You are on page 1of 54

2

Basic Literacy Learning Material

Bureau of Alternative Learning System


DEPARTMENT OF EDUCATION
Babae: Huwag Kang Papayag!

Karapatang-Ari 2013
Bureau of Alternative Learning System
DEPARTMENT OF EDUCATION

Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang
bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anyo nang walang nakasulat na pahintulot mula sa
organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Bureau of Alternative Learning System


Department of Education
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189
Babae: Huwag Kang Papayag!
Panimula

Babae may karapatan ka


na dapat ipagtanggol
at pangalagaan.

Sa bawat karapatan
may kaakibat
na magiging sandata
sa pang-aabuso sa iyong
pagkababae.

Walang mang-aabuso,
Kung walang paaabuso
Tungkol saan ang modyul na ito?

Naniniwala ka ba na walang sinumang tao ang may karapatang abusuhin


at lapastanganin ang kanyang kapwa? Ano-ano ang karaniwang uri ng pang-
aabuso na karaniwang nangyayari sa ating lipunan?

Sa modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol sa mga batas laban sa


karahasan sa tahanan sa mga babae at sa kanyang mga anak. Matututuhan
mo rin ang uri ng pang-aabuso at ang pinagsanib na ahensiya ng pamahalaan
na mangangalaga laban sa ganitong pang-aabuso. Nilalayon nitong
maunawaan at maipakita ang paggalang sa karapatan ng kababaihan sa
ating bansa.

i
Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo nang


gawin ang sumusunod:

• naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa mga pangyayari


ng karahasan sa tahanan at sa ibang lugar
• nababasa at naisusulat ang mga batas laban sa karahasan sa
tahanan
• nakikilala ang mga karaniwang uri ng pang-aabuso
• nakikilahok sa talakayan tungkol sa nararapat gawin sakaling may
karahasang nagaganap
• natutukoy ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nagsisilbing
tagapagbantay ng kababaihan laban sa karahasan at
• nagkakaroon ng kasanayan sa pagbabawas o pagdagdag ng mga
bilang ayon sa pagpapangkat ng mga ito

ii
Ano-ano na ang alam mo?
Bago mo simulan ang pag-aaral sa modyul na ito, sagutin muna ang
pagsusulit sa ibaba upang malaman kung ano na ang alam mo.
Isulat sa sagutang papel ang letra tamang sagot.
1. Anong Artikulo ng Kodigo Penal ang nagsasaad na ang nagsasagawa
ng pag-aabuso ay hahatulan ng 8-12 taon o habambuhay na
pagkabilanggo?
a. Artikulo 622 c. Artikulo 266
b. Artikulo 262 d. Artikulo 226

2. Saang Batas Republika napapaloob ang karahasan laban sa


kababaihan at ng kanyang mga anak?
a. Batas Republika 2692 c. Batas Republika 6292
b. Batas Republika 9262 d. Batas Republika 2926

iii
3. Kailan maituturing na abuso sa ekonomiya ang isang pangyayari?
a. Kapag binubugbog ka ng iyong kabiyak.
b. Kung nambababae ang iyong kabiyak.
c. Kapag ayaw na niyang magbigay ng suportang pinansyal.
d. Kung pinilit ka niyang makipagtalik kahit mayroon kang
karamdaman.

4. Alin dito ang hindi kasaling ahensya na nagbabantay sa karahasan


laban sa kababaihan?
a. DSWD b. PNP c. DepEd d. DENR

5. Kanino nangyayari ang pang-aabuso sa kababaihan?


a. sa mga mayayamang babae
b. sa mga pulubi at mga walang pinag-aralan
c. kahit sinong babae
d. sa mga edukado at may pinag-aralan

Ihambing ang iyong sagot sa Susi sa Pagwawasto sa pahina 45.


iv
BATAS LABAN SA KARAHASAN,
DAPAT IPAGLABAN NG KABABAIHAN

1
Awitin Natin
Karahasan sa Tahanan
(Sa Himig na Magtanim ay Di Biro)

Karahasan sa tahanan
Huwag na huwag mong payagan
Na ika’y abusuhin
Dangal mo’y lapastanganin Halina! Halina! Sa batas magsuplong
Babae’y tao rin Sa kinauukulan tayo ay
At di dapat bastusin. magsumbong
Huwag nang matakot na ipagtapat
Para sa magandang bukas

Babae’y tao rin


Na likha ng Diyos natin
Mahalin, galangin
At di dapat bastusin.

