You are on page 1of 12

Everything About Her

ni Joyce Bernal

Isang Pagpapakilala kay Direk Joyce Bernal

Si Direk Joyce E. Bernal na ipinanganak noong ika 6 ng Septyembre,


1968 ay isang film at television nagsimula sa industriya ng show business
bilang isang film editor sa Viva Films noong 1994.

Siya ay isang single mother sa kanyang babaeng anak na si Liam na


sa kasalukuya’y nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Apat na karangalan na ang kanyang napanalunan. Ito ang mga


sumusunod:
Buod ng Pelikula

Nagsimula ang pelikula sa pagpapakilala kay Vivian Rabaya bilang


isang real estate mogul na puno ng kagalingan sa kanyang larangan.
Ipinakita ring kahit ganoon siya’y itinatago pa rin naman siyang kabutihan
dahil bago siya um-attend sa isang awards night ay dinaanan niya muna
ang mga batang nagbebenta ng sampaguita sa kalye upang makipag-usap
at makilala ang mga ito.
Nang siya ay nasa paanan na ng building na pinagdarausan ng
awards night, bigla siyang natumba.
Ipinakilala naman si Jaica na isang determinadong nurse na kahit
minsan ay may pagkataklesa at insensitibo ay pinapahalagahan pa rin ang
kanyang pamilya’t trabaho. Habang nasa elevator patungo sa floor na
kanyang pinagtatrabahuhan, tinawagan siya ng kanyang pinsang si Boy at
sinabi nitong nakakain daw ng sabon ang kanilang alagang asong tinatawag
nilang Nanay. Nang makarating sa palapag na kanyang pupuntahan, kaagad
siyang nagbihis at nagtrabaho. Matagumpay nilang na-revive ang
pasyenteng kanilang hina-handle.
Binigyan siya ng panibagong assignment ng kanilang doktor dahil
alam nito ang kapabilidad nitong gawin ang mga bagay na ‘yun. Pagdating
niya sa kanila, naabutan niyang nakikipagsagutan si Boy sa kanilang
kapitbahay dahil sa utang niya rito. Nang humupa ang tensyon, kaagad na
pinuntahan ni Jaica si Nanay. Nadatnan niya itong nakahiga kaya kinausap
niya saglit.
Pagpasok niya sa kanilang bahay, kaagad siyang pinaalalahanan ng
kanyang nakakababatang kapatid na babae na si Jewel sa kanilang
immersion sa Boracay na nagkakahalagang limampung libong piso. Umalma
si Jaica pero wala siyang magawa dahil mapilit ang kanyang kapatid. Sinabi
nitong kailangan niya at ng kanyang mga kabarkada ng inspirasyon sa
college life kaya dapat silang sumama. Sinabi rin ni Jared, kapatid niyang
lalaki, na kailangan ding mag-recording session ng kanilang banda bilang
inspirasyon. Dumating naman ang isa pa niyang kapatid na si Jewey at
sinubukan siyang bentahan ng Michael Kors na bag na nagkakahalagang
tig-aanim na libo subalit kaagad na humindi si Jaica dahil wala raw siyang
pera. Bago siya matulog sa kanyang silid, nadaanan niya si Jewel na
nakikipagvideo chat sa kanilang ina at sinusumbong dito ang kahigpitang
ginagawa ng kanilang ate Jaica.
Samantala, si Vivian ay nagkaroon ng meeting kasama ang mga
doktor at isa na rito si Doc Raymond. Ipinaliwanag nila sa kanya na siya ay
may multiple myeloma, isang uri ng cancer na nagsisimula sa plasma cells
ng bone marrow. Mabilisan nitong pinahihina ang buto ng isang tao.
Pinaalam nila kay Vivian ang mga maaari pang gawin upang mapahaba ang
kanyang buhay. Pinaalala rin nila sa kanya na 29 buwan lamang ang
itatagal ng kanyang buhay. Sinabi ni Vivian sa mga doktor na gawin nila ang
lahat dahil sabi niya’y cancer lamang yaon, isang bagay na hindi
nakakabaliw.
Nagpatawag ng meeting si Vivian kasama ang mga stakeholders ng
kompanya. Sinabi niyang magpapagawa siya ng subdivision para sa mga
manggagawa nilang siyang totoong nagpapakahirap upang magtagumpay
silang lahat. Umalma ang isang stakeholder kaya’t ipinaalala ni Vivian na
kaunti lamang ang shares ng babae at 70 porsyento ay kay Vivian pa rin
kaya wala itong magagawa. Isa pa ay seguridad at kapakanan ng mga
manggagawa ang pinag-uusapan kaya nasunod ang gusto ni Vivian.
