You are on page 1of 6

PANG-ARAW- Paaralan Rafael B.

Lacson Bilang Baitang 10


ARAW NA Memorial High School
TUNTUNIN SA Guro Teresita L. Realubit Asignatura Filipino
FILIPINO Petsa/Oras Marso 21, 2023 / Markahan Ikatlong Markahan
8:30 – 9:30

I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at paggamit sa ibat ibang uri ng panlapi
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mga mag aaral ang interaktibong pagbabahagi ng mga naunawaan tungkol sa
Pagganap paksang panlapi (Unlapi, Gitlapi, Hulapi).
C. Mga Kasanayan Nabibigyang kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi (F10PT-IIIb-77)
sa Pagkatuto
(Isulat Ang Code K – Natutukoy ang kahulugan ng bawat uri ng panlapi.
Ng Bawat S - Naipamamalas ang kaalaman tungkol sa mga uri ng panlapi sa pamamagitan ng
Kasanayan) paggawa ng mga salita.
A – Napapahalagahan ang mga panlapi sa pagbuo ng salita o pangungusap.
II. Paksa/Nilalaman Nabibigyang Kahulugan ang Salita Batay sa Panlapi
III. Mga
Kagamitang
Panturo
A. Sanggunian Learning Activity Sheet in Filipino 10, Ikatlong Markahan, MELC 1-8, pahina 15-16
1. Pahina sa
Kagamitan ng Guro
2. Mga Pahina mula
sa Modyul para sa
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan sa
Pagkatuto
B. Iba pang Laptop, PowerPoint presentation, Manila paper, Marker, Scotch tape, chalk
Kagamitang Panturo
IV. Pamamaraan Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng mga
Mag-aaral
A. Pagtuklas Pagbati
(Pagbabalik-aral sa
nakaraang aralin/ o Panalangin
pagsisimula ng
bagong aralin) Pagtala ng mga liban sa klase

Pagbabalik aral

B. Paghahabi sa Sa umagang ito mayroon akong inihadang mga salita.


Layunin ng Aralin Nais kong tukuyin ninyo ang salitang ugat ng mga
sumusunod.

1. Sumayaw
2. Sinayaw Sayaw po.
3. Sayawan
4. Magsayawan

Mahusay! Tama ang inyong sagot.


Iisa lang ang salitang ugat
Tingnan muli ang mga salita. ng mga salita. “sayaw”.
Anu-ano ang inyong mga napansin?
May mga panlaping
Tama, maliban sa nabanggit, ano pa? ikinabit sa salitang ugat
na sayaw upang mabuo
Mahusay!
ng panibagong salita.
Mayroon akong inihanda na maikling pagganyak para sa
inyo. Kailangan hulaan ninyo ang mga salitang
nawawala sa kahon gamit ang mga bilang na ibibigay.

A1 B2 C3 D4 E5 F6 G7 H8 I9 J10 K11 L12 M13 N1`4 O15 P16 Q17


R18 S19 T20 U21 V22 W23 X24 Y25 Z26

1.
16 1 14 12 1 16 9
P A N L A P I
Ano ang nabuo ninyong salita?
Mahusay!
Iyan mismo ang pag-uusapan natin ngayong umaga ang
pagbibigay kahulugan sa salita batay sa panlapi.
Panalapi
2.
21 14 12 1 16 9
U N L A P I

3.
7 9 20 12 1 16 9
G I T L A P I

4.
8 21 12 1 16 9
H U L A P I

5.
11 1 2 9 12 1 1 14
K A B I L A A N

6.
12 1 7 21 8 1 14
L A G U H A N Unlapi, Gitlapi, Hulapi,
Kabilaan at Laguhan po.

Pakibanggit ulit ng mga nabuo ninyong salita. Ikinakabit sa isang


Magaling, ito naman ang mga uri ng panlapi. salitang-ugat.

Bumalik tayo sa panlapi, sino sa inyo ang may ideya Nakakabuo po ng isang
kung ano ang panlapi? salita.

Mahusay! Ano ang nangyayari sa salitang ugat kapag ito


ay kinakabitan ng panlapi?

Magaling!
C. Paglinang Sa araling ito ay tatalakayin natin ang panlapi na siyang
(Pag-uugnay ng mga tumululong sa pagbibigay ng kulay at kahulugan ng
halimbawa sa bagong isang salita o salitang ugat. Sabay sabay basahin ang
aralin) nasa powerpoint.

