You are on page 1of 22

Pananaw sa Pag-aral ng Wika

Ang paksang pangungusap ng artikulo ay tungkol sa wikang Filipino – kung dapat bang itulad ang
istruktura nito sa Ingles. Ang ibinibigay na dahilan sa artikulo ay dahil sa salitang “ay” na ang salin sa
Ingles ay “it.” Kung tutuusin iba ito kung ikukumpara sa Ingles kasi ang “it” ay hindi pormal.

Paano ba akong natuto magsalita ng Filipino? Sa aking pananaw, Tagalog ang aking unang wika. Para sa
akin, Filipino lang ang wikang madalas kong ginagamit. Natuto akong mag-Ingles noong ako ay nasa
Kindergarten. Sa aking karanasan, ang pag-aaral ng Filipino kasabay ng isa pang wika ay hindi madali.
Natuto akong mag-Ingles sa eskwelahan, pero nung pumunta ako dito sa Amerika, doon ko nalaman na
limitado ang aking nalalaman sa Ingles. Hindi ko matandaan kung kailan at paano ko natutunan magsalita
at magbasa sa Ingles. Naaalala ko noong anim na taong gulang ako na sinabihan ako ng pinsan kong
huwag mag-alala dahil ang mga bata daw ay madaling makaintindi ng ibang wika. Pag-uwi ko sa Pilipinas
noong 1997, isang taon na ang nakalipas, doon ko napansin na habang nagsasalita ako ng Ingles, hindi na
ako nagsasalita ng Tagalog pero naiintindihan ko ang Tagalog kapag ako ay kinakausap. Ang pinsan ko ang
nagbanggit sa akin na puro Ingles ang mga salita ko. Kaya nung nag-aral ako sa Pilipinas, medyo
kinabahan ako kasi baka walang makaintindi sa akin. Pero tulad ng sitwasyon ko sa Amerika nung unang
punta ko, nakuha ko kaagad ang wikang Filipino, ngunit nahirapan akong magbasa at magsulat sa kapwa
Ingles at Filipino. Una kong natutunan magsulat at magbasa sa Tagalog. Nang nasa pang-apat na grado
ako, doon ako naging mas bihasa magsalita at magsulat sa parehong wikang Tagalog at Ingles. Kahit
ngayon, sa aking pag-aaral ng Pranses, doon ko naunawaan na hindi talaga madaling matutunan ang
ibang wika. Pero kung magsisikap ang isang tao, maaring matutunan ng isang tao ang mga ibang wika.

https://www.google.com/amp/s/uclaliwanagatdilim2015.wordpress.com/2014/12/11/pananaw-sa-pag-
aral-ng-wika/amp/

Mga guro, maging malikhain sa pagtuturo ng Filipino

MAGING MODELO. Hinihikayat ng mga eksperto na maging modelo ang mga guro sa pagsasalita ng
Filipino. Kuha ni Joel Leporada/Rappler

PANGASINAN, Pilipinas – Sa pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, hinikayat ng mga eksperto
ang lahat ng guro na gawing malikhain at kasiya-siya ang pagtuturo ng Filipino sa mga kabataan.
"Kailangang mas masaya ang pagtuturo ng Filipino ngayon. Bakit kailangang boring ang Filipino?
Kailangan tayong tumuklas ng malikhaing paraan ng pagtuturo pa ng Filipino,” hamon ni Jimmy Fong,
Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Miyerkules, Agosto 5 – ang unang araw ng
Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika.

Mga 79 taon na rin ang nakalipas nang huling magkaroon ng pagpaplanong pangwika sa bansa. Ngayong
taon, idinaos ang kongreso sa Lingayen, Pangasinan.

Kagaya ni Fong na idiniing tuluy-tuloy dapat ang eksperimento sa pagtuturo ng Filipino, sinabi ni Ruth
Mabanglo – isang propesor ng Filipino sa University of Hawaii – na kailangang nasa konteksto ang
pagtuturo.

Ibig sabihin, dapat isinasaalang-alang ang wikang higit na ginagamit ng bata sa bahay, sa paaralan, at sa
komunidad. 'Ika ni Mabanglo, kailangang bigyang pansin ang mga awtentikong kagamitan sa pagtuturo
ng wika, tulad ng mga soap operas at mga diyaryo.

"Ang (effectiveness) nun, hindi siya yung ginagawa nung mga textbook writer na yun na kaagad, wala ka
nang ibang choice. Ito, marami kang choices, tapos realistic kasi it was not meant for teaching, it was
meant para paunlarin ang utak ng mga nagsasalita ng language," ani Mabanglo.

Pero paano nga ba malalaman kung matagumpay ang guro sa pagtuturo ng Filipino?

Sabi ni Fong, masusukat ang tagumpay sa kung paano napatutunog ng bata ang mga alpabetong Filipino,
lalo na ang mga sumusunod:

diperensya ng /e/ at /i/

diperensya ng /o/ at /u/


diperensya ng /b/ at /v/

diperensya ng /f/ at /p/

tuldik

ang tunog na schwa

"Kaya ang hamon natin para sa lahat ay mas mahusay na pagtuturo sa Filipino. Huwag nating palagpasin
ang mga maling pagpapatunog ng mga patinig at katinig," 'ika ni Fong.

Dagdag ni Mabanglo, mahalagang bigyang-diin sa pagtuturo ang pagsasalita sa Filipino, dahil pagsasalita
ang paunang sukat sa kaalaman sa wika.

Pagsusuri ng guro

Minungkahi niyang dapat dumaan ang mga guro sa pagsusuri upang malaman ang kanilang antas sa
pagsasalita ng Filipino. Aniya, mahalagang makaabot ang mismong guro sa "superior level" ng
pagsasalita:

Superior level – Napagtatanggol at naipaliliwanag ng guro ang kanyang opinyon, at natatalakay ang mga
abstraktong paksa. Puwede siyang humimok ng tao.

Advanced level – Nagkakamali pa ang guro sa gramatika, hindi wasto ang bokabularyo, halos tama na ang
konstruksyon, kaya nang magsalita ng paragraph length, malinaw na malinaw ang hilera ng
pangangatwiran.
Intermediate level – Mahusay-husay na ang guro, kaya nang magsalita ng sentence level, kung minsan
hindi pa magkaugnay-ugnay, nakasasagot sa tanong, hindi minsan wasto nguni't puwedeng itama ang
sarili.

