You are on page 1of 9

WILLIAM S.

GRAY
“Ama ng Pagbasa”

PAGBASA:
UPANG
1. magkaroon ng impormasyon
2. makapagtanong at makapag-isip nang malalim tungkol sa
pansariling ideya at karanasan
3. malaman ang ideya at karanasan ng iba
4. makasiguro sa pansariling paniniwala

PARA SA
1. Kasiyahan
2. Pampalipas-oras
3. Paghahasa ng kaisipan
4. Pagsusuri ng emosyon

SAPAGKAT GUSTO NATIN


1. Magpaikot ng ideya
2. Maghambing at magsuri ng iba’t ibang pananaw

SAPAGKAT INTERESADO
1. Isang partikular na subject
2. Isang partikular na istilo at ideya ng awtor

KAHALAGAHAN NG PAGBASA
1. Pangkasiyahan
2. Pangkasaysayan
3. Pangmoral
4. Pangkapakipakinabang
5. Paglalakbay diwa
TEORYA NG PAGBASA
1. TEORYANG ITAAS-PABABA (TOP DOWN) (INFO/MEANING ON INTERNET)

2. TEORYANG IBABA-PATAAS (BOTTOM-UP) (INFO/MEANING ON INTERNET)

3. TEORYANG INTERAKTIBO (INFO/MEANING ON INTERNET)

4. TEORYANG ISKEMA (INFO/MEANING ON INTERNET)

5. TEORYANG INSTRAKTURA (INFO/MEANING ON INTERNET)

6. TEORYANG SOSYOLINGWISTIKA (INFO/MEANING ON INTERNET)

KALIKASAN NG PAGBASA

- Prosesong perseptual
- Pagpili ng mga salita
- Sentaktik
- Metalingwistik
- Pag-unawa

ASPETO NG PAGBASA

- Sensory
- Pag-uugnay-ugnay
- Pisyolohikal
- Kognitibo
- Komonikatibo
- Panlipunan

URI NG PAGBASA

1. Masusing Pagbasa (INFO/MEANING ON INTERNET)

2. Masaklaw na Pagbasa (INFO/MEANING ON INTERNET)

3. Tahimik na Pagbasa (INFO/MEANING ON INTERNET)

4. Mabagal na Pagbasa (INFO/MEANING ON INTERNET)

5. Mabilis na Pagbasa (INFO/MEANING ON INTERNET)

KAANTASAN NG PAGBASA
1. ANG BATAYANG ANTAS (INFO/MEANING ON INTERNET)

2. ANG INSPEKYUNAL NA ANTAS (INFO/MEANING ON INTERNET)

3. ANG MAPANURI O ANALYTIKAL NA ANTAS (INFO/MEANING ON INTERNET)

4. ANG SINTOPIKAL NA ANTAS (INFO/MEANING ON INTERNET)

ESTRATEHIYA NG PAGBASA

1. SRR
S – Skimming
R – Re-knowing
R – Reading

2. KWL
K – What you know?
W – What you want to know?
L – What you have learned?

3. PQ4R
P - Preview
Q - Question
R - Read
R – Reflect
R – Recite
R – Review

4. SQ3R
S - Survey
Q – Question
R - Read
R – Recite
R - Review

(*TRANSLATE TO TAGALOG*)

KABUUAN NG ESTRATEHIYA NG PAGBASA

5. Guhitan o ihaylayt ang importanteng mga ideya


6. Isulat ang mga reaksyon
7. Maghanda ng tanong
8. Bilugan ang mga hindi kilalang salita
9. Bigyan pansin ang mga epektibo at mahahalagang aytem na nakasulat
10. Paggamit ng Mapa at tala-tinigan (disksyunaryo)
SUYUAN SA TUBIGAN (1943)
Macario Pineda

BUOD

Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang


anak na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga
matong ng kasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong,
Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang
naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay
nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.

Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho.
Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay
nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga
kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na
tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan
ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay
ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote.
Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman
ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain, inumpisahan nila ang suyuan.
Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at maitatangi
ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan
sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-
aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng
kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan.
Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit
patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli,
samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol
si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.

Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at
sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay
hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at
abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang
ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at
paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa pantalon at walang
masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore
ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang.
Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore.
Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-
aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

Prof. Jenny Peckson


(William Nucasa)

Bad trip ako kay Prof. Jenny Peckson. Kung ituring ba naman ako ay tila isa lamang
sampid na nahalo sa kanyang klase.
“Ano para sa iyo ang payong, Mark Anthony?” Isang haiku ng bantog na si Basho ang
aming paksa.
“Ano po, Ma’am,” alerto akong tumayo, “proteksiyon para sa ulan o kaya’y sa sikat ng
araw.”
Kaytalim ng sulyap na ipinukol niya sa akin. Nakikipagdigma. “Alam na iyan ng buong
klase, hijo,” anito sa tonong nanlilibak. “Para rin sa ulan ang bota, salakot at kapote.
Ano ang pagkakaiba ng kapote at payong?”
Ano nga ba? Nag-isip ako. Nag-imadyin. “Ang kapote po ay para sa lalaki o kaya’y
simbolikong bagay na tumutukoy sa lalaki. At ang payong, kung isusunod dito, ay para
sa babae o kaya’y simbolikong bagay na tumutukoy sa babae.”
Umaliwalas ang mukha ng aming propesor. Pero sure ako na hindi pa siya tapos sa
kanyang pagtatanong. “Kung gagraduhan mo ang iyong sarili, saan ka naman kaya
babagsak, Mark Anthony, sa lalaki o sa babae?”
Ngani-ngani kong ipinagbalibagan si Prof. Jenny Peckson.
“Kung kasing ganda n’yo ang liligaw sa akin, di bale na hong tawagin akong binabae,
Ma’am!”
Palakpakan ang klase. And mind you, taas-noo akong umupo palibhasa’y
ipinapalagay kong naisahan ko rin ang tiger-beauty ng aming university.
“Sa mundo ng ating propesyon, class, mainam talaga na mayroong ganitong mga
talakayan. Bakit? Dahil sa istratehiyang ito natin nahuhuli ang loob ng ating mga mag-
aaral. Ikaw, Mark Anthony, bilang isang binatang guro’y papaano mo hinuhuli ang
loob ng isang dalaga?”
Praktikal na tanong, naisaloob ko. “Sa pamamagitan po ng pagpapakita ng tunay
kong ako, Ma’am. Sapagkat ibig kong kung iibigin ako’y iibigin ako dahil sa pag-ibig!”
Pinaupo ako sa pamamagitan ng kumpas ng kanyang kanang kamay.
Iyon si Prof. Jenny Peckson. Tagapagturo ng Literatura sa disiplinang kinukuha ko sa
aking Master’s Degree. Mabagsik. Terror. “Si kamatayan” kung tagurian ng marami.
Dahil kung napili kang tanungin, todas mo. Antimano’y isa kang celebrity na nasuong
sa biglaang interview.
Pero huwag ka dahil kumpara sa kanino pa man naming propesor ay sa kanya ako
higit na humahanga. Modelo ko siya. Utang ko sa kanya ang mga intelihente at
mapanghamong istratehiya na ayon sa mga estudyante ko’y napapanahon at
lubhang makabuluhan. Oo, nang dahil sa kanya’y nagawa ko at patuloy na
nagagawang maging kasiya-siya ang nakababagot na mundo ng literatura sa aking
mga klase.
Sa larangan ng pagtuturo’y bubot pa nga lamang ako, lahat kami sa klase, kung
ihahambing kay Prof. Jenny Peckson. Kumbaga sa biyahe, aminado maging ang aking
mga may-edad nang kaklase na kami’y papunta pa lamang samantalang pabalik na
ang aming propesor.
Noon ay Araw ng mga Puso. “Kung bibigyan kayo ng isang milyong piso kapalit ng
inyong pag-ibig, tatanggapin n’yo ba?” Isang Literaturang-Tsino ang aming hinihimay.
Bawat isa’y naglahad ng sariling pagpapasiya. Sa hirap daw ng buhay ngayon,
practical judgment, ay bakit hindi. Tatlo kaming tumanggi.
Tumawad si Prof. Jenny Peckson. Tatlong milyon? Limang milyon? Pitong milyon? Sa
sampung milyong piso, bumigay din ang dalawa. Ako, hindi. Pinal ang sagot ko.
Priceless yata ang pag-ibig ko.
Heto ang kasunod na tanong: “So, what is your greatest dream, Mark Anthony?”
Marami. Pero isa lamang ang hinihingi. At ano nga ba? “To march with the most