Ipinatawag ni Doc Raymond si Vivian at Jaica. Ipinaalam ng doktor na
si Vivian ang napili niyang private nurse para sa mayamang babae.
Nagdalawang isip muna si Vivian bago tinanggap si Jaica dahil sa ika-28
lamang ito sa board exam at may dalawang warning pa dahil sa
insubordinasyon sa mga superior sa hospital ngunit kaagad naman siyang
nakumbinse dahil sa lahat ng review mula sa mga pasyente at pamilya ng
mga ito ay 10/10.
Nalaman ni Jaica mula sa doktor na siya ang magiging PDN ni Vivian
at ang kanyang magiging sahod kada buwan ay siyamnapung libong piso.
Nagkaroon sila ng non-disclosure agreement na hindi sasabihin ni Jaica kahit
kanino man ang tungkol sa sakit ng babae.
Masayang umuwi si Jaica upang ipaalam sa kanyang pamilya ang
magandang balita, na mabubuhay sila dahil sa cancer. Habang masayang
nagkukwentuhan kasama ang kanyang pamilya sa hapag-kainan, dumating
si Boy at sinabi nitong nawawala si Nanay. Binalewala ito nila at inutusan na
lang siya ni Jaica na kumain na.
Palpak ang naging unang araw ni Jaica. Nagkaroon ng job hiring at
nasaksihan mismo ni Jaica kung gaano kahirap pumasa sa pamantayan ni
Vivian. May nahilo at mayroon ding sumuka dahil sa pressure. Habang
naghihintay sa labas ng office ni Vivian, nakatulog siya’t nanaginip na
binato raw siya ng tape holder nito.
Gabi na siyang nagising kaya dali-dali siyang pumunta sa bahay ng
babae. Ayaw siyang papasukin ni Vivian kaya naghintay muna siya sa labas
ng silid nito. Habang naghihintay, nagtext si Doc Raymond. Tinanong nito
kung kamusta ang kanyang unang araw. Nagtext din si Vivian. Sinabi nitong
ayaw nitong natutulog si Jaica sa oras ng trabaho. Dahil sa pagkainis, hindi
napansin ni Jaica na ang galit na galit na text ay kanyang na-send sa babae.
Lumabas si Vivian at tinanong siya kung sino ang tinutukoy niyang
impakta at puta sa text nito. Inamin ni Jaica na siya nga ang tinawag niyang
impakta ngunit hindi ang ‘puta’. Tinanong ulit siya ni Vivian kung ano ang
impakta para rito. Sinabi nitong ang impakta ay yaong nanlilisik ang mata,
pangit ang lumalabas sa bibig, kumakain ng tao, lumalamon ng buhay,
uhaw na uhaw sa dugo at iiwang gutay-gutay ang biktima, malupit, terror,
ayaw ng tatanga-tanga, ayaw ng paulit-ulit. Sa huli ay nagtanong si Jaica
kung tanggal na ba siya sa trabaho ngunit sinabi ni Vivian na maghanda
siya dahil makikilala nito ang totoong impakta kinabukasan.
Kinabukasan, ipinakilala ni Vivian sa kanyang mga assistant si Jaica.
Pinansin ng isa ang suot na sapatos ni Jaica kaya pinaalalahanan siya ni
Vivian na wag nang suutin itong muli sa trabaho. Naghanap ang kumpanya
ng arkitekto para sa isasagawang subdivision subalit ni isa ay walang
pumasa sa standards ni Vivian. Iminungkahi ni Leo, adviser ni Vivian, na i-
hire na lang ng babae ang anak nitong si Albert na matagal nang nawalay
sa kanya. Pinalabas ni Vivian lahat ng kanyang assistant at maging si Jaica
na tinawag niya pang ‘stupida’ at ‘tonta’.
Habang nakapikit si Vivian upang inject-an ng mga gamot, binasa ni
Jaica ang magasin kung saan ang babae ay featured. Nalaman niya kung
gaano talaga kalaki ang pangalan nito sa kanyang larangan. Nang matapos
ang gamutan, hindi pa man nakakabangon ay kaagad nang tinawagan ni
Vivian si Paul, ang executive assistant niya, para magbigay ng updates.
Kinagabihan, sinamahan ni Jaica si Vivian sa kwarto nito.
Ipinagtabuyan siya ng babae subalit wala itong nagawa dahil mapilit si Jaica
na manatili roon upang mabantayan siya. Sumuka si Vivian sa kanyang
mamahaling bag dahil ito lamang ang pinakamalapit na bagay na nakuha ni
Jaica.
Tinawagan ni Jaica si Albert, ang anak ni Vivian, mula sa numerong
ibinigay ni Leo. Pagdating sa building na kanyang pinagtatrabahuhan, galit