2
Pag-isipan Natin

Ano-anong karahasan laban sa kababaihan ang ipinakikita sa mga


larawan?

3
Basahin Natin

Bb. Alvarez: Aling Edad! Bakit


puro pasa iyang
mukha mo?
Napaano ba ‘yan?
Merna: E, kasi Ma’am, umuwi
na naman si Tiyong
kagabi na lasing.
Hiningan lang ni
nanay ng pambili ng
bigas, nagalit kaagad
at bigla na lang
sinuntok si Inay pati
kami nadamay.
Bb. Alvarez: Aba, Aling Edad! Dapat na magsumbong tayo sa mga
kinauukulan para matigil na ang pananakit ng abusado
mong asawa.
4
Aling Edad: Sumusobra na talaga si Imong, Ma’am. Wala na ngang
trabaho nakuha pang mambabae sa kabilang bayan.
Gusto ko na talagang magsumbong pero natatakot ako.
Merna: May batas po ba tungkol sa ganitong uri ng pang-aabuso?
Bb. Alvarez: Aba! Oo, Merna! Ito ay ang Batas Republika Bilang 9262 na
tinatawag na “Batas Laban sa Karahasan sa Kababaihan
at ng kanyang mga Anak.”
Aling Edad: Ano ho ba ‘yon?
Bb. Alvarez: Ito ay tungkol sa gawain o serye ng gawaing laban sa
biktima na nagdudulot ng pisikal, seksuwal, at sikolohikal
na pinsala; o ekonomikal na pang-aabuso kasama na ang
pambubugbog, pagmamalupit, pambabastos, at pag-alis
ng kalayaan.
Merna: Ano po ba ang parusang nararapat sa mga katulad ni Tiyong?
Bb. Alvarez: Ayon sa Artikulo 262 ng Kodigo Penal, ang nagsagawa ng
pang-aabuso ay hahatulan ng 8-12 taon o habambuhay
na pagkabilanggo at kapag napatunayang nagkasala ay
5
pagbabayarin ng multa na nagkakahalaga ng isang daang
libong piso (Php 100,000.00) o hindi lalagpas sa tatlong daang
libong piso (Php 300,000.00).
Merna: Inay, hindi na natin kailangan pang magtiis! Isuplong na natin
sa mga awtoridad ang mga pag-aabuso ni Tiyong at hayaan
nating ang batas na ang humusga sa kanya.
Bb. Alvarez: Tama si Merna, Aling Edad. Di ka dapat matakot nasa panig
mo ang batas. Alalahanin mo, walang sinuman ang may
karapatang abusuhin ka. Maaari mong iwanan ang
relasyong may pang-aabuso kahit anumang oras.
Aling Edad: Maaari mo ba kaming tulungan Bb. Alvarez?
Bb. Alvarez: Aba, oo! Maaasahan po ninyo ang tulong ko.
Merna: Ay! Salamat sa Diyos, at sa wakas natauhan na rin si Inay.
Hulog ka ng langit sa amin, Bb. Alvarez, maraming salamat
po!
Bb. Alvarez: Walang anuman ‘yon, Merna! Ikinagagalak ko hong
makatulong sa inyo.
6
Subukin Natin

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.

1. Bakit puro pasa iyang mo?


2. Nagalit kaagad at bigla na lang si Inay pati kami nadamay.
3. Dapat na tayo sa mga kinauukulan para matigil na ang
pananakit at pang-aabuso.
4. May po pala tungkol dito.
5. Ito ang batas na tinatawag na “Batas Laban sa Karahasan
sa Kababaihan.”
6. Ayon sa ng Kodigo Penal, ang nagsagawa ng pang-aabuso
ay hahatulan ng 8-12 taong pagkakabilanggo.
7. na natin sa awtoridad ang mga pang-aabuso ni Tiyo Imong.
8. Walang sinuman ang may abusuhin ka.
9. Ikinagagalak ko hong sa inyo.
10. Di ka dapat nasa panig mo ang .

7
Alamin Natin
Isulat sa patlang kung anong pang-aabuso ang ipinakikita sa larawan.
Huwag
Taksil po!!!
Itay

1. 2. 3.
Dalian mo Sir, huwag po!
gutom na ako.

