You are on page 1of 3

Senator Renato “Compañero” Cayetano Memorial

Science and Technology High School


31st cor 51st St., Pamayanang Diego Silang, BCDA,
Ususan, Taguig City

Bilang Bahagi sa Pangangailangan sa Pagsusulat at Pagbabasa Tungo sa Pananaliksik 1

Wika: Batayan ng Pagkilala Estado sa Buhay at

Kalidad ng Edukasyon ng Isang Tao

CRYSTAL MAE DOMINGO

ANA ROBERTA FLOGEN

PRECIOUS NICOLE GARCIA

MARIELLE YUMUL

ABM 101
Kaligiran ng Pag-aaral

Sa pagdaan ng panahon, naging malaking isyu sa Pilipinas ang paggamit ng iba’t-ibang

wika. Kasama na dito ang mabilis na paglago ng teknolihiya na nagbukas sa karapatan ng taong

magkumento sa iba’t-ibang argumento, ngunit kinalaunan ay mas naging mapagdiskrimina ang

mga tao sa paggamit ng wika. Hindi lamang ang mga mali ng baybay o estraktura ng mga

pangungusap ang napapansin ng mga tao kundi ang wikang gianamit nito. Naging basehan ito ng

karamihan upang magbigay konklusyon na ang taong nagkukumento ay may dekalidad ang

kaalaman o kaya naman ay nakakaangat ang estado sa buhay.

Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral ng mga mananaliksik ay inaasahang masagut ang mga pangunahing mga

katanungang ito:

1. Gaano karaming respondent ang sumasang- ayon na maging batayan ang wika sa

pag tukoy ng estado sa buhay at kalidad sa edukasyon?

2. Paano nakakaapekto ang edad sa paniniwalang batayan ang wika sa pagtukoy ng

estado sa buhay at kalidad ng edukasyon ng isang tao?

3. Ilang pursyento sa mga respondent and bumabase sa wika bilang batayan sa estado

at kalidad ng edukasyon?
Metodolohiya

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang isasagawang pag-aaral ay gagamit ng paraang kuwantitatibo. Ang paraang ito ay

nababagay sapagkat ang mga mananaliksik ay susukatin kung ilan ang bilang at porsyento ng mga

tao na bumabase o sumasangayon na ang wika ay batayan ng estado sa buhay at katatasan ng isang

tao. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey na sasagutan ng mga respondent na siyang

panggagalingan ng datos at impormasyon.

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Ang mga pag-aaral ay isasagawa sa loob ng Senator Renato “Compañero”

Cayetano Memorial Science and Technology High School. Ang mga tagatugon ay binubuo ng 20

mag-aaral mula sa bawat baitang. Ang mga mananaliksik ay pipili ng mga tagatugon sa

pamamagitan ng ramdom sampling.

Ang pag-aaral ay isasagawa sa dalawang barangay ng siyudad ng Taguig: Barangay Sta.

Ana at Barangay Fort Bonifacio. Pipili ang mga mananaliksik ng 50 tagatugon sa bawat barangay;

Dalawampu’t lima ay mga mag-aaral, at 25 ay mga batangpropesyunal na naninirahan sa mga

nasabing barangay. Bilang kabuuan, magkakaroon ng 100 tagatugon para sa pananaliksik.

You might also like