You are on page 1of 20

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

NG IKA-PITONG BAITANG

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang…

 Nakapagpapahayag ng kanilang sariling ideya o opinyon hinggil sa kwentong tatalakayin.


 Nalalaman ang kahalagahan ng pagsusumikap.
 Nakalilikha ng isang maikling kwento na kaugnay sa kwentong tatalakayin.

II. PAKSANG ARALIN

Nemo ang Batang Papel ni Rene O. Villanueva

Sanggunian:

Panitikang Filipino Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 30-33, Kagawaran ng Edukasyon


Republika ng Pilipinas

Kagamitan:

LCD projector, whiteboard at marker, speaker at mga pantulong biswal (starbox, spiky
ball, mga larawan at mga star)

Pagpapahalaga:

Matutong magsikap at magtiyaga upang mapagtagumpayan ang mga pangarap sa buhay,


dahil hindi ito magaganap kung hindi tayo matututong kumilos.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat at ating ituon ang ating


presensya sa Poong Maykapal.

(Magpaparinig ng isang tugtugin ang guro at


mananalangin habang natugtog ito)

https://www.youtube.com/watch?v=A2PTrSmoSv0

Ang Panalangin
Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na isip
upang maipasok namin ang mga itinuturo
sa amin at maunawaan ang mga aralin na
makatutulong sa amin sa pagtatagumpay
sa buhay na ito. Diyos Ama, hindi po
magiging madali para sa amin ang araw
na ito kung wala po kayo sa aming tabi.
Gabayan ninyo kaming lahat na mag-
aaral upang malinang ang aming isipan at
maunawaan ng lubos ang anumang
leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan
din naman ninyo ang aming mga guro
upang magkaroon sila ng sapat na
katiyagaan upang maihatid sa mga
estudyante ang mga aral na dapat nilang
ituro. Maraming salamat po.
2. Pagbati
Isang napakaaliwalas na hapon sa ating lahat.
Isang napakaaliwalas na hapon din po.
Maaari na kayong umupo. Salamat po!

Kamusta ang inyong araw? Mabuti naman po. Masaya na medyo


nakakapagod po.

Nakakagalak pakinggan na kayo ay masaya


ngayong araw. Huwag kayong mag-alala at lahat ng
inyong pagod at sakripisyo ngayon ay magiging
kapaki-pakinabang balang araw. Sabi nga ng Aldub
sa tamang panahon.
Tunay po ang inyong sinabi Binibini.
3. Pagtatala ng liban at hindi

Maaari ba na makahingi ng isang pirasong papel


at pakisulat ng inyong pangalan bilang katunayan na
kayo ay pumasok sa oras na ito. At dahil kayo ay
naka-alphabetically arranged alinsunod sa
apelyidong inyong dinadala, ikaw ____ ang
magsimulang magsulat ng iyong pangalan sa isang
malinis na papel. Lagdaan din ng bawat isa ang
katapat ng kani-kanilang pangalan at matatatapos
kay ____ kaya siya ang magbibigay ng papel na
binubuo ng inyong mga pangalan. Masusunod po Binibini!
4. Pampasigla

Habang nagsisimula kayong lumagda sa malinis


na papel. Umpisahan na natin ang isang
pampasiglang gawain. Binibini ano po ang ating gagawin?

Tatawagin natin itong ‘’SPIKE, SPIKE BABY’

“Spike, spike baby” Binibini? Parang


kanta po iyon ah?
“Ice, Ice Baby” iyon.

Makinig muna kayo sa aking panuto para


makapagsimula na tayo.
Ngayon hawak ko itong spike ball at sa nakikita
niyo may speaker dito sa unahan. Habang
tumutugtog ay papaikutin niyo itong Spiky Ball na
naglalaman ng sampung katanungan. At ako naman
ay tatalikod para hindi ko makita kung nasaan na ang
spiky ball. Kapag tinigil ko na ang tugtog kung saan
tumigil ang spike ball ay siya ang pipili dito ng isang
tanong na kailangan niyang sagutin.
Binibini tungkol saan po ang mga
tanong?

Mga palaisipan o bugtong lamang ang mga


tanong. Huwag kayong mag-alala, madali lamang ito
at sigurado na masasagot ninyo. Binibini may premyo po ba?

