You are on page 1of 1

ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitaang tunog na pinili atisinaayos sa paraang

arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang o kasapi sa isang kultura o lipunan

barayti ng wika

dayalek – ito ang barayti ng wikang ginagamit ng particular na pangkat ng mga tao mula sa isang
particular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.

Idyolek – isang tiyak na wikang ginagamit ng isang tao, pansariling wkang nakabatay sa kanyang
pagkatao.

Sosyolek- nabubuo ito dala ng isang malayang talakayang panlipunan mula sa tiyak na pangkay ng tao.

Ekolek- wikang ginagamit sa loob ng tahanan ng isang pamilya

Etnolek – nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga etnolinggwistikong pangkat ngtao

Register- ay baryasyon batay o ayon sa ginagamit. Tinatawag din itong paraan ng pananalita o estilo.

Pidgin – sinasabing walang pormal na anyo ang istruktura. Nagkakaroon ng pagpapalitan ng gamit sa
wikang sinasalita at wikang nahahalo sa isang lipunan

Creole – nagmula sa pidgin ang pagkabuo nito. At nagkakaroon ng tiyak na istruktura ang wika

Antas ng wika
1. PORMAL - salitang pormal na pagtuturo at ng mga nakapag aral ng wika.
A. PAMBANSA - salitang ginagamit sa pagsulat ng aklat at ginagamit din ng pamahalaan.
B. PAMPANITIKAN - ginagamit sa mga akdang pampanitikan.
2. IMPORMAL - ginagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga kakilala at kaibigan.
A. LALAWIGANIN - ginagamit sa tiyak na pook o lalawigan.

B. KOLOKYAL - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. kadalasan napaiikli
angmga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.

C. BALBAL - salitang ginagamit sa lansangan. Tumutukoy rin sa mga salita ng mga bakla na
nagkakaroon ng sariling codes. Ito ay napapabilang sa mababang antas ng wika.

You might also like