You are on page 1of 8

MGA SULIRANIN AT HAKBANGIN SA PAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA

INGLES SA LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA, LALO NA SA

LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA

--------------------------------------------------------

Isang Ulat Para sa Pagsasaling-wika

Bulacan State University

---------------------------------------------------------

Bilang Bahagi ng Pangangailangan

Para sa Master ng Filipino

---------------------------------------------------------

ni

De Guzman, Victoria P.

Saclolo, Ma. Theressa M.

Setyembre 7, 2011

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Panimula

“Tuwing magkakaroon ng usap-usapan ukol sa kung maaari at dapat ipalit

ang Filipino para sa Ingles, hindi nalilimutang banggitin ang larangan ng siyensiya

bilang isang mabigat na hadlang laban dito” (Ricafrente: 2010). Isang malaking

gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang maipon ang

lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa. Sa kaso ng

Pilipinas, isang pangunahing pansukat din ang pagsasalin hinggil sa nagiging antas

ng pagsulong at kaganapan ng wikang pambansa. Sinasabi na ang pagsasaling-

wika ay isang mahirap na gawaing nangangailangan ng katapatan at kaigihan,

bukod pa sa kasanayan sa wikang isinalin at sinasalinan.

Ang pagsasaling-wika ay pagbibigay ng diwa o kahulugan sa ibang wika (New

Standard Dictionary). Ayon kay Santiago (1976), kinakailangang may sapat na

kaalaman ang tagasalin sa dalawang wikang gagamitin – ang isinalin (W1) at ang

pinagsalinan (W2). Sa isang depinisyong inilathala ni Larson (1984), ito ay muling

paglalahad sa tumatanggap na wika ang tekstong naghahatid ng mensaheng

katulad ng sa simulaang wika, ngunit gumagamit ng piling mga tuntuning

pangramatika at mga salita sa tumatanggap na wika. Sa pahayag ni Savory (1968),

ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa

kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal na tutuklas sa pagbuo ng isang

nagpapahayag sa kabuuan ng isang teksto sa bawat disiplina.

Kung uugatin, nagsimula ang sining ng pagsasalin sa bansang kanluranin. Sa

Europa, ang kinikilalang unang tagasalaing-wika ayon kay Savory (1968) ay si


Andronicus, isang Griyego. Isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni

Homer na orihinal na nakasulat sa wikang Griyego (San Andres, et.al: 2004). Sa

wikang Aleman, ang kinikilalang pinakamabuting salin ay ang kay Martin Luther

(1483 – 1646). Sa panahon ng unang Elizabeth naman nagsimula ang pagsasalin sa

Inglatera samantala ang pinaktuktok ng larangang ito ay sa panahon ng ikalawang

Elizabeth. Ayon kay Ortiz (2010), noong panahon ng Babylon hanggang sa

kasalukuyang panahon, panahon ng makabagong teknolohiya gamit ang

kompyuter at iba pa ay mga batayang masasabing suliranin sa pagsasalin

(Villafuerte: 2001).

Sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles ay maraming kahaharaping suliranin

ang tagasalin lalo na sa larangan ng Agham at Teknolohiya tulad ng (1) Mga

Terminolohiyang Teknikal sa Ingles at ang Kawalan o Kakulangan ng Katumbas nito

sa Filipino, (2) Ang Panghihiram, (3) Paraan ng Pagtutumbas sa Pagsasalin ng mga

Katawagang Ingles sa Filipino, (4) Mga Terminolohiyang Likha o Hango at (5) Mga

Terminolohiyang Pang-agham at Pang-Teknolohiya at ang Kaugnayan nito sa

Bansang Nanghihiram at Pinaghihiraman (Villafuerte: 2001). Ang pagsasalin bilang

isang gawaing pangwika ay itinuturing na may malaking magagawa sa

intelektwalisasyon ng wikang Filipino (Medina 1988:62). Higit na mauunawaan at

napakahalaga sa mga mamamayan ng isang bansa ang mga literaturang dayuhang

isinulat ng isang awtor kapag ito ay naisalin sa kanilang katutubong wika (L1 - L2).

Ang dagdag pa ni Virgilio S. Almario (1988; 80-81), higit na kapaki-pakinabang para

sa ating mga guro at mag-aaral ang pag-aaral na gamit ang sariling wika. Ngunit sa

pagiging wikang panturo ng Filipino ay may lumitaw na isang malaking gawain.

Bukod sa pagsulat sa orihanal na materyales sa Filipino, kailangan din ang


pagsasalin sa Filipino ng mga aklat at iba pang gamit na panturo sapagkat hindi

natural sa Filipino ang gamiting wikang panturo samantala ang mga aklat at iba

pang mga gamit ay nasusulat sa Ingles at sa pagsasalin ay lumitaw ang ilang

napakahirap lutasing suliranin tulad ng mga sumusunod: (1) Ang dalawang wikang

kasangkot sa pagsasalin ay kapwa umiiral sa Pilipinas, (2) Ang malaking

pagkakaiba ng Filipino at ng Ingles sa gramatika at sa mga ekspresyong

idyomatiko, (3) Kawalan ng tangkilik ng pamahalaan at mangyari pa’y kakulangan

ng salaping magagamit sa pagpapalimbag ng mga salin.