4. 5. 6.
8
Tandaan Natin

1. Isinasaad sa Art. 262 ng Kodigo Penal na ang


nagsasagawa ng pang-aabuso ay hahatulan ng 8-12
taon o habambuhay na pagkabilanggo.
2. Ang mga ahensiya ng pamahalaan na nagbabantay
sa karahasan laban sa kababaihan ay:
ü DSWD
ü PNP
ü DepEd
3. Ang karahasan ng pang-aabuso ay nangyayari kahit
kaninong babae.

9
Kwentahin Natin

1. Si Imong ay napatunayan ng
hukuman na lumabag sa Batas
Republika 9262. Siya ay
nabilanggo mula taong 2005
at nakalabas noong taong 2011.
Ilang taong nakulong si Imong?

2011
– 2005

2. Siya rin ay pinagbayad ng multang Php 150,000.00, ngunit ang kanyang


naibayad ay Php50,000.00 lang. Magkano pa ang kanyang kulang?

Php150,000.00
– 50,000.00

10
Ano-ano na ang iyong natutuhan?
A. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.
1. Dapat tayo sa mga kinauukulan para matigil na ang
pananakit at pang-aabuso.
2. Ito ang na tinatawag na Batas Laban sa karahasan
sa Kababaihan.
3. Ayon sa ng Kodigo Penal, ang nagsasagawa ng
pang-aabuso ay hahatulan ng 8 – 12 taong pagkabilanggo.
4. Walang sinuman ang may abusuhin ka.
5. Ang lahat ng kababaihan ay dapat .
6. Ang sinumang lumabag sa batas ay ng pagka-
bilanggo.

Artikulo 262 Karapatang igalang


magsumbong Batas Republika 9262 hahatulan

11
B. Magbigay ng tatlong ahensya ng pamahalaan na nagbabantay sa
karahasan laban sa kababaihan.

1.

2.

3.

C. Kwentahin natin

1. Si Mang Edwin ay nahatulan noong ika-11 ng Nobyembre 2008


ng walong taong pagkakabilanggo. Kailan siya makalalaya?

2. Si Marissa ay dumulog sa Women’s Desk na malapit sa kanila


noong Oktubre 30, 2008. Isinumbong niya ang pang-aabuso ng
kanyang asawa. Kung ang karahasan ay nangyari noong Mayo
17, 2004. Ilang taon na siyang nagtitiis sa karahasan?

12
MGA URI NG PANG-AABUSO

13
Pag-isipan Natin

Basahin at Unawain ang Sitwasyon.

Nagkita sa “health center” sina Liza at Marita. Biglang


dumating ang kanilang kaibigan na tila takot, umiiyak, maraming
pasa sa katawan, punit-punit ang damit. Ano kaya ang nangyari
sa kaibigan ng dalawa? Kung kayo sina Marita at Liza, igawa
ninyo ng diyalogo ang pangyayari.

Marita:
Liza:
Marita:
Liza:
Marita:
Liza:
Marita:
14
Basahin Natin

Ang karaniwang pang-aabuso sa kababaihan sa tahanan ay ang


sumusunod:
1. Abusong Pisikal
Kahit anong pisikal na paraang ginagamit
ng asawa upang manakit, manakot at
mang-abuso ng karapatan ng babae ay
tinutukoy na pisikal na pang-aabuso. Ito ay
ipinapakita sa pamamagitan ng panununtok,
pananapak, pananampal o kaya’y pagsabunot
ng buhok at iba pa.
2. Abusong Sikolohikal o Emosyonal
Ito ay ang mga aktong nakagugulo o
nakasisira sa isipan at damdamin ng biktimang
mas matagal maghilom kaysa pisikal na
pang-aabuso.

15
Kabilang sa kategoryang ito ang mga pang-aabuso sa pamamagitan
ng maaanghang na pananalita na siyang ginagamit sa pagsira ng dangal
ng babae, pang-iinsulto o pananakit ng damdamin upang masaktan ang
babae.
3. Abusong Sekswal
Pang-aabusong seksuwal ang aktong
paggamit ng puwersa o lakas upang mangyari
ang puwersahang pagtatalik. Kabilang dito ay
ang pamumuwersa ng lalaki, at panlilinlang,
upang maganap ang labag sa loob na
pakikipagtalik.

