You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES


COLLEGE OF EDUCATION
BAROTAC NUEVO, ILOILO

Filipino 506- PAG-AARAL AT PAGSUSURI NG WIKANG FILIPINO AT MGA DIYALEKTO

Ipinasa ni:
ELEANOR P. HISUGAN
MILE-FILIPINO Ipinasa kay:
JINKY PEREZ, Ph. D
Propesora

Diyalektong Sebwano-Cagayanon Vs Wikang Sebwano

Ang mga wika ng Pilipinas ay akmang magkakaugnay lamang sapagkat ang mga kasaysayan ng mga wikang ito ay
ang mga tinatawag na mga katutubong wika at marami din ang pagkakahawig ng mga ito sa isa’t isa at dahil na rin sa ang
wika at kultura ay magkakaugnay. Ang mga wikang Bisaya ng Pilipinas ay ang lingua franca ng halos lahat ng mga
kapuluan ng Visayas at mayroon itong mga sanga at ito ay tatlo sa mga pangunahing wika ang Hiligaynon, Sebwano at
Waray. Ang wikang Sebwano ay ang lingua franca din ng mga lungsod sa gitnang kabisayaan at ito ay sinasalita o
ginagamit sa mga lungsod at lalawigan ng Cebu, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Negros Oriental, Lungsod ng
Zamboanga, Lungsod ng Davao, Lungsod ng Surigao at sa Lungsod ng Cagayan de Oro. Lahat ng mga lungsod at lalawigan
ng kabisayaan ay mayroong iisang gamit na dayalekto ang salitang bisaya ngunit may iba’t bang gamit o baryasyon ito.
Samakatuwid ay Sebwano ang pangunahing wikang sinasalita ng mga Cagayanon ngunit kung susuriin ay mayroong mga
pagkakaiba ang mga salitang Sebwano-Cagayanon sa Sebwano ng Cebu sa gamit, bigkas at pagpapakahulugan sa ibang
mga salita sa kadahilan na rin ng mga kasaysayan, mga imigrasyon ng mga tao, sa mga kulturang kakaiba sa lungsod ng
Cebu at mga lugar na kinabibilangan ng Cagayan de Oro.

Mga salita sa wikang Sebwano at Sebwano-Cagayanon


na magkasingkahulugan ngunit iba ang baybay at bigkas
SEBWANO-CAGAYANON KATUMBAS SA FILIPINO
KATEGORYA SEBWANO
PANGNGALAN Simud wait labi
tundan alintundan saging
dalunggan dunggan tenga
tsinelas ismagul tsinelas
PANDIWA Sibug irog urong
Tapad tupad tabi
Tindug barog tayo
niwang daot payat
halayhay hayhay sinampay
Baklay baktas lakad
PANG-URI Tsada nindot maganda
kataw-anan alegre nakakatawa
Saba banha ingay
MGA SALITANG
NAKALTASAN NG Wala wa wala
ISANG PANTIG
dalan dan daan
MGA SALITANG MAY
LETRANG “L” NA Ulan uwan ulan
PINALITAN NG “W” O
“H”
kabalu kabawu marunong
dula duwa laro
hulam huwam hiram
Lalum lahum lalim
SALITANG MAY Anhi ari pumarito
LETRANG “NH” NA
PINALITAN NG “R”

“Ang dahilan ng pagkakaroon ng baryasyon sa wikang Sebwano ng wikaing Sebwano-


Cagayanon ay dahil sa lokasyon o sa lipunang kinabibilangan ng tagapagsalita nito. Ang
dialect o baryasyon ng wika ay nabubuo kung ang mga tagapagsalita ng isang wika ay
magkahiwalay dahil sa lokasyon o sa sosyal na mga dahilan at sa gayon ay wala na silang
ugnayan.”

You might also like