na naman si Vivian dahil tatlong araw na’y wala pa silang nakukuhang
architect. Sinabi naman ng isang assistant niya na may nakuha na si Jaica.
Pumasok sina Jaica at Vivian at nagkaharap ang mag-ina.
Tinanggap ni Albert ang offer ng kompanya nina Vivian dahil para
dito, maganda itong pandagdag sa kanyang resume. Naging malamig ang
pakikitungo ng binata sa ina nito. Nang makaalis si Albert, nagtaka si Vivian
kung ba’t kaagad na pumayag ang binata sa offer nila. Tinanong niya si
Jaica kung hindi ba nito sinabi ang totoo sa kanyang anak dahil kung oo,
tatanggalan niya si Jaica at baka nga mapatay niya pa ang dalaga. Binalikan
ni Jaica sa kanyang isipan ang mga naganap at oo, nabanggit niya kay
Albert ang sakit ng ina nito ngunit nagsinungaling na lamang siya sa babae.
Inutusan ni Vivian si Jaica na siguraduhing habang nasa bansa si
Albert ay manatili ito sa bahay ng kanyang ina. Hinabol ni Jaica si Albert at
naabutan niya itong nakasakay na sa taxi at paalis na. Ipinaalam ni Jaica
kay Albert ang tungkol sa non-disclosure agreement nilang dalawa ng
kanyang ina. Nagmakaawa siyang pumayag na sa gusto ng ina nito dahil
kung hindi ay matatanggalan ang nurse ng lisensya. Sa pagpipilit niyang
tulungan ng binata, hindi sinasadya’y nasabi niyang kahit virginity niya’y
ibibigay niya rito para lang mapapayag ito. Nabigla si Albert nang
malamang birhen pa pala ito ngunit kaagad na sinabi ng babae na isikreto
lamang ito ng lalaki. Napapayag ito ni Jaica.
Habang tulog si Albert sa silid nito, pumasok si Vivian at pinagmasdan
ang anak. Nagbalik sa kanyang alaala ang nakaraan. Noong panahong
pinapili si Albert kung alin sa kanila ng kanyang ex husband ang pipiliin
nitong makasama at pinili ng bata ang ama nito dahil ito lamang ang nag-
aaruga sa kanya. Napaiyak si Vivian sa alaalang iyon.
Nang palabas na siya sa kwarto ni Albert, nakita siya ni Jaica at
tinawag siya nito. Kaagad siyang nagtago dahil baka makita ng nagising
nang si Albert. Nagpacute na lang si Jaica kay Albert para mapagtakpan si
Vivian.
Kinabukasan, nagpahanda ng breakfast si Vivian. Nang makababa si
Albert, inanyayahan siyang kumain ng kanyang ina. Tinanong siya nito kung
ano paborito niya pa ba ang tapa subalit napatda siya nang malamang hindi
pala sanay na mag-almusal ang kanyang anak. Nagpaalam na ito dahil
meron pa raw itong meeting. Sinundan ni Jaica si Albert at naabutan niya ito
sa hagdan. Muntik na siyang mahulog kung hindi lang sana siya nasalo ni
Albert. Nagpasalamat si Jaica sa pagpayag ni Albert sa kanyang pagpipilit.
Sa presentasyon ni Albert sa kanyang plano para sa subdivision, hindi
naiwasang magkaiba sila ng plano ni Vivian. Gusto ni Albert na gumawa ng
glass clarestroy windows sa bawat bahay subalit sinalunga ito ni Vivian.
Ipinaalala nitong mahal ang steel at glass sa Pilipinas. Sinabi naman ni
Albert na makakatipid sila sa pagdaan ng panahon dahil hindi na
kakailanganin ng home owners na buksan ang ilaw kapag may araw.
Sa bahay, nag-usap saglit sina Jaica at Albert. Napansin ni Albert ang
green hair ni Jaica sa isang bahagi ng ulo nito. Sinabi ng dalaga na simbolo
‘yun ng pagrerebelde sa sistema ng pamahalaan, sa pamilya, sa problema.
Habang nasa trabaho, tumawag ang ama ni Albert at tinanong siya
ng kanyang ama tungkol sa ina nito subalit wala itong maisagot. Nagtanong
din ito kung gusto nitong mag-extend ng stay subalit sinabi nitong aalis siya
na tulad ng pinlano niya.
Nadatnan niya si Jaica na nagpapractice ng British accent. Ipinaalam
ni Albert kay Jaica na aalis na siya at babalik na sa US. Nabigla si Jaica.
Nagkausap sila at nabanggit ni Albert na maganda si Jaica. Ipinatawag ni
Vivian ang dalawa at pinapanhik sa rooftop ng building.
Takot man sa heights ay walang nagawa si Jaica kundi sumakay dahil
nagmamadali si Vivian sapagkat may importante itong meeting sa