Mayroon, kung sino ang makasagot sa


nakahandang palaisipan o bugtong ay
makakatanggap ng mga star galing sa ating Star
Box!. Hindi lamang ako magbibigay ng star sa
gagawin nating aktibidad. Sa bawat sagot ninyo sa
aking mga katanungan sa ating klase, magkakaroon
kayo ng mga star at sa dulo ng ating talakayin
pagsasama-samahin ninyo ang inyong mga nalikom
na star. Sa dulo ng ating talakayin, ang
pinkamadaming star ay mabibigyan ng karagdagang
puntos sa ating quiz. Gusto ninyo ba iyon mga bata?
Opo Binibini!
May tanong pa ba?
Wala na po Binibini.
Simulan na natin? Handa na ba kayo? Opo!

Sige. Paikutin na natin ang spike ball at simulan


ang ‘’Spike, Spike Baby’’.
Hala! Sa akin naiwan ang spiky ball!
Dahil sa iyo ____ tumigil ang ating spiky ball.
Ikaw ay pipili ng isang katanungan. At kapag hindi
mo nasagot ay may pagkakataon ka na ipasa sa
iyong kamag-aral sa pamamagitan ng pag-ikot muli
ng spiky ball. Maliwanag ba? Opo Binibini.
Sige bumunot ka na.
Ngayon basahin mo ang iyong nabunot na
katanungan.

‘’Bugtong bugtong palabugtong


lumalakad walang paa lumuluha walang
mata’’

Ano ang iyong kasagutan ______? Binibini kandila po?


Kandila? Magandang hula. Bibigyan kita ng isa
pang pagkakataon upang sagutin ang katanungan na
iyan.
Binibini, hindi po kandila?
Hindi e. Sumubok ka pa ng isa. Binibini, alam ko na.
Pluma po.

Tama! Napakahusay. At dahil nasagot mo ang


bugtong, heto ang iyong star! Yehey! Maraming salamat po.
Paikutin niyo na uli ang spiky ball.
____________, sa iyo maswerteng tumigil ang
ating mahiwagang spiky ball. Maaari ka ng pumili
ng katanungan na iyong nais.
Ano ang iyong nabunot na katanungan
__________. Nagtago si Pedro pero labas ang ulo.
Ano ang iyong kasagutan. _______? Binibini pako po.

Magaling. Nagtago si Pedro pero labas ang ulo.


Pako nga ang sagot dito magaling ________.
Dahil tama din ang iyong kasagutan, narito na iyong
gantimpla. Isang star! Maraming salamat po.

5. Pagbabalik-aral

Marahil naman ay nabuhayan kayo sa larong


ating ginawa. Opo Binibini.
Ngayon naman ay magbalik-aral tayo.
Ano nga ang ating tinalakay kahapon? Binibini tungkol po sa maikling
kwento.

Magaling. Ano nga ulit ang maikling kwento?


Binibini ito po ay nababasa sa isang
upuan. Tapos wala po itong tsapter.

(Magbibigay ng isang star).

Tama. Ano pa ang ibig sabihin ng maikling


kwento? Binibini.
Sige. ____________. Ang maikling kwento po ay may isa
hanggang tatlong tauhan lamang.

(Magbibigay ng isang star).

Magaling _________!
Maari mo ba na sabihin ang buong kahulugan ng
maikling kwento? Ang maikling kwento po ay isa sa
akdang pampanitikan na likha ng guni-
guni ito po ay mababasa sa isang upuan
lamang at may isa hanggang tatlong
tauhan lamang.

(Magbibigay ng isang star).

Tumpak! Lahat tayo ay may ama sino ang ama ng


Maikling Kwento?

Sige ________? Binibini!


Si Edgar Allan Poe po.

(Magbibigay ng isang star).


Magaling! Ang ama ng Maikling Kwento ay si
Edgar Allan Poe.
Ilan nga uli ang uri ng maikling kwento? Binibini siyam po.

(Magbibigay ng isang star).

Sige po Binibini ang siyam na uri po


ng maikling kwento ay kwento ng pag-
ibig, katatakutan, kababalaghan,
katutubong-kulay, banghay, katatawanan,
madulang pangyayari,
pakikipagsapalaran at kwento ng tauhan.