Ang Panlapi o Morpemang di-malaya ay isang (Pagbabasa sa mga


morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang nakasulat sa Powerpoint
makabuo ng salita. Presentation)

Balikan natin ang mga halimbawang salita na ibinigay ko Ma’am, um, in, an, mag
kanina. Ano ang mga panlaping ginamit? at an.

Mahusay at natutukoy ninyo ang mga ginamit na panlapi.


D. Pagpapalalim Pangkatang gawain:
(Pagtalakay ng Para naman sa ating pangkatang gawain, ipapangkat ko (pag bilang ng mga
bagong konsepto) kayo sa apat. Magbilang simula 1 hanggang 4. estudyante)

Maaari na kayong magsimula.


Pangkat 1.
Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa
ginawang panlapi. Piliin ang angkop na kahulugan sa
hanay B ng mga salitang nasa hanay A.
HANAY A HANAY B
1. Pinagtatawanan ___ A. Gawain ng taong magbibigay
tuwa.
2. Tumatawa ___ B. Kinukutya o nagungutya.
3. Katatawanan ___ C. Nagagalak o humahagikhik.
4. Magpatawa ___ D. Kategorya ng babasahing
nakaktuwa.
Gabay na tanong:
1. Ano ang salitang ugat ng mga salitang nasa Hanay A?
Ano ang napansin mo nang dinugtungan ito ng panlapi?
2. Anong panlapi ang kadalasang ginamit sa ibinigay na
halimbawa sa itaas?
3. Paano nakakatulong ang panlapi sa pagbibigay buhay
ng salita?

Pangkat 2.
Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat
nang pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at
isulat lamang ang titik ng iyong sagot.
A. Lumisan B. Nalito C. Napahiya
D. Sayangin E. Naimbitahan
__1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay
nagulumihan.
__2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-
aralan at huwag itong aksayahin.
__3. Nangimi na naman siyang inanyayahan sa
simbahan.
__4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
__5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa
harap ng mga tao.

Pangkat 3.
Gamitan ng panlapi ang mga salitang ugat na nasa
talahanayan at punan ang mga iba pang hinihingi.
Salitang Panlapi Bagong Uri ng Kahulugan
ugat salita panlapi
1. Hatid
2. Sulat
3. Tiwala
4. Nais
5. Husay

Pangkat 4
Bumuo ng limang salita gamit ang mga salitang ugat at
mga panlapi sa kahon. Ibigay ang kahulugan ng bawat
salitang nabuo.

Mga salitang ugat


sigaw sikap balot sabunot sabaw

Mga panlapi
Unlapi mag, m\a, um, mang
Gitlapi in, um
Hulapi an, han, in, hin
Kabilaa ka+an, mag+an, pala+an, tala+an, pag+an Opo ma’am.
n
Laguhan pag+um+an, mag+in+an,

Tapos na ba ang lahat?


Pakipasa ng inyong mga papel sa unahan.

Magaling, mukhang naunawaan nga ng lahat ang ating


talakayan ngayong araw!

E. Paglinang sa Nabanggit ko kanina na ang nabuo ninyong mga salitang


Kabihasaan ng Aralin unlapi, gitlapi, hulapi, magkabilaan at laguhan ay ang
(Tungo sa Formative ibat ibang uri ng panlapi. Bigyan natin ng kahulugan ang
Assessment) bawat uri nito.
Pakibasa ng kahulugan ng unlapi.

UNLAPI- kapag ang panlaping inilalagay ay nasa


unahan ng salitang ugat. (pagbabasa ng
mag-/ma- magbasa, maglaba kahulugan ng unlapi na
nag-/na- nagtapos, nagsimula, nagpili nasa powerpoint
pag-/pa- pagtawid, paalis presentation)

Naunawaan ba?
Opo ma’am.
Kung gayon ay magbigay ng isang halimbawa ng
salitang may unlapi. Magtupi, inihaw, natisod.

