You are on page 1of 2

ANG KASAYSAYAN NG SISTEMA NG EDUKASYON SA PILIPINAS

EDUKASYON SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA KASTILA

Ang paaralang primarya para sa mga batang katutubo ay naitatag lamang sa huling bahagi
ng ikalabinsiyam na siglo. Ang mga aralin ay nakasentro sa relihiyon,
bagamat itinuturo rin ang kagandahang-asal, pagbasa, pagsulat, pagbilang, musika,
Doctrina Christiana, at mga kasanayang nauukol sa pamumuhay at
pamamahay. Sinabi ni Padre Pedro Chirino na ang mga Pilipino ay matatalino;
madali nilang natutunan ang wikang Kastila at pagbigkas nito. Madali rin nilang
natutunan ang kahit ano.

EDUKASYON SA PILIPINAS BAGO ANG KOLONISASYON

Ang malawak na kaalaman ng mga unang Pilipino ay hango sa


edukasyong di-pormal. Di-pormal sapagkat walang istruktura ng pormal na
edukasyon na alam natin ngayon.
Walang paaralang pinapasukan at mga asignaturang
pinag-aaralan. Gayunpaman, mataas ang antas ng marunong bumasa at
sumulat sa mga sinaunang Pilipino.
a

EDUKASYON SA ILALIM NG REBOLUSYONARYONG PAMAHALAAN

Pagkatapos ng mga apat na taong paghahanda, sumiklab


ang Rebolusyon laban sa Espanya, sa Kamaynilaan noong Agosto 24, 1896. Di
nagtagal at ang Himagsikan ng mga Tagalog ay naging tunay na Rebolusyon
ng bansa. Sa pakikiisa ng iba't ibang rehiyon sa adhikain ng paglaya,
nagapi ang mga Kastila sa iba't ibang bayan sa
sangkapuluan, hanggang sa mapinid ang unang yugto ng Himagsikan laban sa
Espanya sa pakto ng Biak-na-Bato noong Disyembre 15, 1897.

EDUKASYON SA PANAHON NG PANANAKOP NG AMERIKANO


Mararamdaman ang epekto ng pananakop ng mga Amerikano sa Sistema ng
pampublikong edukasyon na itinayo nito sa bansa. Matapos mapasakamay ng mga
Amerikano ang Maynila noong Mayo 1898, sinimulan na ang pagtatatag ng
mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Sa simula, mga sundalong Amerikano
muna ang nagsilbing unang guro na kalaunan ay napalitan ng mga gurong
galing sa America. Ang pinakamalaking pangkat ng mga guro ay dumating sa
Pilipinas noong 1901 lulan ng barkong Thomas. Itinalaga sa Maynila at mga lalawigan ang
mga gurong ito na binansagang Thomasites.
EDUKASYON SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON
Muling nasubok ang kakayahan ng mga Pilipino na umangkop sa mga pagbabago nang
dumating ang mga Hapones. Banzai! Sigaw ng mga Hapones. Iba’t-ibang damdamin ang
naramdaman ng mga Pilipino sa panahong ito subalit ibayong sikap pa rin ang namayani sa
kanila upang ipagpatuloy ang hangaring makamit ang kalayaan. Ibig ng mga Hapones na
makuha ang pakikiisa ng mga Pilipino kaya nagtakda sila ng mga patakaran sa edukasyon.

EDUKASYON SA ILALIM NG REPUBLIKA NG PILIPINAS

Mula noong 2012 pinairal ang K to 12 Basic Education Program sa ating bansa. Ang
dating sampung taong Basic Education noon (anim na taon sa elementarya at apat na
taon sa hayskul) ay nadagdagan ng kindergarten at dalawang taon sa hayskul. Ang
karagdagang dalawang taon ay tinatawag na senior high school. Mula baitang 1 hanggang
12 ang tawag sa 12 taon pag-aaral sa sistemang K to 12 Basic Education o Enhanced
Basic Education. Naging 12 taon ng pag-aaral bago pumasok sa kolehiyo ang mag-aaral sa
halip sa 10 taon lamang.

You might also like