You are on page 1of 6

Pananaliksik

Mahalaga ang pagtiyak ng tagasalin sa paksa ng dulang kaniyang isinasalin at naisasagawa agad ito sa
paulit ulit na pagbasa ng akda. Sa bahaging ito ng pagsasalin higit na nakikilatis ng tagasalin ang layunin
ng dula. Ano nga ba ang gustong ipahayag ng dula? Ano anong konsepto ang pinahahalagahan nito?
Halimabawa , tinatalakay ba ng dula ang konsepto ng tunay na pag ibig (Marisposa), katapatan
(Kanjincho) atbp.

Sa makailang ulit ding pagbasa matutuklasan ng tagasalin kung alin pang bagay ang kinakailangan niyang
saliksikin bago nya simulan ang PAGSASALIN.

(1) iba pang akda at paksain ng mandudula

(2) buhay at karanasan ng mandudula kaugnay sa kinawiwilihan nyang paksa

(3) kontekstong panlipunan ng akda

(4) mga naisagwang pagsasalin ng akda.

TRADISYON NG KABUKI

Engo paglalaro ng mga salitang iisa ang kahulugan

Watarizerifu diyqlogong dugtungan

Tsurane masidhing estilo ng pagbigkas

HALIMABAWA NG SALIN

Pinuno ng Koro

At ngayon, ang mga kwento ng nakaraan..

Laking kahihiyan,

Ang sa puso ko'y minsan nasabat.

Minsan nasabat,

Isang babae

Na dulot, qgam agam.

Sa landas ng agam agam,

Pilit inigpawan

harang sa daraanan.
Nang igpawan ang una

Isinunod ang ikalawa

pilit parin lalampasan.

Ay! Mahirap lamapasan,

mga matang naninipat,

ng usiserong taumbayan.

CHORUS LEADER

And now for tales of the past

What embarrassment

my heart

once met

Once met

a woman

and confusion.

Along the road of confusion

this barrier

Once was crossed.

Being crossed.

yet another, now,

with difficulty passed.

Ah, to pass the barrier

of people's eyes

is difficult to bear.

Borador

Matapos ang makailang ulit na pagbasa at malalim ng pag unawa sa teksto, makatutulong para sa isang
tagasalin ang pagsulat muna ng borador o panimulang salin. Bilang panimulang salin, nakatutulong ang
isang huwisyo na tila ba kinokopya mo laàng ang bawat salita, opangungusap at diyalogo sa
pamamagitan ng dagliang pagsasalin nito sa Wikang Ingles. Nangangahulugan ito ng tuloy tuloy na
pagkopya at pagsasalin ng teksto habang pansamantalang iniwan sa wikang Ingles ang mga salitang hindi
pa maihanap ng katumbas na wika lalo na't isang matapat na salin ang hinihingi ng produksiyon. Tingnan
ang panimulang salin ko ng Konjincho na ang produksiyon ay humihingi ng isang matapat na salin:

Maghunos dili tayo! (Reluctantly the three retainers return to their kneeling positions.) A crisis is no time
for rash action. Kung lalaban tayo at kung sakaling manalo, mababalita iyan. At tiyak mahihirapan tayong
makapuslit sa mga barriers. (very respectfully to YOSHITSUNE.) Kaya nga po Panginoon, nang
ipagkatiwala ninyo sa akin ang pagpaplano, naisip kong ipahubad ang inyong priest's vestments at
magpanggap na isang mountain porter. Maaari mo pang pakibaba pa ng kaunti ang suot ninyong salakot
para lalo pang matakpan ang mga mata at magkunwaring pagud na pagod. At kung hindi po naman
kalabisan, sumunod lamang kayo sa hulihan doon po sa pinakadulo, at siguradong walang sinuman ang
maghihinala na kayo ang Panginoon namin. (Respeto Kanjincho)

Mainam ang ganitong teknik dahil nahahagod ng pandama at pang unawa ang daloy ng bawat eksena, at
nakalilikha agad ng ritmo ang pagpapalitan ng diyalogo. Sa gayon, nagkakaroon ng pansamantalang
larawan ang pagtatanghal ng mga eksena at tuloy nakapaglalaro ang tagasalin kung hanggang saan siya
magiging makata at kailan siya magiging mandudula. Gaya ng sabi ni Schelegel sa kaniyang " Lectures on
Dramatic Art and Literature."