Tagaytay. Hinawakan ni Albert ang kamay ni Jaica bilang suporta at
napansin ito ni Vivian. Yinayakap ni Albert si Jaica sa buong byahe nila dahil
sobrang takot ito sa mga nakikita nito.
Pagdating sa Tagaytay, pinagalitan ni Vivian ang isa niyang
empleyado dahil hindi successful ang deal na iniatas nito sa lalaki. Sinabi ni
Albert na dapat ay hindi pinahiya ni Vivian ang lalaki sa harap ng marami.
Nang makalabas si Albert, tinanong ni Vivian si Jaica kung may gusto
ba ito sa anak niya. Inamin ni Jaica na crush niya ito subalit kaagad naman
itong pinutol ni Vivian. Nagtanong din ang babae kung may sinasabi ba ang
anak nito tungkol dito kay Jaica na hindi nito alam. Sinabi ni Jaica na gusto
nang umalis ng lalaki. Samantala, nagsaliksik si Albert tungkol sa sakit ng
ina. Naratnan siya ni Jaica sa labas. Nagbigay ng updates sa kalagayan ni
Vivian ang dalaga kay Albert.
Habang nagsasalita si Jaica, hindi maiwasang mapangiti ni Albert
dahil nag-i-English sa kanya ang babae. Nagtanong sa kanya si Albert at
binigyan siya nito ng dalawang minuto para sumagot. Nabigla naman si
Jaica kaya sumagot na lang siya. Sinabi ni Albert na hindi ito papasa sa
IELTS nito kung saka-sakali. Dumipensa naman ang dalaga na hindi ito
nakapaghanda sa tanong ng binata. Napatunayan ni Albert kung gaano
kamahal ni Jaica ang kanyang pamilya dahil sa dasal nito nang nasa
chopper pa lang sila at dahil na rin sa sagot nito sa kanyang tanong.
Napansin ni Albert na hindi kasali ang ina ng dalaga sa mga binanggit niya.
Nalaman din ng lalaki na walang nobyo ang dalaga.
Kinabukasan, napagpasyahan ni Vivian na hwag nang magchopper
pauwi sa Maynila. Sa huli’y si Albert ang nagmaneho sa sasakyan nilang
tatlo. Dumaan ang tatlo sa L’Opera upang mag-almusal doon. Habang nasa
L’Opera, nagkukunwang binabasa ni Albert ang pahayagang nasa harap nito
upang maiwasan ang kanyang ina.
Napansin ni Jaica ang kagustuhan ni Vivian na makausap ang anak
nito kaya pinayuhan niya nang palihim na magkunwa itong nabulunan ng
kanin upang tulungan siya nito subalit nang pasubo na si Vivian, nagpaalam
naman si Albert na pupunta sa comfort room.
Habang nasa daan pauwi, gustong gustong yakapin ni Vivian mula sa
likod ang kanyang anak subalit natatakot siyang ipagtabuyan lang nitong
muli tulad noong bata pa ito.
Pagdating sa silid niya, inamin ni Vivian kay Jaica na hindi na niya
alam kung ano ang gagawin niya para lamang bumalik sa kanya ang
kanyang anak. Pinauwi muna ni Vivian ang dalaga sa pamilya nito upang
makasama niya ang mga ito subalit nagdalawang isip ito. Sa huli ay wala
siyang nagawa kundi sumunod sa utos nito.
Pinatikim ni Jaica sa kanyang pamilya ang mamahaling cake na nabili
niya. Dumating ang kapatid niyang si Jewel at masayang ibinalita na
darating daw ang kanilang ina upang dumalo sa graduation nito.
Nakipagkita si Albert sa lalaking pinahiya ni Vivian. Nalaman niyang
may punto rin naman ang ina nito. Samantala, inayusan ni Jewey si Jaica
upang mapansin siya ni Albert. Dumating si Boy na nagbalitang nahanap na
raw nila si Nanay subalit wala naman pala ito sa lugar na sinabi ng kanilang
mga kapitbahay.
Nadatnan ni Jaica si Vivian na namimilipit sa sakit at pinapaalis ang
mga kasambahay nitong nasa kanyang silid. Dumating si Albert at
nagtulungan silang dalawa upang magamot ang ina nito. Nang utusan ni
Jaica si Albert na kunin ang gamot ni Vivian, nagtanong si Albert kung ‘yung
pangcancer ba ang kukunin o hindi. Narinig ito ni Vivian kaya
pinaghahampas niya si Jaica kahit pa kalong-kalong siya nito.
Naawa si Albert sa naging kalagayan ng ina subalit umalis pa rin siya.
Hindi niya kayang makitang nasa ganoong kondisyon si Vivian.
Napagpasyahan niyang umalis na dahil hindi niya kayang maatim ang
katotohanang iiwanan na naman siya ng kanyang ina tulad ng ginawa nito
