You are on page 1of 5

Bagong Nayon II National High School

Banghay Aralin sa Filipino 7


Ikalawang Kwarter
Oktubre 15,2019
Martes

Mga Seksyon:
Grade 7-Camellia
Grade7-Rose
Grade 7 Ilang-Ilang

I.Layunin
1.Naisalaysay nang maayos ang pagkasunod-sunod ng pangyayari.(F7PS-IIi-11)
 Natutukoy ang mahalagang detalye sa napakinggang teksto tungkol sa isang
pabulang bisaya na “ Si Ipot-ipot at si Amongongo”

II. Nilalaman
A. Panitikan: Si Ipot-ipot at si Amomongo
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 pahina 247-256
C. Kagamitan: USB, Laptop, TV cartolina, metacards, manila paper,
D. Mahalagang Tanong : Paano makaiiwas na maging biktima ng isang bully o
buskador? Kung ikaw naman ang bully , ano ang gagawin mo ngayong alam
mo nan gang ginagawa mo pala ay may masamang epekto sa ibang tao?

III. Proseso ng Pagkatuto

A.Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagbibigay alintuntunin ng guro sa loob ng klase.
4. Pagtatakda ng mga dapat gawin/alintuntunin sa klase(setting-up
house rules)

B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak

Pagpapanood ng isang video clip tungkol sa bullying mula sa balita


ng bullying.

Pamprosesong Tanong:
a. Ano ang ibig sabihin ng bullying?
b. Ano-ano ang paraan ng bullying?
c. Sa inyong sariling karanasan, na bully na ba kayo? Ilahad
ang pangyayari.
d. Ano-ano ang epekto ng bullying?
C. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Tukuyin a bilugan mula sa iba pang salitang kasalungat na kahulugan


ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap.

1.Madalas na ang mumunting nilalang ay nagiging biktima ng malalaki at mapag-


samantala.
2.Ang pagbubuska ay iwasan at sa halip paggalang ang ibinigay sa kapwa.
3.Nakilag ang alitaptap kaya’t mga gorilya ang tintamaan na pamalo.
4.Pulutong ng mga gorilya ang hinarap ng nag-iisang alitaptap.
5.Ang alitaptap na binansagang duwag siya pang lumabas na matapang.

2. Pagtatalakay sa Panitikan

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ng akdang “Si Ipot-Ipot at si


Amomongo upang maisaayos ang mga ito batay sa mga pangyayari sa
binasang pabula upang mabuod ang akda. Lagyan ng mga bilang 1
hanggang 8 ang mga patlang.

_________At sa huli , bumagsak sa lupa ang lahat ng gorilya . Sa kanilang pagka-


talo’y natutuhan nilang pagwawagi ay hindi pala nadadaanan sa laki kaya’ natuto
silang magpakumbaba.

________Dumapo ang alitaptap sa ilong ng gorilya at ito nama’y pinalo ng iba pang
gorilya subalit lagi-lagi’y nakalilipad ang maliit at mabilis na alitaptap. Gayon nang
ang nangyari sa mga gorilya.

________ Isang gabi’y isang alitaptap na nagngangalang Ipot-ipot ang tahimik na


lumilipad-lipad upang dumalaw sa isang kaibigang may sakit.

________ Nalaman ng alitaptap ang maling balitang ipinagkakalat ng gorilya na du-


wag siya kaya’tpinuntahan niya ito at hinamon ng isang labanan upang patunayang
hindi siya duwag.

________Nangyari sa plasa ang labanan ng nag-iisang alitaptap at isang pulutong


ng mga gorilya.

________Nasalubong niya ang isang buskador na gorilyang nangangalang


Amongongo na pumuna at nagtawa sa dala-dala niyang ilawan.

________ Sinabi ni Amomongo na duwag at takot sa lamok ang alitaptap at ito’y


kanya pang ipinagkalat sa ibang gorilya.

