You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III (Central Luzon)
District IV
SAN JOSE DEL MONTE NATIONAL TRADE SCHOOL
Fatima V, City of San Jose Del Monte Bulacan

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


Proposal ng Pananaliksik

I. Pamagat:
Antas ng Talasalitaan ng mga Mag-aaral Salik sa Mabisang Komunikasyon

II. Introduksyon o Panimula/Rasyunal

Sa Filipino bilang isang pangwikang asignatura, inaasahang magkaroon ang mga mag-aaral ng
kakayahang gamitin at palaganapin ang wikang Filipino. Ngunit napatunayan sa mga pag-aaral
na maraming aspekto ang nakakaapekto sa pagkatuto ng isang mag-aaral:paraan ng pagkatuto
ng mag-aaral, paraan ng pagkatuto ng guro, kaligiran at iba pa.

Isa sa pinakamahirap na hamon na hinaharap ng mga guro sa wika ay ang kakulangan ng mga
mag-aaral ng kasanayan sa bukabularyo na siyang may malaking impluwensiya sa pagbabasa
nang may pag-unawa. Binanggit ni Riankamol (2008) namakikita mula sa pag-aaral ni ranowsky
(2002) na kinumpirma ng maraming mananaliksik ang kahalagahan ng bokabularyo upang
maintindihan ng isang bata angkanyang binabasa, samakatuwid sa kanyang pag-aaral. Sa
pagkakaroon din ng limitadong bokabularyo, hindi nakapagpapahayag ang bata ng kaniyang
saloobin at nahirapan siyang makipag-ugnayan sa iba.

Sa mga nabanggit na kadahilanan, ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang mga paraan ng
mga mag-aaral sa pagkatuto ng bokabularyo at siyasatin kung ano ang pinakamabisang istilo
ang ginamit ng mga mag-aaral nang sa ganoon aymakapagmungkahi ang mananaliksik ng mga
epektibong paraan ng pagkatuto ngtalasalitaan na magagamit ng mga estudyante at magamit
din kapwa gurong nagtuturosa mga asignaturang pangwika
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sakop sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng Senior High School sa baitang labing-
isa ng San Jose Del Monte National Trade School.
III. Paglalahad ng Layunin

Pangkalahatang Layunin
Layunin ng pag-aaral na ito na masiyasa’t ang madalas na gamitin at hindi masyadong
ginagamit na istilo sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral. Mula sa makakalap na
impormasyon ng mga mananaliksik katuwang ang mga dalubguro bilang batayan ng isang pag-
aaral.

Tiyak na Layunin

1.
Naipaliliwanag ba ang kahulugan ng antas ng talasalitaan sa paaralang San Jose Del Monte
National Trade School?
Napatotohanan ba ng mga guro ang kahalagahan ng antas ng talasalitaan ?
Nabibigyan ba ng importansya ng mga mag-aaral sa senior highschool sa paaralang ito ang
antas ng talasalitaan ?

IV. Kaugnay na Panitikan at Pag-aaral

Ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan ay makatutulong sa pakikipag-ugnayan sa ibang


tao, sa pag tamo ng malawak na kaalaman, madaling pag-unawa sa lahat ng uri ng mga
babasain o teksto na kakaharapin ng isang mag-aaral sa pang araw-araw na buhay. Ayon sa
mga Anglo-Saxon ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na dapat angkinin at
pahalagahan. Ang pag-unawa at angkop na pag-gamit ng mga salita ay mahalagang
kasangkapan tungo sa mabisang pakikipagtalastasan.

V. Metodolohiya
VI. Sanggunian

https://upd.edu.ph/talasalitaan-wika-at-kasarian/

You might also like