beautiful bride. Then, establish a contented and spiritually motivated family, Ma’am!”
Isang “alanganing” kaklase ang nag-alok na maging bride ko. Na pabiro kong sinagot:
“I forgot to mention, may plano pala akong magseminarista pagka-graduate ko ng
M.A.”
Tawanan ang klase.
Patapos na noon ang semestre at ang aming paksa’y ang The Knights of the
Roundtable, isa ring banyagang literatura. Sa panitikan, isang istratehiyang gamitin
ang pagbibigay ng mga paunang tanong. Pangganyak ito pati upang mahimok ang
interes ng mga mag-aaral ukol sa tatalakaying akda.
Sa mga ibinigay na tanong, nagbabad ang klase sa: What do most women desire?
Umikot ang aming diskusyon sa halos tatlong punto lamang: wealth, beauty and brain.
Pagandahan na lang sa pagbibigay ng paliwanag. Sa nakauunawa ng facial
expression ni Prof. Jenny Peckson, hindi namin nasapol ang sagot.
Sa akda namin natuklasan ang tumpak na tugon: To have their will. Ang makuha kung
ano ang kanilang hinahangad.
Nagbigay ng pangkasaysayang pag-uugnay ang aming propesor. Diumano, ito ang
susing nagbukas upang magkaroon ng kalayaan sa labas ng tahanan ang mga
ginang. Sa paghahanap-buhay, halimbawa. Sa dating kalakaran, ang mga ginang ay
sa loob lamang ng bahay. Tagasinop,tagapagluto, tagapag-alaga ng mga anak.
Huwag mawawala, siyempre, pangkama.
“Isang araw, kayong bachelor teachers ay magsisipag-asawa rin. Ikaw, Mark Anthony,
paano mo binabalak pamahalaan ang iyong magiging maybahay?”
“Kung mamarapatin, lalo na kapag may mga bata na, doon po ako sa dating
kalakaran, Ma’am. Sapagkat iniisip kong mahirap ipaubaya sa iba, sa kasambahay
halimbawa, ang pagpapanuto sa mga anak. Gayon man, pag-uusapan namin itong
mabuti ng aking magiging maybahay.”
Tumangu-tango ang aming propesor.
Bago kami i-dismiss ni Prof. Jenny Peckson nang araw na iyon, nagbilin siya. “After your
last period, see me in my office, Mark Anthony. Kailangan nating mag-usap!”
“Darating po ako, Ma’am.”
Alas-dos hanggang alas-singko ng hapon ang last period ko. Alas-singko y diyes,
nandoon ko sa opisina ni Prof. Jenny Peckson.
“Pinadalhan mo ako ng sulat sa bahay, Mark Anthony. Bakit?”
“Bilang tagapagturo ng Panitikan, hindi ko man literal inilahad sa aking sulat, alam
kong alam n’yo, Ma’am, kung bakit.”
“Pero, propesor mo ako… estudyante kita!”
“Opo, Ma’am, hindi ko po iyon makakalimutan. Dito sa loob ng university ay propesor
ko kayo, estudyante n’yo ako. Kaya sa labas ng university ko kayo pinapadalhan ng
sulat. Dahil sa labas ng university ay dalaga kayo at ako’y binata. Ako at si “Luksang-
Paru-paro” na nagpapadala sa inyo ng tula linggu-linggo ay iisa, Ma’am.”
“Masyado na akong gurang para sa iyo, Mark Anthony…”
“Magtei-thirty one palang kayo, Ma’am, ako nama’y twenty two. Maano ba ang
walong taon na gap. Tsaka, walang edad-edad sa pag-ibig, di ba?”
Humakbang ako: isa, dalawa, tatlo, palapit kay Prof. Jenny Peckson. “Liliwanagin ko
ang hindi ko niliwanag sa sulat, I love you, Ma’am!”
Isa pang hakbang, yakap ko na si Prof. Jenny Peckson. Masasal ang tahip ng aking
dibdib at tila hinahabol ko ang aking paghinga.
Walang sagot ni reaksiyon, inulit ko nang pabulong halos: “I love you, Ma’am!”
Titig sa isa’t isa, dahan-dahang inilapit ko ang aking mukha sa mukha ni Prof. Jenny
Peckson. At, sa nagwawala ko mang kamalayan, naramdaman kong siya’y
tumingkayad bago maglapat ang aming mga labi.
“Ambilis naman yata, Mark Anthony…”
“We’re not getting any younger, Jenny!” Muli kong siniil ng halik ang kanyang mga labi.
“Will you marry me?”
Naramdaman kong hinigpitan nito ang yakap sa akin. “Loko ka talaga, alangan
namang hindi kita papapanagutin sa ginawa mong ito, ‘no?” Kinurot ako sa tagiliran.
“Yes, I do!”
Nag-beautiful eyes ako. “Isa pang kiss, puwede?”
“Sumusobra ka na…”
“Please!” Nagbulul-bululan ako. “Ita na nga yang e, ayo’ pa!”
“Sige na nga!” Siya’y tumingkayad, at pumikit, upang pamuling ipaubaya ang
kanyang mapupulang labi sa aking mga nagbabagang labi. “O, ano pang ginagawa
mo? Ala a, kiss na…”
“Opo.. hayan na po!”

You might also like