You are on page 1of 3

Ang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita: Pilipino at lohiya (logos), na ang ibig sabihin ay pag-

aaral. Samakatuwid, ito ay isang masistematikong pag-aaral: una, Pilipinong kasipian at, ikalawa,
Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan. Ang layunin niyo ay palabasin ang pagka-Pilipino ng bawat
larangan na meron ang kultura ng Pilipinas.

Ang kaisipan, kultura, at lipunan ay nag-ugat sa mga karanasan ng mga katutubong Filipino – ito ang mga
basihan ng homonisasyon o pagkatao. Maaaring ang mga ito ay hawig sa iba pang lahi, ngunit ang
Pilipino, bilang isang pang-uri ng iba’t ibang sangkap ay may sariling hekusyon, estetika, at kaayusan –
ang mga ito ang nagging pananda ng pagiging makabansa at isang lahi. Ang relihiyon, wika, at
sambahayana ay ilan lamang sa halimbawa ng bawat larangan na meron ang mga Pilipino.

Ang mga Kastila at Amerikano ay may ambag sa akademikong disiplina sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung
bakit may roong maayos at magandang edukasyon sa bansa. Subalit, kabalikat nito, naging isip-kolonyal
ang mga Filipino kung saan ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa ay mala kanluranin samantalang taga
silangan sila. Pinalaganap nila ang unibersalismo kung saan ang ethnic, parochial, at provincial ng bansa
ay unti-unti ng nawawala o napapalitan. Subalit, kailangan din ng Pilipinolohiya ang akademikong
disiplina upang mapalaya ang Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan at hindi ang kabaliktaran nito.

Ang teorya sa Pilipinolohiya ay nagbabalangkas ng mga datos upang magbigay liwanag sa pag-unawa ng
tatlong larangan. Samakatuwid, pawang datos ang nagdidikta ng metodo sa pag-aaral nito

Ang dating Philippine Studies ay walang pantayong pananaw dahil ito ay nakatuon sa mga banyaga o sa
mga naturingang Pilipino na nanaliksik ayon din sa pananaw ng mga banyaga.

Nag-ugat ang mga pananaw ng mga Pilipino sa mga katutubong kamulatan at kamalayan upang mabuo
ang makabansang kabihasnan at hindi laman upang pag-aralan ang mga nangyari sa mga Pilipino at
Pilipinas.

Advertisements

Report this ad

Report this ad
Share this:

TwitterFacebook1

About Rex TanElectronics and Communications Engineer

View all posts by Rex Tan »

Posted on July 25, 2011, in Love and tagged Filipino, Pilipinolohiya, sanaysay. Bookmark the permalink.
Leave a comment.

← Goodbye, Newspapers

Into the Darkness →

LEAVE A COMMENTCOMMENTS 0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Name *

Email *
Website

Notify me of new comments via

You might also like