You are on page 1of 4

IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan:______________________________________________________________________________
Baitang/Antas: ________________ Seksyon:______________________ Petsa: _____________________

Panuto: Tukuyin kung ano o sino ang nasa pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

__________1. Bapor na may anyong mabigat, halos bilog.


__________2. Paring mukhang artilyero.
__________3. Estudyante ng medisina at kilala sa kabutihan sa panggagamot.
__________4. Panganay na anak ni Kabesang Tales na namatay dahil sa sakit.
__________5. Lugar na pinangasuhan ni Kapitan Heneral.
__________6. Estudyanteng kinagigiliwan ng mga pari, at mahilig magpatawa.
__________7. Pag-aari ni Simoun na kinuha ni Tales.
__________8. Regalo ni Simoun sa ikakasal.
__________9. Ang itinapon ni Padre Florentino sa ilog.
__________10. Dalagang tumalon sa bintana ng kumbento.
__________11. Naging puno ng mga tulisan dahil sa kaapihang naranasan.
__________12. Ang laman ng kahong itim ni Mr. Leeds.
__________13. Pinagmulan ng talino ni Isagani ayon sa mga Hesuwitas.
__________14. Ang “magnanakaw” ng ilawan.
__________15. Mga ginagamit lang ng Amerikano para makapag “magic”, ayon kay Ben Zayb.

Panuto: Bilugan ang tamang sagot.

16. Alamat na ikinuwento ni Padre Florentino.


a. Donya Geronima b. Donya Victorina c. Mapalad na Bato d. San Nicolas

17. Alamat na ikinuwento ni Simoun


a. Donya Geronima b. Donya Victorina c. Mapalad na Bato d. San Nicolas

18. Pangunahing hiling ng mga estudyante.


a. Akademya ng Wikang Kastila b. Akademya ng Wikang Filipino c. Kalayaan d. Racismo

19. May dala ng mabuting balitang kanilang pinakahihintay


a. Isagani b. Juanito Pelaez c. Macaraig d. Sandoval

20. Kaninong bahay ang tinitirhan ng mga mag-aaral sa Kabanata XIV?


a. Isagani b. Juanito Pelaez c. Macaraig d. Sandoval

21. Ipinanganak sa Espanya ngunit kapanalig ng mga Pilipino.


a. Isagani b. Juanito Pelaez c. Macaraig d. Sandoval

22. Sino ang tindero sa bahay ng mga mag-aaral?


a. Cho Sue b. Seechi c. Quiroga d. Cho Nga
23. Ang pinakamabuting magtatalumpati sa mga estudyante ay si
a. Placido Pinente b. Pelaez c. Sandoval d.Isagani

24. Tumulong sa mga estudyante na magkaroon ng Akademya ng wikang Kastila.


a. Padre Irene b. Padre Sibyla c. Padre Camorra d. Padre Salvi

25. Namumuno sa mga estudyante sa pagpapalakad ng Akademya ng Wikang Kastila.


a. Placido Pinente b. Pelaez c. Sandoval d.Isagani

26. Estudyanteng hindi mapaniwalain.


a. Placido Pinente b. Pelaez c. Sandoval d.Isagani

27. Isang Kastilang kawani na nagpapatuloy ng pag-aaral sa isang paaralan sa Pilipinas.


a. Placido Pinente b. Pelaez c. Sandoval d.Isagani

28. Salungat sa sa anumang paraang mahalay tungkol sa pagpapakiling kay Don Custodio, na natutungod sa
kanilang mahalagang layunin.
a. Placido Pinente b. Pelaez c. Sandoval d.Isagani

29. Si Simoun ay nagtago sa bahay ni


a. Padre Tolentino b. Kabesang Tales c. Don Tiburcio. D. Kapitan Tyago

30. Ayon sa telegrama ng Heneral ang hinuhuling tao na nagtatago sa bahay ni P. Florentino
a. Don Tiburcio b. Simoun c. Basilio d. Isagani

