You are on page 1of 17

HAND-OUTS PARA SA FILIPINO (General Education)

Inihanda: Geraldine C. Rebamonte, Ed.D. Candidate (Cebu Normal University)


Katuturan ng Wika
 Webster (1974) – isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat o pasalitang
simbulo.
 Tinatawag ding wika ang mga : pasulat na wika, sign language, koda at iba pang uri ng artipisyal na likhang sistemang
pangkomunikasyon tulad ng ginagamit sa computer programming
Katangian
 Masistemang balangkas
Balangkas ng Wika
Ponolohiya Morpolohiya Sintaks
Tunog Salitang-ugat+Panlapi+ Pangungusap Diskurso
Morpemang ponema
(Ponema) (Morpema) (Sambitla)

 Sinasalitang tunog  Dinamiko


 Arbitraryong tunog  Natatangi
 Komunikasyon  Pantao
 Ginagamit  Malikhain
 Nakabatay sa kultura
Teorya
 Bow-wow – tunog ng kalikasan
 Pooh-pooh – bunga ng masidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa
 Yo-he-ho – pwersang pisikal mula sa paggawa
 Ding-dong – tunog na likha ng mga bagay sa paligid
 Pamuestra – tunog na kaalinsabay ang pagkilos ng mga labi
 Ta-ta – kumpas o galaw ng kamay ng tao
 Ta-ra-ra-boom-de-ay – kaugnay ng ritwal
Antas ng Wika
Barayti ng wika

Dayalek Sosyolek
 punto, o tono at istruktura  Sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat
 wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, panlipunan
lalawigan o pook  Wika ng mga estudyante, matatanda, kababaihan, preso, bakla,
 ayon kay Ernesto Constantino may 400 na ginagamit sa abogado at iba pang pangkat.
bansa  Hal. “Oh can you make urong naman the silya here.”
 Hal.  Register ay baryasyon ng wika batay sa paggamit ng wika ayon sa
Maynila - Aba, ang ganda! hinihingi ng sitwasyon. (pormal at di-pormal ng pananalita)
Batangas - Aba, ang ganda eh!  Jargonang tawag sa mga tanging bokabularyo ng isang partikular na
Bataan - Ka ganda ah! pangkat ng Gawain
Rizal - Ka ganda hane!  Hal.
Legal jargon – hearing,
pleading, settlement, fiscal,
court, justice
Accountancy jargon – debit,
balance, gross income, net
income, asset, revenue

Idyolek
 Paraan ng paggamit ng wika
1. Mike Enriquez 4. Kuya Cesar
2. Noli de Castro 5. Mon Tulfo
3. Rey Langit 6. Ted Failon

Pidgin
 Tinatawag sa Ingles na nobody’s native language
 Kapag ang dalawang taal na tagpagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang
komon na wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift
o Hal. Intsik Suki, ikaw bili tikoy, sarap, mura..

Creole
 Isang wikang unang naging pidgin ngunit sa katagalan ay naging likas na wika na.
Nagkakaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin
dito bilang unang wika.
 Hal. Chavacano

We make things happen… Page 1


Istandard na Wika
 Ayon kay Paz (2003), ang halos lahat na istandard na wika sa mundo ay ang barayti
ng ginagamit ng mga nakaangat sa buhay o mga maykapangyarihan at hinahangaan
o mga may pinag-aralan.
 Ito ang nagiging pamantayan ng istatus ng nagsasalita sa komunidad.

Mga Pangunahing Wikain ng Pilipinas


1. Bicolano 7. Tagalog
2. Cebuano – Sinugbuhanong Binisaya 8. Waray
3. Hiligaynon 9. Maguindanao
4. Ilocano – Iloko 10. Maranao
5. Kapampangan 11. Tausug
6. Pangasinense

FILIPINO - 1986

o Oktubre 12, 1986 – Pinagtibay ang implementasyon ngpaggamit ng Filipino


o Corazon C. Aquino

PILIPINO - 1959

o 1946 – Wikang Pambansang Pilipino


- Batas Komonwelt Blg. 570 - Hulyo 4, 1946
o 1951 – Wikang Pilipino
o 1959 – Pilipino
- Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 – Agosto 13, 1959

TAGALOG – 1897

o 1897 - Saligang Batas ng Biak-na-Bato

Surian ng Wikang Pambansa (SWP)

o Saligang Batas ng 1935 (Artikulo XIV, Seksyon 3)


o Batas Komonwelt Blg. 184 –
o Nobyembre 13, 1936
o Manuel L. Quezon

Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)

o Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117


o Enero - 1987
o Corazon C. Aquino

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

o Batas Republika Blg. 7104


o Agosto 14, 1991
o Corazon C. Aquino

Linggo ng Wika - 1954

o Proklamasyon Blg 13 – Marso 26


o Nilagdaan ni Pang.Ramon Magsaysay
o Pagdiriwang tuwing Marso 29- Abril 4
o Alay kay Francisco Balagtas

We make things happen… Page 2


Linggo ng Wika – 1955

o Proklamasyon Blg 186 – Setyembre 23


o Pagdiriwang tuwing Agosto 13-19
o Parangal kay Manuel L. Quezon

Buwan ng Wika - 1997

o Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos


o Proklamasyon Blg. 1041 – Hulyo 15
o Pagdiriwang tuwing Agosto 1-31

BAYBAYINLETRA 17 PATINIG 3 KATINIG 14


ABECEDARIO / ALPABETONG ROMANO
A B C CH D E
/a/ /be/ /ce/(th) /che/ /de/ /e/
F G H I J K
/efe/ /he/ /(h)ache/ /i/ /jota/ /ka/
L LL M N Ñ O
/ele/ /elle/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/
P Q R RR S T
/pe/ /ko/ /ere/ /erre/ /ese/ /te/
U V W X Y Z
/u/ /ube/ /ube doble / /ekis/ /i greiga/ /ceta/
LETRA 30 PATINIG 5 KATINIG 25
ALPABETONG INGLES
A, B, C, D, E, F,
G, H, I, J, K, L,
M, N, O, P, Q, R,
S, T, U, V, W, X,
Y, Z
LETRA 26 PATINIG 5 KATINIG 21
ALPABETONG PILIPINO
1940 - LOPE K. SANTOS
A, Ba, Ka, Da, E,
Ga, Ha, I, La, Ma,
Na, Nga, O, Pa, Ra,
Sa, Ta, U, Wa, Ya
LETRA 20 PATINIG 5 KATINIG 15
PINAGYAMANG ALPABETO
OKTUBRE 4, 1976
A, B, C CH, D, E,
F, G, H, I, J, K,
L, LL, M, N, Ñ, NG,
O, P, Q, R, RR, S,
T, U, V, W, X, Y, Z

LETRA 31 PATINIG 5 KATINIG 26


ALPABETONG FILIPINO
1989
A B C D E F G
/ey/ /bi/ /si/ /di /i/ /ef/ /ji/
H I J K L M N
/eyc/ /ay/ /jey/ /key/ /el/ /em/ /en/
Ñ NG O P Q R S
/en/ /enji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /es/
T U V W X Y Z
/ti/ /yu/ /vi/ /dobolyu/ /eks/ /way/ /zi/

