You are on page 1of 9

Banghay-Aralin

Kahulugan, Estilo, Makabuluhang Siklo ng Pagsasaling-wika sa Iba't-Ibang Disiplina

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:


a) Naglalahad ng kahalagahan ng pagsasalin sa Bibliya at mga akdang klasika.
b) Nasasalaysay ang makabuluhang siklo ng pagsasaling-wika.
c) Natutukoy ang saysay ng pagsasalin sa akademya, lipunan at teknolohiya.
d) Natutukoy ang iba't-ibang metodo sa pagsasalin ng wika.

II. Paksang Aralin:

Kahulugan, Estilo, Makabuluhang siklo ng pagsasaling-wika sa iba't-ibang disiplina.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paghahanda

 Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

(_____, maaari mo bang simulan ang klase sa


isang panalangin) Opo

Panginoon, maraming salamat po sa mga


biyayang ipinagkaloob mo sa amin sa araw-
araw. Patawarin ko po kami sa aming mga
kahinaan. Bigyan mo po kami ng kalakasan
upang malabanan ang mga pagsubok na
 Pagbati darating sa aming buhay at ilayo mo po kami
sa kapahamakan. Sa iyo aming mahal na
Magandang hapon sa inyong lahat Panginoon, Amen.
Maaari na kayong maupo, ngunit bago
tayo magsisimula sa ating klase ay
magte-tsek muna ako kong sino ang Magandang hapon po mam/sir
wala sa ating klase. Mayroon bang
lumiban sa ating klase ngayong araw?
Kamusta ang lahat?
Handa na ba kayo sa ating klase?
Wala po/ Mayroon po(magbabanggit ng
lumiban sa klase)
B. Pagganyak

Maghanda kayo at mayroon akong ipapagawa Handa na po


sa inyo.

Sino sa inyo ang mahilig sa matching type na


klase?

Magaling!
Ako po!
Ang gagawin niyo lamang ay ibibigay ang
pangalan ng mananaliksik ayon sa ibibigay
kong mga ideya nila. Maliwanag ba?

Ayon sa kanya, ang tagapagsaling-wika ay


kailangang maging literal hangga't maaari
Maliwanag na maliwanag po.
maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa
kalikasan ng wikang pagsasalinan.

Ang paniniwala naman ni ______ at ______ na


alinmang salin ng mga akdang klasika ay dapat
Robert Browning po
maging natural ang daloy ng mga salita,
madaling basahin at unawain.

Ayon sa kanya, ang katapatan sa pagsasalin ay


hindi nangangahulugan ng pagpapaalipin sa Edward FitzGerald at Samuel Butler po
orihinal na wikang kinasusulatan ng isasalin.

Magaling at marami kayong alam.

Mula sa mga naibibigay kong ideya nila, ano


Arnold
kaya ang ating maging talakayan ngayong
araw? Magbigay kayo ng inyong mga ideya.

Magaling! Maraming salamat sa inyong mga


sagot

Upang mas maliwanagan kayo ay pag-aaralan


natin sa araw na ito ang kahulugan, estilo,
makabuluhang siklo ng pagsasaling-wika sa
iba't-ibang disiplina.

C. Talakayan

Ang mga Pagsasalin sa Bibliya

Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila,


naging instrumento ang mga salin at ang
pagsasalin sa paghubog sa kamulatang
panrelehiyon sa pagpapalaganap ng
kristiyanismo at sa pagkikintal ng mga ideya at
paniniwala upang patuloy na masakop ang
ating mga ninuno.
Opo
Sa ating panahon, napakabilis ng mga
pagbabago at naparaming bagong tuklas na Wala po.
kaalaman, naragdagan pa ang kabuluhan ng
pagsasalin.

Naiintindihan niyo ba ang aking mga sinasabi?

Wala ba kayong mga katanungan?

Sige magpatuloy tayo sa ating talakayan


Ako po!
Sa pamamagitan ng salin, mapapayabong ang
Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Bibliya
wika, mapabulalas ito upang makaangkop sa
ay sinasabing wala na. Ang salin ni Origen sa
pangangailangan ng mga tagagamit.
wikang Griyego na kilala sa tawag na
Sino sa inyo ang may ideya kong ano ang mga Septuagint gayondin ang salin ni Jerome sa
pagsasalin sa Bibliya? wikang Latin.

Maraming salamat!

Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang salin


ng Bibliya ay:
 Jerome (Latin)
 Luther (Aleman)
 Haring James (Ingles-Inglatera)

Ang kauna unahang salin sa Ingles ay


Si Douai Bible po
isinagawa ni John Wyclif.

Sino ang maaaring magbahagi kong ano ang


tawag sa unang salin ng mga katoliko
Romano?

Magaling!

Douai Bible- unang salin ng mga katoliko


Romano.

The New English Bible- pinakahuling salin ng


Bibliya na inilimbag ng Oxford University.

Dalawang pangkat ng tagapagsaling-wika sa


Ingles ng wikang Griyego

 Makaluma (Hellenizers)
 Makabago (Modernizers)

Ang mga Pagsasalin sa mga Akdang Klasika

Ayon kay Robert Browning, ang tagapagsaling-


wika ay kailangang maging literal hangga't
maaari maliban kung ang pagiging literal ay
lalabag sa kalikasan ng wikang pagsasalinan,

Naniniwala naman si Robert Bridges na higit


na mahalaga ang istilo ng awtor kung ang
isang mambabasa ay bumabasa ng isang salin.
Sa kabila ng magkasalungat na opinyong
lumitaw, ito ay ang paniniwalang hindi
makatwirang piliting ipasok sa wikang
pinagsasalinan ang mga kakanyahan ng wikang
isinasalin.