(Magbibigay ng isang star).


Magaling. Lahat ng iyon ay ating natalakay na
kahapon. Nakakatuwa na inyo pa ring natandaan.
6. Pagganyak

Ngayon naman ay ipapapanuod ko sa inyo ang


isang inspirational video, tunghayan niyong mabuti
kung paano nagsikap ang isang bata upang maabot
ang kanyang mga pangarap.

https://www.youtube.com/watch?v=zXOH1TL-Qhs

"Yapak" - Maikling Pelikula (Short film)

Lahat tayo ay kagaya ng bida sa kwento


na maraming kahilingan sa buhay na nasa sa atin na
ito kung paano natin ito pagsisikapang tuparin. Nakakaiyak naman po Binibini.

Sige ________ ikwento mo ang iyong


naramdaman at reaksiyon sa iyong napanood. Binibini sobrang nakakaiyak po,
ginawa po ng bata sa video ang lahat para
siya ay makapag aral. At napaka palad po
niya dahil mayroong isang mabuting guro
(Magbibigay ng isang star). na buong pusong tumulong sakanya.

(Maaring magkaroon ng iba’t ibang


kasagutan ang mga bata)
Maraming salamat G/Bb.___
Tunay na napakapalad ng bata sa video dahil siya
ay tinulungan ng isang guro upang makamit ang
kanyang pangarap. Hindi dapat mawalan ng pag asa
habang nabubuhay dahil laging nandiyan ang
Panginoon upang tayo ay gabayan at tulungan.

B. Panlinang ng Gawain

A. Akibiti

Ngayon ilalagay ko kayo sa sitwasyon


ni________________.Bibigyan ko kayo ng tig-
iisang bituin at isulat ninyo dito ang inyong
kahilingan na gustong gusto niyong matupad simula
ng pagkabata niyo.
Binibini, ilang kahilingan po sa isang
bituin?

Isa hanggang dalawang kahilingan lamang.

Magsimula na kayo mayroon lamang kayong


dalawang minuto para gawin iyan. Sige po.

Pagkatapos ninyong sulatan ang inyong mga


bituin ay ididikit niyo dito sa unahan kung saan ito
ang magsisilbing langit. Pagkatapos, pipili ako ng
tatlo sa inyo sa pamamagitan ng pagbunot ng inyong
pangalan na nakalagay sa kahong ito upang ibahagi
sa amin ang inyong isinulat na kahilingan.
Binibini nakakahiya po.

Ano ba kayo, wag kayong magkahiyaan ituring


niyong kapatid ang bawat isa. Saka lahat ng
ibabahagi at maririnig namin ay hindi makakarating
sa iba. Hindi makakalabas sa apat na sulok ng silid
na ito.
Maliwanag ba? Opo, Binibini.

Meron na lamang kayong tatlumpong segundo


para tapusin iyan.

___________ano ang iyong isinulat sa iyong


bituin? Sana magkaroon po ako ng sports car.

Wow! At ano naman ang gagawin mo para


matupad ang pangarap o kahilingan mong iyan.
Magsisikap po ako ng mabuti
Binibini. Mag-aaral po ako ng mabuti
para po matupad ko ito.

Napakahusay! Lahat tayo ay dapat magsikap


upang matupad kung ano man ang inyong
kahilingan. Gaya ng sinabi ko kanina ano man ang
hirap at sakripisyo niyo ngayon ay magiging kapaki-
pakinabang sa tamang panahon

Iyan lamang ba ang isinulat mo sa iyong bituin? May isa pa po Binibini.

Sige, ano iyon? Sana po maging maginhawa ang


buhay namin. At para matupad po ito ako
ay mag-aral ng mabuti dahil ayon po sa
aking ina ay edukasyon ang mag-aangat
sa amin sa kahirapan.
(Magbibigay ng isang star).

Tama iyan. Edukasyon ang mag-aangat sa


kahirapan at kailangan, samahan din natin ito na
sipag at tiyaga.
Magbalik tayo sa ating pinag-uusapan.
Iyan nga parang pagmamahal lang iyan at hindi
natin mararanasan ang maginhawang buhay kung
hindi muna natin mararanasang magsakripisyo at
mahirapan.
Sige maaari ka nang umupo. Salamat po!
Ikaw naman _____ ano ang iyong kahilingan? Sana po makita ko si Justin Bieber.

