You are on page 1of 8

c 


?

¡    
 
 
Nang magsimulang rumipeke ang kampana para sa misa sa
hatinggabi, at sa mga nais pa ang mahimbing na pagtulog kaysa mga
kapistahan at seremonyas na nagigising sa nakakayamot na ingay at
galawan, Maingat na pumanaog si Basilio at lumigid nang makalawa o
makaitlo sa ilang lansangan, at nang makumbinse ang sarili na walang
sumusunod at nagmamatyag1 ay nagpunta sa mga daan na di
pinagdaraanan ng maraming tao at tinungo ang matandang kagubatan
na dating pag-aari ng mga Ibarra, na nabili ni Kapitan Tiyago, na
kinumpika at ipinagbili ng pamahalaan.2


                 
      
    
       
 .3 Ang
pagrerepike ay huminto at ang isa-isang tugtog na lamang ang nadidinig
sa katahimikan ng gabi, sa gitna ng lagaslas ng mga dahong
pinagagalaw ng simoy at mga dagundong ng alon ng kalapit na lawa, na
wari·y hilik ng kalikasan nakalulong sa isang mahimbing na pagtulog.

???????????????????????????????????????? ????????
MGA PALIWANAG
Ang kahalagahan ni Basilio bilang tauhan ni Rizal sa dalawang nobela ay
makikita sa pagbibigay ng may-akda ng tig-iisang Kabanata sa ‘  at .

1 Tandaan na ito ay 



2 Halos ito rin ang kinasapitan ng lupang pag-aari ni Rizal sa Dapitan,
pagkatapos siyang dakpin ng pamahalaang Espanya dahilan sa bintang na
rebelyon.

3 Sa pagkukumpara sa tagpuan ng  


 sa dalawang nobela ay
mapapansin na ginamit ni Rizal ang pagkakaroon ng maliwanag na buwan na
tinataya sa pag-aaral ng nagsasaliksik na sa taong 1882. Ang sikat ng buwan
sa 
ng 1882 ay maliwanag na katulad ng paglalarawan sa NMT
(sangguniin ang wbsite na
http://www.timeanddate.com/calendar/?year=1882&country=1). Samantalang
ang kadiliman ng buwan sa 
 sa  ay madilim na sinasabi ni Rizal
na 13 taon ang agwat ay umamayon sa mukha/phase ng buwan para sa 


ng 1895. (Sanguniin ang website na
http://www.timeanddate.com/calendar/?year=1895&country=1).

Isang tanong:
Kalkulado kaya ni Rizal (at itinaon ni Bonifacio) ang rebolusyon sa taong 1896?
c  
?
Ang binata ay nakatungo na lumalakad na waring ibig
makaaninag sa gitna ng kadiliman, may guniguni siyang taglay dahil sa
pook at mga sandaling iyon. Paminsan-minsan ay itinataas ang ulo
upang tanawin ang mga bituin sa pagitan ng mga dahong matataas ng
kahuyan, at pagkatapos ay itinutuloy ang paglakad na hinahawi ang
mga sanga at siit na nagpapabagal sa kanya; kung minsan ay bumabalik
sa pinanggalingan, ang kanyang mga paa·y nasasalabid sa isang punong
maliit, masasagasa sa isang ugat na nakalabas sa lupa o sa isang
sangang bakli. Nang makalipas ang kalahating oras ay nakarating sa
isang batis na sa kabilang pampang ay may isang bunduk-bundukan,
na sa gitna ng kadiliman ay nag-aanyong malaking bundok. Tinawid ni
Basilio ang sapa sa tulong ng pagpapalundag-lundag sa mga bato na
natatangi sa kaitiman sa ibabaw ng kinang ng tubig, umakyat sa
bunduk-bundukan at tinungo ang isang munting pook na nakukulong
ng matanda·t sira-sirang muog. Tinungo ang puno ng baliting malaki,
mahiwaga, matanda (na binubuo halos ng mga ugat na pataas at
paibaba, na waring mga sangang nangagkasala-salabid) na nakatayo sa
kalagitnaan. 4

Huminto sa tabi ng isang bunton ng bato, nag-alis ng sumbrero


at waring nanalangin. Iyon ang libingan ng kanyang ina, at ang unang
dinadalaw niya ay ang libingang iyong walang nakababatid, walang
nakamamalay. Sa dahilang dadalaw sa mag-aanak ni Kabesang Tales sa
kinabukasan ay sinamantala niya ang gabing iyon upang gumanap sa
gayong katungkulan.

