You are on page 1of 4

TEKSTONG IMPORMATIB

Ang textong informativ (explanation) ay nagpapaliwanag ng mahalagang impormasyon o


Kaalaman nang malinaw at walang pagkiling. Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga
tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao.

Napag-aralan mo na ang tekstong informativ. Basahin mo ang ilang mahahalagang konseptong


dapat mong tandaan sa aralin.

1. Ang tekstong informativ ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon, at


mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.

2. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa,
dapat na makita ito sa kasunod na talata.

3. Sa pagbasa ng tekstong informativ, magkaroon ng fokus sa mga impormasyong


ipinahahayag. Isulat ito kung kinakailangan.

4. Sa pagsulat ng tekstong informativ, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing
mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.

5. Ito ay isang lathala na nagbibigay ng mahalagang impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar,
petsa o pangyayari. Sumasagot sa tanong Ano, Sino, Kailan, Saan, at Bakit.

6. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong Alison o linawin ang mga agam-agam Na bumabalot sa
isipan ng bumabasa hinggil sa paksang tinatalakay.

HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIB:


Halimbawa:
( Ang mga Produkto ng Pilipinas)
Mapalad ang bansang Pilipinas sapagka’t
pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayama’t masaganang
lupain.
Isang bansang agrikultural ang Pilipinas.
Nangangahulugang walumpung bahagdan ng mga Pilipino
ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas ang
pangunahing pagkain ng mga tao subali’t mayroon ding
mais na ipinanghalili bilang kanilang pangunahing pagkain.
Gitnang Bisaya,Mindanao at Lambak ng Cagayan ang
pangunahing tagaprodyus ng mais. Itinuturing namang
Kaban ng Bigas ng Pilipinas ang Gitnang Kapatagan
sapagka’t dito nagmumula ang pinakamarami’t
pinakamalaking ani ng bigas sa buong bansa.
Maliban sa bigas at mais,marami ring tanim na
puno ng niyog sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit
nangunguna ang Pilipinas sa pagluluwas ng kopra at
langis.Kabilang din sa mga iniluluwas ang produktong
abaka,tabajo,asukal at iba’t ibang prutas gaya ng
pinya,mangga,saging,at marami pang iba.
Hindi ba’t dapat ipagpasalamat ang mga biyayang
ito na handog ng Diyos?
Tanong:
1.Anong uri ang tekstong binasa?Patunayan sa
pamamagitan ng halimbawang pangungusap.
2.Paano sinimulan,winakasan at inilahad ang mga
impormasyon sa teksto?

Mga Layunin ng Tekstong Impormatib:

 Ito ay nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman ay nagbibigay


liwanag sa mga paksang inilalahad upang mapawi nang lubos ang pag-aalinlangan.
 Ito ay nagbibigay kaalaman o nagbabahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa
paksang tinalakay.
 Paglalahad ng mga impormasyon o datos na nakatutulong sa paglilinaw ng mga konsepto
upang mapawai ang pag-aagam-agam tungkol sa isang baga

 Nagbibigay-impormasyon at tiyak na detalye para sa kabatiran ng mga mambabasa.


 Ito ay nagtataglay ng mahahalaga at tiyak ng impormasyon tungkol sa mga
tao,bagay,lugar,at pangyayari.Kalimitan itong tumutugon sa mga tanong na Ano,Sino, at
Paano.

Nag textong Informativ ay may apat na bahagi:


1. Pamagat
2. Panimula (Panimulang Pangungusap)
3.Katawan (Kabuuang nilalaman ng teksto)
4. Pangwakas

TONO-tumutukoy sa naghaharing damdamin tulad ng: masaya, nagagalit, natutuwa … at


nanghihinayang.

KILOS-mabagal o mabilis.

Formalidad ng Wika-antas ng paggamit.


1. Formal-ginagamit sa formal na usapan.
2. Di-formal-mga salitang pinangangalanan.
3. Salitang-Lansangan-nahango sa pagbabago ng panahon.
Ang Lalawigan ng Iloilo
Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ito
ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz
sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo
ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog.
Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga
Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipinambayad
ng mga datu.
Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga
Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na
Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng
pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong
Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo.
Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa
bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging,
mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na halaman.
Ang pangisngisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga
bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawihan.
Kilala naman ang abayan ng La Paz dahil sa masarap na batsoy.
Tanong:
1.Anu-anong impormasyon ang laman ng tekstong iyong
binasa?
2.Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
3.Anu-ano ang mga paniniwala ukol sa Lalawigan ng
Iloilo?
4.Ano ang ipinambabayad ng mga datu?
5.Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
6.Ibigay ang mga produktong nagmumula sa Iloilo?
7.Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tagailoilo?

You might also like