Naks! Paano mo naman maaabot ang pangarap


mo iyan? Binibini mag-iipon po ako at pupunta
po ako sa Canada.

Dobleng pangarap yan ah, ang makita ang iyong


iniidolo at makapunta ng ibang bansa. Opo Binibini, kung hindi pa rin po
magkakasya ang ipon ko aantayin ko na
lang po na mag-concert siya dito sa
Pilipinas.
(Magbibigay ng isang star).

Mabuti naman at may pangarap ka sa buhay. Tama


iyan. Maaari ka ng umupo. Ngayon tutunghayan
natin sa kwentong ating tatalakayin kung paano
natupad ang kahilingan ng isang bata. At kung anong
uri ng kwento ang ginamit ng may akda.

Paghahawan ng balakid

Ngunit bago tayo tuluyang dumako sa pagtalakay


ng aralin ay sagutan ninyo muna ang mga salitang
maaaring makasagabal sa inyong pagkatuto.
Mayroon lamang kayong dalawang minuto para
sagutan ito.

Panuto: Ilagay sa patlang ang letra ng kahulugan ng


mga di-pamilyar na salita.

______1.Humahagibis
______2.Nagpatawing–tawing
______3.Nagulantang
______4.Taginting
______5.Makibaka

A. Nabigla
B. Masigla
C.Tumatakbo
D.Nagpalutang –lutang
E.Makipagsapalaran
F.Kamangha-mangha
Tapos na ba ang lahat? Opo Binibini!

Sige sagutan mo ang mga katanungan ______. Binibini. Ang sagot po sa limang
katanungan ay C, D, A, B at E.

Talaga namang napakahusay mo _____. Dahil


tama ang lahat ng inyong sagot bibigyan kita ng
tatlong star!

Ayan. Nasagutan ninyo ng tama ang lahat ng


talasalitaan. Ngayon naman, gamitin ninyo ito sa
pangungusap. Halimbawa.

Humahagibis ng mabilis si Tolome.

Bibigyan ko kayo ng dalawan minuto. Opo Binibini!

Tapos na ba kayong lahat? Binibini.


Humahagibis
O sige. _____, maari mo bang maibahagi ang Muntik na akong masagasaan ng
iyong mga halimbawa? humahagibis na sasakyan.

Nagpatawing-tawing
Ang dahon ay nagpatawing-tawing sa
hangin.

Nagulantang
Ang bata ay nagulantang sa lakas ng
kulog.

Taginting
Ang taginting ng mata ni Rosa ay
nawala simula ng mawala ang kanyang
kasintahan.

Makibaka
Ang mga OFW ay handang makibaka
sa ngalan ng kanilang pamilya.
Tumpak lahat ng iyong sagot _____. Dahil dyan
bibigyan kita ng tatlong star!

B.Analisis

1.Presentasyon

May ipamamahagi akong kopya ng isang


maikling kwento. Basahin ninyo ito sa loob ng
tatlong minuto.

Ano ang pamagat ng kwentong inyong binasa at


sino ang may akda nito? Ang pamagat po nito ay Nemo Ang
Batang Papel ni Rene O. Villanueva.

(Magbibigay ng isang star).


2.Pagtalakay

Sino ang pangunahing tauhan? Si Nemo po. Ang batang papel.

(Magbibigay ng isang star).

Sinu-sino naman ang mga iba pang tauhan sa


kwento? Mga bata po, naging pamilya ni Nemo
at ang bituin.
(Magbibigay ng isang star).

Sino naman ang protagonista sa binasang


kwento? ____? Ang protagonista po ay si Nemo.

(Magbibigay ng isang star).

Sino naman ang antagonista sa kwentong ating


binasa? ______? Ang antagonista po ay si Nemo din.
Kalaban niya po ang sarili niya.
(Magbibigay ng isang star).

Ano ang masasabi mo sa katangian na mayroon si


Nemo? Si Nemo po ay isang mainggiting
batang papel.

(Maaring magkaroon ng iba’t ibang


Magaling ______! kasagutan ang mga bata)

(Magbibigay ng isang star).

Sa inyong palagay anong suliranin ang kinaharap


ni Nemo?

