You are on page 1of 11

Patimpalak na ikinagagalak ng mga estudyante sa

kanilang paaralan, United Nations ang pangalan. Mga


kagamitan na kay gandang tingnan at pagmasdan, recycle
materials lamang ang kailangan. Ang positibong dulot
nito ay kay gandang pahalagahan. Ika nga ng karamihan,
“mga kagamitang lumang tingnan at pagmasdan, may
malaking posible na mapagandahan kung gagamitin ito
sa mabuting pamamaraan.”

Tampok dito ang kakaibang mensaheng ginagabayan ng


mga prinsipyo ng pagkamakatao, pagkakaisa at
kapayapaan. Yakap-yakap ang kasiglaan at kagalakan ng
mga mag-aaral at guro sa paglulunsad ng United Nations
Day. Ang pagtamo ng kooperasyon sa pagresolba ng mga
suliraning pang-internasyunal na ekonomiya, lipunan,
kuktura at pangsakatauhan ay nailahad din sa
pagdiriwang. Ang kahalagahan ng yamang kalikasan, ang
basurang dulot ng polusyon ay nagamit at
napakinabangan.

Mabuhay! Pagkakaisa at kapayapaan na ipinalaganap sa


ating bansa!
Ipinagdiwang ng Sabang National Highschool ang United
Nations noong Nobyembre 15, 2019. Sinimulan ang
patimpalak sa pangunguna ni Dr. Eric P. Capuyan at
pinamagatang Mr. and Ms. Eco Savings United Nations
2019. Ito ay naging orihinal at kakaiba sa lahat! Hindi lang
layunin na ipakita ang kapayapaan, kawanggawa at
pagtataguyod ng karapatang tao kundi naipakita din ang
paglalahad ng emosyon tungkol sa ating kalikasan. Hindi
lang ang pagsuot ng national costume ang sangkot at
nagkaroon din ito ng kakaibang ikot.

Sa isang simpleng paligsahan ay naipapakita kung paano


narerecycle ang isang bagay. Mga makukulay na plastic,
bote, papel na gumuhit ng kaakit-akit na huwaran.
Pumasok ang ibat ibang tradisyunal at marilag na
kasuotan na siyang masigarbong nirepresenta ng mga
kalahok.

You might also like