You are on page 1of 2

Isang panuntunan na tinatawag na Cooperative Principle ay iminungkahi ng pilosopong si Paul

Grice na kung saan ang mga taong sanhkot sa komunikasyon ay iniisip na ang magkabilang panig ay normal
na hahangaring makipagtulungan sa bawat isa upang masumpungan ang pinagkaunduang kahulugan. Ito ay
binubuo ng apat na maxim: ang kwaliti, kwantiti, relasuon, at pamamaraan (quality, quantity, relation, at
manner).

Isa sa mga baskikong konsepto sa Pragmatiks ni Grice (Gricean Pragmatics) ay ang kahulugang
nais iparating ng tagapagsalita. Gumawa ng distinksyon si Grice sa pagitan ng natural at di natural na
pagpapakahulugan. Ang natural na pagpapakahulugan (natural meaning) ay ligtas sa anumang intensyon,
habang ang di natural na pagpapakahulugan (non-natual meaning), ay isang banda, ay may iba pang
pagpapakahulugan o intensyong pangkomunikatibo.

Mayroong ding tinatawag na implikasyon (implicature) na isang piraso ng impormasyon na


indirektang hinahatid ng pananalita. Ito ay hindi bahagi o isang anaasahang kahihinatnan o bunga ng
pananalita. Ayon kay Grice ang uri ng mga kahulugan (types of meaning/ what is meant) ay nahahati sa
kung ano ang sinabi at kung ano ang implikasyon nito. At ito ay maari pang hatiin sa kumbensyunal at
kumbersesyunal (conventional at conversational) na kahulugan. Ito ay mga uri ng inperens (inference) na
maghahango mula sa isang pananalita upang mapaghulo ang “kahulugan” sa “ sinabi”. Ito ay may
kaugnayan sa tinatawag ni Grice na Cooperative Principle at sa apat na maxim nito.

Ukol naman sa kumbersasyunal na implikasyon (conversational implicature), para kay Grice, ang
pag iinterpret ng pananalita ay hindi usapin ukol sa pagdedekowd ng mensahe bagkus, ito ay
kinapapalooban ng: (1) pagkuha sa kahulugan ng mga pangungusap kasama ang mga kontekstwal na
impormasyon, (2) paggamit ng mga alituntunin sa inperens, at (3) pagtalunton sa ibig ipakahulugan ng
tagapagsalita o ispiker sa palagay na ang pananalita ay sumasangpauon sa mga maxim. Ang pangunahing
kalakasan ng ganitong pagdulog, sa pananaw ni Grice, ay ang pagbibigay nito ng pragmatikong paliwanag
sa napakalawak na saklaw ng phenomena, lalong higit sa conversational implicatures, na isang dagdag
pagpapakahulugan na hindi literal na tinataglay ng pananalita.

Ayon pa kay Grice ang conversational implucaturesay maaaring maganap sa dalawang sitwasyon,
ang istikto at direktang pagsunod (observance), at/ o hayagan o sadyang pagbalewala (non-observance) ng
mga maxim. Halimbawa kapag nagtanong ang isang mister sa kanyang asawa na: “Nasaan ang mga susi
ng kotse?”, at sumagot ang misis na: “Nasa ibabaw mg mesa sa kusina” ang misis at malinaw na sumagot
(pamamaraan o manner) nang totoo (kwaliti or quality), at nakapagbibigay ng sapat na impormasyon
(kwantiti o quantity) at direktang tumugon sa layunin ng asawa sa pagtatanong (relasyon o relation). Sinabi
niya ang ibig niyang sabihin, walang labis, walang kulang.

Sa dalwang sumusunod na halimbawa, matutunghayan ang pagbabalewala o pagsalungat sa mga


maxim. Siya ay isang ahas, ito ay literal na hindi totoo, ito ay salungat sa maxim ng kwaliti dahil wala
namang tao na ahas. Ngunit, maaaring ipalagay ng tagapakinig na ang ispiker ay nagpapamalas ng pagiging
kooperatib kung kaya, iisipin nito (base sa inperens), na mayroon itong ibig ipakahulugan na distink
(distinct) sa literal na pagpapakahulugan. Sisikapin ng tagapakinig na taluntunin ang kahulugan nito
hanggang sa siya ay humantong sa paghihinuha na maaaring ang ibig ipakahulugan ng ispiker ay “mayroon
itong mga katangian ng pagiging isang ahas”. Natunghayan mo ang tatlong hakbang sa pagiinterpret ng
pananalita ayon kay Grice ukol sa kumberseseyunal na implikasyon.

May balahibong pusa si Rica. Natural ang pangungusap ay hindi totoo at sinasalungat nito ang
maxim ng kwaliti. Maaring isipin ng tagapakinig na si Rica ay may balahibo na hawig o tulad ng sa pusa.
Ang mga ispiker ang mga tagapakinig naman ang kumikilala sa mga inihatid na kahulugan sa tulong ng
makapangangalaga sa palagay ukol sa kooperasyon. Ngunit sa katotohanan, malimit na balewalain o
salungatin ng mga ispiker ang prisipyong kooperasyon (cooperative principles) at nananatili pa ring
pinaniniwalaan bilang kooperatib. Ang kanilang inihahatid ay ang conversational implicatures.

You might also like