You are on page 1of 24

CORDON NATIONAL HIGHSCHOOL

Magsaysay, Cordon, Isabela


Taong Panuruan 2023-2024
11 Aristotle

Ano na ba ang kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa

kasalukuyang panahon?

Ihihanda ng Ikalawang Pangkat

Mayolyn N. Attaban

Joan B. Cabunot

Donna F. Collado

Romel P. Lampa

Renelyn V. Lopez

Prince Elmar A. Montorio

Randel John S. Obello

Maria Larrie Jane C. Sabanal

Jay-ar D. Salcedo

Joy A. Teodoro
Guro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

January 19, 2024


Introduksyon

Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng ating buhay dahil ito ang pangunahing

kasangkapan sa pakikipag-communicate. Nagbibigay ito ng paraan para maipahayag ang

ating kaisipan, damdamin, at ideya. Bukod dito, ang wika ay naglalarawan din ng ating

kultura at identidad bilang isang komunidad.

Ang pagsasanay sa tamang paggamit ng sariling wika, tulad ng Wikang Filipino,

ay isang pundamental na aspeto sa pag-unlad ng kasanayan sa komunikasyon. Sa

panahon ng labintatlo hanggang labinsiyam na taong gulang, ang kabataang Pilipino ay

nasa yugto ng kanilang pagganap sa lipunan, kung saan ang wikang ginagamit ay

naglalarawan ng kanilang pag-usbong at pag-usbong.

Ang kalagayan ng wika sa Pilipinas ay patuloy na nababago at umaangkop sa mga

pagbabago sa lipunan. May mga pagsusuri na nagpapakita ng pagbabawas sa paggamit

ng ilang katutubong wika, ngunit patuloy pa ring nagbibigay diin ang gobyerno at iba’t

ibang sektor sa pagpapalaganap at pagpapahalaga sa Filipino at iba pang wika sa bansa.

Mahalaga ang patuloy na suporta at pagpapahalaga ng mga mamamayan sa kanilang

sariling wika upang mapanatili ang kultura at identidad ng bansa.


Kahalagahan ng Pag-Aaral

Ang pagsusuri sa kahalagahan at kahusayan ng paggamit ng Wikang Filipino ng

mga teenager sa nasabing edad ay mahalaga para sa masusing pang-unawa sa kanilang

karanasan sa wika at kultura. Sa pagtalima sa layuning ito, maaaring mapanumbalik at

mapayaman ang kahalagahan ng pambansang wika sa kanilang pang-araw-araw na

pamumuhay.

Ang pagsasaliksik ukol sa kalagayan ng wika sa mga teenager na edad labintatlo

hanggang labinsiyam sa kasalukuyang panahon ay may malalim na kahalagahan sa

larangan ng edukasyon at kultura. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang wika,

maaaring maunawaan ang mga pagbabago at pag-usbong sa paraan ng kanilang

komunikasyon. Ito’y nagbibigay daan sa pagtuklas ng bagong terminolohiya, istilo, at

paggamit ng wika na naglalarawan sa kanilang karanasan at identidad bilang mga

kabataang nasa edad na ito.


Bukod dito, ang pagsasaliksik sa wika ng mga teenager ay nagbibigay daan sa

masusing pagsusuri ng impluwensya ng teknolohiya, social media, at iba’t ibang aspeto

ng modernisasyon sa kanilang wika.

Ang pag-unawa sa ganitong mga dynamics ay mahalaga upang matukoy kung

paano mas mapanagot na matulungan ang mga kabataan na mapanatili ang kanilang

kultural na identidad habang hinaharap ang mga hamon ng modernong panahon. Sa

gayon, ang pagsasaliksik na ito ay nagiging pundasyon para sa pagbuo ng mga

estratehiya at programa sa edukasyon na mas maiangkop sa pangangailangan ng mga

teenager sa aspeto ng wika.

Sakop ng Pag-Aaral

Ang pagsusuri ay nakatuon sa mga teenager na may edad labintatlo hanggang

labinsiyam, upang maunawaan ang kanilang karanasan sa paggamit ng Wikang Filipino

at Ingles. Ang pananaliksik ay tatalima sa sosyo-kultural na konteksto ng mga kabataang

Pilipino, na maaaring makaapekto sa kanilang paggamit ng wika. Ang pokus ay nasa

pagsusuri ng aktwal na paggamit ng Wikang Filipino at Ingles sa iba’t ibang aspekto ng

buhay ng teenager, kasama na ang komunikasyon, edukasyon, at teknolohiya. Sa

pagsasaalang-alang sa mga aspeto ng saklaw at na ito, magiging masusing maaaring pag-


aralan ang kahalagahan at kahusayan sa paggamit ng Wikang Filipino at Ingles ng mga

teenager.

