You are on page 1of 4

BIONOTE

Bionote

I. Kahulugan

II. Dahilan kung bakit nagsusulat ng Bionote

III. Layunin at Gamit

IV. Nilalaman ng Bionote

V. Mga Katangian ng mahusay na Bionote

VI. Mga Halimbawa

Ano ang Bionote?

 maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na madalas ay inilalakip sa


kaniyang mga naisulat.
 impormatibong talata na naglalahad ng mga kalipikasyon ng awtor at ng kaniyang kredibilidad
bilang propesyonal.
 naglalahad ng iba pang impormasyon tungkol sa awtor na may kaugnayan sa paksang tinalakay sa
papel o sa trabahong ibig pasukan.
 Ang Bionote ay isang maikling 2 or 3 pangungusap na inilalarawan ang mayaakda. Ito ay nakasulat
sa ikatlong panauhan (Word-mart, 2006).
 ang Bionote daw ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor. Maaari
rin itong makita sa likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor.

Bakit nag susulat ng Bionote?

 Upang ipaalam sa iba hindi lamang ang karakter kundi maging ang kredibilidad sa larangang
kinabibilangan. Ito'y isang paraan upang maipakilala ang sarili sa mga mambabasa.

Layunin at Gamit ng Bionote

 Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang
impormasyon ukol sa kanya.

Mga dapat lamanin ng Bionote

 Personal na impormasyon (pinagmulan, edad, buhay kabataan-kasalukuyan)


 Kaligirang pang-edukasyon (paaralan, digri, at karangalan)
 Ambag sa larangang kinabibilangan ( kontribusyon at adbokasiya)

Mga katangian ng mahusay na Bionote

1. Maikli ang nilalaman

Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote, lalo na kung hindi naman talaga kahanga-hanga
ang mga dagdag na impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito. Sikaping
paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon. Iwasan ang pagyayabang.

2. Gumagamit ng pangatlong panauhang Pananaw.

Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito
pa ay tungkol sa sarili.

Halimbawa:
“Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan.”

3. Kinikilala ang mambabasa

Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa
ay mga administrador ng paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.

4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok

Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang
impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya
naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagan impormasyon.

5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangaian

Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.

IWASAN ito:

“Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/ environmentalist/ chef.” Kung ibig pumasok bilang guro sa
panitikan, halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef.

6. Binabanggit ang degree kung kailangan

Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag
sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon

Walang masama kung paminsan-minsan ay magbubuhat ng sariling bangko kung ito naman ay
kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguraduhin lamang na
tama o totoo ang impormasyon. Huwag mag-iimbento ng impormasyon para lamang bumango ang
pangalan at makaungos sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring mabahiran ang reputasyon dahil dito.
BIONOTE

Enero, Paul Dan Jerick

Trinidad, Francis Gio

You might also like