We make things happen… Page 3


LETRA 28 PATINIG 5 KATINIG 23
>Relaxed – kita ang kawalan ng interes sa pakikinig, nauupo na parang nasa sala ng sariling bahay, walang reaksyon
positibo o negatibo man
>Busy Bee – pinakaaayawang tagapakinig, abala sa ibang Gawain tulad ng pagsusulat, pakikipag-usap sa katabi, pagte-
text o pagbabasa ng libro o magasin
>Two-eared listener – pinakaepektibong tagapakinig, lubos ang pakikinig gamit ang tenga at utak, may kawilihan at
obhektibo ang reaksyon

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang subsistem upang mapag-aralan nang lubos ang mga natatanging komponent
nito.
>PONOLOHIYA >MORPOLOHIYA>SINTAKS
PONOLOHIYA (Palatunugan) - makaagham na pag-aaral ng mga tunog
-Ponemang Segmental
Ponema – pinakamaliit na yunit ngunit maykahulugang tunog sa isang wika
Hal.“tel a” - damit o kasuotan, “t i l a” - parang o animo
Ang ponemang Filipino ay may 21 ponema.
16 na ponemang katinig – kasama ang impit na tunog o glotal (?), ang tunog na ginagawa sa pagsasara ng
glottis. Ito ay walang katumbas na titik ngunit kumakatawan sa anyong pasalita o pabigkas 5 na ponemang patinig.
Mga Ponemang Katinig sa Filipino
* m.t. = may tinig (voiced)
w.t. = walang tinig (voiceless)
Mga Ponemang Patinig sa Filipino
Harap Sentral Likod
Mataas I U
Gitna E O
Mababa A
Ang harap, sentral at likod ay tumutukoy sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng patinig.
Ponemang malayang nagpapalitan ay ponemang nagpapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan, tulad ng ponemang /
e / at / i/ ,/ o/ at / u/.
Halimbawa:
babai- babae noon- nuon totoo- tutuo
Pares-minimal - pares ng salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas ngunit magkaiba naman ang kahulugan.
unahan: pantay (pareho)
bantay (gwardya)
gitna: boto (halal)
buto (bahagi ng katawan o halaman)
hulihan: alab (ningas)
alap (kapalit)
Diptonggo - ang magkasamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig na nasa isang pantig.
Halimbawa: giliw tuklaw bataw
tuloy kasuy kulay
Klaster/ Kambal Katinig - pagtatambal ng dalawang magkasunod na katinig na matatagpuan sa isang pantig.
Halimbawa:
Unahan Gitna Hulihan
Blo - ke Ka - tra - ba - ho nars
KKP - KP KP - KKP – KP – KPKPKK
 Ponemang Suprasegmental
1. Tono– ang pagtaas at pagbaba ng pantig ng isang salita upang higit na maging epektibo ang komunikasyon.
2. Haba – ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita
Diin– ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
/ ba: ta? / - musmos / ta:la?/ - bituin
/ ba:tah / - ruba / ta.la? / - lista
3. Antala/ Hinto– ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging tiyak sa paghahatid ng mensahe.
a. Hindi ako ang may kasalanan.
Hindi, ako ang may kasalanan.
 MORPOLOHIYA (Palabuuan) – makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng salita ng isang wika.
o Morpema – pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan
 Uri ng morpema ayon sa kahulugan
 Leksikal
 Pangkayarian
Hal. Naglaro ng basketball sa plasa ang mga koponan.
Naglaro basketball plasa koponan.
 Pagbabagong Morpoponemiko

We make things happen… Page 4


Anumang pagbabago ng morpema ay taglay ng kaniyang kapaligiran at ito ay tinatawag na pagbabagong
morpoponemiko. Ang anumang maliit na salitang ikakabit nito ay nakaimpluwensiya sa pagbabagong anyo ng morpema.
1. Asimilasyon
pang – pan (d, l, r, s, t, )
pang – pam ( p at b.)
pang ( k, g, h, m, n, w, y, a, e, i, o, u)
a. Asimilasyong Parsyal
/pang/ + takas – pantakas
/pang/ + lagay – panlagay
/pang/ + babae – pambabae
b. Asimilasyong Ganap - dalawang beses ang pag-asimilang nagaganap.
/pang/ + takot - pantakot - panakot
/pang/ + sukat - pansukat - panukat
Hindi lahat ng mga salitang nagsisimula sa /p,b,s,t/ ay nagkakaroon ng asimilasyong ganap. Ang mga salitang
ugat na inuunlapian ay nananatili ang anyo:
pampalakas - hindi pamalakas
pambarko - hindi pamarko
2. Pagpapalit ng Ponema
Ang mga sumusunod na mga ponema ay nagpapalitan na di nagbabago ang kahulugan gaya ng:
 /o/ at /u/
bago + bago = bagung-bago
damo + damo = damung-damo
 /e/ at /i/
putahe + ng = putahing- putahe/ putahi
* /d/ at /r/
ma + dami = marami
ma + damot = maramot
May ilang pagkakataon na may mga salitang magkaiba ang kahulugan kaya, hindi dapat magkapalitan ang /d/ at /r/.
Madaldal - ( tsismosa/ tsismoso)
Madamdamin / maramdamin
* /h/ at /n/
tawa + han = tawanan
talo + han = talunan ( nagpapalitan din ang /o/ at /u/ )
* /l/ at /g/
halik + an = halkan = hagkan
3. Metatesis
Tinatawag din itong paglilipat. Makikita ito sa pagpapalitan ng posisyon ng ponema. Ang mga salitang-ugat na
nagsisimula sa /l/ at /y/ na ginigitlapian ng /in/ ay magkakaroon ng paglilipat ng pusisyon ng /n/ at ng /l/ at /y/.
lagay + in > l+ in +agay > linagay = nilagay
yari + in > y+ in + ari > yinari = niyari
tanim + an > taniman > = tamnan
4. Pagkakaltas ng Ponema
Ito ay nangangahulugang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Ito ay magaganap kung ang
huling ponemang patinig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala.
dakip + in > dakipin = dakpin
takip + an > takipan = takpan
1. Paglilipat-diin
, ,
ka + ginhawa + an = kaginhawaan
, ,
ka+ tapat + an = katapatan
6. Pagsusudlong
Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat ( hulapi ).
ka + totoo + han + an = katotohanan
alala + han + in = alalahanin
7. Pag-aangkop
hintay + ka = teka
hayaan + mo = hamo
Kayarian ng Salita
1. Payak - salitang-ugat, walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na ibang salita.
Halimbawa: bato, lakad, iyak, aklat
Page 5
2. Inuulit - kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit.
May dalawang uri ng pag-uulit:
a. ganap na pag-uulit– kung ang buong salitang-ugat ang inuulit
Haimbawa: araw araw-araw
bayan bayan-bayan
b. parsyal o di-ganap na pag-uulit –ang inuulit ay bahagi o parsyal lamang ng salitang-ugat.
Mga paraan sa pag-uulit:
 Pag-uulit sa unang pantig ng salita
Halimbawa: ikot iikot
 Pag-uulit sa unang dalawang pantig ng salita
Halimbawa: baligtad bali-baligtad
 Kung ang salita ay may unlapi, gitlapi o hulapi, ang salitang-ugat lamang ang inuulit, di na kasali ang
panlapi.
Halimbawa: magluto magluluto
 May mga salitang maylapi na ang inuulit ang ikalawa, ikatlo o ikaapat na pantig ng salita
Halimbawa:
magpakasaya magpapakasaya
ipakipaglaban ipakikipaglaban
3. Maylapi - binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.
Mga uri ng panlapi:
a. Unlapi – ito ay ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat
Hal. um- + inom uminom
i- + lakad ilakad
b. Gitlapi – ito’y ikinakabit sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig. Sa madaling salita ito’y
isinisingit sa gitna ng salitang-ugat.
Hal. -um- + kain kumain
-in- + putol pinutol
c. Hulapi – ito’y ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat
Hal. -han + huli hulihan
-an + upo upuan
d. Panlaping A+B (unlapi at gitlapi) – ang panlaping ito ay kombinasyon ng panlaping unlapi at gitlapi na
ikinakabit sa unahan at gitna ng salitang-ugat.
Hal. nag-/ -um- nagpumilit
i- / -in- itinakbo
e. Panlaping A+C o Kabilaan (unlapi at hulapi) - sa uring ito, ang mga panlapi ay inilalagay sa unahan at hulihan
ng salitang-ugat.
Hal. ma-/ -an + tanim mataniman
nag-/ -han + kanta nagkantahan
f. Panlaping B+C (gitlapi at hulapi) – ito’y kumbinasyon ng panlaping gitlapi at hulapi na ikinakabit sa gitna at
huluhan ng salitang-ugat.
Hal. -in- / -an + tabas tinabasan
-in- / -an + tawa tinawanan
g. Panlaping A+B+C o Laguhan – ito ang tawag sa mga panlaping ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng
salitang-ugat.
Hal. pinag-/-um-/-an + sikap = pinagsumikapan
Nag- / -in- / -an + dugo = nagdinuguan
4. Tambalan - kapag ang dalawang salita ay pinagsama upang makabuo ng isang salita, ito’y tinatawag na tambalang-
salita. May dalawang uri ng tambalan:
a. Tambalang ganap – kapag ang dalawang salitang pinagtambal na may magkaibang kahulugan ay nakabuo ng
ikatlong kahulugan na malayo sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama. Kadalasan ang salitang
nabubuo ay di na nilalagyan ng gitling.
Hal. hampas + lupa hampaslupa
bahag + hari bahaghari
a. Tambalang di-ganap o malatambalan – ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal ay
nananatili ang kahulugan at walang nang ikatlong kahulugan. Ito’y ginagamitan ng gitling.
Iba’t ibang paraan ng tambalang di-ganap:
 Ang ikalawang salita ay naglalarawan ng unang salita.
Hal. isip-bata kulay-dugo
 Ang ikalawang salita ay nagsisilbing layon ng unang salita.
Hal. ingat-yaman bantay-bahay