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito ang kahalagahan ng paggamit ng wikang

filipino at ingles. Ito rin ay sumasaklaw sa kung ano ang mas nagagamit ng mga nasabing

teenager na nasa edad labintatlo hanggang labinsiyam sa pagpapadala ng SMS, paggawa

ng post sa social media, panonood ng mga palabas pantelebisyon, mga pelikula at

panonood ng mga video sa youtube. Maging sa pagbabasa ng mga blog, diyaryo at

magasin. Saklaw din nito ang paggamit ng mga teenager sa wikang ingles sa kanilang

mga tahanan, paaralan, trabaho at pagpunta sa ibat-ibang lugar o ibat-ibang mga

establishimiyento. Sinasaklaw din nito ang kahusayan ng mga teenager na edad labintatlo

hanggang labinsiyam sa paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles.


Paraan sa Pagkuha ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga survey questionnaires na ibinigay sa kanila

ng kanilang guro upang matukoy ang pangkalahatang pananaw at karanasan ng mga teenager sa

paggamit ng Wikang Filipino at Ingles. Pagsasagawa ng one-on-one interviews sa ilalim ng isang

istrakturadong pagsusuri upang makuha ang mas detalyadong impormasyon mula sa mga

partisipante hinggil sa kanilang pagtingin at karanasan sa paggamit ng wika.

Gumawa ang mga mananaliksik ng online survey na nakatuon sa mga kabataan para

masusing matuklasan ang kanilang pananaw at paggamit sa Wikang Filipino. Ikalawa, gumawa

ang mga mananaliksik ng interviews sa ilang mga kabataan. Ang personal na panayam sa mga

kabataan ay nakapagbigay ng masusing insight ukol sa kanilang karanasan at perspektiba.

Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng surveillance sa mga online platforms tulad ng

social media at blogs upang maunawaan ang paggamit ng Wikang Filipino sa online na espasyo

ng mga kabataan. Ang mga mananaliksik din ay nagkaroon ng obserbasyon sa edukasyonal na

setting upang makuha ang konteksto ng paggamit ng Wikang Filipino sa edukasyonal na setting

ng mga kabataan. Nagkaroon din ng pagsusuri ng mga akademikong literatura at pananaliksik na

may kinalaman sa Wikang Filipino sa kasalukuyang panahon, lalo na sa aspeto ng kabataan.


Ang mga mananaliksik ay nag survey sa 83 katao. Narito ang talaan ng edad, at kasarian

ng mga respondante.

Kasarian ng mga Respondante

Kasarian Bilang Porsyento

Babae 59 71.08%

Lalaki 24 29.91%

TOTAL 83 100%

Edad ng mga Respondante

Edad Bilang Porsyento

13 9 10.84%

14 4 4.81%

15 15 18.07%

16 16 19.27%

17 16 19.27%

18 12 14.45%

19 11 13.25%

TOTAL 83 100%
Pagsusuri

Ang pagsusuri sa pananaliksik ay sinimulan sa pagsusuri ng mga datos ukol sa paggamit

ng wikang Filipino sa komunikasyon ng mga kabataan. Maari ding tuklasin ang impluwensya ng

modernisasyon at teknolohiya sa pag-unlad o pagbawas ng paggamit ng wikang ito.

Isinasaalang-alang din ang mga pagsusuri na maaaring magbigay-linaw sa kahalagahan ng wika

sa pagpapayaman ng kultura at pagkakakilanlan ng mga kabataan.