4. Abuso sa Ekonomiya
Kung may pagtanggi o pagbawi ng
suportang pinansyal ito ang abuso sa
ekonomiya.
Kadalasan, may kasama itong pagbabawal
sa biktima na humawak ng pera, pagkokontrol
ng kita, o ang paghihigpit ng lalaki sa paggamit
ng lahat ng mga ari-arian ng asawa.
16
Subukin Natin

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ay nag-iiwan ng malalim na sugat sa damdamin ng biktima.
a. sugat
b. abusong sikolohikal o emosyonal
c. abuso sa karapatan
2. Ang pamumuwersa ng lalaki at panlilinlang upang maganap ang
labag sa kalooban na pakikipagtalik.
a. abuso sa seks
b. abuso sa pera
c. abuso sa katawan
3. Pinagbabawalan ang biktimang humawak ng pera at pagkontrol sa
kita.
a. abuso sa pagtitinda
b. abuso sa pagkain
c. abuso sa ekonomiya
17
4. Nakikita sa katawan ng biktima ang pasa at iba pang marka ng
pang-aabuso.
a. abusong pisikal
b. abuso sa talino
c. abuso sa kapangyarihan

B. Basahin at sagutin ang sitwasyon sa ibaba.


Mahilig ang asawa mo na pagsalitaan ka ng mga salitang wika nga’y
hindi makain ng aso. Labis siyang manlait. Hindi siya nananakit ngunit higit
pa ang hagupit ng latigo sa mga salitang binibitiwan niya kung siya ay
nagagalit.
1. Ano ang gagawin mo para matigil na ang ginagawang karahasan
sa iyo? Paano mo maisasagawa? Ipaliwanag.

18
Alamin Natin

I. Panuto: Tukuyin kung anong uring abuso ang sumusunod na mga


sitwasyon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
Sitwasyon Uri ng Abuso
1. Si Ruth ay pinuwersang makipagtalik
ng kanyang asawa kahit ayaw niya.
2. Palaging nauubos ang buwanang
sahod ni Roldan sa pagsusugal at
pakikipag-inuman sa barkada.
3. Nalaman ni Nena na ang
kanyang asawa ay may babae.
4. Duguan ang ulo ni Norma.
Hinampas siya ng bote ng alak ng
kanyang lasing na asawa.
19
II. Pagtapatin ang uri ng pang-aabuso sa Hanay A sa tamang larawan sa
Hanay B. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B

1. Abusong Pisikal A.

2. Abusong Sikolohikal B.

3. Abuso sa Seks C.

4. Abuso sa Ekonomiya D.

20
Tandaan Natin

Kung Ikaw ay Tinatakot o Sinasaktan:


1. Mag-isip ng kapitbahay o matalik na kaibigan na tiyak na
makatutulong.
2. Umiwas sa kusina kung saan ang mang-aabuso ay makakikita ng
patalim o armas.
3. Lumayo sa mga aparador at mga lugar kung saan maaaring ikulong
ka ng mang-aabuso.
4. Pumunta sa isang kwartong may pintuan o bintana na madali kang
makatakas at makahingi ng saklolo.
5. Kung binantaan ang iyong buhay —— TAKBO!
6. Humanap ng kanlungan o lugar na hindi ka maaaring abutan, tulad
ng ligtas na bahay o ligtas na taguan.
7. Kung ikaw ay nasaktan, magpagamot agad at humingi ng “medical
certificate”. Kunan ng retrato ang sugat at pasa.
8. Ireport sa pinakamalapit na istasyon ng pulis at himpilan ng
baranggay.

21
Kwentahin Natin

A. Ibigay ang sagot.


1. Ang buwanang sahod ng asawa ni Rose ay Php 9,000.00 ngunit ang
ibinigay nito ay Php 2,000.00 lamang. Magkano ang halagang hindi
niya natanggap?
2. Si Nora ay isinugod sa ospital dahil dinugo sa pambubugbog ng
kanyang asawa. Sa tatlong araw na pagkaospital, Php15,000.00 ang
kanyang babayaran. Kung ang pera niya ay Php10,000.00 lamang,
magkano pa ang kanyang kulang?

