Professional Documents
Culture Documents
Filipino Final Output Group 4
Filipino Final Output Group 4
Nina:
Albarracin, Miary
Amar, Alver Anne
Cerro, Timothy James
Cosme, Jaenn Delberson
Glorioso, Miliscent Rikki
Zabala, Jiliana Rose
Disyembre 2019
Panimula
Kaligiran at Kasaysayan
At ang Wika ay alinmang, pamamaraan, sinasalita man o iba pa, ay ginagamit upang
maipahayag o maitawid ang mga damdamin o mga kaisipan. Dagdag pa, sa pangkalahatan ang
wika ay kalipunan ng mga salita at pamamaraang pagkakaugnay-ugnay. At ang wika ay
maaaring ipahayag sa pamamagitan ng pagsasalita o pagsulat. Sa pagsasalita ang wika ay
kinakailangang bigkasin ayon sa tamang tunog at diin ng salita.
Ang usaping wika na paggamit sa pag-uusap ng mga babae at lalaki ay may ibat-ibang
kahulugan, halimbawa ang ibig-sabihin ng “Pads” para sa mga babae ay tungkol sa menstration
at dahil dito, nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagkakaroon ng magkaibang estilo ng
pag-uusap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ang magkaibang paraan nang pag-uusap ng lalaki
at babae ay kilala bilang Genderlects (Tannen, 2015).
Ayon kay (Padilla,2016) “Magkaiba raw ang mga lalaki at babae sa paggamit ng wika.
Magkaiba rin silang mag-isip kung paano natutunan ang wika. Magkaiba rin sila sa paggamit ng
mga estratehiya sa pagtuturo ng wika.” Sa kabanatang ito, pinagtutuunan ng pansin ang
pamamaraan ng pakikipag-usap ng mga lalaki at babae, at kung paano sila nagkakaiba sa
paggamit ng wika sa hangaring ito.
Layunin
Kahalagahan
Mahalagang malaman ang mga karaniwang rehistro ng wika na ginagamit sa mga usaping
Babae at Lalaki upang malaman ang pagkakaiba nito sa isat-isa. Maka-tutulong rin ito upang
magbigay kaalaman at magbigay linaw sa kahalagahan ng wika. Ang pananaliksik na ito ay
maka katulong sa bawat indibiduwal na maintindihan ang usaping wika na paggamit sa
pag-uusap ng mga babae at lalaki. At dahil dito, madadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol
sa wika na ginagamit sa pag-uusap ng mga babae at lalaki.
Bawat pagsasalita o pagsulat ng isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa ibang
tao sa lipunang kanyang kinasasangkutan. Samakatuwid ang dayalekto ng isang tao ay
nagpapakilala kung sino siya, samantalang ang rehistro ay nagpapakita kung ano ang kanyang
ginagawa.
May tatlong dimensyon ang pagkakaiba ng mga rehistro ng wika (Bernales,2002)
Field
● Nauukol ito sa layunin at paksa a yon sa larangang sangkot ng komunikasyon.
Mode
● Tungkol ito sa paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o pasulat.
Tenor
● Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok. Nangangahulugang para kanino ito.
● Minsan, sa halip na tawaging tenor, ginagamit ang style, pero iniiwasan ang pagtawag
nang ganito dahil sa pangkalahatan, ginagamit ang style sa pagtukoy sa rehistro.
HALIMBAWA:
● Composition - Komposisyon
● Issue - Isyu
● Stress - Istress
● Operation - Operasyon
● Channel - Tsanel
● Strike - Istrayk
● State - Estado
● Order - Order
● Hardware - Hardweyr
● Authority - Awtoridad
Sa mga respondente,
Kami, ika-apat na pangkat, mga mag-aaral mula 11PM-1 ng APEC SCHOOLS Las Piñas ay
kasalukuyang nagsasagawa ng isang pananaliksik na pinamagatang, "Pananaliksik sa mga
Palagay ng Rehistro ng Wika na ginagamit sa Pag-uusap ng mga Babae at Lalaki mula sa
Baitang 7 ng APEC School". Ito ay isa sa mga kinakailangan ng asignaturang Filipino.
Hinggil dito, hinihiling namin ang iyong pakikilahok sa pag-aaral na ito sa pamamagitan
ng pagsagot sa kalakip na talatanungan. Anumang impormasyong ibinigay niyo kasama ang
iyong mga pangalan, edad, at kasarian ay mananatiling kumpidensyal at gagamitin para sa mga
layuning pang-akademiko lamang. Maraming salamat.