Novice level – Baguhan pa ang guro, parirala lang ang nasasabi, saulado pa ang sasabihin. 'Pag 'di na
naalala, magkaka-breakdown na sa pagsasalita.

"Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang
modelo – ang mga guro," 'ika ni Mabanglo. – Rappler.com

https://www.google.com/amp/s/amp.rappler.com/nation/101762-guro-maging-malikhain-pagtuturo-
filipino

USWAG WIKANG FILIPINO, USWAG! 2018 Ulat sa Estado ng Wikang Filipino

(kasay says)

USWAG WIKANG FILIPINO, USWAG!

Ulat sa Estado ng Wikang Pambansa

ni Virgilio S. Almario

PAGKATAPOS NG LIMÁNG taóng tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), isang karangalan
kong iulat ang malalaking hakbang na tinupad ng Komisyon tungo sa pag-uswag ng Filipino bílang wikang
pambansa gayundin sa pangangalaga ng mga wikang katutubo ng Filipinas. Ipinagpapasalamat ko sa
naturang tungkulin ang pagkakaroon ng isang Kalupunan ng mga Komisyoner na simula nang mabuo
noong Marso 2013 ay naging totoong masigasig at nagkakaisa upang mabisàng isakatuparan ang tadhana
ng 1987 Konstitusyon at mga atas ng Batas Republika Blg. 7104. Bukod sa pangyayaring ngayon lámang
nabigyan ng karampatang pagkilála ang Kalupunan ng mga Komisyoner bílang pangunahing
kapangyarihan ng Komisyon ay naging kapalaran kong makatrabaho ang mga táo na masugid na
nagmamahal sa Filipino at mga katutubong wika ng bansa at nakalaan para sa mabibigat at kailangang
serbisyo publiko upang magtagumpay ang Komisyon. Napatunayan ko ring may nagkakaisa at
nakakatulad kaming mithiin para wastong mapatnubayan ang Komisyon. Kayâ naging magaan para sa
amin ang mabilisang pagbuo ng isang medyo matagalang plano (medium term plan) para sa tatlong
taón, ang KWF Medyo Matagalang Plano 2013-2016—ang kauna-unahang nakasúlat na matagalang
pambansang planong pangwika sa Filipinas.

Para sa akin at sa aking mga kasámang komisyoner, lubhang nabalam ang pagpapalaganap at
pagpapayaman sa Wikang Pambansa dahil hindi lumikha ng isang matagalang pambansang planong
pangwika ang nakaraang mga pamunuan mulang 1937. Walang naging malinaw na mga taunang target
sa pagkilos, kayâ nagmistulang tagapanguna at tagapagpagunita lámang ang Surian ng Wikang Pambansa
(SWP) at KWF noon sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika (na naging Buwan ng Wika) hanggang noong
Agosto 2012. Epektibong binago ng KWF Medyo Matagalang Plano 2013-2016 ang paraan ng pagkilos at
pagtupad sa misyon ng Komisyon. Nilagom ko ang mga naging pag-uswag ng wikang Filipino sa aking
“Mga Misyon ng Komisyon sa Wikang Filipino” sa pambansang kongreso noong 5 Agosto 2015 sa
Pangasinan. Inilatag ko rin sa naturang lagom ang mga gawain na naging saligan naman sa pagbuo ng
kasalukuyang KWF Medyo Matagalang Plano 2017-2020. Kung tutuusin, sa pamamagitan lámang ng
pagsangguni sa KWF Medyo Matagalang Plano 2017-2020 ay maaari nang matukoy ang kung ano ang
nagiging direksiyon ngayon ng Komisyon at kung ano ang mga ginagawa o hindi ginagawa ukol sa wikang
Filipino at mga katutubong wika ng Filipinas.

Nais ko pa ring magbigay ng kaukulang patnubay para sa sinumang interesado, lalo na tungo sa
pagpapalusog pa ng medyo matagalang plano at mga posibleng nakakaligtaang makabuluhang gawain.

Hindi man binanggit, nag-umpisa ang medyo matagalang plano mula sa pagsusuri ng mga lakas at
kahinaan ng nakaraang panahon ng Komisyon. Sa aking personal na pagsipat sa nakaraan, may dalawang
malaking bagahe ang nagdaang mga pamunuan. Una, ang inihihimutok noon pang SWP ito na kawalan
ng taguyod mula sa pamahalaan at masasalamin sa napakaliit na taunang badyet para sa gawaing
pangwika. Ikalawa, ang pagbabantulot ng unang pamunuan, ang panahon ni Ponciano BP Pineda, na
isúlong ang ninanais na “Filipino” ng 1973 Konstitusyon at ang kawalan naman ng malinaw na bisyon
kung paano tutupdin ang 1987 Konstitusyon ng sumunod na pamunuan nina Buenaobra, Nolasco, at
Jolad Santos.

Sinagot ng kasalukuyang pamunuan ang ikalawang bagahe sa pamamagitan ng misyong: “Itaguyod ang
patuloy na pag-unlad at paggámit ng Filipino bílang wikang pambansa hábang pinangangalagaan ang
mga wikang katutubo ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang
Filipino.” Mapapansin sa misyon na ngayon lámang tahasang ipinahayag ang tungkulin ng Komisyon na
pangalagaan ang mga wikang katutubo ng bansa. Mahigpit ding kaugnay nitó ang hangaring iuswag ang
Filipino sa pamamagitan at sa tulong ng mga wikang katutubo. Ang paggámit ng Sebwano-Ilonggong
“uswág” ay simbolikong palatandaan ng naturang hangarin. Maganda ding banggitin sa yugtong ito na
ang pagbuo at pagpapalaganap ng Ortograpiyang Pambansa mulang 2013 at ang kasalukuyang
pagsisikap na ibukás ang pagbuo ng Gramatikang Filipino sa paglahok ng mga wikang katutubo ay bahagi
ng pagtupad sa naturang misyon ng Komisyon.
Ang unang bagahe ay sinagot ng kasalukuyang pamunuan sa pamamagitan ng malikhaing mga taktika
upang ganap na maiukol sa mga produktibong proyekto ang kasalukuyang maliit pa ring badyet at ng
paghahanap ng dagdag na pondo para sa mga bagong proyektong pangwika. Sa loob ng nakaraang
limáng taón ay napatunayan naming hindi totoong maliit ang kasalukuyang taunang badyet ng Komisyon
kung gagamítin nang maingat at mahusay. Napatunayan din namin na malakí ang posibilidad na makakíta
ng dagdag na taguyod mula mismo sa pamahalaan kung may idinudulog na magandang proyekto at kung
mapatutunayan ng Komisyon ang kakayahan nitóng magsagawa ng gayong proyekto.