B. Lutasin ang mga suliraning pamilang.

1. Php1,500.00 2. Php4,854.50 3. Php9,560.25 4. Php7,061.10


– 400.00 – 1,521.00 – 3,150.45 – 6,050.30

22
Alamin natin ang iyong natutuhan?
I. Panuto: Tukuyin ang tamang sagot na hinihingi ng pangungusap.
1. Ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng panununtok,
pananapak at iba pa.
2. Ito ang mga pang-aabuso sa pamamagitan ng maanghang
na pananalita na siyang ginagamit sa pagsira ng dangal ng
babae.
3. Ito ay ipinagbabawal sa biktima na humawak ng pera,
pagkontrol ng kita, o ang paghihigpit ng lalaki sa paggamit
ng mga ari-arian.
4. Ito ay pwersahang pagtatalik o pakikipagtalik na labag sa
kalooban ng babae.
5. Ito ang gagawin ng babae kung siya ay nakararanas ng
pang-aabuso.

23
II. Kwentahin natin ang sumusunod na suliranin.

1. Ang buwanang sahod ni Cris ay Php 15,000.00 ngunit ang naibigay


nito sa kanyang asawang si Marie ay Php 5,000.00 lamang. Magkano
ang halagang hindi niya naibigay?

2. Dalawang araw na naka-confine si Teresa sa ospital dahil nabinat


siya. Kinailangan niyang maglabada kahit katatapos pa lamang
manganak dahil walang hanapbuhay ang kanyang asawa. Kumita
siya ng Php 400.00 sa paglalaba subalit nangangailangan siya ng Php
4,500 bilang pambayad sa ospital at pambili ng mga gamot. Magkano
pa ang kakulangan niyang pera upang mabayaran lahat ng bayarin?

24
MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN:
KATUWANG SA PAGSUGPO NG KARAHASAN

25
Pag-isipan Natin

Ahensya ng
Pamahalaan
Kaagapay sa
Pangangalaga
ng Karapatan

26
Basahin Natin

Ang IAC-VAWC (Inter-Agency Council of Violence Against Women and


Children) ay ang mga pinagsanib na ahensyang kinatawan na naatasang
magsasagawa ng mga programa at proyekto para puksain ang karahasan
laban sa kababaihan alinsunod sa kanilang mandato kasama nito ang mga
programang lumilinang sa kakayahan ng kanilang mga empleyado na mas
maging sensitibo sa pagsagot sa mga pangangailangan ng kanilang mga
kliyente. Ang kapulungang ito ang nagsisilbing tagapagbantay ng mga
kababaihan laban sa karahasan. Ito ay binubuo ng sumusunod na ahensya:
1. Kagawaran ng Panlipunang Kapakanan at Kaunlaran (DSWD)
2. Pambansang Komisyon ng Katayuan ng mga Pilipinong Kababaihan
(NCRFW)
3. Komisyon sa Serbisyo Sibil (CSC)
4. Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR)

27
5. Kapulungan para sa Kapakanan ng mga Bata (CWC)
6. Kagawaran ng Katarungan (DOJ)
7. Kagawaran ng Panloob at Lokal na Pamamahala (DILG)
8. Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP)
9. Kagawaran ng Kalusugan (DOH)
10. Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)
11. Kagawaran ng Paggawa at Paghahanapbuhay (DOLE)
12. Pambansang Kawanihan ng Imbestigasyon (NBI)

28
Subukin Natin

ü) kung ang larawan ay


A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang (ü
nagpapakita ng pagmamahalan at masayang pamilya at ekis (û û) naman
ang larawang nagpapakita ng karahasan sa tahanan.

29
30
B. Ipaliwanag ang kahulugan ng mensahe.
“Walang mang-aapi kung walang nagpapaapi”

Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng sumusunod na ahensiya


ng pamahalaan sa wikang Filipino. Malalapitan mo sila sa
panahon ng pangangailangan. Hindi maliligaw kung alam
mo ang kahulugan ng mga ahensyang ito sa wikang Filipino.
1. DepEd

2. DSWD

3. PNP

31
Alamin Natin

Ang karahasan sa tahanan ay maaaring mangyari sa sinumang babae


anumang edad, relihiyon, kultura, may pinag-aralan man o wala, may
kalagayan pampolitika man o wala.
Ayon sa pananaliksik, nakaaalarma ang pagtaas ng kaso ng karahasan
sa tahanan dito sa ating bansa. Ang sumusunod ang siyang nagpapatunay.
1. Ang DSWD (Department of Social Welfare and Development) ay
nakahawak ng 1,060 ng kaso sa mga asawang binugbog at 1,275 na
kaso sa abusong seks sa unang tatlong buwan ng taong 1999.

