You are on page 1of 3

Jhun Christian B.

Sobrevega BSED 2-2


Dulang Filipino

Mga Katutubong Dula

 Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang


panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa
pamamagitan ng dula,nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring
malungkot,masaya,mapagbiro, masalimuot at iba pa.

 Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga


katututubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang
mananakop.

 Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit,
sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang
mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga awit, sayaw, at ritwal
ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag,
pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian,
pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, at iba pa. Bago
dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo
ng dula ang mga katutubong pilipino.

 Sinasabing ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng


Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng
katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang
anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula:
ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang
buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

 Sa kahulugan ng makabagong dula, masasabing hindi na dula ang mga


sinaunang ritwal. Wala itong mahahalagang elemento ng tunay na dula
gaya ng tunggalian, pangunahing tauhan at kaisahan ng panahon,
lugar at mga pangyayari.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng katutubong dula:

D. Kasayatan

Kadalasan, ang bayok ay sinusundan ng isang laro ng panyo na


tinatawag na kasayatan. Ito ay sinasalihan ng mga dalaga’t binata at nahahati
sa dalawang pangkat. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa magkabilang
dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan
ng lugar o dili kaya’y ng may-ari ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang.
Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan.
Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili
kaya’y ng may-ari ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang.

Ang maybahay ay hihingi ng pahintulot na pasimulan na ang sayaw. Ito


ay ginagawa sa pamamagitan ng patula. Pagkatapos sumagot ng mga
panauhin ay sisimulan niya ang pakikipag-usap sa mga binata habang
sumasayaw sa paligid ng mga iyon. Ipapatong niya sa balikat ng isang binata
ang isang panyo. Pagkatapos ay tutungo naman siya sa grupo ng mga babae
at ipapatong ang isa pang panyo sa isa sa kanila. Ang sayaw ay sinasaliwan ng
mga instrumentong kudyapi, kulintang, agong at kubing. Ang kanilang mga
kilos ay waring naglalarawan ng kanilang mga ninuno.

E. Dallot
Sa mga Ilokano ito’y awit ng pag-ibig. Ang lalaki ay tutula at
nagpapahayag ng pag-ibig at ito’y sasagutin ng babae nang patula.
Pagkatapos ay aawitin nila ang tula sa saliw ng kutibeng, gitara ng mga
Ilokano. Ito’y itinatanghal kapag may binyag, kasalan o handaan.

Habang nag-aawitan ang dalaga’t binata ay pinapasa ang oasi, isang


uri ng alak. Kapag ang babae ay tinanggap ang pag-ibig na iniluluhog ay
ihahayag at itatakda ng mga magulang ang kasal.

Ang pagbabayo ng palay ay mahalagang bahagi habang itinatakda


ang kasal. Ito ay ginagawa sa saliw ng awit na Pamulinawen habang ang mga
tao’y nagsasayawan.

Gayundin, ang pagbibigay ng datos (dowry) ay bahagi ng kasalan.

F. Dung-Aw

Ang tradisyong Dung-aw ng mga Ilokano ay isang tulang panambitan na


binibigkas sa piling ng bangkay ng anak, asawa o magulang. Ang berso ay
nagsasalaysay ng paghihinagpis ng naulila at paghingi ng kapatawaran sa
nagawang kasalanan o pagkakamali sa namatay.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Dung-aw na sipi sa aklat nina


Natividad, Simbulan at Academia.

Ako’y kaawaan o aking kapatid


ako’y kaawaan o aking asawa
ikaw namatay o aking kapatid
ikaw namatay o aking asawa
ano ang natira’t sa akin naiwan
sa abang buhay kong walang kapalaran?
Ang lahat sa akin ay nakalilimot
pagkat parang sanggol sa iyo umiirog
ang mga mata ko pugto sa luha
ang abang puso ko babad sa luha

You might also like