Naupo sa isang bato at waring nag-iisip. Sumipot sa kanyang


pagbubulay-bulay ang mga panahong nakaraan na waring isang maitim
at mahabang badha na mapula-pula sa simula, matapos ay
nakapangingilabot, may bahid na dugo, at sa huli·y maitim, naging
abuhing malinaw at unti-unting lumiliwanag.5 j    
 
 
      
  
     

     
  «6

???????????????????????????????????????? ????????
4 Ito rin ang lakad ni Basilio sa Noche Buena ng NMT.

5 Ang buhay at kasaysayann ng tao ay tulad ng isang ý  ý 


Sa bahaging ito
ay dalawa ang layer na isinusulat ni Rizal ² ang buhay ni Basilio at ang
kasaysayan ng bayan.

6 Ipinararating ni Rizal ang kasalukuyan ng bayan gamit ang pagninilay ni


Basilio sa kaniyang buhay. Ang hinaharap ay may lambong pa ng ulap ngunit
nabanaagan na ng darating na bukang-liwayway. Halos ramdam na ni Rizal sa
bahaging ito ang pagdating ng kalayaan ng Pilipinas.
c  
?
May
 
              doon ang
kanyang ina, sa gitna ng karalitaan,            
  
     ¡       
  
.7 Sugatan at pipilay-pilay siyang nakarating doon sa
pagsunod sa kanyang ina, at ito naman ay baliw at lipos katakutang
lumalayo na wari·y anino sa kanyang anak. Doon namatay, dumating
ang isang taong hindi niya kilala at ipinag-utos sa kanyang magbunton
ng kahoy, bigla siyang umalinsunod, at nang siya·y bumalik ay isa pang
hindi rin kilala ang natagpuan sa piling ng bangkay ng una. Anong araw
at gabi iyon! Tinulungan siya noong taong hindi kilala sa pagbubunton
ng kahoy na pinagsunugan sa bangkay ng lalaki, hinukay ang
pinagbaunan sa kanyang ina at matapos abutan siya ng kaunting
kuwalta ay ipinag-utos sa kanyang umalis sa pook na iyon. Noon
lamang niya nakita ang lalaking iyon; matangkad, mapupula ang mata,
mapuputla ang labi, matangos ang ilong«8

Ulilang lubos, walang magulang at kapatid ay iniwan niya ang


bayang iyon na may mga maykapangyarihang kinasisindakan niya, at
tumungo sa Maynila upang pumasok na alila sa isang mayaman at mag-
aral, na gaya nang ginagawa ng ilan. Ang kanyang paglalakbay ay isang
paglalagalag, puno ng pagpupuyat at pag-aagam-agam, na ang gutom ay
hindi inaalintana. Ang ipinangtatawid-kagutuman niya ay mga
bungangkahoy ng mga kagubatang kanyang pinagtataguan, kailanma·t
nakakatanaw ng suot guwardiya sibil, kasuotan na nakapagpapaalaala
ng pinagmulan ng kanyang mga kasawian. Nang nasa Maynila na siya,
gula-gulanit ang damit at may sakit pa ay dumulog sa mga bahay-bahay
at pumapasok na alila. Isang batang taga-lalawigan na hindi marunong
ng munti mang wikang Kastila at masasakitin pa! Walang pag-asa,
dayukdok at hapis na gumalagala sa mga lansangan na napupuna ng
mga tao dahil sa ayos na karumal-dumal ng kanyang damit! Makailang
tinangka ang pasagasa na sa mga kabayo, na nangagdaraang parang
kidlat, na hila ang mga sasakyang nagkikinangan sa pilak at barnis,

???????????????????????????????????????? ????????
7 Alam at inuulit ni Rizal ang kabilugan at liwanag ng buwan 13 taon na ang
nakakalipas. Balikan ang talababa blg. 3 ng kabanatang ito. Nakapagtataka rin
sa pag-aaral na ito na dami ng pagitan ng taon ay kaniyang pinili ang 13 taon.
Maging sa ‘

  ang kabatan na pinamatagang Premonisyon ng
Sigwa ay itinanapat niya sa Kabanata 13.