Page 6
 Ang ikalawang salita ay nagsasaad ng gamit ng unang salita.
Hal. silid- kainan bahay-bakasyunan
 Ang ikalawang salita ay nagsasaad ng pinagmulan o tirahan ng tinutukoy ng unang salita.
Hal. batang-lansangan bahay-bata
 Kung binubuo ng dalawang salitang magkasalungat ng kahulugan.
Hal. lakad-takbo taas-baba
 SINTAKS (Palaugnayan)
Ang sintaks ay tumutukoy sa istruktura ng mga pangungusap at mga tuntuning nagsisilbing patnubay sa
pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap.
ANG PANGUNGUSAP
Ito ay isang salita o lipon ng mga salitang nagsasaad ng buong diwa o kaisipan.
 Sabjek o paksa - pinag-usapan sa loob ng pangungusap
 Predikeyt o panaguri - nagsasabi tungkol sa sabjek.
Halimbawa:
Sa Paksa:
1. Nahuli ng 30 minuto siSandra.
Sabjek o Paksa
Sa Panaguri:
1. Nagdarasal ang relihiyosang biyuda.
Predikeyt o Panaguri
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA AYOS
A. Karaniwang ayos
Halimbawa: Bibili ng e-loadsi Catherine.
P + S
B. Di – Karaniwan
Halimbawa: Si Itayay nag-araro buong maghapon.
S + P
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN
1. Payak – nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan.
a. Payak na Paksa at Payak na Panaguri
Si Maestro Gregorioay pilosopo.
S + P
b. Payak na Paksa at Tambalang Panaguri.
Akoay tagamasid at tagapagtala lamang.
S + P
c. Tambalang Paksa at Payak na Panaguri
Pinakawalanang mga sugpo at bangus.
P + S
d. Tambalang Paksa at Tambalang Panaguri
Ang kura paroko at kolektor ng buwis
S +
ay dinarambong at ninanakawan.
P
2. Tambalan – ito’y binubuo ng isa o higit pang magkatuwang na sugnay o malayang kaisipan o punong sugnay.
Hal. Sa akinang pagdiskarte sa paghukay ng karbon
P + S
at sa kanya namanang management at marketing.
at P + S
3. Hugnayan– ito’y binubuo ng isang punong sugnay at isa o higit pang katulongna sugnay.
Hal. Kailangang bumabatayosa ilalim ng tanel
P + S
upang kumuha tayong sampol ng karbon.
upang P + S
4. Langkapan– ito’y binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay at ng isa o higit pang di malayang sugnay.
Hal. Higit na pagmamahal ang iniukol ni Rey kay
P + S
Inday Tata ngunit nakalalamangang kay Allen
ngunit P + S
sapagkatang matandang Australyanoang napili ni Tata.
sapagkat P + S

Page 7
Wastong Gamit ng mga Salita
Pinto Pintuan
 ang bahagi ng gusali o bahay na siyang  ang bahaging kinalalagyang ng pinto
isinasara at ibinubukas at siyang dinaraanan

Kong Kung
 panghalip na panao – ko  (if) ginagamit sa pangatnig na
panubali at sa hugnayang
pangungusap
Tungtong Tuntong Tunton
 Kawali  gawa ng yapak  bakasin o hanapin
 panakip sa palayok ang bakas
Hagdan Hagdanan
 ito ang mga baytang na inaakyatan at  ito ang bahagi ng bahay na
binababaan sa bahay. kinalalagyan ng hagdan.

Kung ’di – (if not) Kungdi Kundi


 Pinaikling kung hindi.  Hindi dapat gamitin, walang salitang  Kolokyalismo ng
ganito. kung ‘di
May Mayroon
kung ang kasunod ay:  panagot sa tanong
 pangngalan Hal. May natira pa bang ulam?
Hal.May taong nakaupo sa hagdan. (Mayroon pa)
 pang-uri  patalinghaga
Hal.May bagong sapatos si Mike. Hal.Ang mga Ramos ay mayroon sa
 pandiwa kanilang bayan.
Hal.May darating na bisita bukas.  kung ang kasunod ay mga kataga o
 pantukoy na mga inklitik: pala, daw, raw, ba, na, kaya,
Hal. May mga lalaking manliligaw sa sana, din, rin, pa, atbp.
iyo.  sinusundan ng panghalip palagyo
 pang-ukol na sa Hal.Mayroon siyang bagong damit.
Hal.May sa pusa ang taong iyan.
 panghalip na paari
Hal.May kanila silang hacienda)

Sina Sila
 panandang kayarian o pang-ukol sa  ginagamit bilang panghalip na panao
pangngalan Hal.Sila ang susunod na maglalaban
 ginagamit kapag sinusundan ng sa arena.
pangngalan na tinutukoy sa
pangungusap
Hal.Napabalitang sina Pacquiao at
Marquez ang susunod na maglalaban.
Subukin Subukan
 ginagamit sa pagsusuri o pagsisiyasat sa  tumutukoy sa pagsubok sa tao at sa
uri, lakas o kahalagahan ng isang bagay kanyang kakayahan
Hal.Subukin mong gamitin ang Hal.
baretang ito at baka magustuhan mo. Winika ni Erap na “Wag n’yo akong
subukan!”
Hanapin Hanapan
 ginagamit kung nais Makita ang bagay,  ginagamit kung nais nakita o makuha
tao o lugar sa isang tao o mga tao

