You are on page 1of 6

I.

Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang
El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video
documentary sa magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan
sa kasalukuyan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


a. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela F10PT-IVb-c-83
b. Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86
c. Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat, gayundin ang
wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/talata F10WG-IVb-c-79

D. Mga Detalyadong Kasanayang Pampagkatuto


a. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanata
b. Nailalahad ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kabanata
c. Natutukoy ang tamang proseso at mekaniks ng pagsulat
d. Nakasusulat ng buod ng kabanata batay sa tamang mekaniks ng pagsulat

II. Nilalaman
Panitikan: El Filibusterismo
Gramatika at Retorika:
Uri ng Teksto:Nagsasalaysay

III. Kagamitang Pampagtuturo


A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa gabay ng Guro
pahina 140-141
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral:
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Learning Resources
Pluma 10

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Laptop, projector, cartolina, tape
C. Pagpapahalagang Moral
Matangkilik ang pagkapilipino at gisingin ang damdaming makabayan

IV. Pamaraan

a. Balik-aral sa mga nakaraang aralin o pagsisimula sa bagong aralin


1. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagsuri sa bilang ng mga estudyante
c. Pagtatala ng mga pangalan sa mga liban sa klase
d. Pagbabalik-aral

Ano ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanata na tumatak sa iyo?

b. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag sa bawat bilang.


MATALINGHAGANG PAHAYAG KAHULUGAN

1. Ang hindi paglaban ay hindi


kabaitan.

2. Nagsisimula nang tumutol ang


mga indiyo sa pagbabayad ng
buwis

3. Nagsulat, nagbura, nagdagdag


at nagkinis upang lumabas na
dakila ang pag-uulat at
makatotohanan

4. Ang mga amang duwag ay


magbubunga lamang ng mga
anak na duwag.

5. Pinaigting ko ang kasamaan ng


pamahalaan at hinayaang
maghirap ang mga
mamamayan upang sila ay
magising at maghimagsik
c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Punan ang story ladder na nasa ibaba ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga


mahahalagang pangyayari sa kabanatang binasa.

d. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ang kahapon ay isang pahina ng ating aklat ng buhay. Mahalaga ang


kahapon sapagkat ditto natin unti-unting binuo ang pundasyon ng ating pagkatao;
ang ating pag-uugali, ang ating pagpapahalaga, ang lahat ng ating kaalaman.

-Isang bahagi ng akdang “Kahapon, Ngayon, at Bukas”


Mula sa Filipino sa Makabagong Panahon

Sagutin ang mga Tanong:

 Paano sinimulan ang talata?


 Ano ang batayang kaisipan sa talata?
e. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Isulat ang buod ng Kabanata I at II.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Mamarkahan ang inyong isinulat na buod batay sa mga pamantayan sa ibaba.

Nilalaman ……………………………………………… 25
Wastong gamit ng Gramatika at mga bantas……… 25
Pagkamalikhain……………………………………….. 25
Organisasyon ng mga ideya…………………………. 25
100

f. Paglinang ng Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Tukuyin ang mga bahagi ng pagsulat na tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

Bago sumulat Pagsulat ng Burador Pag-eedit

Pagrebisa Paglalathala

1. Sa bahaging ito, iniisip at inihahanda na ang paksang isusulat.


2. Kinakailangan na maayos at malinaw ang sulatin
3. Isinasagawa ang pagwawasto ng mekaniks sa pagsulat
4. Nagaganap dito ang pagbabago at muling pagsulat
5.
g. Paglalapat Ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Bilang isang Pilipinong mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong


pagtangkilik sa nobelang isinulat ni Dr Jose Rizal?

h. Paglalahat ng aralin

a. Paano nakatulong ang kaligirang pangkasaysayan sa lubos na pag-


unawa ng nobela?
b. Bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo?
c. Anong aral ang naikintal sa iyong puso at isipan matapos mong basahin
ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo?

i. Pagtataya ng aralin
Maghanda sa susunod na pagkikita para sa summative test. Mag-aral
nang mabuti.

j. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

 Irerekomenda mo ba itong pag-aralan, basahin, at suriing mabuti ng mga


mag-aaral sa ikasampung baitang? Bakit?
 Ano-ano ang iyong inaasahang matututunan sa nobelang El
Filibusterismo?

V. Mga Tala
VI. Pagninilay
a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
b. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remediation
c. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
d. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
e. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo na nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
f. Anong suliranin ang aking naranasan na solosyunan sa tulong ng aking
punongguro o superbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa
ko guro?
Inihanda ni:

AIKA KATE A. KUIZON, SST-I


Guro

You might also like