Pagtataguyod sa mga Adhikang Pangwika

Mula sa naturang misyon ay may ipinahayag na apat na adhika ng kasalukuyang medyo matagalang
plano: (1) Pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino, (2) Pagpapaigting at pagpapalawig ng
saliksik, (3) Pagbuo, pagpapatupad, at pagsubaybay ng patakarang pangwika, at (4) Pagpapalakas ng
serbisyong institusyonal.

Sa apat na adhika, maaaring ituring na inaasahang gawain ang ikatlo at ikaapat. Pangunahing tungkulin
ng Kalupunan ng mga Komisyoner ang matalik na pagsusuri sa estado ng Filipino at mga wikang katutubo
upang makapaglabas ng kaukulang mga kapasiyahan at patakaran na nagtataguyod sa pagpapalaganap
at pagpapaunlad ng Filipino at mga wikang katutubo. Inaasahang bukod sa pagiging eksperto sa mga
wika niláng kinakatawan ay may taglay na pambansa’t makabansang oryentasyon ang mga miyembro ng
Kalupunan upang makatugon sa ikatlong adhika. Samantala, kailangang nakahanda ang organisasyon at
panloob na pamamahala ng Komisyon upang magampanan ang inaasahang higit na malalaki’t mabibigat
na aktibidad pangwika. Malaking problema ang ikaapat na adhika dahil na rin sa matagal na panahong
“pagtúlog sa pansitan” ng Komisyon. Sa gayon, nireorganisa sa unang taón ang mga sangay, nilapatan ng
sistema ang mga trabaho sa opisina, at isinailalim sa patuloy na reoryentasyon at pag-aaral ang mga
kawani at hepe sa bawat dibisyon. Bahagi ng naturang pagpapatatag ng Komisyon ang kasalukuyang
pagsasaayos ng rekords at ang pagbúhay sa isang espesyal na aklatang pangwika at pangkultura.

Ang unang adhika ang maituturing na pangunahing tuon ng lahat ng programa’t proyekto sa medyo
matagalang plano. Sa aspektong lingguwistiko, nangangahulugan ito ng estandardisasyon at ng kaugnay
na modernisasyon at kultibasyon ng wikang Filipino bílang wikang pambansa at bílang modelo sa
gayunding pagdevelop sa mga wikang katutubo. Sa aspektong pampolitika, kailangang maging wika ng
komunikasyong pambansa at wika ng buong sistema ng edukasyon ang Filipino.

Isang espesyal na tuon ang ikalawang adhika at bunga ito ng malaking pangangailangan na maitanghal
ang Filipino bílang wika ng karunungan. Bunga ito ng mga sumusunod na katotohanan: (1) Karamihan ng
mga saliksik ngayon sa Filipinas ay nása Ingles. (2) Mahinà ang mga alagad ng wikang Filipino, lalo na ang
mga guro, sa siyentipikong saliksik. (3) Hindi nailalahok ang halaga ng saliksik sa pagtuturo ng Filipino sa
elementarya at sekundarya. (4) Kulang ang paaralang normal sa pagsasanay ng mga guro sa siyentipikong
pagsusuri at metodolohiya ng saliksik. (5) Kulang o walang mga aklat na nakasúlat sa Filipino ukol sa mga
larang ng agham at gawaing teknikal.

Ang kaganapan, samakatwid, ng Filipino bílang itinatangi at ginagámit na wika ng karunungan ang susi sa
tagumpay ng Filipino bílang wika ng pambansang komunikasyon at edukasyon. At mahigpit na nakasalig
ang pagtatanghal sa Filipino bílang wika ng karunungan sa isang pambansang reoryentasyon sa
pagtuturo ng Filipino bílang wika ng saliksik. Nangangahulugan ito ng kultibasyon ng Filipino para maging
episyenteng wikang siyentipiko at teknikal kasabay ng pagsasanay sa mga guro at alagad ng wika tungo
sa oryentasyong ito.

http://kwf.gov.ph/uswag-wikang-filipino-uswag-2018-ulat-sa-estado-ng-wikang-filipino/

ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO


NG WIKA

I. Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo

Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na
ipinalalagay na mabisa:

Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.

Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.

Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.

Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.

Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.

Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.

Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.

Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.

Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.

Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

II. Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika

EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong 2000.
Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura.

Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo bilang hiwalay na
subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.

Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng pagtuturo para
sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.

Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.

Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na larangan, dapat
ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.

Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa pamamagitan ng
Filipino.

III. Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o ang


kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?

Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language competence (kaalaman sa
wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).

TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal kundi
gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng
nag-uusap.

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng lipunan na binuo ni
Hymes sa akronim na SPEAKING.
SPEAKING ni Hymes. . . .

S-Setting (saan nag-uusap)

P-Participants (sino ang nag-uusap)

E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)

A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati, pangungumusta, pagtatanong)

K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)

I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)

N-Norms (ano ang paksa ng usapan)

G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

IV. Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika

Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag-aaral: personal,
interpersonal, directive, referential at imaginative.
Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi
binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa
aspetong pambalarila.

Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa dayagram.

https://www.google.com/amp/s/filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-mga-estratehiya-sa-
pagtuturo-ng-wika-at-ang-pamaraang-komunikatib-sa-pagtuturo-ng-wika/amp/

Gaano Nga Ba Kahalaga ang Tamang Paggamit ng Wika?

Marami ang nagsasabi na hindi na mahalaga kung mali-mali ang grammar mo sa paghahayag ng iyong
gustong sabihin, basta raw ba naiintindihan ang gustong mong sabihin. Ang problema na nga e, kung
mali-mali ang gamit mo ng wika e hindi mo maihahayag nang maayos at nang eksakto ang gusto mong
sabihin. At dahil diyan, naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais mong ipahayag.