Daw / Din / Dito Raw / Rin / Rito


 kung nagtatapos sa katinig  kung nagtatapos sa patinig at
Hal. malapatinig
Lahat daw ay masaya sa party Hal.
Inihain din niya ang mga ispesyal na Ikawraw ang may kasalanan.
pagkain. Siya raw ang may sala

Page 8
Bawal magtapon dito ng basura. Kami rin ay aalis.
Umalis ka rito sa tabi ko.
Nang = when Ng = of
= so that  kapag sinusundan ng pangngalan
= in order to Hal.
 (when) kapag sinusundan ng panghalip, Lumala ang pagbagsak ng ekonomiya
Hal. nang maghasik ng kaguluhan ang
Nangsiya ay dumating, kaaalis mo lang mga terorista
nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang
 (so that / in order to) bagay o katangian
Ginagamit na pangatnig sa mga Hal.
hugnayang pangungusap at ito ang Nasira ang keypad ngcellphone
panimula ng katulong na sugnay  pang-ukol na layon ng pandiwa
Hal.Magrebyu kayo nang pumasa sa Hal.
Board Exam Ipinasa ng mga estudyante ang
 pandiwa kanilang riserts.
Hal.Nakapagtrabahosiya sa City Hall  Ginagamit na pananda ng aktor o
gawa nangmalakas siya sa Mayor. tagaganap ng pandiwa sa tinig
 Ang nang ay nagmula sa na at balintiyak
inangkupan ng ng at inilalagay sa Hal.
pagitan ng pandiwa at ng panuring nito. Pinarangalan ng guro ang mga
Hal.Nagpasa si Marcos ng proyekto nahuling estudyante.
nang maaga.
 dalawang salitang pandiwa na inuulit
Hal.Iyaknangiyak ang mga bata.
 pang-uri
Hal. - (panlarawan)
Tumakbo siya nangmabilis sa daan.
-(pamilang)
Ilegal siyang nanirahan sa bansang iyon
nangtatlong taon.
 pang-abay
Hal.Umalis siya nangwalang paalam.
Kina Kila
 panandang pangkayarian sa  Walang salitang kila sa Balarilang
pangngalan tulad ng sina Filipino
Hal.  Karaniwang pagkakamali
Papunta na kami kina Gng. Ramos
Kapag ang dalawang katinig ay digrapo – dalawang katinig na may iisang tunog tulad ng sh – sy at ch - ts, karaniwang
inuulit ang digrapo at unang patinig ng salitang-ugat
hal. magtsetsek, magsha-shopping
iba at iba – iba’t iba
Paggamit ng Salita Ayon sa Kahulugan
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
Iba’t ibang paraan ng pagkuha ng kahulugan ng salita o ekspresyon
1. Pahiwatig na Kontekstuwal (context clues)
1.1.Katuturan o depinisyon
Hal. Lungkot na lungkot siya kaya hindi maitago ang kanyang pagdadalamhati.
1.2. Karanasan o eksperyensya
Hal. Ikinatuwa ng mga magulang niya ang doteng ibinigay ng kanyang nobyo.
1.3. Salungatan o analohiya
Hal. Nakaalis ka na nang dumating kami sa inyo.
1.4. Pahiwatig
Hal.Gumawa ka muna ng burador bago ka sumulat ng pinal na papel.
1.5. Pagsusuri batay sa etimolohiya ng salita
Hal. Kasanayan = ka- + sanay + -an

2. Kolokasyon (collocation)
- Pagbibigay-kahulugan sa isang salita o ekspresyon na iniisip muna ang pangunahing kahulugan bago ang iba pang
kahulugan.

Page 9
Hal. Kay tamis ng kanyang ngiti.
3. Klino (cline)
-Pag-iiba-iba ng kahulugan ng mga salitang magkakaugnay batay sa intensida ng mga kahulugan.
Hal. suya, inis, buwisit, galit,poot/ pagkamuhi
4. Klaster (cluster)
-Pagbibigay-kahulugan sa magkakaugnay na salitang hindi kinakailangang magkatulad na bahagi ng pananalita.
Hal. pamayanan, rural, urban, komunidad, nayon, lungsod
5. Denotasyon (denotation)
- pandiksyunaryo o literal na kahulugan
Hal. Naglalaro ng apoy si Carla
Konotasyon (connotation)
- Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan
-Gumagamit ng mga pahiwatig o matalinghagag kahulugan ng isang salita
Hal. Totoo bang bata siya ng Hapon?(di pa matanda, alalay, kabit o kalaguyo)
>Ang konotasyon ay maaaring matawag na:
Idyomatikong pahayag – pahayag na hindi literal o di-tuwiran ang kahulugan ng mga salita
Hal. magbanat ng buto (magtrabaho nang mabuti)
Patayutay na pananalita – isang pahayag na sadyang lumilihis sa karaniwang paraan ng pagpapahayag nang ang
pahayag ay magawang maganda at laakit-akit
Hal. Wow seksi! Coca-cola body. In can!
Eupemistikong pananalita – mga pananalitang ipinapalit sa mga salitang maaaring makasakit ng damdamin.
Hal. binawian ng buhay ( namatay)
o Makulay / masining na pananalita – mga salitang karaniwang ginagamit ng mga makata na may
kakaiba ngunit magandang paglalarawan
Hal. mala-makopang pisngi ( kulay rosas ang pisngi
Matalinghaga at Malikhaing Pagpapahayag
Ang mga Tayutay (Figure of Speech)
 bulaklak ng diwa
 sadyang paglihis sa karaniwang pgpapakahulugan ng mga salitang gamit sa pahayag upang gawing lalong
mabisa, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag
URI NG TAYUTAY
 PAG-UULIT / ALITERASYON – (Alliteration) – pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng
salita. Hal. pananampalataya at pag-asa / lungkot at ligaya
o KONSONANS – (Consonance) - pag-uulit ng mga tunog-katinig sa pinal na bahagi ng salita
Hal. kahapon at ngayon / tunay na buhay
o ASONANS – (Assonance) – pag-uulit sa mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita
Hal. salamat at paalam / hirap at pighati
o ANAFORA – (Anaphora) – pag-uulit ng unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod
Hal. Ina ang ilaw ng tahanan
Inang mapagmahal at maaruga
o EPIFORA – (Epiphora) - pag-uulit ng huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod
Hal. Ang Saligang Batas ay para sa mamamayan
Gawa ng mamamayan
At mula sa mamamayan.
o ANADIPLOSIS – (Anadiplosis) – ang huling salita sa unang taludtod ay inuulit sa unahan ng mga
sumusunod na taludtod sa isang saknong. (pag-uulit sa una at huli)
Hal. Matay ko man yatang pigili't pigilin
Pigilin ang sintang sa puso'y tumiim;
Tumiim na sinta'y kung aking pawiin
Pawiin ko'y tantong kamatayan ko rin. - Jose dela Cruz
o EMPANADOS - Pabalik na Pag-uulit – Bagamat ito’y hindi na isinama ni Rufino Alejandro ngunit ito’y
sadyang pag-uulit pa rin, nga lamang, binabaliktad ang ayos ng pahayag.
Hal. Ang langit ay lupa, ang lupa ay langit.
 PAGHIHIMIG / ONOMATOPIYA (Onomatopoeia) – sa pamamagitan ng tunog o himig
Hal. lagaslas ng tubig / dagundong ng kulog
 PAGTUTULAD – (Simile) – simpleng paghahambing ng dalawang , tao, pangyayari o kaisipan na magkaiba ngunit
magkatulad sa katangian. (para, tulad, gaya, kapara, kawangis, tila, anaki, wari, animo) Hal. Halimuyak
niya'y tulad ng isang ilang-ilang sa bango.
 PAGWAWANGIS – (Metaphor) – tuwirang paghahambing
Hal. Halimuyak niya'y ilang-ilang sa bango.