1. Ano ang ginamit mo na wika sa pagpapadala mo ng iyong huling SMS?

Wikang Ginamit Bilang ng gumamit Porsyento

Filipino 52 62.65%

Ingles 10 12.04%

Taglish 18 21.68%

Hindi Sumagot 3 3.61%

TOTAL 83 100%

Base sa ginawang pagsusuri sa unang katanungan makikita na ang wikang Filipino ang

mas ginamit na wika ng 83 respondante sa pagpapadala ng kanilang huling SMS na may

kabuuang bilang na 52 o 62.65 porsyento. May kabuuang bilang naman ng 10 o 12.04 porsyento

naman ng mga respondante ang nagsabing ang wikang Ingles ang kanilang ginamit sa

pagpapadala ng kanilang huling SMS. May kabuuang 18 naman o 21.68 porsyento naman ng

mga respondante ang nagsabing wikang Taglish ang kanilang ginamit sa pagpapadala ng
kanilang huling SMS. Habang 3 o 3.61 porsyento naman ng aming mga respondante ang

nagsabing hindi sila nagpapadala ng kahit ano mang SMS.

2. Saang wika nakasulat ang iyong huling post sa iyong social media account?

Wikang Ginamit Bilang ng Gumamit Porsyento

Filipino 45 54.21%

Ingles 19 22.89%

Taglish 18 22.68%

Unang Wika 1 1.20%

TOTAL 83 100%

Batay sa talaan ng ginawang pagsusuri ng mga mananaliksik makikita na ang malaking

bilang at porsyento ng mga kabataan o 45 o 54.21 porsyento ng mga kabataang edad labing-tatlo

hanggang labing-siyam ang nagsabing ang wikang Filipino ang kanilang ginamit sa pagpopost

ng kanilang huling social media post sa Facebook. 19 o 22.89 porsyento ng mga kabataang edad

labing-tatlo hanggang labing-siyam ang nagsabing ang wikang Ingles ang kanilang ginamit sa

paggawa ng kanilang social media post sa facebook. Habang 18 o 22.68 porsyento naman ng

mga kabataang edad labing-tatlo hanggang labing-siyam ang nagsabing ang wikang Taglish ang

kanilang ginamit sa paggawa ng kanilang mga huling social media post sa Facebook. Iisa o 1.20

porsyento naman ang nagsabing ang kanyang Unang Wika ang kanyang ginamit sa paggawa ng

kanyang social media post sa Facebook.


3. Ano ang wikang ginamit sa pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?

Wikang Ginamit Bilang ng Gumamit Porsyento

Filipino 57 68.67%

Ingles 16 19.27%

Taglish 10 12.04%

TOTAL 83 100%

Makikita sa talaan na karamihan o 57 o 68.67 porsyento sa mga respondante ang

nagsabing Filipino ang wikang ginamit sa kanilang pinakahuling pinanood na palabas

pantelebisyon.

16 o 19.27 porsyento naman ang nagsabing ang kanilang huling palabas pantelebisyong

pinanood ay ginamitan ng wikang Filipino at 10 o 12.04 porsyento naman ng aming mga

respondante ang nagsabing ang kanilang huling pinanood na palabas pantelebisyon ay gumamit
ng wikang Filipino. Dahil dito makikita na mas mahilig manood ng mga Palabas pantelebisyong

nasa wikang Filipino ang mga respondante.

4. Madalas ka bang manood ng palabas pantelebisyong nasa wikang Filipino, Ingles,

o Taglish?

Wikang Ginamit Bilang ng Gumamit Porsyento

Filipino 51 61.44%

Ingles 20 38.55%

Hindi Sumagot 12 14.45%

TOTAL 83 100%

Base sa talaan mas madalas manood ang mga respondanteng kabataang edad labing-tatlo

hanggang labinsiyam na manood ng mga palabas pantelebisyong nasa wikang filipino. Sila ay

binubuo ng 51 na katao o 61.44 porsyento. Habang 20 naman sa aming mga respondante ang

nagsabing mas madalas sila manood ng mga palabas pantelebisyong nasa wikang Ingles. Habang

12 naman o 14.45 porsyento ang nagsabing hindi sila nanonood ng nga palabas pantelebisyon.
5. Anong wika ang ginamit sa pinakahuling pantelebisyong pelikulang pinanood

mo?

Wikang Ginamit Bilang ng Gumamit Porsyento

Filipino 32 38.55%

Ingles 21 25.30%

Taglish 30 36.14%

TOTAL 83 100%

Makikita base sa talaan na mas mahilig manood ang mga respondanteng kabataang edad

labing-tatlo hanggang labing-siyam ng mga pantelebisyong pelikula na nasa wikang Filipino.

