1. Binili mo para sa saksakyan mo, pero dasal mo “sana
kahit minsan ay huwag magamit ito.” Ano ito? Sagot: (lifting jack)dahil ito ay ginagamit lamang tuwing mabubutasan ka ng gulong o ano mang sira ang kailangang ayusin sa ilalim ng iyong sasakyan.
2.Ang isa dagdagan mo pa ng isa,
Ilan ito? Sagot: (11) dahil pag pinagtabi mo ang dalawang number 1, lilitaw ang number 11.
3.Napakadumi pero gusto mo ng mas marami, Ano ito?
Sagot: (pera)dahil sa dumi nito,ngunit nap aka importante sa modernong pamumuhay, pinaghihirapan ito, at depende sa pagkatao ng nagnanasa o nangangailangan, maaaring maikompromiso ang moralidad ng indibidwal.
4.Ano ang mga salitang malalim?
Sagot: (balon,bangin,dagat at iba pang mga pangalan ng mga bagay O lugar na may kalaliman ang anyo).
5.Ano ang tawag sa panahon na kung kalian ka pwedeng
pumili ng loloko nat magnanakaw sayo? Sagot: (panahon ng eleksiyon),dahil alam ng nakakarami na hindi tapat sa tungkulin ang mga politico, ngunit tuloy parin sila sa pagboto. 6.Paano mo malalaman kung ang kandidato ay nagsisinungaling? Sagot: (tuwing gumagalaw ang bibig nito), dahil mas marami anng politico nna sinungaling at sinasabi lamang ang gustong marinig na botante.
7.Bakit ang pumanaw na abogado ay hindi pinapasok sa
langit at sa impyerno? Sagot: (dahil ito ay walang kaluluwa). Ito ay may kinalaman sa pananaw ng marami sa paraan ng pagkita ng abogado na kung saan walang gamit ang konsensiya.
8.Matapos ang kanyang oras ng trabaho nag kwento ang
bantay ng pabrika sa kanyang amo na nanaginip siya na ma aaksidente ito kung kaya’t pinayuhan ito na wag nang tumuloy sa pina-planong pag labas nang bansa. ito naman ay pinakinggan amo at pinabago ang araw ng alis. Lumabas sa balita na ang eroplano na dapat sanay sasakyan ng amo ay bumagsak. Kinabukasan ay pinatawag ng amo ang bantay at matapos pasalamatan ito ay tinanggal sa trabaho. Bakit ito tinanggal? Sagot: dahil siya ay natutulog sa trabaho. Nalaman ito dahil sinabi niya na siya ay nanaginip. 9.Bakit ipinagbabawal ng gobyerno ang pagsisinungaling,pagnanakaw,pangingikil, pagkidnap, pag patay? Sagot: (dahil ayaw ng gobyerno na may kakompetensya.) Ito ay nagmula sa katotohanang ang lahat ng ito ay ginawa Ng gobyerno sa ilalim ng ligalidad o batas na sila rin ang gumawa at sumulat.
10. Ano ang nasa aso at pusa na wala sa daga?
Sagot: (S) dahil ang letrang s ay gamit tuwing isusulat ang aso at pusa ngunit hindi sa salitang daga.