Karamihan ng di pagkakaintindihan ng mga tao e bunga lang ng di maayos na paggamit ng wika. Lalo na
sa komunikasyon na ang tanging gamit e pagsusulat, tanging mga salita at pangungusap lang umaasa ang
mga tao para maihayag ang gustong sabihin. Kaya dahil diyan, mapagtatanto talaga kung gaano kahalaga
ang tamang paggamit ng lenggwahe–Filipino, English, o anumang wika ang iyong gamit.

Sa Madaling Salita

Responsibilidad ng bawat tao na pagyamanin ang kanyang kaalaman sa paggamit ng pinakamahalagang


armas ng komunikasyon. Dahil kung habang nagiging bihasa ka sa tamang paggamit ng wika e mas
nababawasan ang di pagkakaintindihan ng bawat tao.

Kaya dapat ay ating pagyamanin ang ating kaalaman sa tamang paggamit ng wika–Filipino, English, o
anumang lenggwahe ang ating madlas na ginagamit sa pakikipagusap o pakikipagkomunikasyon sa ating
kapwa

https://filipinojournal.com/gaano-nga-ba-kahalaga-ang-tamang-paggamit-ng-wika/
Karatulastasan: Mungkahing Gamit/Paraan sa Pagtuturo at Pagkatuto Upang Alamin at Suriin ang
Kakayahang Umunawa

Voltaire Villanueva

Susing salita: Philippine Studies

Ang KARATULASTASAN ay isang malikhaing patunay o ebidensiya ng proseso ng pagtuturo at pagkatututo


mula sa punto de bista ng mag-aaral at guro. Mula sa produktong ito ng pagkatuto, tatangkaing
patunayan ang pagpapakahulugan/ pag-unawa ng mga mag-aaral sa isang tiyak na paksang pinag-aaralan
na maaari pang gamitin sa iba’t ibang angkop na gawain. Taglay ng papel na ito ang pagdalumat sa mga
kaugnay na prinsipyo na may kinalaman sa pagpapabisa ng guro sa pagtuturo at pagkakaroon ng
epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral na nakasalig sa prinsipyo ng pag-unawa.

Magiging isang alternatibong dulog, kagamitang pampagtuturo na pangganyak, panukat sa pagtataya, o


paglalapat sa isang tiyak na aralin upang pag-ugnayin ang mga kasanayang lilinangin. Ang mga ilang
halimbawang KARATULASTASAN ay makapagpapatunay na hindi lamang nagtatapos ang pagkatuto sa
apat na sulok ng silid-aralan. Bagkus, ang pagkamalikhain ng guro gamit ang sining ng pagtuturo
katuwang ang teknolohiya ang maglalapit sa ugnayan ng paaralan at lipunan na mapakikinabangan ng
mag-aaral sa laboratoryo ng buhay bilang pamana ng kanyang ginawa sa paaralan.

Mamamalas sa papel na ito na tunay na ang tagumpay ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay


nakasalig sa ugnayan ng sining at agham na paraan ng pagtuturo ng guro. Mula sa KARATULASTASAn ay
pinagsanib ang sining ng lansangan at tanaga sa pag-unawa ng inaasahang hindi nagmamaliw na pag-
unawa

https://ejournals.ph/article.php?id=6231

Isang Estratehiya sa Larangan ng Pagtuturo

Maria Fe E. Gannaban
Isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang social networking sites (SNS). Madalas
pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga nito sa kanilang pag-aaral (talaga nga kaya?);
partikular ang karamihan sa mga magulang –sila ay may mga negatibong persepsyon tungkol sa usaping
ito. Mahirap igiit sa mga mag-aaral na wala itong mabuting idudulot at lalong mahirap makipagtagisan sa
kanila hinggil sa masamang epekto ng social networking sites. Ang pananaliksik na ito ay isang
eksploratoryong pag-aaral sa paggamit ng social networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino. Pokus
ng pag-aaral na ito na matukoy ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga
mag-aaral; gayundin ang pagdalumat sa positibo at negatibong epekto nito sa larangan ng pagtuturo lalo
na sa wikang Filipino at aalamin din kung ang SNS ay nakakatulong sa pagtuturo ng Filipino. Layunin ng
papel na ito na malaman ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral;
tukuyin ang mga positibo at negatibong epekto ng SNS bilang estratehiya sa larangan ng pagtuturo; at
dalumatin kung talagang nakakatulong ba ito sa pagtuturo. Penomenolohikal na pamaraan ang gagamitin
sa pag-aaral; batay ito sa obserbasyon, eksperimento at karanasan ng mga guro at mag-aaral na
gumagamit ng SNS. Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro na gumagamit ng SNS sa pagtuturo,
gayundin sa mga estudyante.Pinakasikat sa mga SNS at madalas gamitin ng mga mag-aaral ay ang
Facebook. Ang mga takdang-aralin, babasahin at dapat pag-usapan tulad ng ilang paglilinaw o
katanungan tungkol sa paksang-aralin natalakay at tatalakayin pa ay nabibigyang-linaw at tugon sa
pamamagitan ng facebook dahil dito madalas naka-OL (on line) ang mga estudyante. Malaking bagay din
ito upang maging daan sa pagpapasa ng mga takdang-aralin ng mga estudyante dahil ito ay paper less at
malaking tulong pa ito upang mabawasan ang global warming. Sa kabilang banda, ang e-group ay
malaking bentahe rin upang doon i-upload ang mga babasahin o iba pang panawagan o ilang paalala sa
mga estudyante halimbawa sa mga takdang araw o deadline ng pagpapasa ng proyekto, takdang-aralin,
at iba pa. Bagamat, maaari rin namang mag-upload sa facebook. Isinusulong ng papel na ito ang
paglalapat ng mga networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat may kabutihan din itong
maidudulot sa pagkatuto sa halip na palagiang ipagbawal ito sa mga mag-aaral na para bang isang
malaking banta sa kanilang pag-aaral at maging sa kanilang buhay. Datapwat, nararapat pa ring isaalang-
alang ang hangganan o parameter ng mga SNS. Ang papel na ito ay maihahanay sa isa sa mga kulturang
popular na kadalasang pinagbubuhusan ng pansin ng mga mag-aaral. Ang SNS ay isa sa mga dulog-
teknolohikal na magagamit natin sa pagtuturo. Maaaring magbigay ng oportunidad ito sa mga guro
upang kumonekta sa mga mag-aaral ngunit ang koneksyon ay may parametro ang uganyang guro-mag-
aaral. Ang SNS ay ginaggamit sa pagkakaibigan na iba naman ang gamit sa larangan ng pagtuturo.
Madalas din itong gamitin ng mga mag-aaral sa pakikipagkaibigan. Kung gayon, kapag ito ba ay ginamit
bilang bahagi sa pagtuturo, mailalalagay din ba ng mga mag-aaral at guro na gumagamit ng SNS ang
hangganan o parametro ng ugnayan nila sa sia’t isa: guro-mag-aaral na ugnayan. May pagkakataon na
nagpopost ang mga estudyante ng personal na pananaw o komentaryo tungkol sa kanilang guro ngunit
hindi binabanggit ang pangalan datapwat alam nilang lahat na kabilang sa grupo kung sino ang pinag-
uusapan. Idagdag pa ang usapin ng cyberbullying. Salamat at nagkaroon na ng bagong batas ngayon na
anti-cyber crime tulad ng cyber bullying. Komprehensibong papel-pananaliksik ang inaasahang
kalalabasan ng pag-aaral na ito.