Page 10
 PAGBIBIGAY-KATAUHAN – (Personification) - pinapakilos ang isang bagay na parang isang tao o binibigyan ng
gawain ukol lamang sa tao. (pandiwa at pangngalan)
Hal. Mabilis tumakbo ang oras. (pandiwa)
 PAGMAMALABIS – (Hyperbole) – labis ang pagpapahayag
Hal. Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong bumaha ng dugo rito.
 PAGPAPALIT-TAWAG –– (Metonymy) – pinapalitan ang ngalan o katawagan sa isang bagay.
Hal. Sampung bote ang naubos nila.
 PAGPAPALIT-SAKLAW - (Synecdoche) - binabanggit ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.
Hal. Nakatira kami sa iisang bubong.
 PAGPAPALIT-WIKA – (Transferred Epithets) pagpapahayag na naglilipat sa mga bagay na walang buhay ng mga
katangian na ginagamit lamang sa tao.(pang-uri)
Hal. Masaya ang kulay ng kanyang damit.
 RETORIKAL NA TANONG – (Rhetorical Question) - isang uri ng pagpapahayag na hindi naman talaga
nangangailangan ng sagot kundi ang layunin ay maikintal ang mensahe.
Hal. May ina bang nakatitiis sa anak?
 PAGTATAMBIS – (Oxymoron/Anthesis) – paggamit ng salita o pahayag na magkasalungat
Hal. hirap at ginhawa / may dusa at may pag-asa / maganda at pangit
mahirap kausap ang taong iyan, ngayon ay oo, mamaya ay hindi.
 PAGSALUNGAT – (Epigram) – pagpapahayag na magkasalungat sa pagpapahayag.
Hal. Itinutulak ng bibig, kinakabig ng dibdib.
 PAG-UYAM – (Irony or Sarcasm) – sa simula'y nagbibigay-puri ngunit may layuning mangutya
Hal. Wow seksi, katawang lumba-lumba.
 PAGTAWAG – (Apostrophe) - kinakausap ang isang bagay o tao kahit hindi kaharap
Hal. O, tukso layuan mo ako!
 PAGTANGGI – (Litotes) – gumagamit ng salitang hindi upang magbigay ng kahulugang di-pagsang-ayon sa
sinasabi ng salitang sumusunod.
Hal. Hindi sa pagmamayabang, pero ang totoo lima ang sasakyan ko.
Pasawikaing Pagpapahayag/ Idyoma
 Ang mga sawikain / idyoma / idyomatikong pahayagay maaaring salita o mga pariralang di-tuwirang tumutukoy
o sadyang lumilihis sa kahulugan at sa tuntuning panggramatika
 Inuugnay sa retorika ang mga sawikain sapagkat nagiging makulay, mabisa at makabuluhan ang pagpapahayag
kapag nasasangkapan nito.
 Halimbawa
o patabaing baboy - taong tamad
o sang-sangang dila - sinungaling
o nagpuputok ang butse - galit na galit
o kaututang dila - pinagsasabihan ng lihim
o kahiramang suklay - malapit na kaibigan
 Kawikaan
o isang tuntunin o kautusang kinilala at pinagtibay ng karanasan madalas ay sa biblia nakukuha,
o kalipunan ng mga turong pangmoral at panrelihiyon at karamihan ay tumatalakay sa mga praktikal na
bagay sa buhay
Hal. 1. Pagkataas-taas man ng lipad, siyang lagapak kung bumagsak.
2. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
 Kasabihan
o ayon kay Jose Villa Panganiban, ay mga salitang bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin
ay Mother Goose o Nursery Rhymes,
o tulang pambata o tulang walang diwa o tugmang mababaw ang isinasaad na kahulugan
Hal. 1. Kuwarta na naging bato pa.
2. Pili nang pili sa bungi nauwi.
 Sabi-sabi – tulad ng sawikain, ito’y nagbibigay-aral din, lamang ay hindi matalinghaga
 Salawikain (proverbs)
o pangungusap na hitik sa gintong aral, nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng
kagandahang-asal,
o nagtataglay ng mas malalim na kahulugan o matalinghaga, ito ay may sukat at tugma
Hal. 1. Aanhin ko ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago.
2. Ang hindi lumungon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.
 Sawikain – mga salitang patambis, idiomatic expression- isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng
mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob
Hal . balat-sibuyas - maramdamin

Page 11
Apat na Uri ng Pagpapahayag
 Paglalarawan (Deskriptibo) – paglalarawan ng nadarama, nakikita, naiisip at naririnig
3 Uri: Pangkaraniwan, Masining at Teknikal
 Pagsasalaysay (Naratibo) – pagpapahayag na may layuning maghayag ng pagkakasunud-sunod at pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari
Punto de vista / pananaw (point of view):
 Subhektibo/subjektiv – ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa mga dapat isipin o sabihin ng mga tauhan
 Obhektibo/objektiv – ang tagapagsalaysay ay tagamasid lamang
 omnisyent – alam ng tagapagsalaysay ang lahat ng mga nangyayari sa loob at labas ng tauhan
 Paglalahad (Ekspositori) – pagpapahayag na pasalita o pasulat na may layuning magpaliwanag, magbigay
kaalaman, o tumugon sa pangangailangang pangkarunungan.
 Pangangatwiran (Argumentatibo) – pahayag hinggil sa kaalaman at paniniwala sa bagay, pangyayari, o ideya na
binibigyang-katarungan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag upang makahikayat
Uri ng pangangatwiran:
 Pabuod – gumagamit ng mumunting katotohanan patungo sa pagbuo ng isang paglalahat o kongklusyon.
 Pasaklaw - nagsisimula sa isang tuntunin o simulaing panlahat upang hugutin dito ang isang katotohanan.
 Talumpati – sinusulat ayon sa pakay ng bibigkas nito at laging may ninanasang ipabatid sa mga tagapakinig
 Debate – palitan ng katwiran ng dalawa o higit pang pangkat na magkasalungat sa isang makabuluhang isyu
o paksa na pinagkasunduan.