Batay sa talaan 32 o 38.55 porsyento ang sumagot ng Filipino. 21 o 25.30 porsyento naman sa
wikang ingles at 30 o 36.14 porsyento naman ang nagsabing ang kanilang huling pinanood na

pantelebisyong pelikula ay nasa wikang Taglish.

6. Anong wika ang ginamit sa huling YouTube video na iyong pinanood?

Wikang Ginamit Bilang ng Gumamit Porsyento

Filipino 35 42.16%

Ingles 25 30.12%

Taglish 23 27.71%

TOTAL 83 100%

Makikita mula sa talaan na karamihan sa mga huling YouTube video na pinanood ng

aming mga respondante ay nasa wikang filipino na may bilang na 35 o 42.16 porsyento. 25

naman o 30.12 porsyento ang nagsabi na ang kanilang huling pinanood na YouTube video ay

nasa wikang Ingles at 23 naman o 27.71 porsyento naman ang nagsabing ang kanilang huling

pinanood na YouTube video ay nasa wikang Taglish.


7. Sa anong wika nakasulat ang huling blog na binasa mo?

Wikang Ginamit Bilang ng Gumamit Porsyento

Filipino 11 13.25%

Ingles 16 19.27%

Taglish 13 15.66%

Hindi Sumagot 43 51.80%

TOTAL 83 100%

Batay sa talaan makikita na karamihan sa mga respondante o 43 na may porsyento na

51.80 porsyento ang hindi sumagot sa katanungang ito. Marahil ay hindi sila nagbabasa ng blog

o kaya naman ay hindi nila alam kung ano ang blog. 16 naman o 19.27 porsyento ang nagsabing

nasa wikang Ingles ang kanilang huling blog na binasa. 13 naman o 15.66 porsyento ang nagsabi

na ang kanilang huling blog na binasa ay nasa wikang Taglish. Habang 11 o 13.25 porsyento

naman ang nagsabing ang kanilang huling blog na binasa ay nasa wikang Filipino.

8. Sa anong wika nakasulat ang iyong huling binasang diyaryo o magasin?

Wikang Ginamit Bilang ng Gumamit Porsyento

Filipino 18 21.66%

Ingles 26 31.32%

Taglish 8 9.63%

Hindi Sumagot 31 37.34%


TOTAL 83 100%

Batay sa talaan sa itaas makikita na karamihan sa mga respondante, 31 o 37.34 porsyento

ay hindi sumagot sa katanungan. Marahil ay dahil hindi sila nagbabasa ng mga dyaryo o

magasins. 26 o 31.32 porsyento naman sa kanila ang nagsabing nasa wikang Ingles nakasulat ang

kanilang huling magasin o dyaryong binasa. 18 o 21.66 porsyento naman sa mga respondante

ang nagsabing ang kanilang huling binasang diyaryo o magasin ay nasa wikang Filipino.

8 naman sa mga respondante o 9.63 porsyento ang nagsabing ang kanilang huling

binasang diyaryo o magasin ay nasa wikang Taglish.

9. Anong wika ang madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?

Wika Bilang ng Gumagamit Porsyento

Katutubong Wika sa Lugar 50 60.24%

Nila

Filipino 18 21.68%

Ingles 0 0%

Taglish 15 18.07%

TOTAL 83 100%
Batay sa talaan sa itaas makikita na ang pangunahing wika na ginagamit ng aming mga

respondante sa kanilang tahanan ay ang katutubong wika sa kanilang lugar na may bilang na 50 o

60.24 porsyento. 18 naman o 21.68 porsyento naman sa mga respondante ang nagsabing ang

wikang Filipino ang kanilang pangunahing wika sa kanilang tahanan. 15 naman o 18.07

porsyento ang nagsabing ang kanilang pangunahing wika sa kanilang tahanan ay ang wikang

Taglish. Walang sinuman sa kanila ang sumagot na ang wikang Ingles ang kanilang pangunahing

wika sa kanilang tahanan

10. Sa alin-aling lugar mo higit na magagamit ang wikang Filipino?

Lugar Bilang ng Gumamit Porsyento

Bahay 18 21.68%

Paaralan 24 28.91%

Ibat-ibang mga 36 43.37*%

establishimiyento

TOTAL 83 100%

Base sa talaan sa itaas, makikita natin na mas nagagamit ng aming mga respondante ang

wikang Filipino sa ibat-ibang mga establishimiyento na kanilang pinuntahan. Ito ay may 36 na

bilang at 43.37 porsyento. 24 naman o 28.91 porsyento naman ang nagsabing sa paaralan nila

mas nagagamit ang wikang Filipino at 18 naman o 21.68 porsyento ang nagsabi na mas

nagagamit nila ang wikang Filipino sa kanilang tahanan.


11. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?

Kahalagahan ng pagkatuto Bilang ng mga sumagot Porsyento

at pagsasalita ng wikang

Filipino

Mahalagang-mahalaga 49 59.03%

Mahalaga 33 46.98%

Hindi gaanong mahalaga 1 1.20%

Sadyang hindi mahalaga 0 0%

TOTAL 83 100%

Batay sa talaan makikita na halos 49 o 59.03 porsyento sa mga respondante ang sumagot

na mahalagang-mahalaga ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino. May 33 naman o

46.98 porsyento ang nagsabing ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino ay mahalaga.

May isa naman o 1.20 porsyento ang nagsabing ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino

ay hindi gaanong mahalaga at walang sinuman sa kanila ang sumagot na ang pagkatuto at

pagsasalita ng wikang Filipino aay sadyang hindi mahalaga.

12. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?

Kahusayan sa pagsasalita Bilang ng mga sumagot Porsyento

ng wikang Filipino

Mahusay na mahusay 28 33.73%


Mahusay 53 63.85%

Hindi gaanong mahusay 2 2.40%

Sadyang hindi mahusay 0 0%

TOTAL 83 100%

Batay sa talaan sa pagsusuri ng aming pananaliksik makikita na karamihan o 53 o 63.85

porsyento ng aming mga respondante ang nagsabing sila ay mahusay sa pagsasalita ng wikang

Filipino. Habang 28 o 33.73 porsyento ng aming mga respondante ang nagsabing silanay

mahusay na mahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino. 2 o 2.40 porsyento naman ang nagsabing

sila ay hindi gaanong mahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino. Walang ni isa sa kanila ang

nagsabing sila ay sadyang hindi mahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino.

13. Sa alin-aling lugar mo higit na nagagamit ang wikang Ingles?

Lugas Bilang ng Gumamit Porsyento

Bahay 3 3.61%

Paaralan 52 62.25%

Paglalakbay sa ibat-ibang 13 15.66%

lugar
Ibat-ibang mga 15 18.07%

establishimiyento

TOTAL 83 100%

Base sa talaan sa itaas makikita na 52 sa mga respondante o 62.25 porsyento sa kanila

ang nagsabing sa paaralan nila mas nagagamit ang wikang Ingles. 15 naman sa mga respondante

ang nagsabing mas nagagamit ang wikang Ingles sa pagpunta sa ibat-ibang estabisyimento

kagaya ng trabaho.13 o 15.66 porsyento naman ang nagsabing ang wikang Ingles ay mas

nagagamit nila sa kanilang mga paglalakbay. 3 naman sa kanila o 3.61 porsyento ang nagsabing

sa bahay nila mas nagagamit ang wikang Ingles.

14. Gaano kahalaga sayo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Ingles?

Kahalagahan ng pagkatuto Bilang ng Gumamit Porsyento

at pagsasalita ng wikang
Ingles

Mahalagang-mahalaga 40 48.19%

Mahalaga 40 48.19%

Hindi gaanong mahalaga 3 3.61%

Sadyang hindi mahalaga 0 0%

TOTAL 83 100%

Base sa detalye sa taas na isinasaad ng talata makikita na patas ang bilang ng mga

Respondante na sumagot na mahalagang-mahalaga at mahalaga para sa kanila ang pagkatuto at

pagsasalita ng wikang Ingles. 3 naman o 3.61 porsyento ang nagsabing hindi ganaong mahalaga

ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Ingles. Walang sinuman sa kanila ang sumagot ng

sadyang silapara sa kanila ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Ingles ay hindi gaanong

mahalaga.

15. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles?