nang bata pa lamang siya. Mabilisan siyang nagmaneho kaya hinabol siya
ng isang road officer. Sa galit niya’y sinuntok niya ang salamin ng sasakyan,
dahilan kaya nabasag ito’t nasugatan siya’. Sa bahay naman, nang
magising ay patuloy ang pag-aalala nina Vivian at Jaica dahil hindi
sumasagot sa tawag si Albert.
Lumabas si Vivian ng bahay at napag-usapan nila ang ginawang pag-
amin ni Jaica sa sakit ng babae sa anak nito. Gayun pa man, nagpaliwanag
si Jaica na kaya niya ito nagawa ay dahil sa tingin nito’y yaon ang
makakatulong kay Vivian. Nabaling ang usapan sa usaping pamilya at
nalaman ni Vivian na tulad ni Albert ay lumayo din ang ina ni Jaica, na
iniwan sila upang magtrabaho, hindi upang maging nanay nila.
Sa huli’y hindi nagawang tanggalin ni Vivian sa serbisyo si Jaica.
Kinabukasan, nagpunta si Vivian sa trabaho na lulan ng wheelchair.
Ipinaalam niya sa lahat ang tungkol sa sakit niya. Gayun pa man, nanatili
siyang matigas sa paninindigang dapat ay panatilihin ng kompanya ang
pamamayagpag sa larangan nito.
Umiiyak niyang sinabi kay Leo na ayaw tanggapin ni Albert ang alok
ng kompanya. Samantala, pinagsabihan ni Jaica si Albert sa telepono na
huwag na huwag nitong iwan ang ina nitong nangangailangan dito. Narinig
siya ni Vivian at sinabi nitong hayaan na lamang nilang makaalis ang anak
nito upang hindi siya nito makitang mamatay subalit sinabi ni Jaica na hindi
pa tapos ang laban, na hindi mamamatay ang babae dahil patuloy nilang
lalabanan ang cancer na meron ito.
Napaiyak ang babae at niyakap niya si Jaica ngunit sa kalauna’y
nawalan ng lakas si Vivian at kaagad siyang isinugod sa hospital. Habang
nakaratay sa hospital bed, dumating si Albert. Sinumbatan niya ang
kanyang ina sa pagpili nito sa trabaho kaysa sa kanya. Labis-labis ang pag-
iyak nito. Pinakiusapan niya ang kanyang ina na huwag siya nitong iwanan
ulit. Nagpasalamat si Jaica kay Albert dahil sa pagbabalik nito.
Tumawag si Jaica sa kanyang ama at itinanong kung bumabalik na ba
ang nanay niya. Umiyak siya kaya tinanong ng ama niya kung ang aso pa
ba o ang totoo na nyang ina ang kanyang tinutukoy.
Graduation ni Jewel. Malungkot ito dahil hindi dumating ang ina nila.
Isa-isang nagsialisan ang kanyang mga kapatid. Tinawag niya ang mga ito
at pinagalitan dahil sa pag-asa ng mga itong darating pa rin ang kanilang
ina. Inutusan niya ang mga ito na umupo at kumain ng pansit bilang
selebrasyon kahit pa man nasasaktan ang kanyang mga kapatid.
Nang dumating sa bahay nina Vivian, tinanong siya ng babae kung
kamusta ang pagtatapos ng kapatid nito. Sinabi niyang hindi dumating ang
kanilang ina tulad ng inaasahan ng mga ito. Sinabi ni Vivian na baka abala
lang talaga ito sa trabaho. Pinayuhan siya ni Vivian na tawagan ang
kanyang ina. Binigyan din ni Vivian ng scholarship si Jewel sa kahit na anong
unibersidad sa Pilipinas.
Nakipagvideo chat si Jaica at ang kanyang ina at sila’y nagkaiyakan.
Nagkapatawaran din sina Albert at Vivian.
Ipinaalam ng doktor na malala na ang sakit ni Vivian, na hindi na ito
kayang lunasan ng kahit na anong gamot. Sinabi rin nitong isang buwan na
lang ang itatagal ng buhay ni Vivian. Sinabi ni Albert na may marami pang
opsyon dahil may mga nasaliksik siya dati tungkol dito subalit huli na dahil
hindi na pala applicable ang mga iyon.
Nagkaroon ng selebrasyon, ipinakilala ni Jaica ang kanyang buong
pamilya sa kina Albert at Vivian. Nagbigay ng isang nakakaiyak ngunit
nakakalakas ng loob na mensahe sa lahat ng mga dumalo. Hiningi rin ni
Albert ang permiso ng kanyang ina at maging sa ama ni Jaica na ligawan si
Jaica. Pumayag naman ang mga ito kaya isinayaw niya ang dalaga.
Nagtapos ang kwento sa pagpapakita ng mga larawang sina Jaica at
Albert ay ikinasal sa isa’t isa at nagkaroon ng supling.