Anong iyong opinyon ______?


Ang suliranin niya po ay hindi siya
tinaggap sa lipunan bilang isang bata.
Tumpak ang iyong kasagutan ____!

(Magbibigay ng isang star).

Ano naman ang ginagawang paraan ni Nemo para


solusyonan ang kanyang suliranin na kinahaharap?

Ikaw naman ang magbigay ng iyong saloobin


_____. Humiling po uli siya sa mga bituin
para sa kanyang kasiyahan.
(Magbibigay ng isang star).

Sa kwento, lahat sila ay naging mga batang papel.


Sa inyong persepsyon, noong hiniling nila na
maging batang masayahin bakit silang lahat naging
batang papel.
Sariling ideya niyo lang, wala namang maling
sagot. Malaya kayong makakapagpahayag ng sarili
niyong opinyon. ______? Binibini sa tingin ko po ay dahil sa
pagiging isang batang papel ay magiging
malaya sila.
(Magbibigay ng isang star).

Tama, magiging malaya ang mga bata, isa iyon sa


mga dahilan.

Ano pa ang inyong ideya? Sa pagiging isang batang papel wala


na po silang mararanasang kalungkutan,
wala ng mararanasang hirap, sakit at
pangungutya.
(Magbibigay ng isang star).

Tumpak ka doon _____.

Pagkatapos nilang maging batang papel ano na ang


nangyari? Nakita po sila ng mga tao at naawa po
sa kanila.
Nakaramdam na ba sila dati ng mga ganitong
kalungkutan? Hindi pa po Binibini.

Paano niyo naman nalaman iyon? Naging batang


papel na ba kayo? Binibini. Hindi ba po ang mga bagay
ay walang nararamdaman na kahit ano
kasi wala silang buhay?
(Magbibigay ng isang star).

Mahusay! Noon lamang nila naramdaman ang


awa. Parang ganito lang iyan ‘’Nasa huli ang
pagsisisi”. Nagkasimpatya lamang sila sa mga bata
kung kailan sila ay naging isang batang papel na. Na
hindi nila alam na mas masaya sila dahil hindi na
sila mabubuhay sa malupit na kalsada.
Napakagaling! Sino pa ang may ideya o opinyon
na nais ibahagi?
Sige. ______ Binibini ako po.

Hindi na kahit gaano kahirap maging


isang tao Binibini mahirap po maging
isang papel paano po kapag umulan diba?
Eh di pag nabasa po sila mapupunit at
(Magbibigay ng isang star). masisira?

(Maaring magkaroon ng iba’t ibang


kasagutan ang mga bata).
Tama ang kanyang opinyon may punto siya doon.
Ano man ang inyong mga naiisip na ideya,
reaksiyon at lahat ng inyong mga saloobin lahat iyan
ay tama.
Kagaya ni Nemo lahat tayo ay may karapatang
humiling at mangarap. Sabi nga nila hindi ba libre
lang ang mangarap kaya dapat taasan mo na. Pero
hindi ibig sabihin nangarap ka o humiling ka ay
matutupad na ito agad, na kapag pumikit ka
pagmulat mo natupad na ito lahat kailangan natin
itong pagtrabahuhan, pagtiyagaan, pagsikapan at
pagkatiwalaan. Magtiwala sa sarili na lahat ng ating
mga pangarap ay matutupad na lahat tayo ay aangat.
Parang kagaya lang iyan ng sinabi ni Sabrina
Ongkiko “Papasa ako!” Kailangan maniwala tayo Opo.
sa ating sarili sa ating mga kakayahan at maniwala Ngunit Binibini, paano po napasali ang
tayo na ano mang pangarap o hiling natin ay panghalip? Diba po ito ay bahagi ng
“matutupad”. pananalita, ang atin pong pinag- uusapan
ay maikling kwento.
Pamilyar ba kayo sa salitang panghalip?

Binibini, hindi po namin alam.

Opo.
Tama! Ito ay bahagi ng pananalita. Kayo ang Binibini ang halimbawa po ng panghalip
aking tatanungin, sa palagay niyo, bakit napasali sa ay siya, niya, nila, ito, ditto, riyan, kanya,
ating talakayan ang panghalip? kanila, tayo, kami at kayo.