FILIPINO - PANITIKAN

Arrogante (1983):
Ang panitikan ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang
buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan.
Salazar (1995):
Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.
 Amerikano – Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe
 Pranses – Jean Jeacques Russeau – Social Contract
 Pilipinas – akda ni Rizal – inspirasyon ng mga Katipunero
- dating Pangulong Marcos – akdang naglalarawan ng pagmamalabis ng kanyang administrasyon –
EDSA 1986
PARAAN NG PAGSASALIN
A. PASALIN-DILA
B. PASULAT
ANYO NG PANITIKAN
A. PATULA
B. TULUYAN
Sinaunang Panitikan – may dalawang bahagi
1. Kapanahunan ng mga Alamat - pinangkat ni Gonzales (1985) sa dalawa ang alamat
1.1. Alamat
1.1.1. Etiological – nagpapaliwanag kung paano pinangalanan ang mga bagay o pook.
1.1.2. Non-Etiological – tungkol sa mga dakilang tao, santo, supernatural na nilikha, pagpaparusa ng malaking
kasalanan at mga ibinaong kayamanan
2. Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang Bayan
2.1. Kwentong Bayan
2.2. Epiko
2.3. Awiting bayan
2.4. Bugtong
2.5. Salawikain at Kasabihan
 Kawikaan– isang tuntunin o kautusang kinilala at pinagtibay ng karanasan madalas ay sa biblia nakukuha, kalipunan ng mga
turong pangmoral at panrelihiyon at karamihan ay tumatalakay sa mga praktikal na bagay sa buhay
Hal. 1. Pagkataas-taas man ng lipad, siyang lagapak kung bumagsak.
 Kasabihan – ayon kay Jose Villa Panganiban, ay mga salitang bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin ay
Mother Goose o Nursery Rhymes, tulang pambata o tulang walang diwa o tugmang mababaw ang isinasaad na kahulugan
Hal. 1. Kuwarta na naging bato pa.
 Salawikain - (proverbs) pangungusap na hitik sa gintong aral, nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng
kagandahang-asal, nagtataglay ng mas malalim na kahulugan o matalinghaga, ito ay may sukat at tugma
Hal. Aanhin ko ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago.
 Sabi-sabi – tulad ng sawikain, ito’y nagbibigay-aral din, lamang ay hindi matalinghaga
 Sawikain – mga salitang patambis, idiomatic expression- isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na
salita upang maiwasan ang makasakit ng loob
Hal . balat-sibuyas - maramdamin
Page 12
Panitikan sa Panahon ng Kastila – tulang relihiyon
1. Doctrina Cristiana 4. Pasyon
2. Nuestra senior del Rosario 5. Urbana at Felisa
3. Barlaan at Josaphat
Mga Aklat Pangwika
1. Arte y Reglas dela Lengua Tagala – nina Padre de San Jose at Tomas Pinpin
2. Vocabulario de la Lengua Tagala – ni Padre de San Buenaventura
3. Arte de la Lengua Becalana – ni Padre Marcos Lesba
Mga Uri:
A. PATULA – kung ito ay nahahati sa mga taludtod o saknong at ginagamitan ng mga salita na maaaring may sukat, tugma at
talinghaga o maaari ring wala.
Inuuri sa anyong patula ang mga sumusunod:
1. Tula – nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mga piling salita na maaaring may sukat, tugma, talinghaga at kariktan
subalit maaari ring wala
May tatlong (3) uri ng tula:
1.1. Tulang Pasalaysay – tulang may sukat at tugma. Layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay, pag-ibig at
pakikipagsapalaran ng bayaning tauhan sa paraang patula
1.1.1. Epiko
–– tulang pasalaysay na ang mga pangyayari ay tungkol sa pakikipagsapalaran,
kabayanihan at katapangan ng bayaning tauhan na nagtataglay ng mga di-
kapani-paniwalang kakayahan ngunit nakapag-iiwan ng aral at magandang
halimbawa sa mambabasa.
* Ayon kay Dr. Arsenio Manuel ang epiko ay mauuri sa tatlo (3):
1.1.1.1. Microepic – epikong kumpleto sa kanyang sarili. Maikli at natatapos
basahin sa isang upuan lamang. Hal. Biag ni Lam-ang (Ilokano)
1.1.1.2. Macroepic – epikong nagpapakita lamang ng isang patikular na bahagi
ng isang awit. Hal. Tuwaang ng mga Bagobo
1.1.1.3. Mesoepic – epikong may masasalimuot na insidente. Hal. Labaw
Donggon ng mga Bisaya (Gonzales:31)
* Dalawang (2) uri batay sa pananampalataya:
1.1.1.4. Epiko ng mga Kristiyano
 Halimbawa –AngLabaw Donggon at Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg ng mga ilokano.
 Ang pangalawang nabanggit ay unang nasulat sa wikang Samtoy noong 1640 at sinasabing binubuo ng
10000 taludtod.
 Isinalin ni Isabelo delos Reyes sa wikang kastila sa anyong tuluyan.
 Nalathala ito sa EL FOKLORICO FILIPINO noong 1890.
 Ang pinakamahabang bersyon ng Lam-ang ay nailimbag sa Calasiao Pangasinan.
 Ito ay may 1200 taludtod.
1.1.1.5. Epiko ng mga Di-Kristiyano
 Halimbawa - Ang Hudhud at Alim ng mga Ifugaw.
 Ang Hudhud ay pagsasalaysay ng buhay ni Aliguyon, Bugan at iba pang mga bayaning tauhan ng mga
ifugaw.
 Ang epikong kinasasalaminan ng mga kasabihan ng mga ifugaw.
 Sinasabing hanggang sa kasalukuyan ay naririnig pa na inaawit ang ilang bahagi ng epikong ito na
tinatayang higit sa dalawang oras kung bibigkasin nang tuloy-tuloy ang hudhud.
 Ang Alim ang pinakamatandang epiko sa Pilipinas ayon kay Dr. Otley Beyer.
 Higit na makarelihiyon ito kaya ito ang inaawit sa mga okasyong nauukol sa relihiyon tulad ng UYAUY –
isang pagdiriwang na mayayaman lamang na Ifugaw ang nakapagbibigay.
MGA EPIKO NG PILIPINAS
A. Epiko ng mga Ifugao
Alim- Ito ay tungkol sa mga Bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan.Ito ay kahawig ng “Ramayana” ng India.Tinutukoy rito
ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan na siyang pinagmulan ng kagalitan at patayan sa daigdig bilang talab ng sumpa
ng bathalang si Makanungan.
Hudhud- Ito naman ay tungkol sa mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga dakilang bayani ng Ifugao na ang tanging bida ay si
Aliguyan ng Gomhandam.Isinasalaysay dito ang pinagmulan ng liping Ifugao.
B. Epiko ng mga Muslim
Bidasari- Ito ay isa lamang hiram na epiko sa Malaysia.Ngunit naging popular ito nang maisalin sa Maranaw.Ito ay tungkol sa
magandang si Bidasari na dahil sa kalupitan ng isang sultana ay nagiging patay siya kung araw at sa gabi lamang nabubuhay.
Hanggang sa may umibig na isang sultan sa dalaga at sila’y nagging magkabiyak ng puso.
Bantugan- Ito ay tungkol sa isang prinsipe, si Bantugan na ubod ng tapang at lakas. Namatay siya sa sakit. Ngunit ang kanyang
kaluluwa ay nakuhang muli ng kanyang kapatid na si Haring Madali at muli siyang nabuhay. Nailigtas si Bantugan sa mga lumusob na
banyaga sa kanilang kaharian. Marami siyang napaibig at naging asawa.
Indarapatra at Sulayman- Ito ay itinuturing na alamat ng Mindanao.Ito ay tungkol sa magigiting na pakikikpagsapalaran ni Emperador
Indarapatra ng kaharian ng Mantapuli.