2. Sa naturang taon din, ang PNP ay nakapagtala ng 6,860 sa kasong


pamumuwersa laban sa mga kababaihan. Sa numerong ito, 3,148
ang kasong pambubugbog.

32
3. Sa pagsusuring ginawa ng McCaan Erickson sa taong 1995, napag-
alaman na isa (1) sa bawat limang (5) lalaki ang umaming sila ay
nananakit sa kanilang asawa. Sa bilang na ito, tumaas ng isa (1) sa
bawat tatlong (3) kabataang mag-asawa.

4. Ang KALAKASAN (Kababaihan Laban sa Karahasan) ay nakahawak


ng 1,725 na kaso sa taong 1997 hanggang 1999. Ang mga ito ay
pawang biktima ng pambubugbog ng mga asawang lalaki.

33
Tandaan Natin

Ang sumusunod ay mga ahensyang


malalapitan mo sakaling biktima ka ng
karahasan.

1. Sa Himpilan ng Punong Baranggay


2. Sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas
(PNP)
3. Sa Kababaihan Laban sa Karahasan
(KALAKASAN)
4. Kagawaran ng Panlipunang
Kapakanan at Kaunlaran (DSWD)
5. Pambansang Kawanihan ng
Imbestigasyon (NBI)
6. Kagawaran ng Katarungan (DOJ)
7. Alamin ang numero ng telepono
na madaling matawagan
34
Kwentahin Natin

Basahin at unawain ang sitwasyon.

1. Ang DSWD ay nakahawak ng 1,060 ng kaso sa mga asawang


binugbog at 1,275 na kaso sa abusong sekswal sa unang tatlong
buwan ng taong 1999. Ilan lahat ang kasong hinawakan ng DSWD?
2. Sa taon 2006 ang DSWD ay nakapagtala ng karahasan sa
panggagahasa ng 237, at paulit-ulit na panggagahasa sa loob ng
tahanan ay 91 at makamundong pagnanasa ay 5. Ilan lahat ang
biktima ng karahasan sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa seks?
3. Marami sa kababaihang biktima ng pagmamaltrato ay umabot sa
bilang na 51, biktima ng illegal recruitment 4, biktima ng sapilitang
prostitusyon ay 75, biktima ng kaguluhan ay 15. Ilan lahat ang biktima
sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso?

35
4. May kababaihan na nasa kulungan ang umabot ng 71, biktima ng
“Trafficking” 38, at hindi makilalang uri ng pang-aabuso na umabot
ng bilang na 363. Ilan lahat ang bilang ng biktima.
5. Kung ang pang-aabuso ay nagtala ng bilang na 378, ang
pagmamaltrato ay nagtala ng bilang na 438 at ang hindi makilalang
pang-aabuso ay nagtala ng bilang na 368. Ilan ang kabuuang bilang
ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang kategorya.
6. Ayon sa naitalang bilang ng karahasan ng DSWD umabot ito sa 980.
Nabigyan nila ng tulong ang 360 biktima sa iba’t ibang uri ng
karahasan sa panggagahasa, ilan ang natitira sa mga biktima na
tutulungan pa?

36
Alamin natin ang iyong natutuhan?

Panuto: Sagutin ang tanong. Sumulat ng isang maikling talata sa


sagutang papel.

Ano ang kahalagahan ng mga Ahensya ng Pamahalaan sa


Kababaihan? Ipaliwanag. (maaaring magkakaiba ng sagot ang learners)

37
Post Test
A. Punan ang patlang ng tamang sagot . Piliin ang sagot sa kahon.

Batas Republika 9262 DSWD hahatulan magsumbong igalang

1. Isinasaad sa ang tungkol sa karahasan laban sa


Kababaihan at sa kanyang anak.
2. Ang lahat ng Kababaihan ay dapat .
3. Ang ay isang ahensya ng pamahalaan na
tumutulong sa pagbabantay ng karahasan laban sa Kababaihan.
4. Ang sinumang lumabag sa batas ay ng karampatang
pagkabilanggo.
5. Dapat na sa kinauukulan para makaiwas sa
karahasan.

