “Nakagat ng ahas si Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara?” ang gulat na sagot ng mangagamot.
Kinuha niya ang kanyang gamit at sinubukang iligtas si
Chimmi Chimmi Chacha Dina Fara Gina Hana Jana Kira Lara Mutya Nena Paula Quintosa Rosa Sasha Tina Vina Wilma Xaira Yana Zara ngunit kumalat na ang lason sa buong katawan nito.