Page 13
Tuwaang- Ito ay halaw sa epiko ng mga Manobong nakatira sa timog ng Mindanao.Ito ay isinasalaysay sa tuluyan at inaawit ang mga
abentura. Ang pag-aawit ay ginagawa kung gabi pagkatapos ng hapunan at kapag nakalatag na ang kanilang banig.
C. Epiko ng Tagalog
Kumintang- Ito’y kasaysayan ng pagsusugo ng Haring Soledan sa kanyang tatlong anak na sina BagtasMandukit at Dikyaw buhat sa
kaharian ng Madjapahit tungo sa Ma-I at Lusong ng bahagi ng kaharian ng Lontok. Maraming mga salawikain at mga kasabihang
nanggaling sa kumintang.
D. Epiko ng Bisaya
Haraya- Ito ay kalipunan ng magagandang asal na binibigkas nang pasalaysay.
Hari sa Bukid- Ito ay tungkol sa kasaysayan ng isang haring hindi nakikita ng mga tao.
Hinilawod- Ito ay kasaysayan ng pag-iibigan ng mga Bathala ng mga taga-Iloilo, Antique at Aklan. Ito ay maituturing na pinakamahaba
at pinakamatangdang epiko ng Panay.
Lagda- Ito ay kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan, gaya ng “Kodigo ni Kalantiyaw,” ng tribu ng Aklan.
Maragtas-Ito ay tungkol sa kasaysayan ng mga nagsitakas na sampung datung Malay dahil sa kalupitan ni Sultang Makatunaw ng
Borneo.
E. Epiko ng Bikolano
Ibalon
-Ito ay tungkol sa kasaysayan ng kauna-unahang mga taong naninirahan sa mga lupain ng Aslon at Ibalon.
-Ito ang naging huwaran ng mabuting pamumuhay ng mga taga-Bikol.
-Inaawit ito sa matandang Bikol ng isang makatang manlalakbay na ang panglan ay Kadugnung.
F. Epiko ng mga Ilokano
Biag ni Lam-ang
-Ito ay sikat na epiko bago dumating ang mga Kastila subalit nasulat lamang ito noong dakong dantaong labimpito.
-Ito ay akda ni Pedro Bukaneg.
1.1.2. Awit at Korido – tulang pasalaysay na paawit kung bigkasin. Ang tagpuan ng mga pangyayari ay sa ibang bansa. Ang tema ay
pinagsama-samang romansa, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan.
Kaibahan ng Awit at Korido

PANTIG BIGKAS TAUHAN HALIMBAWA


Walang kapangyarihan
AWIT 12 Mabagal (makatotohanan) Florante at Laura
1.2. Tulang
Liriko/Pandamdamin – Nasasaniban ng
KURIDO 8 Mabilis kapangyarihan Ibong Adarna
kilala bilang tulang paawit. (pantasya)
Mula sa salitang Griyego
na ang kahulugan ay
tulang inaawit sa saliw ng lira. Ito’y nagpapahayag ng damdamin maaaring sarili o kaya ay likha ng mayamang guniguni ng makata na
hango sa karanasan.
1.2.1. Kantahin o Awitin - mga taludtod na may sukat at tugma na inilalaan para awitin
Hal. Chit Chirit Chit, Leron, Leron Sinta, Bahay-kuboParuparong Bukid (Tagalog)
Ati Ku Pung Singsing (Kapampangan) Sarong Banggi (Bikol)
Manang Binay, Pamulinawen (Ilokano)Ako’y Pobreng Alindahaw (Bisaya)
1.2.2. Soneto – tula na binubuo ng labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at
kaisipan na naghahatid ng aral sa mambabasa
1.2.3. Elehiya – tulang nagpapahayag ng panimdim at pagkalumbay sanhi ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay.
1.2.4. Oda – tula ng paghanga o pagpuri sa isang tao o bagay na nasusulat sa masining na pahayag
1.2.5. Dalit – awit na papuri sa Panginoon o Mahal na Birhen na nagtataglay ng pilosopiya sa buhay
1.2.6. Pastoral – tulang naglalarawan ng tunay na buhay o paraan ng
pamumuhay sa bukid
1.3. Tulang Pandulaan / Pantanghalan – Ito’y ginagamit sa pagtatanghal ng mga dula na ang usapan ay sa paraang patula.
1.3.1. Tibag – isang pagtatanghal tungkol sa paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Kristo na ginagampanan nina
Reyna Elena at Prinsipe Constantino
1.3.2. Duplo – isang uri ng laro na nagtatanghal ng madulang pagtatalo sa paraang patula. Ito ay nilalaro kung sa ikasiyam
ng gabi mataps malibing ang namatay.
1.3.3. Panunuluyan / Pananapatan – prusisyong ginaganap kung bisperas ng pasko. Ito ay tungkol sa paghahanap ng
bahay na mattuluyan ng Mahal na Birhen at ni San Jose.
1.3.4. Panubong – ito’y isang dula kung saan isang mahabang tula ang binibigkas nang paawit. Ginagawa ito
bilangparangal sa isan dalagang may kaarawan.
1.3.5. Senakulo – dulang nagpapakita ng pasakit sa buhay ni Hesukristo. Ang usapan ng tauhan ay patula. Itinatanghal
tuwing Semana Santa. Ang unang sumulat ng senakulo ay paring Pilipino.
* May dalawang (2) uri ng Senakulo:
1.3.5.1. Hablada – kapag ang usapan ay patula, isang gabi ang pagtatanghal
1.3.5.2. Cantada – kung ang usapan ay paawit mas mahaba kaysa hablada tatlong gabi
ang pagtatanghal
1.3.6. Sarswela
1.4. Tulang Patnigan – Mga laro o paligsahang patula na nooy karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.
Page 14
1.4.1. Karagatan – tungkol sa alamat ng singsing ng isang dalaga na inihulog sa dagat sa hangaring mapangasawa ang
kasintahang mahirap.
1.4.2. Duplo – larong patula na kadalasang ginaganap tuwing may lamayan ng patay
1.4.3. Balagtasan – tagisan ng ytalino sa pamamagitan ng palitan ng katuwiran
sa paraang patula
 Tanaga – tulang iisahing saknong ng mga Pilipino, may 7 pantig bawat taludtod at may 4 na taludtod na puno ng talinghaga.
Ang tugmaan ay maaring AAAA, ABAB o AABB
Hal. Ang klase pagmarunongNatututo ang guro
Kung wala namang baloNag-iisip ang puso
 Haiku – tulang Hapones na binubuo ng 17 pantig na nahahati sa 3 taludtod (5,7,5) karaniwang mababaw ang mensahe
ngunit pinag-iisip sa kahulugan ang mambabasa
Hal. Tao Hindi raw araw
Ang mabuti o masama Ang tao lamang
 Pantun – Tulang sinasabing pinakapalasak na dala ng mga Malayo na may apat na taludtod lamang na ang tugmaan ay
ABAB
Hal. Huwag Akong PahirapanAnong saysay ilaw ay sindihan
Kung walang mitsaAnong saysay mata ay kislapan Kung walang pagsinta
B. TULUYAN
• Mitolohiya – katipunan ng iba’t ibang paniniwala at mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa
• Alamat – kwentong nagpasalin-salin sa bibig na karaniwang tungkol sa simula ng mga bagay-bagay
• Kwentong bayan – mga maiikling kwentong nagpasalin-salin rin sa bibig ng mga ninuno na mula sa iba’t ibang bayan,
• Parabula – salaysay hango sa Bibliya. Lumulutang ang moral at ispiritwal na pamumuhay ng mga tao
• Pabula – kwentong ang tauhan ay mga hayop na pinakikilos at nagsasalitang parang tao na nagbibigay-aral.
• Anekdota – salaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa na kapupulttan ng aral
 Maikling Kwento -
 Nobela - o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.
 Talambuhay -
 Dula - ang dula ay paggagagad ng mga likas na kilos / galaw / aksyon ng tao “imitasyon ng buhay”
o Melodrama – maraming malungkot na pangyayari
o Parsa – kilos at pananalita ng tauhan o pangyayari (three stogees)
o Saynete – may tau-tauhang gumaganap at nasa likod ng talon ang nagsasalita
o Sarsuwela – awitan at sayawan
o Trahedya – humahantong sa kapahamakan ang pangunahing tauhan
 Sanaysay - Isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin,
reaksyon, atbp. Ng awtor hinggil sa isang paksa sa anumang larangan o kaalaman, maging pampulitika, panlipunan, pang-
edukasyon, panrelihiyon, pang-araw-araw na gawain, atbp. (Ulit, Ph.D. et al, 1998 Panitikan ng Pilipinas)
 Talumpati - Isang komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag hinggil sa isang mahalagang paksa na binibigkas sa harap
ng publiko.
 Balita – mga naganap, nagaganap at magaganap pa ay sa isang lugar o bansa ay tinatawag na balita.