Mahusay!
Sunod ay ang Gitlapi, pakibasa. (pagbabasa ng
GITLAPI- kapag nakalagay sa loob ng salitang ugat ang kahulogan ng gitlapi na
panlapi. nasa powerpoint
um- sumayaw, lumakad presentation)
in- sinagot, ginawa

Naunawaan ba?
Opo ma’am.
Kung gayon ay magbigay ng isang halimbawa ng
salitang may gitlapi. Sumaklolo, sumalubong.
Mahusay. Sunod ay ang hulapi, basahin ng sabay sabay.
HULAPI- kapag nakalagay sa hulihan ang panlapi.
an- sabihan, sulatan (pagbabasa ng
in- ibigin, gabihin, isipin, tapusin kahulugan ng hulapi na
nasa powerpoint
Naunawaan ba? presentation)
Kung gayon ay magbigay ng isang halimbawa ng
salitang may hulapi. Opo ma’am.
Magaling! Sunod ay ang kabilaan, sabay sabay basahin. Takbohan, Angasan
KABILAAN- kapag ang isang pares ng panlapi ay
nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita.
halimbawa: mag-awitan, paalisin,
kaibigan, kadalagahan
(pagbabasa ng
Naunawaan ba? kahulugan ng kabilaan
na nasa powerpoint
Kung gayon ay magbigay ng isang halimbawa ng presentation)
salitang may panlapi sa unahan at hulihan.

Napakahusay! Ang panghuli at laguhan, pakibasa. Opo ma’am.


LAGUHAN- kapag mayroong panlapi sa unahan, gitna
at hulihan. Kataksilan, Kabataan
halimbawa: pagsumikapan

Naunawaan ba?

Kung gayon ay magbigay ng isang halimbawa ng (pagbabasa ng


salitang may panlapi sa unahan, gitna at hulihan. kahulugan ng kabilaan
na nasa powerpoint
Mahusay! presentation)
Mayroon pa bang katanungan?
Opo ma’am.
Naiintindihan na ba natin kung ano ang panlapi?

Nakuha ba natin ang pinagkaiba ng bawat uri ng panlapi? Magdinuguan.

Susubukan natin kung talagang naintindihan nga.


Wala po.

Opo ma’am.
Opo ma’am.
F. Paglalapat ng Ngayon masasabi niyo ba’ng mahalaga ang paggamit ng
Pang-araw-araw na mga panlapi para sa ating pang araw-araw na
Buhay pakikisalamuha sa isat isa?
Opo ma’am.
Bakit?
Dahil sa panlapi,
naipababatid na natin
kung ano ang nais nating
sabihin.
Magaling!
G. Abstraksiyon/ Paano nakakatulong ang panlapi sa pagbibigay buhay ng
Paglalahat ng Aralin salita? Nakakapagbigay ito ng
linaw sa kug ano ang nais
sabihin, dahil bawat
dagdag o bawas ng letra
ay nagiiba ang
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kahulogan.
kabatiran/karunongan sa paggamit ng panlapi sa isang
salitang ugat?

Ma’am. mahalaga na
marunong tayo gumamit
ng panlapi upang
maunawaan natin ang
kahulugan ng salitang
nais natin ibigay sa ibang
Mahusay at lubos ninyong naunawaan ang ating klase, tao.
nawa ay tumagal ang aral na ito sa inyong mga isipan.
Ma’am maiiwasan din
natin na malito sa pag
unawa o pagbuo ng isang
pangungusap.
H. Pagtataya ng Para ma subok ang inyong kaaaman, kumuha ng isang
Aralin buong papel.
Kopyahin at punan ang mga hinihingi sa talahanayan.
Salita Salitang Panlaping Uri ng Kahulugan
ugat ikinabit panlap
i
Nagulumihan
Aksayahin
Nagalak
Magbukinga
n
Umalis

Mayroon lamang kayong 10 minuto upang masagutan Opo ma’am.


ang mga hinihingi.

(pagpapasa ng mga papel)


Tapos na ba ang lahat sa pagsagot?

Pakipasa ng inyong mga papel sa unahan.


J. Karagdagang Para sa ating takdang aralin, kopyahin ang nakatala sa
Gawain para sa screen.
Takdang Aralin at Panuto: Magbigay ng salitag ugat na maaaring lagyan ng
Remediation panlapi. Ang mga nabuong salita gamit ang panlapi at
salitang ugat ay gagawan ng pangungusap. Gumawa ng
tig dalawang halimbawa para sa bawat uri ng panlapi.

Halimbawa:
Unlapi
1. Si Ronald ay naglaba ng kaniyang mga damit.
2. Mayroong guro kaya mabait ang mga magaaral.

Tapos na basa pagkopya? Opo ma’am.

Dito na nagtatapos ang ating klase, paalam.


Salamat at paalam na po,
Bb. Riza.

Inihanda ni: Pinagtibay ni:


Riza B. Casquijo TERESITA L. REALUBIT
Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like