You are on page 1of 13

School: Tucop Integrated School Grade Level: Ikatlong Baitang

Teacher: Rolene M. Aguinaldo Learning Area: Health

Ikaapat na
Teaching Dates and Time: April 16, 2024 Quarter:
Markahan

DETAILED LESSON
PLAN
I. Layunin

A. Pamantayang Demonstrates understanding of risks to ensure road safety and in the community.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Demonstrates consistency in following safety rules to road safety and in the
community.

C. Mga Kasanayan sa Explains road safety practices as a pedestrian


Pagkatuto

Layunin  Natutukoy ang iba’t ibang simbolo o palatandaan sa kalsada


 Naibibigay ang kahulugan ng bawat simbolo na makikita sa daan
 Napapahalagahan ang mga batas trapiko o panuntunan tungo sa kaligtasan

II. Content Maging Ligtas sa Kalsada: Mga Panuntunan sa Trapiko at Mga Palatandaan sa
Daan

III.
KAGAMITANG
PANTURO
A. References

1. Mga pahina sa Gabay ng Pahina 5-8


Guro

2. Mga pahina sa Gabay


ng Pang-mag-aaral
Pahina 1-8
3.Mga pahina Teksbuk Pahina 1-8

4. Mga Karagdagang https://docs.google.com/document/d/180BWkTOEjlS_F8ys5msVfGgWIhn9R9teS8fUIu


Kagamitan mula sa Learning iCNds/edit?usp=drivesdk
Resources
https://grade3.modyul.online/health-3-module-quarter-4/
https://drive.google.com/file/d/19jA2ZKmOI8v6Cs_oz7GyQ0kdSnndVfbT/view
https://youtu.be/wLhR4SQIIOo

5. Iba pang Kagamitang Laptop, PowerPoint, youtube, Manila paper with activity
pangturo

IV. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Balik –aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng


bagong aralin

PANALANGIN
Tumayo muna ang lahat para sa panalangin. Aming Diyos na makapangyarihan sa lahat, salamat po
sa araw na ito. Salamat po sa Magandang kalusugan at
sa mga biyaya na aming natatanggap araw-araw.Tunay
na kaybuti mo po Panginoon kaya patuloy na pinupuri at
sinasamba ka namin. Dalangin po namin na gabayan niyo
po kami sa araw na ito. Tulungan mo po kami na
maunawaan ang lahat ng araling ituturo sa amin. Bigyan
niyo po kami ng talion, pagmamahal at kalakasan sa aming
pag-aaral. Pagpalain mo po ang aming bansa, ang aming
paaralan, ang aming mga guro, at mga magulang. Salamat
po, sa pangalan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen

PAGBATI

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po. Mabuhay!

PAGTALA NG LUMIBAN SA KLASE

Maaari ko bang malaman kung sino ang lumiban sa


klase ngayong araw?
Sa unang pangkat may lumiban ba? (Mag-uulat ang lider sa bawat hanay.)

Nagagalak po akong sabihin na wala pong lumiban sa


aming pangkat.

Natutuwa po akong iulat na wala din pong lumiban sa


Tignan naman natin sa pangkat pangalawa? aming pangkat.

At sa huling pangkat? Ikinalulugod ko din pong sabihin na walang lumiban sa


ikatlong pangkat.

Magaling! Nagagalak ako na walang lumiban sa klase


ngayong araw.

Ngayon naman magsitayo lahat para sa energizer.


Tayo ay sasayaw. Nais kong sabayan ninyo ang bidyo na
Aking inihanda.

Handa na ba kayo mga bata? Opo!

Kung ganon simulan na natin.

(Sasayaw ang guro kasabay ng mga bata.) (Sasayaw ang mga bata kasabay ang guro.)

Mahusay mga bata!


Nagustuhan niyo ba? Opo!

BALIK ARAL

Kahapon napag-aralan natin ang mga karapatan at


responsibilidad ng isang mamimili. Tignan nga natin kung
natatandaan niyo pa ang ating tinalakay. Tukuyin kung
Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pangungusap.