MGA SAGISAG PANULAT NG ILANG MANUNULAT:


1. Francisco Baltazar - Balagtas
2. Jose dela Cruz - Huseng Sisiw
3. Jose Corazon de Jesus - Huseng Batute, Daniel Viterbo, Luksang Paruparo, Anastacio Salagubang, Pusong Hapis
4. Iñigo Ed Regalado - Odalager, Dapit-hapon
5. Valeriano H. Peña - Kintin Kulirat at Tandang Anong Obra-maestra: “Nena at Neneng”
6. Florentino Collantes - Kuntil Butil
7. Severino Reyes - Lola Basyang, Pedro Penduko, Silvio Ruiz, “Don Binoy”
8. Jesus Balmori - Batikuling
9. Jose P. Rizal - Laon-Laan, Dimas-Alang
10. Marcelo H. del Pilar - Pupdoh, Dolores Manapat, Piping Dilat, Plaridel
11. Carolina Flores Trinidad - Lina Flor
12. Julian C. Balmaceda - Alphahol o Hulyo, Abril
13. Andres Bonifacio - Magdiwang, Agap-ito Bagumbayan Kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Mi Ultimo
Adios
13. Emilio Jacinto - Pingkian, Dimas-ilaw
14. Emilio Aguinaldo - Magdalo
15. Graciano Lopez Jaena - Bolivar, Diego Laura
16. Amado V. Hernandez - Julio Abril, Amante Ernani
17. Lope K. Santos - Lakandalita
18. Hermogenes Ilagan - Ka Muhing Pinakatanyag na dula: “Dalagang Bukid”
19. Mariano Ponce - Tikbalang, Nanding at Kapulaki

Page 15
MGA TAGURI SA ILANG MANUNULAT NG PILIPINAS
1. Manuel L. Quezon - Ama ng Wikang Pambansa
2. Lope K. Santos - Ama ng Pambansang Balarila Apo ng mga Mananagalog
Obra Maestra: ”Banaag at Sikat”
Nobela: “Salawahang Pag-ibig” - Kauna-unahang nobelang nalathala sa Pilipinas
3. Andres Bonifacio - Ama ng Katipunan - Ama ng Demokrasyang Pilipino
4. Emilio Jacinto - Utak ng Katipunan
5. Apolinario Mabini - Utak ng Himagsikan
6. Padre Modesto de Castro - Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog Urbana at Feliza
7. Tomas Pinpin - Kauna-unahang Manlilimbag
8. Jose Corazon de Jesus - Unang Hari ng Balagtasan Kalipunan ng mga tula – Mga Gintong Dahon at Sa Dakong
Silangan
9. Severino Reyes - Ama ng Dulaang Tagalog Obra-maestra:”Walang Sugat”
10. Amado V. Hernandez - Ama ng Manggagawa
11. Julian Felipe - Ama ng Pambansang Awit (himig)
12. Jose Palma - Lumikha ng liriko ng Pambansang awit
12. Aurelio Tolentino - Unang Mandudulang Makabayan Obra-maestra:”Kahapon, Ngayon at Bukas”
13. Deogracias A. Rosario - Ama ng Maikling Kwentong Tagalog Obra-maestra: ”Walang Panginoon”
14. Honorata dela Rama-Hernandez - Reyna ng Kundiman, Mutya ng Dulaang Tagalog, Primadong Tanghalang Pilipino
Reyna ng Sarswelang Tagalog
15. Francisco Baltazar - Ama ng Panulaang Tagalog
16. Claro Caluya - Prinsipe ng mga Makatang Ilokano
17. Edirberto Gumban - Ama ng Panitikang Bisaya
18. Dr. E. Arsenio Manuel - Ama ng Foklorikong Filipino
19. Pari Dr. Mariano Pilapil - Cicero ng Wikang Tagalog
20. Pedro Bukaneg - Ama ng Panitikang Ilokano
21. Valeriano H. Peña - Ama ng Nobelang Tagalog Obra Maestra – Nena at Neneng
22. Jose Nepomuceno - Ama ng Pelikulang Pilipino
23. Fernando Monleon - Ama ng Batutian
24. Alejandro Abadilla - Ama ng Modernistang Panulaang Filipino
25. Pascual Poblete - Ama ng Pahayagan sa Pilipinas
26. Gemiliano Pineda - Ama ng Sanaysay
OBRA MAESTRANG FILIPINO
Ang kalikasan ng apat na Klasiko
IBONG ADARNA - Unang Taon
FLORANTE at LAURA - Ikalawang Taon
NOLI ME TANGERE - Ikatlong Taon
EL FILIBUSTERISMO - Ikaapat na Taon
 Ang Ibong Adarna (korido)
- Ang Ibong Adarna ay isang koridong naisulat ng di tiyak na awtor mula sa Europa na ngayon ay bahagi na
ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino.
- Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong
Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
- May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan.
- Umiikot din ang kwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong
Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora.
- May ilang mga kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng
Sisiw.
 Ang Florante at Laura
- Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang Balagtas) ay isang obra-maestra sapanitikang Pilipino. Daglat
lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na: “Pinagdaanang búhay ni Florante at
ni Laura sa kahariáng Albanya”
- Kinuhà sa madláng cuadro histórico o pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo ng̃ Gresya, at tinulâ
ng̃ isáng matulaín sa bersong Tagalog
- Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido (corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon
kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto at pilologo
 Ang NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO ay nakasulat sa Kastila
 Samantala ang dalawang ito ay patuloy pa ring isinasalin sa iba’t ibang wika at ang bawat salin at pagpapaikli nito ay magkakaiba.
 Ang Noli Me Tangere
 Ang Noli me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang
pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13 -17 sa
Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga
nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer.
 Ang El Filibusterismo

Page 16
o Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakimanay ang pangalawang
nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring
martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.
o Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din
nito, nakasulat ito sa Kastila.
o Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
o Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata.
o Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at
nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz.
o Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram
ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noongSetyembre 22, 1891.
o Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Page 17

You might also like