II. SARBEY. Lagyan ng tsek ang kaukulang linya na akma sa iyong sagot. Maraming
salamat.
5. Bilang babae / lalaki, anu-ano ang mga salitang kadalasan mong naririnig sa iyong mga
kaklaseng babae? (halimbawa: sis may liptint ka?, gerl, beshie)
________________________________________________________________________
6. Bilang babae / lalaki, anu-ano ang mga salitang kadalasan mong naririnig sa inyong mga
kaklaseng lalaki? (halimbawa: pre ml tayo, boi, tol)
________________________________________________________________________
7. Anong salita o mga salita ang karaniwan mong ginagamit kapag babae ang iyong kausap?
(halimbawa: sis, girl, besh, musta?, oks?)
________________________________________________________________________
8. Base sa sagot mo sa numero 7, bakit kaya iyon ang karaniwang salita o mga salita na
iyong ginagamit kapag babae ang iyong kausap?
________________________________________________________________________
9. Anong salita o mga salita ang karaniwan mong ginagamit kapag lalaki ang iyong kausap?
(halimbawa: pre, tol ,brad, musta?, oks?)
________________________________________________________________________
10. Base sa sagot mo sa numero 9, bakit kaya iyon ang karaniwang salita o mga salita na
iyong ginagamit kapag lalaki ang iyong kausap?
________________________________________________________________________
11. Sinu-sino ang nakaimpluwensiya sa iyo nang paggamit ng mga nabanggit na salita?
-- Maraming Salamat! --
Pamamaraan
Ang datos ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey at
pinagbuklod-buklod ang mga magkakaparehong sagot at kinumpara ito sa ibang sagot. At ang
mga respondente sa sarbey ay mga estudyanteng mula sa APEC Schools Las Pinas mula sa
baitang 9 at baitang 10. Naging matagumpay ang pagsasagawa ng sarbey at ginanap ito sa
kani-kanilang classroom.
Glosaryo
Bahala na: nagpapahayag ng isang saloobin ng optimistikong pagtanggap o fatalistic
resignation
Jowa: Ang isang ito ay ginagamit pa rin ngayon. Ang Jowa ay nangangahulugang "mag
kasintahan," "kasintahan," o "kasosyo."
KKB (kanya-kanyang bayad): ang bawat isa ay nagbabayad ng kanilang sarili, ginamit lalo na
upang ipahiwatig na ang gastos ng isang pagkain ay ibabahagi
Kikay: isang nakababaliw na batang babae o babae, isang batang babae o babae na interesado sa
mga produktong pampaganda at fashion
Kumusta: nakikipag-usap sa isang tiyak na tao, masasabi mo lang na "kamusta?" (Kamusta ka?).
Petmalu: Ang salitang malupit ng Tagalog ay na baybay din ng malupit, kapag jumbled up ay
magbibigay sa iyo ng slang word petmalu.
Po / Opo: kapag idinagdag sa isang parirala, nagpapakita ito ng pormalidad at ginamit bilang
tanda ng paggalang.
Mahusay: ay tumutukoy sa isang katangian ng isang tao at kondisyon ng isang kagalingan.
Batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan naming mga mananaliksik nakararami ang
mga estudyante na mas karaniwan sa kanila ang pagsasalita ng taglish.
Rekomendasyon
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo naming mga
mananalik ang rekomendasyon na ito:
Para sa mga mag-aaral, mga guro at sa mga mananaliksik maari nilang itigil ang
paggamit ng mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan dahil hindi ito naaayon sa salitang
Filipino o salitang kanilang kinagisnan dapat nilang bigyang respeto ang kanilang pambansang
wika. Ngunit kung hindi ito mapipigilan dapat alam natin kung papaano ito magagamit nang
maayos at kung saan lugar ito kaaya-ayang sabihin.
Sanggunian
Elaiza Ghael Gamboa at Mervyn Macalalag . (2015, November 18). Wika at Kasarian. mula sa
https://www.haikudeck.com/wika-at-kasarian-education-presentation-jv0RNGZ0oa
Daniel Felices. Ang Rehistro ng Wika. mula sa
https://www.scribd.com/doc/130276115/Ang-Rehistro-ng-Wika-pptx
Christa I. De La cruz. (2018, August 14). 10 Filipino Words You Can Find in the English
Dictionary. mula sa
https://www.spot.ph/newsfeatures/the-latest-news-features/74760/filipino-words-english-dictiona
ry-a00171-20180814-lfrm