1. Magtanong ukol sa produkto kung hindi alam ang (sasagot ang mga bata.)
gamit nito.
2. Maaaring ipalit ang sira o hindi tamang produkto na 1. Tama
nabili. 2. Tama
3. Sigawan ang tindera kung mali ang sukli.
4. Ihambing ang presyo ng produkto sa iba pang produkto. 3. Mali
5. Pwedeng piliin ang produktong bibilhin. 4. Tama
5. Tama
Magaling! Bigyan ninyo ng tatlong palakpak ang mga
sarili.

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG ARALIN

Ngayon naman ay may inihanda akong isang maikling


bidyo presentation. Nais kong panoorin ninyo itong
mabuti. Ngunit bago iyon ano-ano nga ba ang mga
pamantayan na dapat nating sundin kapag tayo ay
manonood.
Manahimik at making.
Magbigay ka nga ng isa _______.
Magpokus sa pinapanood
Magaling! Ano pa? Sige nga _________.
Itala Ang mga mahahalagang detalye makikita sa bidyo.
Mahusay! Meron pa ba?

Napakagaling! Tama lahat ng inyong sinabi, lahat ng mga


nabanggit ay ang mga pamantayan kapag tayo ay may
panonoorin.

Handa na ba ang lahat? Ngayon panoorin natin ang


naturang bidyo presentasyon.
( Manonood ang mga bata ng nasabing bidyo.)
https://youtu.be/wLhR4SQIIOo
Opo!
Napanood niyo ba ng maayos at nagustuhan niyo ba ang
bidyo mga bata?

Mga batang tumatawid po at nanay.


Ano ba ang napansin niyo sa bidyo? Sige nga______.

Mga sasakyan po!


Mahusay! Ano pa ang inyong nakita?

Tama! Makikita sa bidyo ang mga batang tumatawid at


mga sasakyan.

Ano naman ang binanggit sa bidyo na dapat gawin bago


tumawid sa kalsada?
Sige nga __________. Tumingin po sa kanan at kaliwa bago tumawid sa klasada.

Tumpak! Bakit kailangan munang tumingin sa


Upang maiwasan po ang disgrasya.
kaliwa’t kanan bago tumawid sa kalsada?

Mahusay! Dapat munang tumingin sa kaliwa’t kanan


upang maiwasan natin ang aksidente at makatawid
tayo ng ligtas.

C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA


BAGONG ARALIN
Sa pedestrian lane po.
Sa bidyong inyong napanood, saan tumawid ang mga tao?

Magaling! Tumawid ang mga bata o tao sa pedestrian lane.

Maaari niyo bang ilarawan ang pedestrian lane?


May mga puting guhit na pahalang po.
Sige nga __________.
Magaling! Ang pedestrian lane ay mga puting guhit na
pahalang na nagsasaad ng tamang tawiran.

Bakit kaya mahalaga na may tamang tawiran tayo sa Para makatawid po ng ligtas at hindi mabangga ng sasakyan.
kalsada?

Tama! Para maging ligtas tayo sa kalsada mahalaga na


tumawid tayo sa pedestrian lane upang makaiwas tayo sa
disgrasya at hindi tayo mabangga ng sasakyan.

Alam niyo ba ang tawag sa pedestrian lane? Halimbawa Simbolo po na makikita sa daan.
ba ito ng ano? At saan natin ito madalas na nakikita?

Tama! Ang pedestrian lane ay halimbawa ng simbolo sa


kalsada. Ngayong araw ay tatalakayin natin ang mga
iba’t ibang simbolo sa kalsada at panuntunan upang
maging ligtas.

Nais kong basahin ninyo ang mga layunin sa ating aralin ( Babasahin ng mga bata ang mga layunin s aaralin.)
ngayong araw.  Naiisa-isa ang mga iba’t ibang simbolo o
palatandaan sa kalsada.
 Natutukoy ang kahulugan ng bawat
simbolo na makikita sa kalsada
 Napapahalagahan ang mga batas trapiko tungo sa
kaligtasan

Mahusay mga bata!