8 Ang bahaging ito ay paglilinaw sa hindi ipinakitang kaganapan sa Kabanata


63 ng ‘
  . Tandaan na dumating si Elias na nanghihina dahilan sa
tinamong mga sugat mula sa habulan sa lawa. Sa bahaging ito ay may
dumating na ikalawang lalaki na hindi sugatan at tumulong sa kaniya sa
paglilibing sa kaniyang ina at sa pagsunog sa bangkay ni Elias.
c  
?
upang matapos na ang kanyang mga paghihirap!9 Salamat at nakitang
nagdaan si Kapitan Tiyago na kasama si Tia Isabel; kilala niya ang mga
taong iyon mula sa San Diego at sa kanyang kagalakan ay inakalang
wari·y mga kababayan niyang mistula. Sinundan ang karwahe, nawala
sa kanyang paningin, ipinagtanong ang bahay, at sa dahilang noong
araw na iyon pumasok si Maria Clara sa kumbento at si Kapitan Tiyago
ay nalulungkot, ay natanggap siyang alila, na walang upa, nguni·t sa
isang dako naman ay may pahintulot siyang makapag-aral, kung kailan
niya ibig, sa San Juan de Letran.10

Nang may ilang buwan na siya sa Maynila ay pumasok sa  


sa Latin, kahi·t nanlilimahid, masama ang kasuotan at nakabakya.
Nang makita ng mga kasamahan ang ayos ay lumayo sa kanya at hindi
siya tinanong ng katedriko at kung makikita siya ay kumukunoy ang
noo. Ang mga tanging salita na nagamit sa walong buwang pasukan ay
ang pagbanggit ng pangalan sa pagbasa ng talaan at ang sagot na
 
(kaharap) na itinutugon sa araw-araw ng nag-aaral. Ang
kapaitang ito ang nilalagok niya sa tuwing paglabas sa klase, at nang
mahulaan ang kadahilanan ng pakikitungo sa kanya ay maraming luha
ang lumabas sa kanyang mga mata at gaanong hinanakit at daing ang
sumasabog sa kanyang puso! Gayon na lamang ang kanyang iyak at
paghihinagpis sa ng libingan ng kanyang ina na pinagsabihan ng mga
lihim niyang sakit, kahihiyan nang siya·y ipagsama ni Kapitan Tiyago sa
San Diego nang magpapasko! Isinasaulo niyang buung-buo ang leksyon
at hindi kinalimutankahit kuwit lamang,       
  !11 Nguni·t tumiwasay siya sa huli, nang makitang sa tatlo o
apat na raang kasama niya ay may apatnapu lamang ang natatanong,
sapagka·t napupuna sila ng paring nagtuturo dahil sa kisig o kaya·y sa
kalikutan, o kaya·y dahil sa paborito, o kaya·y dahil sa iba pang sanhi.
Sa isang dako naman ay nagagalak sa gayon ang marami sa nag-aaral
sapagka·t hindi na sila mag-iisip at magninilay.12

Pumapasok sa  


hindi upang may malaman o mag-aral,
kundi upang magtamo ng kurso, kung naaring maisaulo ang aklat, ano

???????????????????????????????????????? ????????
9 Isang anyo ng nakalipas na nararanasan ng mga tunay na mahihirap.
10 Sa paaralang ito kumuha ng pagsusulit si Rizal para sa kursong
sekondarya, subalit nagbago lamang ang isip ng ama at itinala siya sa Ateneo.

11 Isang kalagayan ng edukasyon na makikita pa rin sa mga paaralang


sekondaryo na may malaking bilang ng mga mag-aaral sa isang klase.

12 ‘  


ý 
.
c  
?
pa ang mahihingi?13 Naaaring tapusin din naman ang pinag-aaralan sa
santaong pagpasok.