WAKAS

I - Pagsusuri

1. A. Uri ng Panitikan
Ito ay isang pelikula dahil ito’y napapanood at may kasamang
tunog. Mapapanood dito ang kwento ng pangunahing tauhan at
mayroon ding kawil-kawil na mga pangyayari. Nilalapitan din ito ng
musika na akma sa bawat eksenang nagaganap.

B. Pamagat: “Thy Womb”


Ang pelikulang ito ay napapatungkol sa kung paanong ang
inang si Vivian ay nagkaroon ng kanser at ito ay ang naging daan
upang bumalik ang loob ng kanyang anak na si Albert sa kanya. Sa
pelikulang ito, ipinakita ang isang inang napabayaan ang kanyang
anak dahil sa pagpupursige sa kanyang gawain. Hindi niya
namalayang unti-unti niya palang naitulak palayo ang kanyang anak
habang kinakabig palapit naman sa kanya ang tagumpay.
Ang ‘her’ na tinutukoy sa pamagat ng pelikula ay si Vivian
Rabaya dahil mapapanood sa pelikula kung paano siya at ang
kanyang private nurse na si Jaica naghanap ng paraan upang
mapalapit na muli ang loob ni Albert sa kanya.

C. Mga Tauhan:

Pangunahin Tauhan
 Dra. Vivian Rabaya (Vilma Santos)– siya ay isang
matagumpay na real estate mogul. CEO siya ng Optima Land.
Siya ay kilala sa kanyang larangan at alam din naman ng lahat
na siya ay isang halimaw na kumakain ng tao, na lumalamon
ng buhay. Gayon pa man, hindi maikakailang sa likod ng
kanyang pagiging strikto sa gawain ay ang kanyang
kabutihang loob.
Lumayo ang loob ng kanyang anak sa kanya dahil na rin sa
pagbaling niya ng kanyang atensyon sa kanyang trabaho.
Nagkaroon siya ng multiple myeloma, isang uri ng kanser sa
buto, kaya napilitang bumalik sa Pilipinas ang kanyang anak.
 Jaica (Angel Locsin) – isa siyang mapagmahal na anak at
kapatid. Panganay siya sa apat na magkakapatid. Iniwan sila
ng kanilang nanay sa kanilang ama upang ito’y
makapagtrabaho. Siya ay isang magaling na nurse kaya siya
ang naging PDN ni Dra. Rabaya. Siya ay taklesa at minsa’y
nakakapagsalita ng mga bagay na hindi niya iniisip nang maigi.
Bukod sa paggamot dito, tinulungan din niya si Dra. Rabaya na
muling makasama ang kanyang anak.

 Albert Mitra –ang anak ni Dra. Rabaya na matagal na


nawalay sa kanya. Malamig ang kanyang pakikitungo sa
kanyang ina dahil sa ginawa nitong pang-iiwan subalit sa
kalauna’y natuto siyang patawarin ito dahil kahit pagbali-
baligtarin ang mundo’y ina niya pa rin ito. Sa huli’y
napangasawa niya si Jaica.

Iba pang Tauhan:


 Leo (Michael de Mesa) – siya ang laging nagbibigay payo
kay Vivian tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay nito.
 Emil (Nonie Buencamino) – ang ama ni Jaica.
 Dr. Raymond (Bart Guingona) – ang doktor ni Vivian. Siya
ang nagmungkahi kay Vivian tungkol sa kay Jaica.
 Jewey (Devon Seron), Jared (Khalil Ramos) at Jewel
(Alexa Ilaca) – mga nakababatang kapatid ni Jaica na puro
kasosyalan ang nasa isip.
 Boy (Buboy Villar) – pinsang buo nina Jaica na laging
umaatupag kay Nanay, ang kanilang alagang aso.
 Nanay nina Jaica (Shamaine Buencamino) – ang ina nina
Jaica na iniwan sila kapalit ng trabaho sa ibang bansa.