https://ejournals.ph/article.php?id=6232
‘Paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo, nananatiling eksperimento’ – Almario

MALIIT pa rin ang pagtingin sa wikang pambansa sa batayang edukasiyon at makikita ito sa limitadong
paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo.

Ito ang obserbasyon ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, sa idinaos na
Kapihang Wika noong ika-26 ng Hulyo sa Pambansang Komisiyon sa Kultura at mga Sining sa Intramuros.

“[At] pagdating sa tertiary level ay puro eksperimento hanggang ngayon ang nakikita natin kung paanong
ipinapagamit ang wikang Filpino sa pagtuturo ng mga kurso at asignatura sa kolehiyo at unibersidad,”
wika ni Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Dagdag pa niya, ang mga edukador ang dapat na nakauunawa nito dahil bahagi ito ng “universal
principle of education.”

Ayon pa kay Almario, nagiging bantulot ang mga edukador sa pagsunod sa mandato ng Konstitusiyon na
gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo dahil hindi ito nalilinang.

“[Kaya] hindi tinutupad ang ating Konstitusiyon ay dahil din sa pangyayari na hindi rin natutupad ng mga
alagad ng wika ang kanilang tungkulin na tunay na i-cultivate, tunay na i-modernize at tunay na i-
intellectualize ang ating wikang pambansa,” paliwanag niya.

Nabanggit din ni Almario na handa ang KWF na tumulong sa Department of Education sa pagsusuri ng
kurikulum ng K to 12 upang mabigyan ng lugar ang saliksik.

Kakulangan, kahinaan ng saliksik

Napakahina ng puwesto ng saliksik sa kasalukuyang ginagamit na batayang kurikulum sa Filipinas bunga


ng pagsalig sa mga “nakabihasnang takbo ng utak,” ayon din kay Almario.
“‘Yong inquiry, ‘yong investigation, ‘yan ang mga values na kailangan para magkaroon ng culture of
research. E hindi ‘yan nadi-develop sa ating paraan ng pagtuturo at sa ating kurikulum,” wika niya.

Dagdag pa niya, sa halip na gawing batayan ang mga nakaugalian, mas mainam na gamitin sa pang-araw-
araw ang kakayahan sa “mahusay na pananaliksik.”

Sa katunayan, ito rin ang batayan ng pagkakaroon ng isang “modernisadong karunungan.”

“Kailangang magsaliksik tayo para ang ating mga industriya ay mapaunlad. [W]ala tayong saliksik upang
mapaunlad ang ating industriya at ating mga produkto. Wala tayong saliksik sa mga imbensiyong
siyentipiko kaya wala tayong imbensiyon,” paliwanag niya.

Iginiit ni Almario na hindi lang dapat itinutuon sa laboratoryo o sa reseach paper ang kakayahan sa
pananaliksik.

https://varsitarian.net/news/20180801/paggamit-ng-wikang-filipino-sa-pagtuturo-nananatiling-
eksperimento-ani-virgilio-almario

Kasaysayan ng Wika, Wika sa Kasaysayan

Bago pa man napasailalim ang Pilipinas sa Imperyal Espanya meron nang natatanging mga kultura at mga
wika ang bansa. Este, wala pa pala ‘Pilipinas’ noon. Pero madalas ang interaksyon ng mga tao di lang sa
kapwa Filipino kundi pati sa mga banyaga. Madalas silang nagkakalakal pero minsan nakikipagdigma din
sila. Meron ding mga epiko, alamat, kaalamang bayan, paniniwalang espiritwal. Meron ding sistema ng
pagsusulat, ang Alibata. Nakasulat ito sa mga dahon, kawayan, o bato. Ayon sa mga historians kung
medyo natagalan lang ang mga Kastila sa pagdating, maaring nakabuo ang mga ninuno natin ng sariling
nasyon at wika.

Noong nasakop na ang mga ninuno natin, malaki ang kampanya na ginawa ng mga Kastila para burahin
ang sinangunang kultura. Pinagsusunog nila ang karamihan sa mga ‘documents’ sa Alibata. Notable na
instrument siempre ang relihiyon. Isa sa mga polisiya ng mga Kastila para mapanatiling watak-watak ang
mga Filipino ay ang hindi pagturo ng wikang Espanyol. Sa halip, sila ang nag-aral ng mga wika sa
kapuluan. Natakot sila na dahil sa isang common na wika, maaring magorganisa ang mga Indio laban sa
kanila.