Ang paniniwala naman nina Edward FitzGerald


at Samuel Butler na alinmang salin ng mga
akdang klasika ay dapat maging natural ang
daloy ng mga salita, madaling basahin at
unawain. Opo mam/sir

Naiintindihan niyo ba ang kanilang mga


paniniwala na ating tinalakay? Opo mam/sir
Magpatuloy tayo sa ating klase at may ibibigay
akong pagsubok pagkatapos.

Sa pagsasalin ni F. W. Newman sa akda ni


Homer, pinilit niyang mapanatili ang
kakanyahan ng orihinal hangga't maaari dahil
naniniwala siya na kailangang hindi
makaligtaan ng isang mambabasa na ang
akdang binabasa ay isa lamang salin at Ako po mam/sir
orihinal.
Ayon sa kaniya, alinmang salin ng mga akdang
Sino sa inyo ang makapagbahagi kong ano ang klasika ay dapat maging natural ang daloy ng
paniniwala nina Edward FitzGerald at Samuel mga salita, madaling basahin at unawain.
Butler?

Magaling at maraming salamat.

Ayon naman kay Arnold na tagapagsalin din ni


Homer na ang katapatan sa pagsasalin ay hindi
F. W. Newman po at Arnold
nangangahulugan ng pagpalaalipin sa orihinal
na wikang kinasusulatan ng isasalin.

Sino ang dalawang tagapagsalin ni Homer?

Salamat!

Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin


ng "Aeneid" ni Virgil (pinakapopular na
Panulaang Latin) sa Wikang Ingles upang
mahuli ng tagapagsalin ang tono at
damdamin, kinakailangang magkaroon ng
ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang
tagapagsalin.
Opo mam/sir
Naliwanagan na ba kayo sa mga pagsasalin ng
iba't-ibang mananaliksik?

Dumako naman tayo sa saysay ng pagsasalin.

Sa Akademya

Sa kasalukuyan, ang pagsasalin ay nagsisilbing


daan upang makapagbahaginan ang mga
bansa ng kanilang kaalaman sa iba’t ibang
larangan. Nagkakaroon tayo ng pagkakataon
na maibahagi ang panitikang mayroon tayo at
ganoon din naman sila.

Ang mga impormasyon, likhang-sining,


teknikal at siyentipikong kaaalaman ay
nakararating na sa iba’t ibang panig ng mundo
sa pamamagitan ng bukas na kamalayan sa
napakayamang kalipunan ng mga wikang
sinasalita at ginagamit ng mga tao sa mundo.

Sa Lipunan

Sinasabing ang wika ay kabuhol na ng kultura


ng isang lipunan kaya’t malaki ang
ginagampanan ngayon ng pagsasaling-wika sa
patuloy na pagpapaunlad at pagpapalawig pa
ng pagkilala sa kultura ng bawat bansa sa
pamamagitan ng pagtuklas sa ganda at yaman
ng wikang kanilang sinasalita.

Patuloy na nagiging daan ang pagsasaling-wika


upang maipamalas ang pagkakakilanlan ng
mga bansa sa mundo. Ito rin ay nagsisilbing
instrumento ng pagkakaunawaan ng mga tao
lalo’t higit ay magkakaiba sila ng wikang
kinalakhan at kasalukuyang ginagamit,
Ang wika ay isang napakahalagang bagay na
bahagi na ng pang araw-araw na buhay ng
mga tao, kung wala ito’y hindi magiging madali
ang natural na daloy ng komunikasyon ng mga
taong bahagi ng isang partikular na lokasyon.

Teknolohiya

Hindi maikakailang tunay na nakamamangha


ang mga produkto ng teknolohiyang mayroon
tayon ngayon. Sa mga produktong ito,
nagiging mabilis din ang komunikasyon ng tao.
Kaya sa pamamagitan ng teknolohiya, ang
saysay ng pagsasalin ay patuloy at mas mabilis
pang maisasalin o maipapasa sa mas marami
pang taong gagamit nito sa mas matagal pang
panahon.

Hanggang ngayo’y patuloy pa ring laman ng


debate ang isyung “machine translation” vs.
“human translation”.

Metodo ng Pagsasalin

 Salita-sa-salita
 Literal
 Adaptasyon
 Malaya
 Matapat
 Idyomatiko

Nakuha ba ninyo ang ating mga tinalakay?

May napulot ba kayong aral? Opo mam/sir

Kung gayon ay bibigyan ko kayo ng sampung Opo


minuto at pagkatapos ay may pagsubok tayo.
D. Pagsubok

Panuto: Isulat ang sagot sa mga katanungan


bawat bilang na makikita sa ibaba. Isulat ito sa
isang kalahating papel.

1-3. Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang


salin ng Bibliya.

4-5. Ano ang pagsasalin ayon kay Robert


Browning.

6-10. Magbigay ng mga mananaliksik sa


pagsasaling-wika.

11-15. Magbigay ng limang Metodo ng


Pagsasalin.

Pagkatapos ninyong sagutan ay ipasa na ang


papel sa unahan.

Inihanda ni:

Renalyn E. Caramihan

BSED-FILIPINO 3A

Miyembro:

Casila, Kent

Capangyarihan, Charlie
Casquijo, Riza

Damondamon, Erica

You might also like