II - Mga Reaksyon

A. Sa mga Nagsiganap
1. Vilma Santos – Magaling na magaling talagang umakto si Vivian.
Sa tingin ko’y wala nang makakahigit pa sa pag-arte niya dito
bilang si Vivian. Akmang-akma sa kanya ang papel na ito. Hindi
niya kailangang mahirapan sa pag-arte hindi tulad ng ibang mga
komedyante na kapag binigyan ng seryosong eksena o di kaya’y
mga seryosong artista na kapag binigyan ng katawa-tawang
eksena, ay makakaramdam ng hirap at magiging uncomfortable.
Iba ang napanood ko kay Vilma, para sa akin ay magaan lang ang
kanyang pag-arte subalit nanonoot ito hanggang sa kasuluk-
sulukan ng aking puso.

2. Angel Locsin – Bagay kay Angel ang kanyang papel. Kapag


ginagamot niya si Vilma o di kaya’y yaong pasyenteng nirevive
nila ay mistulang tunay nga siyang nurse. Palibhasa’y best actress
din, hindi siya kinakikitaan ng pagiging OA sa pelikula.

3. Xian Lim – Sa pelikulang ito ko unang nakita si Xian Lim na may


ganitong papel. Magaling ang kanyang pag-arte, nagampanan
niya ng maayos ang kanyang papel. Dalang-dala ako sa bawat
kilos niya lalo na nang sumbatan niya ang kanyang ina sa pang-
iiwan nito sa kanya habang humahagulgol.

4. Michael de Mesa – May nabasa ako sa isang site na bakla raw ang
papel ni Leo rito kaya nagtaka ako dahil hindi ko naman
masyadong nakita ang kabaklaan ni Leo sa pelikulang ito. Siguro’y
bakla rin naman siya ngunit kloseta lang. Kung ano man, sana’y
naipakita nang maayos ni de Mesa ang katauhang yaon ni Leo.

5. Noni Buencamino – maayos ang pagkakapakilala sa kanya at


maging ang kanyang pag-arte. Hindi niya kinailangang umiyak o
anu pa man upang ipakitang may kagalingan siya rito.

6. Shamaine Buencamino – Kahit isang eksena lang ang mayroon


siya sa pelikula, kapansin-pansing hindi kumukupas ang
kagalingan ni Shamaine sa pag-arte.

7. Khalil Ramos – Nagtataka ako kung bakit pa siya idinagdag sa


pelikula. Sa tingin ko, ang papel niya ay yaong tipo ng papel na
pwedeng tanggalin at wala namang magiging problema sa buong
pelikula. Hindi ko siya masyadong napi-feel sa pelikulang ito.

8. Devon Seron – Magaling siya. Maayos ang kanyang pagganap


bilang maarteng kapatid ni Angel sa pelikulang ito.

9. Alexa Ilacad – Kahit siya ang pinakabata sa kanilang pamilya, hindi


hinayaan ni Alexa na lamunin siya ng kanyang mga kasama sa
pag-arte. Magaling din ang batang ito. May future siya sa
aktingan.

10.Buboy Villar – Si Buboy ay ang siyang akmang-akma sa papel na


ito. Isang pinsan na nagbabantay ng alagang aso ng pamilya at
madalas ay natutuksong supot ng kapitbahay nila.

11.Bart Guingona – Maayos ang kanyang pag-arte bilang doktor ni


Vivian.

B. Istilo ng Manunulat ng Iskrip


Mahusay ang pagsusulat ng iskrip ni Direk Joyce Bernal. Hindi
siya takot na gumamit ng mga salitang ‘puta’, ‘bitch’, ‘shit’ at iba pa
sa pelikulang ito. Yaon din naman ay akma sa mga tauhang gumamit
nito.
Magaling siya dahil kapag katawa-tawa ang eksena ay hindi ko
maiwasang mapangiti o di kaya’y tumawa. Kung nakakaiyak naman
ang eksena ay magandang maganda ang mga binibitawang pahayag
ng bawat tauhan, dahilan upang madurog ang puso ko ng pelikulang
ito.