Pero siempre meron ding natuto ng Espanyol sa pagitan ng pag-aaral. Ang sistema ng edukasyon noon ay
kontrolado ng mga prayle at eksklusibo lang sa mga mayayaman. Noong patapos na ang 19th na
daantaon ay may mga pagbabago sa polisya ng Espanya. Nangibabaw ang liberalism at nagkaroon ng
pagkakataon ang mga mayayamang Pilipino na mag-aral sa Europa. Doon ay na expose sila sa mga
modernong ideya lalo na kina Locke at Rousseau.

Kabilang sa mga ilustrado sina Rizal, Lopez-Jaena, Del Pilar, atbp. Tinatag nila ang Kilusang Propaganda na
ang layunin ay gawing probinsya ng Espanya ang Pilipinas. Kapag nangyari na ito, magiging mamayang
Kastila ang mga Filipino at kasama na dito ang mga karapatan at representasyon sa Cortez. Binuo nila ang
La Solaridaridad, ang peryodiko na naglalaman ng mga artikulong tumatalakay sa reporma sa Pilipinas.
Espanyol ang wikang ginamit nila. Hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda sa maraming dahilan
kabilang na ang kakulangan ng kasangkapan at pagaaway-away ng mga ilustrado.

Dahil walang nangyari sa mapayapang reporma, inorganisa ni Bonifacio ang Katipunan na ang layunin ay
ang ganap na kasarinlan sa pamamagitan ng armadong paraan. Malaki ang papel na ginapanan ng wika,
particular ang Tagalog, sa rebolusyon. Merong revolutionary organ ang Katipunan, ang Kalayaan. Meron
itong mga artikulo ni Emilio Jacinto at iba pa. Pinakita ng Kalayaan ang plano ng Katipunan. Kinalat ito sa
iba’t ibang kalapit na probinsya at nakatulong ito sa paglaki ng pwersa ng Katipunan mula 300 naging
3000 (Agoncillo, 1977). Pinakita lang nito na nagkakaintindihan ang mga tao sa sariling wika at pwede ito
gamitin para isulong ang interes ng mga tao. Yun nga lang, isang copya lang ng Kalayaan ang na imprenta
at nakalat. Nalaman agad ng mga Kastila ito at nagpasya ang Katipunan na tigilin na ang proyekto.

Naging matagumpay ang rebolusyon pero saka naman dumating ang mga Amerikano. Ang mga bagong
layang mga Filipino ay may bago namang kaaway. Binenta pala ng mga Kastila ang Pilipinas sa US sa
pagitan ng Treaty of Paris. Bakbakan ulit. Natalo ang mga Filipino dahil mas armado at may angkop na
pagsasanay ang pwersa ng Kano. Para tuluyang na sakop ang mga Filipino, gumamit ang mga Kano ng
psychological tactic na pagbigay ng bagay na ipinagkait sa mga Filipino, edukasyon. Nagtatag ng secular
public system of education ang mga Kano. Pero ang ginamit sa mga paaralan na ito ay Ingles bilang
medium of instruction. Tumaas nga ang literacy ng mga Filipino, pero tuluyan din silang na pacify.
Ang mga Kano ay nagpatupad ng mga hakbang para sugpuin ang mkabayang dyornalismo at panitikan.
Ayon sa Sedition Law ng 1902, sino man ang magsabi o magsulat ng mga bagay laban sa US at Insular
Government ay pwedeng ikulong sa mahabang panahon at pagbabayarin ng malaking multa. Marami
ang nakulong na mga manunulat sa dyaryo, mandudula, atbp. Dito na nagsimula ang proseso ng
‘miseducation’. Dahil nga Ingles ang medium og instruction, kailangan ng mga Ingles din na mga
kasangkapan. Ang mga Filipino ay natuto tungkol kina Lincoln at Washington kesa kina Rizal at Bonifacio.
Dahan-dahan naging mataas ang pagtingin nila sa kulturang Amerikano.

“They had to be disoriented form their nationalist goals because they had to become good colonials. The
ideal colonial was the carbon copy of his conqueror, the conformist follower of the new dispensation. He
had to forget his past and unlearn the nationalist virtues in order to live peacefully, if not comfortably,
under the colonial order. The new Filipino generation learned of the lives of American heroes, sang
American songs, and dreamt of snow and Santa Claus.” (Constantino, 1966) Yung mga promising na
estudyante, pinadala pa sa US para mag-aral o para tuluyang ma-immerse sa kulturang Amerikano.

Tinatag noong 1935 ang Commonwealth of the Philippines na si Manuel L. Quezon ang pangulo at Sergio
Osmena bilang bise. Ang Pilipinas ay magkakaruon ng transition period ng sampung taon bago ganap na
maging malayang bansa. Ayon sa mga delegado ng 1935 Constitutional Convention kailangan ng wikang
pambansa na sariling atin. Dagdag pa ni Quezon, magiging instrument ito para mapagkaisa ang mga
Filipino. November 13 1936 nang tinatag ang Institute of National Language. Ang pinakalayunin nito ay
manaliksik at tukuyin ang pinakaangkop na wika sa bansa na pwedeng gawing basehan ng wikang
pambansa.

Ang napili ay Tagalog. Marami ang nagsasabi na Tagalog ang napili dahil Tagalog si Quezon. Isa sa mga
prominenteng kritiko ay si Osmena, isang Bisaya. Bakit Tagalog e magkasing dami naman ang nagsasalita
ng Bisaya at Tagalog (at ibang major dialects tulad ng Hiligaynon at Ilocano). Ang sagot ay nasa tanong na
mismo. Kahit anong dialect pa ang mapili, kokontrahin pa rin ito. Isa pa ang Tagalog ay isang basehan
lamang. Iba ang Tagalog sa Filipino. Ang Filipino ay naghihiram ng mga salita mula sa ibang dialect para
lalo itong mapayaman.

