You are on page 1of 2

Domingo, Marayah C.

11-HUMSS-1

Pulang Bahid

Ang mapaibabawan ng bilyon-bilyong mga tala. Ang madama ang lamig ng hanging unti-unting
pumapawi sa pagod na para bang kay tagal ko nang pinapasan. Ang makipagsalikop sa
kapayapaan ng paligid.

Isa ito sa oras na ipinagpapasalamat kong nabuhay ako sa mundong ito.

“Joaquin Miguel, binibini.” Hindi ko malilimutan ang marahan mong paghalik sa mga kamay ko
noong unang pinagtagpo ang landas natin. Ang mga ngiti mong ‘sing tamis ng mansanas ngunit
ang mga mo’y kasing dilim ng mahiwagang misteryo. Ang mga pintig ng puso ko’y hindi kailan
mang nakipagkarera sa oras ngunit ang mga sumunod na araw ay isunuko ko sa nag-aalab kong
damdamin.

Tila isang kay gandang tugtugin ang rumehistro sa aking tainga nang ipagtapat mo ang himig na
ikinakanta ng damdamin mo. Walang kulay ang mas titingkad pa noong mga sandaling iyon.
Mas matingkad ito sa kaligayahang ipinipinta gamit ang dilaw. Tinapatan nito ang pagkadalisay
ng puti. Ito ang sandaling hindi kayang ipinta gamit ang asul dahil kaya nitong tawirin ang dagat.

Ngunit hindi ko naisip na ang pedestal na lalakaran ko ay binihiran ng pinaka mapulang


pagtataksil.

“Ipaglalaban ka kita sa huli, Corazon. Hanggang sa maubos ang kung ano ako, handa akong
mamatay nang dahil sayo.”

Sinong nga bang mag-aakala na ang pula ay hindi mananatiling simbolo ng pag-ibig? Na ang
pula ay maaaring maging kasing lagim ng itim?

Isang gabing kasing payapa ng kalmadong karagatan. Parang usok na lumulukod ang takot na
dala ng mga yabag at kalansing ng tanikala na huminto lamang nang bitawan mo ang mga
katagang halos tumupok sa naghihingalo kong damdamin.

“Corazon, patawad, ngunit hindi ako hihingi ng pamaumanhin dahil hindi ko ipagkakasala sa
sarili ko ang mga bagay na hindi ko pagsisisihan hanggang sa kamatayan.”

Hindi palaging kasing tamis ng mansanas ang pag-ibig. Ito ay isang makapangyarihang
damdaming kayang umalipin sa kahit sino. Kaya nitong bihagin ang kawastuhan hanggang sa
umayon ito sa kung ano mang ninanais ng kasakiman.

Inalipin ang ako ng pag-ibig ko para kay Joaquin Miguel ngunit mas inalipin siya ng pagiging
ganid sa kapangyarihan. Na kahit ang pagtataksil ay bukal sa loob niyang gagawin upang
makamit ito. Na kaya niyang ipangako ang damdamin makuha lamang ang kaya kong ialay.

Masalimuot ang pag-ibig. Hindi ito palaging tungkol sa kasiyahan at ang mahiwagang sumpaan.
Ito ay ang libo-libong pighating pinagsalikop ng damdamin at pagkaganid. Ito ay ang mga
sakripisyong kaya mong ialay hanggang sa matupok ang kung anong mayroon ka. Ito ay ang
pinakamakapangyarihang kayang magbigay ng libo-libong kahihinatnan.

Ang mapaibabawan ng bilyon-bilyong mga tala. Ang madama ang lamig ng hanging unti-unting
pumapawi sa pagod na para bang kay tagal ko nang pinapasan. Ang makipagsalikop sa
kapayapaan ng paligid. Ang dahan-dahang paghina ng tibok ng aking puso. Ang pagsisisihing
unti-unting bumubuhos sa pamamagitan ng luha.

Ninais kong sana, hindi ako namatay para sa pag-ibig, hindi para sa iyo.
Domingo, Marayah C.
11-HUMSS-1

You might also like