Napansin niyo ba ang mga panghalip sa kwento?


Sige nga magbigay kayo ng halimbawa.

Napakahusay! Dahil diyan bibigyan kita ng


dalawang stars.

Dahil napansin niyo ang mga panghalip sa binasa


niyong kwento, diyan papasok ang anapora at
katapora, ang dalawang sangkap ng panghalip.

Para lubos niyong maunawaan ang anapora at


katapora, mayroon akong inihandang mga
pangungusap mula sa kwento. Ang kailangan niyo Opo Binibini.
lamang gawin ay uriin ang mga pangungusap kung
ito ba ay nabibilang sa anapora o katapora.
Pagkatapos ay idikit ito sa unahan.

Naiintindihan ba? Anapora:


Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo.
(Bubunot ang guro ng pangalan sa kahon). Naroong tumaas siya, naroong bumaba.

Sige, G./Bb.___ Mabuti na lamang at napakagaan ni


Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa
hangin bago tuluyang lumapag sa gitna
ng panot na damo sa palaruan.

Katapora:
Isip siya ng isip kung paano
makakatulong sa kanyang totoong
pamilya. Kaya kahit bata pa, maghanap
buhay si Nemo.
Katapora:
Sa umaga’y nagtitinda siya ng
sampaguita at humahabol sa mga kotse.
Dahil dito pagod na pagod si Nemo araw-
araw.

Isip siya ng isip kung paano


makakatulong sa kanyang totoong
pamilya. Kaya kahit bata pa, maghanap
buhay si Nemo.

(Magbibigay ng isang star).

Magaling! Maraming salamat G./Bb.___


Anong napansin niyo sa Anapora?
Sige, ___ Binibini ang Anapora po ay panghalip na
makikita sa huling bahagi ng
pangungusap.
(Magbibigay ng isang star).

Tama! Ito ay panghalip na makikita sa huling


bahagi ng pangungusap.

Paano naman kapag Katapora?


Sige, ___ Ang Katapora naman po ay panghalip na
makikita sa unahang bahagi ng
pangungusap.

Tama! Kabaligtaran ng Anapora, ang Katapora ay


panghalip na makikita sa unahang bahagi ng
pangungusap.

(Magbibigay ng isang star).

Ang Anapora at Katapora ay ginagamit upang


maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mga
pangngalan sa pangungusap na kung tawagin sa
Ingles ay redundancy. Ang anapora ay matatagpuan
sa bahaging hulihan at ang katapora naman ay sa
bahaging unahan.

Maliwanag na ba? Opo Binibini.

C. Abstraksyon

Mabalik tayo sa kwento, kung ikaw si Nemo,


papangarapin mo pa bang bumalik muli sa pagiging
batang papel matapos mong maranasan ang buhay
ng pagiging isang tunay na bata? Bakit? Hindi na po Binibini, kasi po iisa lang
po ang buhay. Hindi po pwedeng bawiin
ng kahit na sino. Ang Panginoong Diyos
lamang po ang may karapatan na bawiin
ito.
(Magbibigay ng isang star).
(Maaring magkakaiba ang sagot ng
mga mag-aaral.)

Magbigay ng isang sitwasyon sa iyong buhay na


sumasalamin sa kwentong iyong nabasa. Ikaw ____? Binibini. Ako po. Dati po kasi sabi ko
pinangarap kong makakain nga
madaming bubble gum tapos po
nakapulot ako ng pera. Bumili po ako ng
madaming bubble gum tapos kinain ko po
lahat at nagdulot ito ng pagsakit ng aking
ngipin. Katulad po ng nangyari sa kwento
ni Nemo. Noong naging bata siya
nahirapan siya.

(Maaring magkakaiba ang sagot ng


mga mag-aaral.)
Tama! Mabuti naman at natututo ka sa sarili mong
pagkakamali.

(Magbibigay ng isang star).

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ibahin ang


wakas ng kuwento, ano iyon at bakit? Kung ako po ay bibigyan ng
pagkakataon na ibahin ang wakas
kuwento, bata pa rin po sila hanggang
katapusa kasi po masaya po maging bata,
walang problema sa pera.
(Magbibigay ng isang star).
(Maaring magkakaiba ang sagot ng
mga mag-aaral.)

