You are on page 1of 2

University of Luzon

Perez Blvd., Dagupan City


Ma. Emarla Grace S. Canoza

Chapter 1: Kahulugan ng Pagbabasa, Kahalagahan ng Pagbabasa & Dahilan kung bakit tayo nagbabasa
Report in FIL 12
Under Prof. William Macob, PhD

(What is the definition of Reading?) Ano ang kahulugan ng pagbasa?


Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Inihayag ng
manunulat ang kanyang ideya o kaisipan sa sinumang marunong bumasa sa pamamagitan ng
nakalimbag na sagisag.
Ito ay isang proseso ng pakikipagkomunikasyon sa pagitan ng sumusulat at bumabasa.

(What are the reasons why we read?) Ano ang mga dahilan kung bakit tayo nagbabasa?
1. Gustong maglibang o libangin ang sarili.
2. Pampalipas oras.
3. Upang hindi mapag-iwanan ng panahon.
4. Madagdagan ang kaalaman.
5. Magkaroon ng kamalayan sa mga nagaganap sa paligid.

(Who is the Father of Reading?) Sino ang “Ama ng Pagbasa”?


Ang “Ama ng Pagbasa ” ay si William S. Gray (1885-1960), isang Amerikanong edukador at
tagapagtangkilik ng literasiya o kaalaman at kakayahan sa pagbasa at pagsulat. Tinagurian siyang "Ama
ng Pagbasa" dahil sa angking kahusayan sa pag-aanalisa ng mga bagay- bagay at dahil na rin sa
kahusayan sa gramatika.

(Where can a person develop his/her skills in Reading?) Saan maaaring matutunan at mahubog
ng isang tao ang kanyang kakayahan/karunungan sa pagbasa?
1. Sa sarili nitong tahanan/bahay
2. Sa paaralan
3. Sa mga tutorial centers
4. Cyberspace

(When is the best time to read? ) Ano ang pinakamainam na oras ng pagbabasa?
Ayon kay Dr. Jane Oakhill, a psychologist sa University of Sussex: (memory is better in the morning)

Sa umaga:
8:00 AM – 12:00 PM - test-review, problem-solving, report-writing, and math-oriented work.

Sa tanghaling-tapat:
12:00 PM – 2:00 PM - movement-oriented tasks (like filing away paperwork, doing errands, and
practicing music and art)
University of Luzon
Perez Blvd., Dagupan City
Ma. Emarla Grace S. Canoza
Sa tanghali:
2:00 PM – 6:00 PM - reading-heavy tasks (like studying literature and history)
(Why do we need to read?) Bakit kinakailangan nating magbasa?
Pinapatunayan na mahalaga ang pagbasa dahil:
1. Sa pamamagitan nito nasusukat ang kabuuan ng isang tao sa kanyang pagsasalita kapag
palabasa ang isang tao, marami siyang maibabahaging mga kaisipan, kaalaman at
karunungan batay sa genre na nabasa niya na makapagpapaangat sa kanyang kalagayan
sa lipunang ginagalawan.
2. Nagpapataas ito ng kalidad ng pagkaunawa ng isang tao sa bawat anggulo ng buhay ,
pagsasalita o pagsulat man, kaakbay sa kanyang pagkilos.
3. Nakatutuklas ng maraming karunungan at kaalaman ang isang taong palabasa na
tutugon sa kanyang pangangailang pangkabatiran sa iba’t-ibang larangan tulad ng
syensya, panitikang pansulat o pasalita man, kasaysayan, sikolohiya at maging sa
lipunang kinabibilangan niya.
4. Higit sa lahat,mahalaga ang pagbasa sa isang tao para hindi siya mapag-iwanan ng
panahon ng cyberworld at iba pang mga teknolohiyang nagsusulputan ngayon.

(How can we improve our skills in Reading?) Paano natin malilinang o mahuhubog ang ating
kakayahan/karunungan sa pagbasa?

Kailangang linangin sa bawat tao ang kanyang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat ay
magkaroon ng epektibong komunikasyon ngunit paano ito naisasakatuparan? Narito ang ilang
mungkahi:
1. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging mensahe.
2. Tulungan angkausap na linawin ang kanyang mensahe.
3. Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.
4. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa narinig.
5. Pagtuunan ang mensahe.
6. Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe.
7. Patapusin ang kausap.

You might also like