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan # 1
Ngayon naman ay mayroon akong mga larawan dito. Ito
ay mga halimbawa pa ng mga simbolo na makikita sa
kalsada. Nais kong tukuyin ninyo ang bawat larawan at
kung ano ang ipinahihiwatig o ibig sabihin ng mga ito.
Narito ang unang larawan. Ano ito?

Ilaw trapiko po.

Saan ba natin madalas makita ito? Sige nga ________. Sa daan din po.

Tama sa mga intersection o crossing na daan.

Ano-ano naman ang mga kulay na makikita natin sa ilaw


Pula, dilaw at berde po.
trapiko?

Sige nga________.

Mahusay! Tama ang iyong sagot.

Ano ang ibig ng kulay pulang ilaw sa traffic light? Sige Huminto po o Stop.
nga______.

Magaling! Ano naman ang ipinahihiwatig ng dilaw na Humanda sa paghinto o slow down.
ilaw?
Napakahusay! Ano naman ang ibig sabihin ng berdeng Maaari na pong umandar ang sasakyan o Go.
ilaw?

Napakagaling!

Tignan ang ikalawang larawan, ano kaya ang ibig sabihin


ng simbolong ito?

Hinto po.

Sige nga_________.

Tama ito ay simbolo ng paghinto.

Ito ay simbolo na nagsasabi ng paghinto o tumigil. Ito ay


para sa lahat ng sasakyan. Karaniwang makikita sa mga
intersection. Maari din itong makita sa tapat ng
pedestriyan crossing o stop line na naka-pinta sa kalsada.

Kapag nakita ang simbolo na ito tumigil sa STOP sign


para magbigay daan sa mga tatawid na tao o iba pang
sasakyan.

Susunod na larawan, ano ito?

Tawiran para sa tao po.

Sige nga ________.

Mahusay! Ang simbolong ito ay tawiran para sa tao. Ito


ay nagsasabi na nasa lugar na ito ang tawiran ng mga tao at
dito ang tamang tawiran.

Ano naman ang tawag sa simbolo na ito? Ano ang ibig


sabihin nito?

Bawal tumawid po.

Tama ang simbolong ito ay nagsasabi na bawal tumawid


sa lugar na ito dahil ito ay mapanganib tawiran.

Bakit kaya kailangan natin na sundin ang simbolo na ito?


Maaari ka bang sumagot ___________. Para hindi po tayo maaksidente o masagi ng mga sasakyan.

Mahusay!

Susunod na larawan, ano ang tawag sa simbolo na ito?

Bawal pumasok po.


Saan ito madalas makita?
Tama! Ang simbolong ito ay nagsasabi na bawal
pumasok sa lugar na ito. Maari ring ito ay nagsasabi na
Sa mga pintuan po.
bawal pumasok sa pintuan o gate na ito dahil hindi ito
ang tamang pasukan ng tao.

Ano naman ang simbolong ito?

Simbolo po ng hospital.

Magaling! Ang simbolong ito ay nagsasabi na sa lugar na


ito ay may hospital.

Susunod na larawan, ano ang ibig sabihin nito?

May riles po ng tren.

Napakahusay! Ang simbolong ito ay nagsasabi nasa lugar


na ito ay may riles ng tren at maaring dumaan ang tren sa
anumang minuto o oras.

Isa pang larawan, ano ang inyong nakikita?

Ilaw para sa tawiran po.

Ang simbolo ng tao na nakatayo ay nagsasabi ng


pagtigil sa pagtawid at ang simbolo ng tao na naglalakad
ay nagsasabi na maaring ng tumawid
Saan natin ito madalas makita?Sige nga _________.
Ito ay madalas nating makita sa malapit sa pedestrian line
sa kalsada lalo na ito malapit sa paaralan upang maging
ligtas ang mga batang mag-aaral sa pagtawid.
Napakagaling!

Narito ang huling larawan, ano kaya ang nais ipahiwatig


nito?

Nagsasabi po na ang lugar ay isang paaralan kaya dapat na


magdahan-dahan ang mga sasakyan sa pagdaan sa paaralan
upang walang estudyanteng madisgrasiya.
Tama! Ang ibig sabihin ng simbolong ito ay may
paaralan.

