You are on page 1of 4

Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat.

At maligayang pagdating po sa
ating pag-aaral hinggil sa UTILISASYON ng K to12 AT RPMS PROGRAM and
ORIENTATION. Ako po si Angela Lomagdong, mula sa mababang paaralan ng
LIBERTY . Ikinagagalak ko pong batiin ang lahat ng partisipado ng pagsasanay ng
seminar na ito, lalong –lalo napo ang ating kagalang- galang na tagamasid
pampurok si Ginoong Pablo O. Eufracio, sa ating mga matatalino at magagaling
na punong guro na walang iba kundi sina Gng. Imelda Valenzuela, Gng. Josephine
Cornico , Ginoong Roseller Demolar at sa aking mga kapwa guro isang maganda
at mainit na umaga po sa inyong lahat! Hayaan nyo rin pong ipakilala ko ang ating
mga bagong guro sa ating distrito. Na walang iba kundi sina
________________ng __________________ng ___________________________.

Ngayong umagang ito ay makakasama natin sa ating talakayan at pag-aaral ang


tatlong pinakamagagaling na beterano at listo’t lista sa ating propesyon, na
naglagak ng kani-kanilang mga oras, pagod at panahon para maibahagi sa atin
ang kanilang kaalaman hinggil sa Results-based Performance Management
System o ang tinatawag na(RPMS) ng DepEd, na walang iba kundi sina
_________.

Sa pagsisimula ng ating programa, ma-aring tumayo tayong lahat upang makinig


sa isang panalangin mula kay Ginoong. ________________________.Manatili po
tayong nakatayo , para sa pagpupugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang
Hinirang sa pagkumpas ni Gng. ______________________.
Ngayon naman ay inaanyayahan ko po kayong makinig sa isang Pambungad na
Pananalita ni Gng.___________________.
Maraming salamat, Gng. __________________sa iyong pambungad na
pananalita.
(Sa pagpapatuloy ng ating programa)
Ngayon naman po ay Hayaan nyong balikan natin ang ating napag-aralan hinggil
sa utilisasyon ng k to12… na kung saan natutunan natin ang pagkakahanay-hanay
o ang tinatawag na alignment ng CG, TG AT LMS. Na kung saan ang CG ang siyang
ating magiging batayan sa ating pagtuturo, nabanggit din sa punto ng “point of
clarification” na ang nilalaman ng Teachers guide at ng learners materials ay
“can be modified but cannot be deviated” o sa tagalog ay pwedeng baguhin ayon
sa kakayahan ng mag-aaral pero hindi maaaring tanggalin ang competensiya na
dapat matutunan ng isang mag-aaral.

Sa video nan a ipinalabas din kahapon tinalakay ang 2 uri ng pagtatasa o


assessment : ito ang
Formatibong pagtatasa o formative assessment na kung saan ito ay paraan ng
pagtatasa na ginagamit ng isang tagapagturo upang masuri ang kaalaman at
pang-unawa ng isang mag-aaral 'at maari rin namang maganap habang o
pagkatapos ng pagtuturo sa mga kasanayan na naaayon, patungo sa pagpapabuti
ng kakayahan ng mag-aaral hanggang sa pagkatuto nito.
At ang Summatibong pagtatasa o summative assessment na kadalasay ibinibigay
natin kada tapos ng isang patikular na unit o ng isang quarter. Dito nasusukat
natin ang pagkatuto ng mga magaaral kung narating nga ba nila ang tinatawag na
standard competency.

Kasama sa mga napag-aralan natin sa video ang mga theories and principles na
pinag-angklahan ng k to 12 curriculum kagaya ni Benjamin blooms sa kanyang
blooms taxonomy na kung saan sa kanyang revised taxonomy …binanggit na ang
recall ang pinakamababa o ung dating tinatawag na knowledge sa kanyang
lumang version at ang creating ang pinakamataas na pamantayan ng pagkatuto
na kung saan masasabi na natuto ang bata kung siya mismo ang magcrecreate o
magpapamalas ng kanyang pagkatuto. kasama din sa nabanggit ang mga
prinsipyo ni vigotsky ang zone of proximodal development that learners will learn
with the help of the teachers in a spiral method mula sa pinakamadali patungo sa
sapat ng lalim ng pagkatuto nito.
Tinalakay din natin kahapon kung paano inaassess ang mga bata, paano ang
grading system at paano sila binibigyan ng grado.
Kung meron pa po tayong katanungan o clarifikasyon hinggil dito mangyari po
lamang na komunsulta tyo sa ating mga eksperto andyan sina Sir Roseller, Mam
Valenzuela, Mam Cornico ang, ating mga master teachers, at kung medyo
inaatake po tayo ng hiya… madami po tyong video na matatagpuan sa you tube,
mga ppt sa slideshare at texto sa mga portals pra sa ating mga pansaring
pangkaalaman na may kinalaman dito.
Bago ko po kayo ibigay sa ating kagalang galang na tagapagsalita hayaan nyo
pong maibahagi ko sa inyo ang maikling video na ito…

Sa pagpapatuloy ng ating programa, nais ko pong ipakilala sa inyo ang ating


kagalang- galang at mahusay na distritong pampurok na walang iba kundi si
Ginoong _______________ para ibahagi sa atin ang kanyang kaalaman sa
____________________________
Bigyan po natin si sir ng masigabong palakpakan…
Ngyon naman po ay ipapakilala ko naman po sa inyo ang napakasipag at at
napakabait na punong guro ng Sped Center walang iba kundi si Ginang Josephine
Cornico.
Napakasipag at magaling na punong guro ng Catarman I Central School na walang
iba kundi si Gng Imelda Valenzuela.

Bago po tayo magpatuloy sa ating programa hayaan nyo pong bigyan namin kayo
ng konting pantanggal tanglay o ng ice breaker. Tumayo po ang lahat.

You might also like