31. Si Don Tiburcio ay umalis at nagtago sa bahay ng


a. mangingisda b. magkakahoy c. anluague d. mangangalakal

32. Nang tanggapin ni P. Florentino ang sulat ng tenyente ay may


a. sanlinggo b. tatlong araw c.dalawang araw d. isang araw

33. Nang dumating sa bahay ni Padre Florentino si Simoun ay


a. malakas na malakas b. sugatan c. mamatay na lamang d.wala sa nabanggit

34. Nagkumpisal si Simoun kay P. Florentino


a. bago uminom ng lason b. pagkainom ng lason c.pagkadating ng huhuli d. a t b

35. Ang ibinigay ni P. Florentino kay Simoun ay


a. ang kanyang silid b. ang silid ni Isagani c. ang silid ng ututusan d. wala sa nabanggit

Panuto: Tukuyin kung sino ang nagpahayag o tinutukoy ng bawat bilang.

36. “Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan at paraanin sa
Maynila; alalaong baga’y magbukas ng isang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at
sarhan ang dating Ilog Pasig.” __________________

37. “Pipilitin kong ang lahat ng bayang magkakanugnog at kalapit ng mahabang gulud-guluran na
mabuhangin ay mangag-alaga ng pato”_________________
38. “Nagiging singaw ang tubig kapag ito’y pinainit ng galit, hindi papayag na makulong sa lalagyan.
Kapag ang maliit na tubig ng ilog ay pinagsama-sama at nagkaisa, lalakas ang agos at maaaring sumira ng
maunlad na bayan.” __________________

38. “Magagawa ninyo ang ibig ninyong gawin,Ginoong Gobernador, ako’y isang 1mangmang at walang
maipangahas na lakas. Ngunit pinaghirapan ko ang bukiring ito.”_________________
39. “Ngunit, makikilala rin niyang pipiliin ko pa ang masanla ako kaysa masanla ang laket na bigay niya sa
akin.” ______________

40. “Sa iyo na ang klase niyo, sa akin naman ang karangalan ko bilang Pilipino.”____________

41. “Ang pamahalaan po ay itinatag sa ikakabuti ng mamamayan, kaya nararapat lang na sila ay tanungin
tungkol sa kanilang karaingan” _______________

42. “Kung ano ang pamahalaan. ganoon din ang bayan”________________

43. “Sa alikabok tayo babalik at wala tayong saplot ng isilang”_______________

45. “Ang wikang Kastila ay hindi magiging wikang panlahat sa kapuluan sapagkat ang layunin ng kanyang
isip at tibok ng puso ay walang kakayan sa wikang iyon”

Panuto: Isaayos ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Isulat ang bilang 1-5.(46-50)
Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
____Hindi pinakinggan ang paliwanag ng kutsero ng arestuhin siya ng guwardiya sibil sa pagkamatay ng
ilaw ng kanyang karomata.
____Hinirang sina Basilio ng mga guwardiya sibil dahil nakalimutan ng kutsero ang kanyang sedula.
____Naglakad na lamang si Basilio upang makaiwas sa basag-ulo.
____Nangako ang kutsero na ibibigay niya ang kanyang kabayo at paglilingkuran si Bernardo Carpio dahil
ililigtas siya nito kapag nakalaya.
____Nanalangin ang kutsero bilang pagbibigay-galang sa mga imaheng kasama sa prusisyon.

Panuto: Pag-akma-akmain ang nasa hanay A at hanay B:


Hanay A Hanay B
_______51. Nakituloy sa bahay ni Kabesang Tales a. Kapitan Basilio
_______ 52. Kaibigang matalik ni Maria Clara b. Simoun
_______53. Panginoon ni Juli c. Kapitana Penchang
_______54. Bumili ng kairel para sa alperes d. Sinang
_______55. Bumili ng relikaryo e. Kapitana Tika
_______56. Ipinalit sa rebolber ni Simoun g. “Locket”
_______57. May suot ng “locket” noong pista sa San Diego h. Maria Clara
_______58. Sumama sa mga tulisan l. Pari Salvi
_______59. Pumupuri kay Maria Clara m. Kabesang Tales
_______60. Kinuha ng mga Guardia Sibil n. Tandang Selo
ng. Bagong kasama ng pari
Panuto: Pumili ng isang kabanata sa obrang El Filibusterismo, ibuod ito at ilagay ang maaaring
sinisimbolo ng kabanatang ito. ( 15 puntos)

You might also like