You are on page 1of 4

Pangalan: Ella Mari Grace C.

Traya Petsa: February 17, 2020


Subject: Filipino 1 Grado at Seksyon: Grade 1- Santan

Banghay Aralin sa Filipino 1

I- LAYUNIN
Pagkatapos ng 40 minutos, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang kuwento o sitwasyon.
II- PAKSANG – ARALIN
 Paksa: Paghula sa mga susunod na mangyayari sa napakinggang kuwento o sitwasyon.
 Istratehiya: Explicit Teaching
 Kagamitan: Tsart, Flash cards, TV, Laptop
 Sanggunian: K TO 12 Curriculum Guide
Filipino 1 pahina 233-235
III- PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Bata

Panimulang Gawain
A. Pagbati
Magandang Umaga mga bata? Kumusta
kayo?
B. Pagsasanay
Mga bata sabay-sabay nating awitin ang
kantang “Ako ay May lobo”
C. Balik-aral
Ano ang leksyon natin noong nakaraan?
Anu-ano ang mga pang-ukol?
Magaling!
D. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ngayong umaga ay huhulaan natin ang
susunod na mangyayari sa napakinggang
kuwento o sitwasyon.
E. Pagtatalakay
Ngayon, basahin natin ang maikling kuwento na
nakasulat sa tsart.
Si Vincent ay nag-aaral sa unamg
baitang sa Airport Village Elementary School.
Maagang natapos ang kanilang klase at dali-
daling naglalaro. Hindi nagtagal bigla syang
tumigil sa paglalaro.
Sagutin:
1. Bakit kaya biglang natigil sa paglalaro si
Vincent?
2. Ano kaya ang nangyari habang siya ay
naglalaro?
Ang panghuhula sa maaring kalabasan o
susunod na mangyayari ay maaring gawin ng
sinumang nakikinig.
Magagawa ito kung nauunawaan ang
nakapaloob sa kilos o gawain sa isng sitwasyon.
F. Paglinang sa Kabihasnan
Bawat pangkat ay may gawain na inyong sasagutin
o gagawin.
Pangkat 1,2: Lights Camera Action
May Butas na ang bubong ng bahay ninyo. Hindi
ito ipinagawa ng inyong tatay. Isang araw, bumuhos
ang malakas na ulan.

Pangkat 3: Isulat sa patlang ang inyong sagot.


May dalang mainit na sabaw sa tinolang manok
si Aling Cora. Habang naglalakad, natapilok siya.
_______________________

Pangkat 4:
Sabihin ang susunod na mangyayari sa bawat
larawan.
-Nahulog sa duyan ang bata.
-Nagnakaw ang bata.
-Naglaro sa ulan ang mga bata.
Pangkat 5:
Isulat sa patlang ang inyong sagot.
May dalang mainit na sabaw sa tinolang manok
si Aling Cora. Habang naglalakad, natapilok siya.
_______________________
G. Paglalapat
May mga pangyayari ako ditong ipipikit sa pisara at
huhulaan ang susunod na mangyayari.
1. Masayang nakikipaglaro si Carlo ng bsketbol
sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya
napansin ang balat ng saging sa lugar na
kanyang pinaglalaruan.
2. May isang pasahero na nakaiwan ng bag sa
trisikol. Nalaman ng tsuper na may laman
itong pera. Nakakita siya ng pangalan at
tirahan ng may-ari ng bag.
3. Sobra ang pagkain ni Marco ng kendi at
matatamis. Ayaw niyang kumain ng kanin at
mga lutong ulam sa bahay.
H. Paglalahat
Paano mo nasabi ang susunod na pangyayari?
Magagawa ito kung nauunawaan mong Mabuti ang
mga pangyayaring napakinggan o Nakita sa isang
pangyayari.

IV- PAGTATAYA

Isulat ang inyong hula sa kuwentong binasa.

Isang sabado, naglalaro si Lino sa tabing dagat. Tinatawag sya ng mga kalaro at niyayang aligo sa dagat.
Umuwi ng bahay si lino upang magpaalam sa kanyang ina. Hindi siya pinayagan dahil malakas ang alon. Hindi
pinakinggan ni lino ang sinabi ng kanyang ina at naligo parin siya kasama ang kanyang mga makapatid.

You might also like