D. Aplikasyon

Ngayon naman, nahati ko na kayo sa limang


pangkat. Ang bawat grupo ay magtatalaga ng kani-
kanilang lider. Mayroon akong inihandang limang
mahiwagang papel na naglalaman ng iba’t-ibang
larawan. Sa pamamagitan ng mga larawan na
nakapaloob sa inyong papel, nakasalalay dito kung
ano ang inyong gagawin na akitibidad. Kayo ay
kailangang makagawa ng nakaatang na gawain sa
loob ng limang minuto. Matapos ninyong magpalitan
ng iba’t-ibang ideya tungkol sa mga aktibidad na
gagawin, kailangan ninyong maibahagi ang naisip
ninyong kwento sa harap ng klase sa loob ng dalawa
hanggang tatlong minuto.

Pero bago ninyo umpisahan ang ating gawain,


sasabihin ko muna ang pamantayan sa pagbibigay
puntos sa inyong gagawing aktibidad.

Naiintindihan ba ng lahat? Opo Binibini!


PAMANTAYAN:
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Orihinalidad ng Gumamit ng 40%
iskrip/kwento kakaiba at
napakamalikhaing
pamamaraan sa
pagbuo ng
iskrip/kwento.
Pagganap ng mga Ang bawat kasapi 20%
tauhan/Partisipasyon ng pangkat ay
nagpamalas ng
kakaibang galing
pakikilahok.
Daloy ng pangyayari Nagpakita at 20%
nagpamalas ng
tamang
pagkakasunod-
sunod ng
pangyayari
Paglalapat ng May kaangkupan 20%
musika/tunog at malikhaing
paraan sa
paglalpat ng
musika.
Kabuuang puntos 100%

Mga bata tapos na ba kayo? Nakalipas na ang


sampung minutong palugit? Opo Binibini!

Ihanda na ng unang pangkat ang kanilang


maikling kwento sapagkat ilalahad ninyo dito sa
harap ng ating klase. Kasunod ang pangalawang
pangkat.

Simulan niyo na _____.


Mahiwagang Papel 1
(Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang
maikling kwento sa pamamagitan ng mga
larawan at ipipresinta sa paraan ng
pagbabalita)
Nakaaaliw namang talaga ang inyong maikling
kwento. Kabigha-bighani ang taglay ninyong talino
at dahil diyan ibigyan ko kayo ng tigda-dalawang
star!

(Bibigyan ng dalawang star ang bawat miyembro


ng grupo)

Kasunod naman ang pangalawang grupo.


Umpisahan niyo na _____. Mahiwagang Papel 2
(Ang mga mag-aaral ay gagawa ng
maikling kwento sa pamamagitan ng mga
larawan)

Nakabighani namang talaga ang inyong ginawa.


Kabigha-bighani ang taglay ninyong talento at dahil
diyan ibigyan ko kayo ng tigda-dalawang star!

(Bibigyan ng dalawang star ang bawat miyembro


ng grupo)

Kasunod naman ang pangatlong grupo.


Umpisahan niyo na _____. Mahiwagang Papel 3
(Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng
isang puppet play sa pamamagitan ng
mga larawan)
Ang ganda namang talaga ng inyong ginawa.
Kabigha-bighani ang taglay ninyong sigla at dahil
diyan ibigyan ko kayo ng tigda-dalawang star!

(Bibigyan ng dalawang star ang bawat miyembro


ng grupo)

Kasunod naman ang pang-apat grupo.


Umpisahan niyo na _____. Mahiwagang Papel 4
(Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang
kanta sa pamamagitan ng mga larawan)

Ang galing namang talaga ng inyong ginawa.


Kabigha-bighani ang taglay ninyong husay at dahil
diyan ibigyan ko kayo ng tigda-dalawang star!

(Bibigyan ng dalawang star ang bawat miyembro


ng grupo)

Mahiwagang Papel 5
(Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang
komiks sa pamamgitan ng ibibigay na
larawan)
Kasunod naman ang pang-limang grupo.
Umpisahan niyo na _____.
Hindi ko inaasahan ang katapusan ng inyong mga
kwento. Napakagagaling ninyong talaga. At dahil
diyan bibigyan ko kayo ng tigda-dalawa pa na star!