_________Sinabi ng alitaptap na dala-dala niya ang kanyang ilawan upang makita


ang kanyang daraanan at upang Makita at maiwasan na rin niya ang mga lamok.
3. Pagpapalawak ng Aralin

Panuto: Natutukoy ang mahalagang detalye sa napakinggang teksto tungkol


sa pabulang Kabisayaan sa pamamagitan ng presentasyon na may relasyon
o paguugnay sa paksang “bullying”. Hayaang pumili ang mag-aaral ng gawa-
in sa pamamagitan ng QR code.

1. Balitaan
(News Broadcasting)

2. Komersyal
(Commercial)

3.Vlogging

2. Presentasyon ng bawat pangkat.


3. Pagbibigay ng input o feedback gamit ang rubric sa pagmamarka.

Rubriks

Napakahusay Mahusay Di-gaanong May kakulangan


Pamantayan 10 puntos 8 puntos mahusay 4 puntos
6 puntos
Natutukoy ang Natutukoy ang Hindi natutukoy Hindi natutukoy
mahahalagang mahahalagang ang ang
detalye sa detalye sa mahahalagang mahahalagang
napakinggang napakinggang detalye sa detalye sa
teksto tungkol sa teksto tungkol sa napakinggang napakinggang
pabulang pabulang teksto tungkol sa teksto tungkol sa
Kabisayaan. Kabisayaan pabulang pabulang
subalit di gaano Kabisayaan Kabisayaan.Ang
organisado. Presentasyon ay
hindi organisado at
walang
pagkakaisa. Ang
nilalaman ay
malayo sa paksa.
Pangwakas na Gawain

1.Paglalapat ng Aralin
Mahalagang tanong: Paano makaiiwas na maging biktima ng isang bully o buska-
dor? Kung ikaw naman ang bully , ano ang gagawin mo ngayong alam mo na ang
ginagawa mo pala ay may masamang epekto sa ibang tao?

2 Paglalahat (Value Data Bank)

Dugtungan ang mga nawawalang salita para makabuo ng isang pangungusap


sa paglalahad ng iyong nalaman o natutunan sa paksang tinalakay.

Matapos ang talakayan, nalaman ko na __________________________.


Natutuwa ako dahil __________________________________________.
Simula ngayon _____________________________________________.

IV.Ebalwasyon
Panuto: Hanapin mula sa mga pahayag sa hanay B ang maaaring maging bunga ng
mga pangyayari sa ha sa hanay B. Isulat ang titikk ng tamang sagot sa pat-
lang.

A B
______1.Nakita ni Amomongo si Ipot-Ipot na tahimik a.Isa-isang bumagsak sa lupa
na lumilipad –lipad dala-dala ang kanyang ang mga gorilya nang tama-
ilawan. an ng pamalo.

______2. Sinabi ni Amomongo sa mga kaibigang b.Mabilis na nakailag si Ipot-Ipot


unggoy na duwag at takot sa lamok si kaya’t si Amongongo ang tina-
Ipot-ipot. Maan at bumagsak sa lupa.

______3.Nakarating sa kaalaman ni Ipot-ipot ang c.Pinagsabihan siya ni Amomo-


ipinamamalita ni Amomongo tungkol sa ngo na duwag nang malaman
kanya. kung bakit dala dala niya ang
kanyang ilawan.

______4. Pinalo ng mga gorilya si Ipot-ipot habang d.Nalaman o kumalat sa ibang


nakadapo sa ilong ni Amomongo. mga hayop sa gubat ang ku-
wento tungkol sa pagiging
duwag ni Ipot-ipot.

_______5. Nagpalipat-lipat si Ipot-Ipot sa ilong e.Pinuntahan ni Ipot-ipot si


ng iba pang mga gorilya. Amomongo sa bahay nito at si-
bing magkita sila sa plasa
upang mapatunayang di siya
duwag.
No. of 5 4 3 2 1 0
students
Rose
Camellia
Ilang-
ilang
Remarks

V. Kasunduan

Mag-aral ng lahat ng paksa sa Ikalawang kwarter bilang paghahanda sa 2 nd


Quarterly Examination.

Inihanda ni : Isinaguni kay:

Maria Bernadette C. Bondal Gng. Jasmin E. Lauzon


Guro sa Filipino Baitang 7 Tagapangulo, Kagawaran
ng Filipino.

You might also like