Natutuwa ako at natukoy ninyo at nakilala ang mga iba’t


ibang simbolo na makikita sa kalsada.

Bakit ba mahalaga na matukoy at sundin ang mga


simbolo at panuntunan sa kalsada?

Sige nga _______.


Dapat nating sundin ang mga simbolo at mga
regulasyon upang maiwasan ang mga di-inaasahang
aksidente sa kalsada, at upang maingatan ang buhay at mga
ari-arian.
Magaling! Dapat na alam natin at dapat sundin ang mga
simbolo at batas sa kalsada upang manatili tayong ligtas
sa lahat ng oras.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad


ng bagong kasanayan # 2

Ngayon naman ay may inihanda akong tsart ng


mga simbolo na makikita sa kalsada. Nais kong
pangalanan at tukuyin ninyo ang kahulugan ng bawat
simbolo sa tsart sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na mabubunot ninyo sa kahon.

Maaari kayong pumili ng sagot na ididikit ninyo sa mga


flashcard na ito.

Naiintindihan niyo ba mga bata?


Opo!
Umpisahan na natin.

(Ipapakita ng guro ang tsart.)

Sino ang gustong mauna?


Sige nga,________.
(Bubunot ang bata ng tanong mula sa kahon.)
Pakibasa mo nga ang iyong nabunot.
Ako ang simbolong makikita sa kalsada na ginagamit
upang makatawid ng ligtas. Ano ako?
Ano ang simbolong tinutukoy? Halika piliin at idikit mo
na. (Pipiliin ng bata ang bahaging tinutukoy at ididikit sa tsart.)

Mahusay! Sino pa ang gustong sumagot?


Sige nga________. (Bubunot ang bata ng tanong mula sa kahon.)

Maaari mo bang basahin ang iyong nabunot?


May dalawang simbolo ako, nakatayong tao na
nagsasabing tumigil sa pagtawid at taong naglalakad na
nagsasabing maaari ng tumawid. Ano ako?
Anong palatandaan ang tinutukoy? Piliin ang sagot at idikit
sa tsart. (Pipiliin ng bata ang simbolong tinutukoy at ididikit sa
tsart.)
Magaling!

Susunod, sige nga _______.


(Bubunot ang bata ng tanong mula sa kahon.)
Ano ang iyong katanungan?
Ako ang simbolong nagsasabi na bawal pumasok sa lugar
na ito o sa pintuan o gate na ito dahil hindi ito ang tamang
pasukan ng tao. Ano ako?
Anong simbolo ang tinutukoy? Piliin ang sagot at idikit sa
tsart. (Pipiliin ng bata ang bahaging tinutukoy at ididikit sa tsart.)
Tatlong simbolo o palatandaan na ang natutukoy, atin
pang kumpletuhin.

Sino ang gusto pang sumagot? Halika _______.


(Bubunot ang bata ng tanong mula sa kahon.)
Pakibasa ang iyong katanungan.
Ako ang simbolo na nagsasabing sa lugar na ito ay may
riles ng tren at maaring dumaan ang tren sa anumang
minuto o oras. Anong simbolo ako?
Anong simbolo ang tinutukoy? Pumili ka na at idikit sa
tsart. (Pipiliin ng bata ang simbolong tinutukoy at ididikit sa
tsart.)

Mahusay!

Isang simbolo na lamang ang natitira. Ano kaya ito?


Ikaw nga ang sumagot________. (Bubunot ang bata ng tanong mula sa kahon.)

Pakibasa ang tanong.


Ako ang simbolo na nagsasabi na ang lugar ay isang
paaralan kaya dapat na magdahan-dahan ang mga sasakyan
sa pagdaan upang walang estudyanteng madisgrasiya.
Anong simbolo ako?
Ano ang huling simbolo na tinutukoy? Idikit mo na sa
larawan. (Pipiliin ng bata ang simbolong tinutukoy at ididikit sa
tsart.)
Magaling! Tama lahat ang inyong kasagutan.
Maaari niyo ba silang bigyan ng Jollibee Clap.

F. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative


Assessment)

Para mas lalo ninyong maunawaan ang ating aralin may


inihanda pa akong isang pagsasanay para sa inyo.

Handa na ba kayo?
Opo!
Nais kong ayusin ninyo ang mga jumbled letters na nasa
loob ng mga envelop na ngalan ng bawat simbolo na
makikita sa kalsada at idikit ang mga ito sa tamang
larawan.

Simulan na natin.

(Tatawag ang guro ng mga batang magsasaayos ng mga


jumbled letters sa loob ng bawat envelop.) (Magsasaayos ang mga batang tinawag ng guro ng mga
jumbled letters na ngalan ng bawat simbolo na makikita sa
kalsada at ididikit ang mga ito sa tamang larawan.

Mga inaasahang sagot ng mga bata


Mga Simbolo Ngalan o Kahulugan

OHSITPAL
HOSPITAL

ABAWL UTAMDIW
BAWAL TUMAWID

HNOIT
HINTO
ATIWRA GN OTA

TAWIRAN NG TAO

WALI RTPAKOI

ILAW TRAPIKO
Napakahusay! Bigyan niyo nga sila ng MC Do Clap.

At ngayon naman ay magkakaroon tayo ng pangkatang


gawain. (Papalakpak ang mga bata.)
Handa na ba kayo?

Bago tayo magsimula sa ating pangkatang gawain, ano-


ano muna ang mga dapat gawin o pamantayan na dapat
nating sundin kapag tayo ay may pangkatang gawain. Opo!

(Sasagot ang mga bata.)

Mga inaasahang sagot ng bata.

Tumahimik.

Gumawa ng maayos.

Makipagtulungan.

Sumunod sa mga panuto.

Ayusin at linisin ang lugar na pinaggawaan.

Magaling! Umpisahan na natin.

Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Ang unang linya


ang Unang Pangkat, ikalawang linya ang Ikalawang
Pangkat at ang ikatlong linya ang Ikatlong Pangkat.
Bawat pangkat ay bibigyan ko ng gawain at kayo ay
kailangang pumili ng inyong magiging lider para
magreport sa inyong gawain. Bibigyan ko kayo ng
sampung minuto para tapusin ang gawain.

Naiintindihan ba mga bata? Opo!

Para sa Unang Pangkat, may inihanda akong larawan ng


iba’t ibang larawan ng mga simbolo na makikita sa
kalsada. Nais kong pangalanan o tukuyin ninyo ang ibig
sabihin ng bawat simbolo.

Para sa Ikalawang Pangkat naman, kayo ay bubuo ng


isang puzzle ng isa sa mga simbolo na makikita sa kalsada
, tutukuyin ang nabuong larawan mula sa puzzle,
papangalanan o ibibigay ang kahulugan nito.

At para naman sa Ikatlong Pangkat, kayo ay guguhit at


magkukulay ng isang simbolo na makikita sa kalsada,
papangalanan at ibibigay ang kahulugan nito.

Nauunawaan ba mga bata? Opo!

Kung ganon, simulan na natin.


(Ipapamigay ng guro ang mga kagamitan sa bawat (Magsasagawa ang bawat pangkat nga kanilang gawain.)
pangkat para sa pagsasagawa ng pangkatang gawain at
magbibigay ng panuto.)

Tapos na ba ang lahat? Opo!

Okay! Kung ganon umpisahan niyo ng ipakita ang inyong


mga ginawa. Ang lider ng bawat pangkat ang pupunta sa
harapan upang magpakita at magpaliwanag ng inyong
gawain.

Umpisahan natin sa Unang Pangkat. (Ipapakita at ipapaliwanag ng lider ng Unang Pangkat ang
kanilang gawain.)

Mahusay! Bigyan natin sila ng Magaling Clap! (Papalakpak ang mga bata.)

Tingnan naman natin ang gawain ng Ikalawang Pangkat. (Ipapakita at ipapaliwanag ng lider ng Ikalawang Pangkat
ang kanilang gawain.)

Magaling! Bigyan niyo nga sila ng Angel Clap!


(Papalakpak ang mga bata.)

At para sa huling pangkat, pakinggan natin sila!