Magandang halimbawa ang mga salitang ‘bana’(husband), ‘kawatan’(thief), ‘palawig’ (extend). Ito ay
mga salitang Hiligaynon pero dahil na rin sa convenience, ginamit na ito sa Filipino. Isa pa, ang mga
dialect sa bansa ay galing lang sa isang pangkat ng mga wika. Ibig sabihinm magkakahawig lang ang mga
ito at medaling pag-aralan. Meron ding mga salita na pareho ang kahulugan sa iba’t ibang dialect.
Halimbawa ang ‘mata’. Kahit saan ka sa Pilipinas, ang ‘mata’ ay ‘mata’.
Balik sa kasaysayan. Hindi natapos ang ten-year transition period ng Commonwealth dahil sa World War
Two. Ang mga Hapon ay may sariling agenda. Nagtatag sila ng sistema ng edukasyon para burahin ang
impluwensya ng mga Amerikano sa mga Filipino. Ginamit ang Filipino bilang medium of instruction, pero
at the same time, ang Niponggo. Ang layunin ng mga Hapon ay diumano ipakita na lahat ng mga Asyano
ay magkakapatid at mga salot ang mga Kano. Promising di ba? Pero tulad ng US, may imperial interests
din ang mga Hapon. May hawig sa taktika ng mga Kano. Pero hindi ito naging matagumpay kasi siempre
digmaan, halos wala na nga makain ang mga tao, mag-aaral pa sila. Yung malala pa, pagkatapos ng
digmaan, ang tingin ng mga Filipino sa mga Kano ay mga tagapagligtas. Lalo pang tumibay ang
attachment ng mga Filipino sa mga Kano at sa kanilang kultura.

Pagkatapos ng digmaan, naging malaya na ang bansa. Paherong mabuti at masama ang pagtuto ng mga
Filipino ng banyagang wika (Agoncillo, 1977). Nakapaginterak ang mga Filipino sa buong mundo, perong
naging mababa ang tingin nila sa sariling kultura. Ang polisiya ay hindi nagbago, Ingles pa rin ang
medium of instruction, at official language sa business, governmental, at legal proceedings.

“A foreign tongue as a medium of instruction constitutes an impediment to learning and to thinking


because a student first has to master new sounds, new inflections, and new sentence constructions. His
innermost thoughts find difficulty of expression, and lack of expression in turn prevents the further
development of thought. Thus we find in our society a deplorable lack of serious thinking among great
sections of the population. We half understand books and periodicals written in English. We find it an
ordeal to communicate with each other through a foreign medium, and yet we have so neglected our
native language that we find ourselves at a loss expressing ourselves in this language.” (Constantino,
1966)

Noon, konti lang ang may access sa impormasyon sa pagitan man ng media o edukasyon.pero ngayon,
kahit sino na ang makakabili ng dyaryo o radio o TV o Internet pa nga. Nakatulong din ang mass media
para lumago ang Filipino, pero mas malaki ang epekto ng ipinasok ng mass media sa bansa, mga kanta,
pelikula, palabas, libro. Hindi na limitado sa US o Western na kultura, pati na Hapon at Koreano na media
(at kultura) ay tinatangkilik na rin.

Malinaw na sa bawat importanteng nangyayari sa bansa, parating may bagay na may kinalaman ang
wika. Hindi ito nakakagulat, sabi nga ni Jacob Burckhart, ang wika ang kaluluwa ng isang nasyon. Kung
gusto talaga natin baguhin ang sitwasyon ng bansa, hindi sapat ang pagsisi ng lahat ng problema sa mga
kurap na pulitiko. Kailangan matuto sa kasaysayan. Ang wikang pambansa ay binuo hindi para mag away-
away tayo o para maging mababa ang tingin natin sa atin sarili. Ang wikang pambansa ay para magkaisa
tayo at magkaroon tayo ng pagkatao lalo na ngayon sa panahon ng globalisasyon
https://www.google.com/amp/s/jacoblaneria.wordpress.com/2011/08/17/kasaysayan-ng-wika-wika-sa-
kasaysayan/amp/

Paggamit ng Filipino sa pagtuturo, giit

Ni ABIGAIL DAÑO

Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, nagdaos ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
ng tatlong araw na plenaryong sesyon, ang “Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang
Filipino (Pagbabalik, Pagbabantayog sa Filipino)” sa National Museum sa Maynila noong nakaraang
linggo.

Ilan sa mga paksang tinalakay sa nasabing sesyon ay ang mga “Kultura at Kaligiran”, “Iba’t ibang dulog sa
pagbasa sa panitikang rehiyonal”, “Pagbabaybay at Bansa”, “Retorika ng Tradisyong Pampanitikan”, “Mga
usapin sa pananaliksik at pagtuturo ng wika”, “Pagpopook sa mga Metodo sa Araling Filipino”,
“Tradisyong Español sa Panitikan ng Filipinas”, at iba pa.

Ilan sa mga naging tagapagsalita sa tatlong-araw na sesyon ang reporter na si Alfonso Tomas “Atom”
Araullo, Guillermo Ramos, Jr. ng Culinary Historians of the Philippines, Mary Jane B. Rodriguez-Tatel ng
University of the Philippines-Diliman, at Xiao Chua ng De La Salle University.

Sa pagtatapos ng tatlong-araw ng sesyon, iginiit ng direktor heneral ng KWF na si Roberto T. Añonuevo


ang paggamit ng Filipino bilang opisyal na lengguwahe sa pagtuturo sa paaralan, alinsunod sa
Kapasiyahan Blg. 2017-1.

“Hikayatin ang mga ahensiya ng pamahalaan gaya ng, ngunit hindi limitado sa, Kagawaran ng Edukasyon,
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon, at iba pang pribadong institusyon sa gobyerno, na palakasin
pa ang paggamit ng Filipino bilang wika ng edukasyon,” ani Añonuevo.

Nagkaroon din ng malayang talakayan ang mga dumalo tungkol sa iba’t ibang aspeto ng wikang Filipino.
“Lagi kong sinasabi sa mga bata na talagang Filipino ang gamitin, ‘wag kalimutan ang Tagalog. Hindi
masamang mag-aral ng ibang wika pero ‘yung grammar natin sa Tagalog, kasi minsan nasasabi ko, tayo
‘yung Pilipino na parang ‘di Pilipino, kasi hindi kayo marunong magsalita ng tamang grammar ng Filipino,”
sabi ni Rizalina Aquino, guro sa Filipino at Kasaysayan sa Northern Rizal Yorklin School.

