You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Wika at Pagbasa

I. Layunin:
1. Natutukoy ang mga larawan na nagsisimula sa titik Mm.
2. Nasasabi ang tunog ng titik Mm.
3. Napahahalagahan ang kasipagan.

II. Paksang-aralin
“Si Monica Dalosdalos”
Titik Mm
CG: Page 125
Kagamitan: larawan, aklat

III. Pamamaraan:
Ngayon umagang ito
mayroon akong ikukwento
sa inyo. Bago yan may
Tanong muna ako sa inyo.
Masipag ba kayo? Opo
Paano ninyo pinapakita ang inyong kasipagan? Naglilinis ...
Si Monica ay masipag din pero bakit ayaw
nila sa kanya?
Malalaman ninyo ang sagot kung makikinig
kayong mabuti sa kwento.
Handa na ba kayong making sa kwento?
Ang pamagat ngating kwento ay “Si
Monica Dalosdalos”

A. Paghawi ng balakid
Dalosdalos – nagmamadali
Simulan na natin ang ating kwento.

B. Pagbasa ng kwento
Babasahin ang kwento ng Guro.
Pagkatapos basahin ang kwento,
sasagutin ang mga tanong.
Sino ang tauhan sa kwento? Monica
Anong uri ng hayop si Monica? manok
Ano ang mabuting ugali ni Monica? masipag
Bakit ayaw nila kay Monica kahit siya ay masipag sya ay padalos-dalos
Ano ang dapat gawin pag ikaw ay may ginagawa gawin ng maayos
Ang salitang Monica, manok at masipag ay
nagsisimula sa titik Mm
Ano ang tunog ng titik Mm?
C. Modelling
Bigkasin nga natin ang mga salita:
Monica, manok, masipag
Pakinggan ang unang tunog na maririnig
Ano ang unang tunog na narinig? mmmmmm….
Tama, ang tunog ng titik Mm ay mmmm….

D. Guided Practice
Narito ang mga larawan, tutulungan natin
si Monica na hanapin ang mga larawan na
nagsisimula sa titik Mm
Sino ang gustung pumili ng larawan? mangga
Sabihin nga natin ang pangalan ng larawan. mangga
Ano ang unang tunog? mmmmmm….
(magpakuha ng iba pang larawan)

IV. E. Independent Practice


Mamigay ng mga activity sheets sa mga bata

V. Takdang-aralin
Gumupit ng tatlong larawan na nagsisimula sa titik Mm at idikit sa kwaderno.

Prepared by: Jhoanna P. Talao

You might also like