Si Basilio ay nakapasa sa pagsusulit sa nag-iisang katanungang


para sa kanya, na sinagot niyang parang makina, walang hinto·t
kahinga-hinga at ang tinamo ay   , sa gitna ng tawanan ng mga
nagbibigay ng pagsusulit. Ang kanyang siyam na kasama (sampu-
sampu kung litisin upang matapos agad) ay hindi naging mapalad,
kaya·t nakatakdang uliting mulii ang santaong brutalisasyon.

Sa pangalawang taon, sa pagkapanalo ng manok na inaalagaan


ni Kapitan Tiyago ay binigyan siya ng pabuya, at ibinili niya agad ng
sapatos at sumbrerong piyeltro. Dahil sa kanyang binili at sa mga damit
na ibinigay sa kanya ng amo, na tinatabas niyang muli at isinusukat sa
sariling katawan, ay nagkaroon siya ng mabuting kaanyuan, nguni·t
hanggang doon na lamang naman. Sa isang malaking klase, na marami
ang pumapasok, ay lubhang mahirap na mapuna ng guro ang isang
bata, at ang nag-aaral na sa una pang taon ay hindi napatampok dahil
sa katangian o kaya·y hindi kinalugdan ng nagtuturo ay mahirap nang
mapuna sa buo niyang pag-aaral. Gayunman ay nagpatuloy din siya,
dahil sa ang pinakatampok niyang katangian ay ang pagkamatiyaga.

Waring nagbago nang kaunti ang kanyang kalagayan nang


pumasok sa pangatlong taon. Ang naging guro niya ay isang
Dominikong masaya, palabiro at mapagpatawa sa mga tinuturuan,
napakatamad, sapagka·t karaniwang ang pinapagsasalaysay ng
katuturan ng leksiyon ay ang kanyang mga paborito lamang; kung sa
bagay ay nasisiyahan na sa kahi·t ano. Nang panahong iyon ay
gumagamit na si Basilio ng sapatos at mga barong malinis at pinirinsa.
Sa dahilang napuna ng propesor na hindi siya matatawanin at
namatyagan sa kanyang mga matang malalaki ang tila pagtatanong, ay
ipinalagay siyang baliw at isang araw ay tinangkang gipitin siya sa
pagtatanong ng lisyon. Sinagot ni Basilio nang mula sa puno hanggang
dulo na walang kagatul-gatol sa isang mang ; tinawag siyang bubutok
ng guro, nagsalaysay ng isang bagay na ikinatawa ng buong klase, at
upang maglalo ang halakhakan at matibayan ang pagkakapangalan ay
tinanong pa siya ng ilang tanong na kasabay ang pagkindat sa mga
minamabuti, na ang ibig sabihin ay:

´Tingnan ninyo·t masasayahan tayo.µ

Noon ay marunong na ng wikang Kastila si Basilio at nakasagot


nang walang nakatawa. Ang bagay na iyon ay isinama ng loob ng lahat,
???????????????????????????????????????? ????????
13 Maaring ito ang kaisipan ni Rizal noong unang taon ng kaniyang pag-aaral
sa UST.
c  
?
ang inaantay na kamalian ay hindi sumipot, walang napatawa at ang
pangyayaring iyon ay hindi naipatawad sa kanya ng mabuting prayle,
sapagka·t sinira ang pag-asa ng buong klase at pinabulaanan ang hula.
Nguni·t sino ang nakahihinala na lalabas ang anumang bagay na may
kabuluhan sa isang ulong ang buhok ay walang ayos na nagtatapos sa
katawan ng isang Indiyo, na masama ang sapatos at kahahalo pa
lamang sa kanya sa mga ibong mapangunyapit? At kung sa ibang
paaralan, na may sadyang pagnanasang ang mga bata·y matuto, ay
nagagalak ang mga nagtuturo kung nakakatagpo ng gayon, sa mga
paaralan namang pinamamahalaan ng mga taong ang lalong marami·y
nananalig na ang matuto ay makasasama (kung di man sa lahat ay sa
mga nag-aaral) ang nangyari kay Basilio ay hindi minabuti, kaya·t hindi
na siya natanong sa buong taon. Sa ano pa·t tatanungin siyang muli
kung hindi rin makapagpapatawa sa kaninuman?