Since we have already shown, visible representation is essential to the very form of drama, a dramatic
work may always be regarded from a double point of view- how far it is poetical and it is theatrical. The
two are by no means inseparable. (Clark 1965, 285)

Dagdag rito, dahil nakapagsaliksik na ang tagasalin tungkol sa dulang isinasalin, magiging kawili wili rin
ang daglian salin kung agad niyang magagamit ang mga nakalap na datos upang magagad niya ang
intensyon, pananalita, at kilos ng awtor habang isinusulat nito ang dula.

PAGPUNO

Ang pagpuno sa mga naiwang salitang Ingles sa dagliang pagsasalin sa Filipino ng dula ang maituturing
na unang rebisyon ng borador ayon sa pagtaya sa tagasalin. Ito rin ang unang pagkakataon ng
pagpapakinis gaya ng mga diyalogo alinsunod sa itatakdang pamantayan ng pagsasalin. Sa pagpuno
nagiging tiyak ang estratehiya ng pagsasalin. Kaugnay ng mga mungkahing ibinigay ni Roger T. Bell,
MGA KATANUNGAN:

1. Aling konsepto ang HINDI pinahahalagahan ng isang tagasalin?

A. Lysistra(digmaan)

B. Mariposa(tunay na pag ibig)

C. Kanjincho( katapatan)

D. DYOSA (KAGANDAHAN)

2. Alin ang dalawang samot-saring salik o elemento ng isang dula?

A. Tono at Punto

B. Punto at Lugar

C. Aktor at Aktres

D. TONO AT PUNTO-DE-BISTA

3. Ano ang kahulugan ng "kasamaan sa modernisasyon?"

A. NINGNING SA SILANGAN

B. Katotohanan

C. Pagbabalik ni Madam

D. Pagdating ng Daluyong

4. Ano ang kahulugan ngb" divinas palabras?"

A. Paghibiganti

B. PAGPAPAIMBABAW

C. Katapatan

D. Ningning sa Silangan

5. Sa makailang ulit ding pagbasa natutuklasan ng tagasalin kung alin pang bagay ang kinakailangan
niyang saliksikin bago niya simulan ang pagsasalin?

I. Pananaliksik tungkol sa iba pang akda at paksain ng mandudula

II. Kontekstong panlipunan ng akda

III. Buhay at karanasan ng mandudula sa kinawiwilihan niyang paksa


IV. Mga naisagawang pagsasalin ng akda

A. I, II, III, IV

B.II, I, III, IV

C. i, iii, ii, iv

D. I, II, IV, III

6. Ano ang kahulugan ng "Romolus?"

A. KAPANGYARIHAN

B. Katapatan

C. Katotohanan

D. Paghibiganti

7. Ano ang dalawang tradisyon na ginagamit sa pagbuo ng diyalogo para sa kabuki?

A. Ingo at Watarizerifu

B. Kabuki at Tsurane

C. Tsurane at Engo

D. ENGO AT WATARIZERIFU

8. Ano ang ibig sabihin ng "Tsurane?"

A. MASIDHING ESTILO NG PAGBIGKAS

B. Masidhing estilo ng pagsalin

C. Masidhing estilo ng pagsulat

D. Masidhing estilo ng pagbasa

9. Sa kaniyang "Lectures on Dramatics Art and Literature," sinabi niya ang:

"Since we have already shown, visible presentation is essential to the very form of drama, a dramatic
work may always be regarded from a double point of view- how far it is poetical and how far it is
theatrical. The two are by no means inseparable."

A. Clark

B. Watarizerifu
C. SCHLEGEL

D. Roger T. Bell

10. Sino ang may akda ng "The Butterfly's Evil Spell?"

A. Aristophanes

B. FEDERICO GARCIA LORCA

C. Roger T. Bell

D. Eugene O' Neill

You might also like