(Ipapakita at ipapaliwanag ng lider ng Ikatlong Pangkat ang
kanilang gawain.)

Napakahusay! Bigyan niyo nga sila ng Fireworks Clap!


((Papalakpak ang mga bata.)
Natutuwa ako sa resulta ng inyong pangkatang gawain,
lubos ninyong nauunawaan ang ating aralin ngayong
araw.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay.

Ngayon naman may ipapakita akong larawan sa inyo.


Narito ang mga larawan.

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


Isang matandang babae po at isang bulag na tumatawid sa
kalsada.
Magaling!

Anong gagawin mo kapag sila ay nakita mong tumatawid


sa kalsada? Aalalayan at tutulungan ko po silang makatawid ng ligtas.
Sige nga __________.

Tama! kapag nakakita tayo ng matanda o kaya ay may


kapansanan na tumatawid sa kalsada ay maari natin silang
tulungan upang sila ay maging ligtas at hindi
maaksidente.

Anong kaugalian naman ang ipinapakita sa mga larawan


na ito?
Pagiging matulungin po.

Kung kayo ang mga bata sa larawan ano ang


mararamdaman ninyo?

Nais kong marinig ang iyong sagot ______.


Matutuwa po at magiging masaya po dahil nakatulong po
ako sa aking kapwa.
Mahusay! Tama, dapat na tumulong tayo sa ating kapwa
lalo na sa mga matatanda at may kapansanan. Magaan sa
pakiramdam at labis na katuwaan ang naidudulot kapag
tayo ay nakakatulong sa iba.

H. Paglalahat ng Aralin

Upang higit na maunawaan at hindi ninyo makalimutan


ang ating aralin ngayong araw, may inihanda akong
awitin para sa inyo.

Kakantahin natin ito sa tonong “The Wheels on the Bus”,


pamilyar ba kayo sa awiting ito?
Opo!
Magaling kung ganon!

Aawitin ko muna ito at pagkatapos ay kayo naman.

Handa na ba kayo?

(Aawit ang guro.)

Nakuha niyo ba ang tono mga bata?


Opo!
Mahusay! Kung ganon, kayo naman!
(Aawit ang mga bata.)

Mga Simbolo sa Kalsada

Mga simbolo sa kalsada, kalsada, kalsada


Mga simbolo sa kalsada, dapat sundin….
Pedestrian lane, no entry
Hospital zone, traffic light
Pula, dilaw, berdeng ilaw
Palatandaan…..

Bawal tumawid, huminto


Tamang tawiran at school zone
Riles ng tren at ilaw
Dapat sundin…

Maging ligtas sa lahat ng oras,


Sumunod sa batas
Tignan lahat ng simbolo
Para iwas disgrasya

Nagustuhan niyo ba ang awitin mga bata?


Opo!
Magaling kung ganon! Natutuwa ako at inyong
nagustuhan ang awitin. Sigurado ako na natutunan ninyo
at hindi ninyo makakalimutan ang ating aralin ngayong
araw.

I. Pagtataya

Para sa ating pagtataya, kumuha ng isang malinis na papel


at sagutin ang sumusunod.

Ibigay ang kahulugan ng mga simbolo (road signs) na


makikita sa kalsada. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon.

(Magsasagot ang mga bata)

1. Bawal tumawid
2. Huminto
3. Ilaw trapiko
4. Tawiran para sa tao
5. School Zone

J. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin at


remediation

Para naman sa inyong takdang aralin.

Gumuhit ng isang simbolo na makikita o madadaanan


ninyo sa kalsada patungo sa paaralan o pauwi sa inyong
tahanan. Kulayan ito at ibigay ang kahulugan ng simbolo.

Nauunawaan ba ang inyong takdang aralin?

Kung gayon, hanggang dito na lamang at maraming Opo!


salamat sa pakikinig.

V. Mga Tala
VI. Pagninilay
a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

b. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang


gawain para sa remediation

c. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral


na nakaunawa sa aralin.

d. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation
e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

f. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan


sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

g. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong


ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared and Submitted by:

ROLENE M. AGUINALDO
BEED A

You might also like