Masama ang loob at nagtangka nang iwan ang pag-aaral nang


malipat siya sa ikaapat na taon sa Latin. Ano pa·t mag-aaral, bakit hindi
magtulog na lamang, na gaya ng iba, at umasa na sa isang
pagpapasumala?

Ang isa sa mga guro ay lubhang kilala, naiibigan ng lahat;


kinikilalang marunong, dakilang makata at may mga pagkukurong
malaya. Isang araw na kasama ng mga   
sa paglilibot ay nakagalit
ng ilang   ý , na naging sanhi muna ng simulang pag-aaway at
pagkatapos ay paghahamunan. Ang propesor, na marahil ay naalaala
ang kanyang mabuting kabataan, ay nangayag at nangakong bibigyan ng
mabuting ý
ang sinumang makilahok sa pakikilaban sa linggong
darating. Naging masigla ang buong linggong iyon: nagkaroon ng pulu-
pulutong na paglalabang ginamitan ng sable at tungkod at sa isa·y
napatangi si Basilio.14

Dinala siyang galak na galak ng mga nag-aaral at iniharap sa


propesor; mula noon ay nakilala siya at kinagiliwan. Dahil sa
pangyayaring ito at dahil din naman sa kanyang pagsusumigasig sa pag-
aaral ay nagtamo siya ng mga    ý
at   
pa nang taong
iyon. Sa nakitang ito, si Kapitan Tiyago, na mula nang mag-mongha ang
anak ay may pagkamuhi na sa mga prayle, sa isang sandaling masaya,

???????????????????????????????????????? ????????
14 Ang bahaging ito ay binunot mismo ni Rizal sa kaniyang kapanahunan ng
pag-aaral sa UST. Si Rizal ay naging lider estudyante at nagkaroong ng
pakikipagtunggali sa mga kamag-aral na Espanyol, sa isang sagupaan na ito, si
Rizal ay nasugatan.
c  
?
ay inudyukan siyang lumipat sa Ateneo Municipal,15 na noon ay lubhang
nababantog.

Isang bagong mundo ang nahayag sa kanyang mga mata, isang


paraan ng pagtuturo na hindi man niya naiisipna makikita sa paaralang
iyon. Liban sa ilang bagay na walang malaking kabuluhan at ilang
bagay na walang kapararakan ay hinangaan ang patakarang sinusunod
doon sa pagtuturo at lubos ang kanyang pagkilala ng utang na loob sa
pagsusumakit ng mga guro. Napapaluha siya kung minsan at naaalaala
ang apat na taong nakaraan na dahil sa kakulangan sa magugugol ay
hindi siya nakapasok doon. Kinailangan niyang gamitin ang lahat ng
pagsusumikap upang mapantayan ang nangagkaroon ng mabuting
pasimula at nasabi niya sa sarili na nang taon lamang iyon napag-aralan
niya ang limang taon ng   
   . Dinaan ang  ý
sa
gitna ng kagalakan ng kanyang mga propesor at sa pagsusulit ay
ipinagmalaki siya sa harap ng mga hahatol na Dominiko na pinaparoon
upang magmatyag. Upang mapawi nang bahagya ang kagalakan ay
tinanong ang nilitis kung saan nag-aral ng mga unang taon sa Latin.16

´Sa San Juan de Letran, padre,µ ang sagot ni Basilio.

´Ah! Sa Latin ay mabuti,µ ang nakangiting sabi ng Dominiko.17

???????????????????????????????????????? ????????
15 Ang paglipat ay dahilan sa pagkamuhi sa mga prayle. Ito kaya ay isa sa
lihim na paghahayag ni Rizal kung bakit nagbago ng isip ang kaniyang ama at
sa Ateneo siya ipinasok.