C. Istilo ng Pagdidirehe
Kung maririnig lamang ni Direk Joyce ang aking palakpak ay
baka mabingi na siya. Magandang-maganda ang pagdidirehe sa
buong pelikula, palibhasa’y Star Cinema ang nag-produce. Sa bawat
eksena, bago magtapos ay siniguro ni Direk Joyce na magkaroon ng
pantapos na pahayag na kung hindi nakakatawa ay nakakaiyak. Isang
rason kung bakit lagi akong may reaksyon sa bawat eksena katulad
na lamang nang nasa Tagaytay pa sila at bago magtungo sa L’Opera
ay inutusan ni Vivian ang kanyang make up artist na lagyan siya ng
dark red na lipstick at doon siya mag-aalmusal sa L’Opera, isang
mahal na restoran sa lugar na yaon.
Magaganda rin ang mga shots at hindi masakit sa mata.

D. Mga Teoryang Pampanitikan


1. Realismo – ipinakita sa pelikulang ito ang reyalidad na nagaganap
sa mga mayayamang pamilya. Dahil sa kaabalahan sa trabaho ay
nakakalimutan ng mga magulang na bigyang pansin ang kanilang
anak at madalas ito’y nauuwi sa hiwalayan.

2. Romantisismo – Sa pelikulang ito ay mapapanood ang


pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na matagal na
nawalay sa kanya. Liban pa rito, makikita rin sina Jaica, Jewey,
Jared at Jewel na patuloy na umaasang babalikan pa rin sila ng
kanilang ina. Nauwi rin sa kasalan ang samahan nina Albert at
Jaica dahil nalaman nilang mahal pala nila ang isa’t isa.

3. Feminismo – pumaimbabaw din sa pelikulang ito ang feminismo


dahil umikot ito sa kahinaan ng isang babae. Ipinakita rito na hindi
kaya ni Vivian na pagsabayin ang kanyang anak at trabaho. Gayun
pa man, kakikitaan din ito ng feminismo dahil ipinakita rin naman
ang lakas ng isang babaeng mamuno sa isang kompanya at
maging ang mapabilang sa pinakamahuhusay na nurse sa buong
hospital.

4. Humanismo – mapapanood sa pelikula ang pagbibigay


importansya sa tao bilang isang mamamayang malaki ang
maiaambag tungo sa ikauunlad ng lipunan at ng buong bayan
tulad na lamang nina Jaica at Vivian na patuloy na nagtatrabaho
ng maayos upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang buhay at
ng mga tao sa paligid nila.

5. Modernismo – kung dati ang pantahanan lamang ang kababaihan,


sa pelikulang ito ay iba. Sina Jaica at Vivian ay parehong lumabas
sa kanilang tahanan at nagtrabaho. Hinarap nila ang araw-araw na
hamon ng buhay upang sila’y mapabuti.

III - Bisang Pampanitikan

Bisa sa Kaisipan – Tagos hanggang buto ang ikinintal na kaisipan ng


pelikulang ito sa akin. Nalaman ko na kailangan pala nating maging
matapang sa mga pagsubok na ating kinakaharap sa buhay. Maganda ang
prinsipyo ni Jaica dahil siya ay isang positibong tao. Ayaw niyang sumuko sa
kahit na anong problema.

Bisa sa Damdamin – Kapag mahal mo ang isang tao, mapapatawad mo


ito. Sa hulihan ng araw, pagmamahal pa rin ang mananaig. Hindi mahalaga
kung gaano kalaki ang kasalanan ng isang tao sa ‘yo. Kung mahal mo siya,
mahal mo siya. Matuto kang magpatawad lalo pa’t mahal ka rin naman pala
ng taong ito.

Bisa sa Kaasalan – Sa panonood ng pelikulang ito, hindi ko naiwasang


maisip na hindi pala lahat ng mga taong may ipinapakitang kabangisan ay
masasama. Kagaya na lamang ni Vivian na sa simula’y stupida ang paningin
kay Jaica. Dahil may itinatago rin pala siyang kabutihang loob.

Bisa sa Lipunan – Maganda ang prinsipyo ni Vivian. Isa siyang huwarang


CEO. Iniisip niya ang kapakanan ng kanyang mga empleyado dahil para sa
kanya, silang mga nasa ibaba ang mas nahihirapan at hindi
napapahalagahan ang pagpapakahirap ng mga ito kaya naisipan niyang
magpatayo ng subdivision para sa mga ito. Sa isang bansang tulad ng sa
atin ngayon, isang bansang talamak ang mga namumunong sugapa at
malulupit, kailangan natin ng katulad ni Vivian na mistula’y masama sa
unang tingin subalit kapag tinignan ng maigi ay mapapansing isa palang
anghel.

Bisang Pangmoral – Hindi dahil gumagamit ng mga bulgar na salita si


Vivian ay masama na agad ang pagkatao niya dahil hindi lahat ng taong
nagmumura ay masama at hindi lahat ng taong hindi nagmumura ay
mabuti.

You might also like