38
B. Basahin ang bawat suliranin. Ibigay ang sagot na hinihiling ng bawat
suliranin.

1. Si Mang Ambo ay nahatulan noong ika-11 ng Disyembre 2007 ng


anim na taong pagkabilanggo. Kailan kaya siya makalalaya.

2. Noong Disyembre 24, 2007, si Nena ay dumulog sa “Police Station “ na


malapit sa kaniyang tinitirahan. Isinumbong niya ang kalapastanganan
na nagawa sa kanya ng kanyang tatay-tatayan. Kung ang karahasan
ay nangyari noong Marso 20, 2007, ilang buwan na niyang inilihim
ang pang-aabuso sa kanya?

C. Kopyahin ang sumusunod sa patlang:


1. Batas Republika 9262
2. Karahasan sa Tahanan
3. Karahasan laban sa Kababaihan
4. Pambubugbog sa asawa
39
D. Isulat sa sagutang papel ang abusong inilalarawan.

1. __________ 2. _________ 3. __________ 4. __________ 5. __________

40
Susi ng Pagwawasto

Aralin 1 Batas Laban sa Karahasan, Dapat Ipaglaban ng Kababaihan

Ano-ano na ang alam mo?


1. b 2. b 3. c 4. d 5. c

Subukin Natin
1. mukha 6. Artikulo 262
2. sinuntok 7. isuplong
3. magsumbong 8. karapatan
4. batas 9. makatulong
5. Republika Bilang 9262 10. matakot

Alamin Natin
1. Abusong pisikal 4. Abusong pisikal
2. Abusong sikolohikal 5. Abusong pisikal
3. Abusong sekswal 6. Abusong sekswal

41
Alamin natin ang iyong natutuhan
1. magsumbong 4. Karapatang
2. Batas Republika 9262 5. Igalang
3. Artikulo 262 6. Hahatulan

Kwentahin Natin
1. 6
2. Php100,000.00

Aralin 2 Mga Uri ng Pang-aabuso

Subukin Natin
A. 1. b 2. a 3. c 4. a
B. 1. Humingi ng tulong sa pinakamalapit na kapitbahay at
magsumbong sa ahensya ng pamahalaan na nagbabantay
laban sa karahasan sa kababaihan.

Alamin ninyo ang inyong natutuhan


I. 1. abuso sa seks
2. abuso sa ekonomiya
42
3. abuso sa sikolohiya/emosyon
4. abuso sa pisikal

II. Itapat ang Hanay A sa Hanay B


1. c 2. a. 3. d 4. b

II. Kwentahin Natin


A. 1. Php 7,000.00 B. 1. Php 1,100.00
2. Php 5,000.00 2. Php 3,333.50
3. Php 6,410.25
4. Php 1,011.10

Alamin natin ang iyong natutuhan


I. 1. Abusong pisikal 4. Abusong sekswal
2. Abusong sikolohikal 5. Magsumbong
3. Abuso sa ekonomiya

II. 1. Php 10,000.00 2. Php 10,000.00

43
Aralin 3 Mga Ahensya ng Pamahalaan: Katuwang sa Pagsugpo
ng Karahasan

Subukin Natin
A. 1. ü 3. û 5. ü
2. ü 4. û

B. Ipaliwanag ang Mensaheng:

“Walang Mang-aapi Kung Walang Nagpapaapi”

Sagot: Kailangan maging matapang at handang lumaban sa mga


taong gustong mang-abuso

C. Ahensiya ng Pamahalaan sa Wikang Filipino


1. DEPED - Kagawaran ng Edukasyon
2. DSWD - Kagawaran ng Panlipunang Kapakanan at Kaunlaran
3. PNP - Pambansang Pulisya ng Pilipinas

44
Kwentahin Natin
1. 2,335
2. 333
3. 135
4. 472
5. 1,184
6. 620

Alamin natin ang iyong natutuhan?

Inaasahang Sagot: Mahalaga ang mga ahensya ng pamahalaan


upang maprotektahan at matulungan ang
biktimang kababaihan sa anumang uri ng
pang-aabuso.

Post Test
A. 1. Batas Republika 9262 4. hahatulan
2. igalang 5. magsumbong
3. DSWD

45
B. 1. ika-11 ng Disyembre 2013
2. 9 na buwan

D. 1. Abusong sikolohikal
2. Abusong pisikal
3. Abuso sa ekonomiya
4. Abusong sekswal
5. Abusong sikolohikal

46

You might also like