16 Ang laderisasyon ng pag-aaral sa panahon ng mga Espanyol ay hindi


katulad ng sa ating nakagisnan. Ang unang kurso ay    na binubuo ng 3
taong pag-aaral na ang mga pumapasok na mag-aaral ay 7 taon pataas sa
unang baitang. Pagkatapos ng    ay mag-aaral sila ng kursong
   na kalimitan ay nasa edad na 11 taong gulang at tatapusin ang
nabanggit na kurso sa loob ng limang taon. Ang magtatapos sa kursong
secondaria ay pinagkakalooban ng titulong   . Sa pagdating ng mga
Amerikano ay nanatili ang sa mga unang taon ng kanilang pananakop ang
sistemang primerya at sekondarya, subalit nakita nilang nahihirapan ang
maraming mga mag-aaral sa araling sekondarya ng kurikulum na inihanda ng
mga Amerikano. Ito ang dahilan sa pagbubukas ng kursong ý   sa mga
pioneer intermediate school sa taong 1904 kung saan ipinaloob dito ang Grade
IV, V, at VI na pinalitan naman noong 1907 ng Grade V, VI, VII.
Abangan ang aklat ng nagsasaliksik na inihahanda para sa   sa
website na ito ukol sa Kasaysayan ng pang-institusyon na ý  

 

 na tumatalakay sa unang yugto ng pagkakatatag ng Cavite State


University at ng kasaysayan ng edukasyong pang-agrikultura sa Pilipinas.
17 Ayaw magpatalo ng mga Dominicano, isang pangyayari na maaring
nasaksihan niya sa kaniyang pagsusulit para sa bachelier sa Ateneo.
c  
?
Dahil sa kanyang hilig at ugali ay pinili ang Medisina; ibig sana ni
Kapitan Tiyago ang p 
upang magkaroon ng abugadong walang
bayad, nguni·t hindi ang dumunong at makabatid ng mga kautusan ang
kailangan lamang upang magkaroon ng ipagtatanggol sa Pilipinas;
 
    
        
 
           


    
  
  

 .18 Napahinuhod din si Kapitan
Tiyago sapagka·t naalaalang ang mga nag-aaral ng Medisina ay
naglalamutak ng patay; malaon nang humahanap siya ng isang lason na
ipansusubo sa tari ng kanyang mga manok, at ang pinakamabuting
nalalaman niya ay ang dugo ng isang Insik na namatay sa sakit na
sipilis.

Gaya rin ng dating pagsisikap, o higit pa kung kailangan, dinaan


ng binata ang mga taong pag-aaral ng   ý , at mula pa sa ikatlong
taon ay nanggamot na siya, na pinalad naman, bagay na hindi lamang
pagsisimula ng isang magandang haharapin kundi nagbibigay din
naman sa kanya ng sapat na gugugulin upang makapagbihis ng
mainam-inam at makapag-ipon pa nang kaunti.

Ang taong ito·y siyang huling taon ng kanyang pag-aaral, at sa


loob ng dalawang buwan na lamang ay  
na siya, uuwi na sa
kanyang bayan, pakakasal kay Juliana at mamumuhay silang maligaya.
Ang pagtatamo niya ng   ý
ay hindi lamang tiwasay niyang
inaantay kundi inaasahan pa niyang magiging maningning na
pinakaputong ng kanyang kabuhayan sa pag-aaral. Siya ang natakdang
bibigkas ng talumpating pagpapasalamat sa pagsusuot ng   ý , at
nakikini-kinita na niyang siya·y nasa gitna ng  , sa harap ng
lahat ng nangagtuturo, at siya ang pinagtitinginan at pinakikinggan ng
madla. Lahat ng ulong iyon, na bantog sa karunungan sa Maynila, na
nangakalubog halos sa kanilang mga   ý
na iba·t ibang kulay; ang
lahat ng babaing dumalo dahil sa hangad na makapanood lamang na
noong mga taong nakaraan ay hindi man siya napuna, kung di man
natingnan siya na may pagwawalang-bahala, ang lahat ng kaginoohang
iyon na noong siya·y bata ay muntik nang pagulungan siya sa
karwaheng sinasakyan sa gitna ng lusakan na wari·y aso lamang, sa mga
sandaling iyon ay siya ang pakikinggan, at ang mga tuturan naman niya
ay mga maiinam na bagay, iyong hindi pa nadidinig sa pook na iyon;
lilimutin ang sarili upang alalahanin ang mga kaawa-awang mag-aaral
sa haharapin, at siya·y papasok sa sosyedad sa pamamagitan ng
talumpating iyon.

???????????????????????????????????????? ????????
18 Isang obserbasyon ni Rizal sa sistema ng hustisya na umiiral sa kaniyang
panahon. Ewan ko lang ganito pa rin ngayon.

You might also like