Paborito ko talaga ang klaseng ito sapagkat lahat


ay nakikiisa sa lahat ng gawain. Maraming salamat
sa inyo.

IV. Ebalwasyon

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang letra ng sagot.

A 1. Sino si Nemo?

A. Batang gawa sa papel. C. Batang gawa sa kahoy.


B. Batang gawa sa plastik. D. Batang gawa sa putik.

B 2. Ano ang pangunahing paksa ng kwento?

A. Kagustuhan C. Kahalagahan
B. Kahilingan D. Karangyaan

D 3. Ano ang problemang kinaharap ni Nemo?

A. Inapi ng mga kaibigan C. Nahuling gumagamit ng bawal na gamot


B. Napagbintangang magnanakaw D. Nahirapang mamuhay bilang isang tunay na bata

B 4. Ano ang wala kay Nemo na wala rin karamihan sa mga tao?

A.Pamilya C. Pera
B. Pagkakuntento sa mga bagay na mayroon sila D. Pagkain

D 5. Ang mga sumusunod na pahayag ay maaring mangyari sa kwento kung hindi muling
bumalik sa pagiging batang papel si Nemo maliban sa?

A. Patuloy pa ring mararanasan ni Nemo ang hirap sa buhay


B. Mararamdaman niya ang pagmamahal ng isang buong pamilya
C. Mawawalan ng direksyon ang kanyang buhay
D. Magiging kuntento na lang siya sa buhay na mayroon siya

D 6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Anapora, maliban sa isa.


A. Si Tum Pakk at si Mal Lie ay mortal na magkaaway. Kahit ganito sa huli sila din ay
nagkatuluyan.
B. Si Pan Diesel ang pinakagwapo at pinakamatipunong lalaki sa buong mundo. Kaya siya ay
madalas na pinagkakaguluhan ng mga tao.
C. Si Ana Pora at Kata Pora ay magkapatid. Sila ay anak ng pinakamataas na pinuno ng bansa.
D. Ito ang pinakamagandang lugar na aking nakita. Ang maynila rin ang dinarayo ng maraming
turista.
C 7. Ang Anapora ay maaari rin tawaging _________.
A. Sulyap ng Pabalik
B. Sulyap ng Pasulong
C. Sulyap na Pabalik
D. Sulyap na Pasulong

C 8. Anong bahagi ng pananalita ang Anapora at Katapora?


A. Pangngalan
B. Pantukoy
C. Panghalip
D. Pangatnig

B 9. Siya ang babaeng matagal ko ng pinapangarap. Kung kaya’t si Karen Nyosa ay masigasig
kong nililigawan. Anong sangkap ng panghalip ito?
A. Anapora
B. Katapora
C. Sapatora
D. Kalatora

B 10. Ito ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan.

A. Anapora
B. Katapora
C. Sapatora
D. Kalatora

V. Takdang Aralin

Sa 1/8 illustration board, gumuhit ng isang larawan na naglalarawan kay Nemo. Maaring
gumamit ng iba’t ibang kulay upang lalong magkaroon ng buhay ang inyong sining. Pumili
lamang ng isa sa mga sumusunod na paksa:

a. Katangian ni Nemo.
b. Katangian ng mga taong nasa paligid ni Nemo.
c. Katangian ng mundo ni Nemo.

Inihanda nila:

Divina Calingasan
Sheila Marie De Chavez
Sheila Etcubañas
Cyril Ilao
Mavie Malabanan
Rosalyn Peralta
Cathrine Train
Computer Systems Technological College Inc.
Gen. Luna St., Maharlika Highway Arellano Sariaya, Quezon

COLLEGE OF EDUCATION
SY. 2015-2016

EDUC 115 – PRINCIPLES OF TEACHING 1

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

FILIPINO
NG IKA-PITONG BAITANG
PAKSA: Si Nemo, Ang Batang Papel

Isinulit nila:

Calingasan, Divina
De Chavez, Sheila Marie
Etcubañas, Sheila
Ilao, Cyril
Malabanan, Mavie
Peralta, Rosalyn
Train, Cathrine

BSEd2- Unang Pangkat

Isinulit kay:

G. Reinnard Christian Merano

Propesor

IKA-LABINGSIYAM NG PEBRERO, 2016


(Pangalawang Semestre)

You might also like