Dumalo rin sa sesyon ang iba’t ibang organisasyon na nagsusulong sa wikang Filipino, tulad ng Sentro ng
Wikang Filipino, Philippine Studies Association, mga guro sa Filipino mula sa iba’t ibang pampubliko at
pribadong paaralan, at mga komisyuner ng KWF.

http://balita.net.ph/2017/08/07/paggamit-ng-filipino-sa-pagtuturo-giit/

ANG KAHALAGAHAN NG PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO SA MGA BATA

August 14, 2018

By:

Desiree Reyno

Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Pero ano nga ba ang kahalagahan
ng wika? Basahin ang repleksyon ni Gng. Desiree Reyno, Filipino Subject Area Coordinator ng Ateneo
Grade School.

Sa mahabang panahon na ako ay nagtuturo ng asignaturang Filipino, makailang beses na ring


naitatanong sa akin ang tungkol sa pagtuturo nito. Ang kadalasang tanong ay, “Mahirap ba itong ituro?”
o “Paano ba ito itinuturo?” Ngunit ang mas mapanghamong tanong ay, “Bakit kailangang ituro ang
Filipino?”

Sa ganang akin, ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang
balarila o gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto
at makabuluhang pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO bilang
asignatura ay pagpapalalim ng ating wika at kultura.
Si Gng. Desiree Reyno ay Subject Area Coordinator ng Ateneo Grade School.

Si Gng. Desiree Reyno ay Subject Area Coordinator ng Ateneo Grade School.

Ang susunod na katanungan, marahil, sa pahayag na ito ay “Bakit? at Paano?”

Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung bakit nila
pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino
na kanilang pinag-aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa
pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita
na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga
nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong naririnig tungkol sa
ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na
pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing ningas
ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na nauunawan ng
mga batang Pilipino ang kanilang kultura gamit ang wikang Filipino?

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino. Kaya
naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa
kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral
ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging
makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba.

Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Mas mabuting
ipalarawan sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang
naglalarawan. Sa ganitong paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang natutuhan upang sa
kanyang paglabas sa paaralan ay magamit niya nang wasto at makabuluhan. Ganoon din, isang araw,
kapag kinailangan niyang ilarawan ang kanyang sarili sa oras ng panayam o anumang gawaing may
kinalaman sa pagpapakilala, kakayanin niyang gawin ito dahil hindi naman itatanong sa kanya kung ano
ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya ang kanyang sarili.

Ayon kay Gng.Reyno, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan
upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."

Ayon kay Gng.Reyno, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan
upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."
Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May kakayahan siyang makipag-
ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa. Minsan isang tanghalian, habang ako ay teacher prefect sa aking
mga mag-aaral, naitanong sa akin ng isa kong estudyante kung bakit pa raw niya pag-aaralan ang Filipino
kung magiging CEO naman siya ng kanilang kumpanya balang-araw. Sinagot ko muna siya ng isang
tanong bago ko sagutin ang totoo niyang tinatanong. “Gusto mo bang maging isang mahusay at
mabuting CEO sa iyong mga manggagawa?” Sa simpleng tanong kong ito, nakita ko ang pagkunot ng noo
at pagsalubong ng kanyang mga kilay. At habang ipinaliliwanag ko ang kahalagahan ng paggamit ng
wikang Filipino upang makipag-ugnayan mula sa simpleng manggagawa hanggang sa mga aral at
dalubhasang kasamahan sa kumpanya, nakita ko rin ang unti-unting pagliwanag ng kanyang mukha.
Napalitan ng ngiti at matamis na “Salamat Ma’am” ang natanggap ko mula sa kanya.

Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon
tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako kung bakit mahalaga
ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang
magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan,
at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at
kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito.

http://ateneo.edu/grade-school/news/features/ang-kahalagahan-ng-pagtuturo-ng-wikang-filipino-sa-
mga-bata

Kahalagahan ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon

jasminebanaga

Nakikita mo ba ang sarili mo 20 taon sa hinaharap? Ano na kayang wika ang iyong ginagamit noon?
Tagalog, Ingles, o isa sa mga katutubong wika? Minsan hindi ko maiwasang isipin, kung maipapamana pa
ba natin ang ating wika sa mga susunod pa na henerasyon. Bilang isang kabataan ay masasabi kong isa
ako sa mga madaling maimpluwensyahan ng kultura ng ibang bansa. Pilit kong pinagsisikapan matutuhan
ang lengwahe ng mga Koreano. At ayon sa “Ethnologue”, Mayroong 187 na wika sa ating bansa. 183 ang
ginagamit pa rin hanggang ngayon at 4 naman ay hindi na nagagamit. Sinasabing ang 175 ay katutubo at
8 naman ang di katutubo. At sa 187 na wika na iyon ay 2 lamang ang kaya kong salitain.
Nakabasa ako ng isang artikulo ni Kakoi Abeleda na Ang Wikang Filipino sa Kasalukuyan: Tungkulin at
Suliranin. Sinasabi sa artikulo na panukala ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa paggamit ng
wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo na ipatutupad sa mga paaralang pampubliko at pribado
upang bumilis ang pag-unlad at pag-taas ng literacy rate at mas mapapadali raw ang komunikasyon sa
mga dayuhan. At ayon sa UNESCO, 95% ang ating Literacy rate noong 2015. Ngunit kung iisipin mo,
tumaas man ang literacy rate natin at mas maraming makakapagtrabaho at dedepende tayo sa ibang
bansa, Hahayaan nalang ba natin ang ating mga kapwa Pilipino na manilbihan sa mga dayuhan? Paano
kung isang araw, dumating na lang ang panahon na hindi na nila kayang bigkasin ang ating sariling wika?
Dagdag pa sa nasabi sa artikulo, anong mukha nalang raw ang ihaharap ng Pilipinas sa mundo, gayong
tila wala itong iisang mukha?

Para sa akin, masasabi kong mahalaga ang ating wika sapagkat tayo’y mga Pilipino at Filipino ang ating
sariling wika. Isa rin ito sa mga dahilan ng pagkakakilanlan natin sa mga dayuhan at sumasalamin din ito
sa ating pagiging Pilipino. Dagdag pa nito, napagbubuklod-buklod nito ang mga mamamayan ng ating
bansa at mas napapadali ang komunikasyon sa ating kapwa.

https://www.google.com/amp/s/jasminebanaga.wordpress.com/2016/07/24/kahalagahan-ng-wikang-
filipino-sa-kasalukuyang-panahon/amp/

You might also like