You are on page 1of 3

JAN CARLO M.

PASCUA
STEM 12- E
2/07/19

ABSTRAK
Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang pangkolehiyo na
nagsisilbing talaan ng mga kurso at asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag aaral
sa institusyong pang-edukasyon. Tatlong pangunahing estadong unibersidad ng Pilipinas ang
napili, ang UP, PUP, at PNU. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang pananaw at
kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa kurikulum na programang pang-
kolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng
deskriptibong pamamaraan upang makalap ang datos na may kaugnayan sa pag-aaral na ito.
Lumalabas sa pag-aaral na ito na higit na nakatuon ang mga programang pang-kolehiyo sa
propesyon bilang tagahasik ng kaalaman sa mga paaralan o ang tinatawag na guro. Malaki rin ang
posibilidad na mapayabong ang pagmamahal sa wikang Filipino. Ang paggamit ng wikang
Filipino sa pagsulat ng sulating pampanitikan ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang
mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino. Dahil ditto, naging malaya ang mga mag-aaral
ngayon sa pagpili ng kursong kanilang kukunin na hindi na kinakailangan ng impluwensiya ng
mga magulang at iba pang tao. Sa kabilang banda, Malaki rin ang nagging bahagdan ng mag-aaral
na napagsapalaran o nawalan ng pagkakataon sa gusto nilang kurso.
Keywords: Kurikulum, Pang-estadong Unibersidad ng Pilipinas, Wikang Filipino
Sanggunian: Pena, Romeo P., Moreno, Grace A., Gonzaga, Aiza R., Fellizar, Joy Zerlaine
S., Balauro, Arnel C., Omac, Oliver Glenn S., at Castillo, Rolano B., “Pananaw
ng mga piling Mag-aaral sa UP, PUP, at PNU sa Kurikulum ng Programang
Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng
Wikang Filipino,” Isang Tesis, Sta Mesa, Maynila.2012.
KATHLYN KYLE M. MORALES January 7, 2019
STEM 12-E

ABSTRAK

Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa programang pang-kolehiyo. Ito ay


nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag-aaral
sa institusyong pang-edukasyon. Ang pananaliksik ay may layunin na malaman ang mga pananaw
ng mga piling mag-aaral sa UP, PUP, at PNU sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may
malaking kinalaman sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Deskriptibong
pamaraan ang ginamit sa pag-aaral upang makakalap ng mga datos. Isinigawa ang pag-aaral sa
pamamagitan ng pamamahagi ng mga talatanungan ng mga mananaliksik sa pitumpu’t limang
piling mag-aaral na may bilang na dalawampu’t lima sa bawat unibersidad. Lumabas sa mga
pananaliksik na may iba’t ibang pananaw ang mga mag-aaral sa mga mabisang paraan upang lalo
pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino. Naitala bilang kongklusyon na naging malaya
ang mga mag-aaral sa pagpili ng kursong kanilang kukunin. Ayon din sa pag-aaral, naitala na dahil
sa kursong kanilang kinuha ay mas lalo pang nalilinang ang kanilang kaalaman sa wikang Filipino
at mas lalo pang nalilinang sa pmamagitanng pagtangkilik ng mga gawa ng Pilipino. Bilang
rekomendasyon ay mas mainam kung maraming Pilipino ang kukuha ng kursong makakatulong
sa pag-unlad ng kanilang sarili. Gayundin ay higit pa na pahalagahan at pagtuunan ng pansin ang
mga Gawain na may kinalaman sa wikang Filipino at maging matulungin ang mga ahensiyang
pag-edukasyon at pang-wika sa patuloy na pagpapanatili at pag-unlad ng wikang Filipino.

Keywords: institusyon, pang- edukasyon, kurikulum


Sanggunian: Pena, Romeo P., Moreno, Grace A., Gonzaga, Aiza R., Fellizar, Joy Zerlaine
S., Balauro, Arnel C., Omac, Oliver Glenn S., at Castillo, Rolano B., “Pananaw
ng mga piling Mag-aaral sa UP, PUP, at PNU sa Kurikulum ng Programang
Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng
Wikang Filipino,” Isang Tesis, Sta Mesa, Maynila.2012.
DANIELLE L. BAUTISTA January 7, 2019
STEM 12-E

ABSTRAK

Ang kurikulum ay isang batayan at gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-
edukasyon. Isinagawa ang pag-aaral upang matuklasan ang bahaging ginampanan ng mga iba’t
ibang kurso sa iba’t ibang kolehiyo na may malaking parte sa pagpapahalaga at pagpapaunlad ng
wikang Filipino. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mahahalagang datos sa iba’t ibang silid-
aklatan at sa mga opisyal na website ng mga pangunahing unibersidad sa Pilipinas, ang UP, PNU
at PUP. Ang mga mananaliksik ay nagpasiwalat ng talatanungan sa pitumpu’t limang mag-aaral
na kumukuha ng kursong na may malaking kinalaman sa wikang Filipino. Ayon sa resulta, ang
mga kursong magiging daan sa pag-unlad sa kamalayan ng bawat mamamayang Pilipino sa wikang
Filipino ay BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at sa BA Araling Pilipino (UP), BSE major in
Filipino (PNU) at AB Filipinolohiya (PUP). Dahil din sa mga nangalap na datos, ang pagtangkilik,
pagsalita at paggamit ng wikang Filipino ay dapat lamang mapanatili ito upang mapaunlad ang
wikang Filipino. Bilang isang rekomendasyon, ito’y dapat lamang ipagpatuloy at mas patatagin at
palaganapin pa ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng edukasyon dahil ito ay sariling atin.

Keywords: kurikulum, institusyon, pang-edukasyon


Sanggunian: Pena, Romeo P., Moreno, Grace A., Gonzaga, Aiza R., Fellizar, Joy Zerlaine
S., Balauro, Arnel C., Omac, Oliver Glenn S., at Castillo, Rolano B., “Pananaw
ng mga piling Mag-aaral sa UP, PUP, at PNU sa Kurikulum ng Programang
Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng
Wikang Filipino,” Isang Tesis, Sta Mesa, Maynila.2012.

You might also like