Kahusayan sa pagsasalita Bilang ng mga sumagot Porsyento

ng wikang Ingles

Mahusay na mahusay 0 0%

Mahusay 32 38.55%

Hindi gaanong mahusay 44 53.01%


Sadyang hindi mahusay 7 8.43%

TOTAL 83 100%

Batay sa huling datos na tinally kapansinpansin na karamihan sa mga respondante ay

hindi gaanong mahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles. Mapapansin din na walanh sinuman sa

kanila anh nagsabing sila ay mahusay na mahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles. Mapapansin

naman na medyo marami rami ang sumagot na sila ay mahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles.

May ilan ilan pa ring sumagot na sila ay hindi gaanong mahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles.

Overall Tally

Wika Bilang ng mga sumagot na Porsyento

respondante

Filipino 37 44.57%

Ingles 17 20.48%

Taglish 17 20.48%

Wikang Katutubo 12 14.45%

TOTAL 83 100%

Batay naman sa overall tally, makikita na mas nagagamit parin talaga ang wikang

Filipino sa pagpapadala ng mga SMS, paggawa ng mga social media post, panonood ng mga

palabas pantelebisyon at mga pelikulang pantelebisyon, pagbabasa ng mga diyaryo, magasins at


blogs. Mas marami pa ring mga respondante ang nagsabing mas nagagamit nila sa kanilang pang

araw araw na pamumuhay ang wikang Filipino.

Mas marami pa rin ang gumagamit ng wikang Filipino sa kani-kanilang mga tahanan,

mga paaralan, mga trabaho at establishimiyento. Filipino pa rin talaya6ang mas nagagamit ng

mga kabataang edad labing-tatlo hanggang labing-siyam sa kabila ng lalo pang pagiging popular

ng mga wika tulad ng Ingles sa pilipinas.

Konklusiyon

Sa kabuuan ng pagsusuri sa kalagayan ng wikang Filipino sa mga kabataan sa

kasalukuyang panahon, maituturing itong isang kritikal na aspeto ng kanilang identidad at

kultura. Sa pagsilip sa kanilang paggamit ng wika, lumulutang ang malalim na impluwensya ng

teknolohiya at social media. Ang pag-unlad ng modernong komunikasyon ay nagdudulot ng mga

pagbabago sa pagsasalita at pagsusulat, na nangangailangan ng masusing pagpuna at pag-unawa

mula sa mga guro, magulang, at iba pang stakeholders sa edukasyon.


Napagtanto sa pananaliksik na bagamat may mga hamon sa pagpapahalaga sa Filipino,

mayroon ding mga oportunidad upang mapalakas ito. Ang teknolohiya, sa tamang paggamit, ay

maaaring maging kasangkapan sa pagpapahayag at pagpapalaganap ng wika. Ang mga guro,

bilang mga tagapagturo, ay may malaking papel sa paghubog ng kamalayang ito sa kanilang mga

estudyante. Dapat ding tuklasin at bigyang halaga ang mga aspeto ng wikang Filipino na

makakatulong sa kanilang personal na pag-unlad, hindi lamang sa akademikong aspeto kundi

pati na rin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan.

Sa pagtatapos, mahalaga ang pagtutok sa kahalagahan ng wikang Filipino sa mga

kabataan sa konteksto ng modernong panahon. Ang pagpapahalaga dito ay hindi lamang

nagbubukas ng mga oportunidad para sa masusing pagsusuri at pagsasanay, kundi pati na rin sa

pagpapalalim ng kanilang pag-unlad bilang mga responsableng mamamayan na nagtataguyod ng

kultura at identidad ng bansa.

Ang kalagayan ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon ay nagpapakita ng isang

masusing pagsusuri sa paggamit nito ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng pananaliksik,

napatunayan na may mga hamon sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa kabataang

henerasyon, subalit may mga hakbang na maaaring gawin upang mapanatili at mapalakas ang

pagkakaroon ng kahalagahan nito sa kanilang buhay.

Isa sa mga paraan na aming naiisip upang mas mapahalagahan at mas aralin pa ng mga

teenager ang kahalagahan at mapabuti ang kalagayan ng wikang Filipin ay ang pag-integrate ng
mas engaging na mga pag-aaral sa wikang Filipino, tulad ng paggamit ng modernong

teknolohiya, multimedia, at iba pang interactive na resources. Dagdag pa, mahalaga rin ang

pagpapakita ng mga kahalagahan ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na buhay, kasama na

ang pagsuporta sa mga cultural events at activities na nagpapahayag ng kagandahan ng wika at

kultura.

You might also like