Paglalahad ng Sulirain

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyan ng

soulusyon ang mga suliranin sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles ng mga

terminolohiyang teknikal.

Batay rito, sinikap na matugunan ng pag-aaral ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Anu-ano ang mga suliranin sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

ng mga terminolohiyang teknikal?

2. Anu-ano ang mga paraan na maaaring ilapat bilang solusyon sa mga

suliranin ng pagsasalin?

3. Anu-ano ang mga paraan ng pagtutumbas sa pagsasalin ng mga

katawagang Ingles sa Filipino ayon kay Bernales (1991)?

4. Anu-ano ang mga uri ng terminolohiyang likha o hango?

5. Anu-ano ang mungkahi ni Dr. Pineda na dapat isaalang-alang sa

pagsasalin lalo na sa Agham at Teknolohiya?


Kahalagahan ng mga Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sapagkat makatutulong ito

ng malaki sa iba’t ibang grupo sa lipunan sa kanilang pag-aaral at

pananaliksik.

Sa mga mag-aaral. Mahalagang malaman nila ang mga suliranin at angkop

na solusyon sa pagsasalin upang magamit nila sa pag-unawa sa mga asignaturang

nasusulat sa banyagang wika. Magiging malaking tulong ito sa kanila sapagkat

magiging handa sila sa mga kahaharaping suliranin sa pagsasalin at kaakibat nito

ay mawawala ang hadlang sa kanilang pagkatuto sapagkat alam nila ang mga

mungkahing paraan o solusyon sa mga suliranin.

Sa mga guro. Magiging mulat ang mga guro sa mga suliranin na maaaring

kaharapin sa pagsasalin. Malilinang ang kanilang isipan sa mga angkop na solusyon

na maibabahagi nila sa kanilang mga mag-aaral at kapwa guro.

Sa mga tagapagsaling-wika. Malaking tulong ang pag-aaral na ito upang

maging mas makinis at mabisa ang kanilang gagawing pagsasalin sa Filipino mula

sa Ingles. Magkakaroon ng ganap na kaliwanagan sa dapat at di-dapat gawin

tuwing magsasalin. Sa ganitong kaalaman ay magreresulta ng isang mahusay na

salin.

Sa mga kapwa ko mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magiging

instrumento ng paglawak ng kaalaman sa pagsasalin na siyang makatutulong

upang lumawak din ang taglay na dunong na siya namang maibabahagi sa mga

mag-aaral na pinag-uukulan ng pagpapalawig ng kaalaman.


Sa Pamahalaan. Maaring gawing saligan ang pag-aaral na ito upang isulong

ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino upang maging gawing wikang panturo

ang Filipino maging sa mga asignaturang tulad ng Science at Mathematics upang

amging ganap ang pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ang wikang gamit ay

sariling atin.

Sa mga mananaliksik. Ang mag-aaral na ito ay maaaring magsilbing

salalayan ng mananaliksik na may kahawig na pag-aaral upang mapabuti at

mapaganda ang paglalahad ng konsepto ng pag-aaral.

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga suliranin at solusyon sa

pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles lalo na sa larangan ng Agham at Teknolohiya.

Saklaw pa rin ng pag-aaral na ito ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa

syentipikasyon ng Filipino ayon kay Dr. Ponciano B.P. Pineda, mga uri ng

panghihiram, paraan ng pagtutumbas sa pagsasalin ng mga katawagang Ingles sa

Filipino ayon kay Bernales (1991), mga uri ng terminolohiyang likha o hango at

mga mungkahi ni Dr. Pineda na dapat isaalang-alang sa pagsasalin.

Talasanggunian sa Kabanta I
Santiago, Alfonso O., Sining ng Pagsasaling-wika (Sa Filipino Mula sa

Ingles) P. Florentino Sta. Mesa Heights, Lunsod ng Quezon, Rex Printing Company

Inc. 2003

Ricafrente, Leo B. et.al., Journal of the Philippine Arts and Culture: Ang

Pagsasalin Bilang Gampaning Pambansa 2010

Villafuerte, Patrocinio V., Introduksyon sa pagsasaling wika: Teorya, Mga

Halimbawa at Pagsasanay. Pamantasang Normal ng Pilipinas. Grandwater

Publications and Research Corporation, Makati City 2001

Lim, Fatima S.A. et.al., Retorika sa Filipino Pandalubhasaan. Guiguinto,

Bulacan, Aries Printing Press 2004

San Andres, Teody C., Sining ng Komunikasyon Pang-akademiko.

Guiguinto, Bulacan, Aries Printing Press 2004

KABANATA II

BATAYANG TEORETIKAL
Sa kabantang ito, tinalakay ang mga kaugnay na teorya, ang teoretikal na

balangkas, ang mga hinuha sa pag-aaral at ang mga depinisyon ng mga

terminolohiyang ginamit sa nasabing pag-aaral. Kasama rin sa kabantang ito ang

paradigm ng pag-aaral.

Kaugnay na Teorya

Kaugnay na Literatura

Kaugnay na Pag-aaral

KABANATA III

KONGKLUSYON

REKOMENDASYON

You might also like