You are on page 1of 2

Epekto ng paggamit ng SMS sa pagsulat ng teksto ng

Ika-labing Isang Baitang ng ABM ng MNHS-SHS

Kaligiran ng Pag-aaral:

Sa mga nagdaang taon, patuloy na lumalago ang ekonomiya at pamumuhay ng bawat bansa at isa na
ang teknolohiya na tumututlong upang mapadali ang gawain ng bawat tao. Ang SMS o short messaging
system ay nakakatulong upang makipag-komunikasyon sa mga kaibigan at mahal sa buhay na hindi
nakakasama.

Ang SMS ay isang uri ng komunikasyon na ginagamit ang telepono upang maipaabot ang mensahe sa
kapwa tao kahit saang lugar sila naroon, hanggat mayroon itong nasasagap na signal.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang Pilipinas ay tinaguriang ‘’text-messaging Capital of the
World.’’ Tinatayang 2.5 million text messages ang naipapadala araw-araw. (National
Telecommunication Commission)

Sa isang pag-aaral ay malaki ang porsyento ng mga mag-aaral na ginagamit ang mga pinaikling salita
sa kanilang pagpapadala ng mensahe at ito ang nahahanap na isa sa dahilan ng pagkakaroon ng mga
tampok na salita na galing sa SMS sa kanilang pagsulat ng teksto sa sariling wika batay kina Aziz, Shanim
et. Al (2013).

Hindi lamang ang estruktura ng pagsulat ang maapektuhan kundi ang pakikipag-komunikasyon.
Marami nang hindi magkakaunawaan at mali na rin ang pagpapahayag ng kahulugan ng mga salitan
ayon kay Tayebinik at Puteh (2012).

Ayon sa ulat ni Fiael Jimenez ng GMA News sa pinamagatang ‘’Wika sa Likod ng Teknolohiya’’, ang
pagteteks ay inimbento upang padaliin ang komunikasyon ng mga tao ngunit sa halip na makatulong ay
maraming masasamang naidudulot nito lalo na sa larangan ng pagsulat. Dahil sa kasanayan nila sa
pagteteks ay nangamba ang mga guro dahil humihina ang mga mag-aaral pagdating sa larangan ng
pagsulat at mas lalong lumiliit ang kanilang kaalaman ukol ditto.

Sa una ay nakakatawa ang mga maling ispeling ng mga salita ngunit habang tumatagal ay humihina
ang mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat at pagbabaybay ng wikang Filipino at Ingles. Hanggang sa
kasalukuyan ay hirap na hirap ang mga mag-aaral sa pagsulat ng tamang gamit ng gramatika sa Wikang
Filipino at Ingles. Nagresulta ito ng paghina ng memorya ng mga mahihilig sa teksting ng mga mag-aaral
batay kay Angelo Valencia (2017).

Dahil sa murang halaga ng load ay maraming nahihikayat na ito ang gamiting paraan ng pakikipag-
komunikasyon, ngunit ang text message ay nalilimatahan at umaabot lamang ng 164 na titik kung kaya’t
dito na pumapasok ang iba’t-ibang termino na ginagamit upang mapabilis ang pagtext. Sa
pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagteteks nagiging resulta ito ng kahinaan at kakulangan ng
bokabularyo sa bawat salita na maaring magamit sa pagsulat ng teksto. Dito napapatunayan na
nahuhumaling ang mga mag-aaral sa teknolohiya; mga salitang pinaiksi ngunit napapalamutian ng iba’t
ibang simbolo na siyang nagdudulot sa pag-iksi ng kaalaman sa pagsulat ng teksto.

Kaya nais ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa epekto ng paggamit ng SMS sa
pagsulat ng teksto upang mapaliwanag sa mga mag-aaral ang tamang paggamit ng SMS at kung
hanggang saan ang limitasyon nito. Ito ay makakatulong ng malaki sa tamang pagbababaybay ng mga
salita. Sa gantong paraan ay masisiyasat ang mga teksto na gawa ng mga mag-aaral at mabigyang
solusyon ang kanilang kahinaan upang sila ay magkaroon ng mastery.

You might also like