You are on page 1of 3

LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO

Ni: Renato Constantino

Si Renato Constantino ay isang rebolusyonaryong manunulat mula sa siyudad ng


Maynila na tanyag dahil sa kanyang mga gawang literaturang tumatatak sa mga mambabasa
sapagkat isa siya sa mga pinakamahusay at pinakamatapang na mamamahayag kung saan
kabilang si Constantino, isang grupong tumuligsa sa pamahalaang Marcos. Si Constantino ay
ipinanganak noong Mayo 10, 1919 at namatay noong ika-15 ng Septiyembre taong 1999. Ang
mga magulang ni Renato Constantino ay sina Francisca Reyes at Amador Constantino. Siya ay
may dalawang anak sa kanyang asawang si Letizia Roxas.

Maliban sa tanyag niyang artikulo na pinamagatang “The Miseducation of the Filipino.”


ay nakagawa pa siya ng marami pang mga gawang literatura tulad ng mga sumusunod: Recto
Reader: Excerpts from the Speeches of Claro M. Recto (1965), Veneration without
Understanding (1969), The Making of a Filipino: A Story of Philippine Colonial Politics (1969),
Dissent and Counter-consciousness (1970), The Philippines: A Past Revisited (1975),
Philippines: A Continuing Past (1978), History: Myths and Reality (1992).
Ang Lisyang Edukasyon ni Renato Constantino ay isang hayagang gawang literatura na
bumabatikos sa kasulukuyang sistema ng edukasyon kung saan ay nakasentro umano sa
kanluraning impluwensiya ng mga Amerikano. Hindi naman maitatanggi na ang sistema ng
edukasyon sa Pilipinas ay nakaangkla naman talaga ang sistema ng edukasyon sa mga
Amerikano dahil kung babalikan naman natin ang panahon kung saan Amerikano ang
namamahala sa bansa, dinala nila ang sistema ng edukasyon na iniimplementa natin ngayon--
nakasentro pa nga sa wikang Ingles ang kurikulum imbes na sa wikang Pilipino. Ito ang
binigyang pansin ni Constantino, binigyaang diin gamit ang mga elemento tulad ng kasaysayan
na nakasentro sa pananakop ng mga Amerikano at pangbabatikos sa kawalan ng pagkilos ng
kasalukuyan upang kumalas sa ideyolohiya ng sistema ng edukasyon na ipinunla ng mga
Amerikano at mga Kanluranin.

Umiikot ang artikulong ito sa pagbibigay diin na mali ang umasa sa sistemang ibinigay
ng mga dayuhan sapagkat ito ang pumapatay sa mentalidad na dapat tayong tumangkilik ng
sariling atin at ibinabalandra ang pagsasawalang-bahala natin na ang mga Pilipino ay hindi pa
rin malaya sa mga banyaga dahil ang isip at kaisipan mismo ng mga ito ay nakatutok sa
kolonyalismo –halimbawa na lamang ay sa wika. Sa sistema ng edukasyon ngayon sa Pilipinas
ay makikita mo kung ano ang mas pinahahalagahang wika sa loob ng paaralan. Mas alam pa ng
mga kabataan at mag-aaral ang mga salitang Ingles kaysa sa Filipino, mas nais pang matutunan
ng marami ang Hangul kesa ang baybayin, mas alam pa ng karamihan ang paggamit ng your and
you’re kaysa sa paggamit ng raw at daw, mas alam pa ng karamihan sa atin ang pagsasalin mula
sa Filipino hanggang sa Ingles kesa bise-bersa na kung titignan sa ibang perspektibo, ang utak
kolonyalismo na nagsisimula sa sistema ng edukasyon na lumilinang sa mga kabataang Pilipino,
ay nakakaapekto sa pag-unlad ng mismong bansa. Pero ano ang aksyon ng bayan ng Pilipinas?
Wala.

Ito ang nais na ipabatid ni Constantino sa kanyang artikulo. Nais niyang isalpak sa
kamalayan ng mga mambabasa niyang mamamayan rin ng Pilipinas ang ideya na tangkilikin ang
sariling atin; oo, wala tayong sariling sistema ng edukasyon at kung gagawa man ay babase at
babase pa rin tayo sa mga binigay ng kanluraning mga banyaga –ang mga Kastila at Amerikano,
ngunit ang pagkakaroon natin ng sariling paraan ng paghihinang ng dunong na nakasentro sa
ideyolohiya at aspetong Pilipino, ay marahil, hindi na mahihirapan pa ang bansang Pilipinas sa
pag-akyat at pag-unlad sapagkat ang pagkakaroon pa lang ng nasyonalismo sa sariling sistema
ng edukasyon ay isang malaking bagay nang makakapagbuklod-buklod ng mga pananaw at
kaisipan ng mga mamamayan ng bansa.

Ang artikulo ay isang adhika ng awtor na nagsasabing bagama’t dekada na ang lumipas
mula nang maisulat ang akdang ito ng isa sa pinakamahusay na historyador ng ating kasaysayan
na si Renato Constantino, nananatili itong “timeless” o napapanahon. Sapagkat nananatiling
umiiral magpasa-hanggang ngayon ang kolonyal na katangian ng ating edukasyon na maliban sa
kolonyal, ay komersyalisado at mapaniil.

Tunay nga na ang edukasyon ay hindi lamang sandata ng pagpapanatili o pagpepreserba


ng ating mayamang kultura bagkus ay katibayan ng ating tunay na kalayaan sa ekonomiya at
pulitika. Ang maunlad at mahusay na sistema ng edukasyon ay nagpapakita o magpapakita nang
susing papel nito sa pagunlad ng lipunan at tinutugunan nito ang pundamental na problema ng
malalang kahirapan. Mahusay na nailinaw ni Constantino ang estratehikong posisyon ng
Pilipinas sa asya pasipiko kung kaya’t ginamit ng mga amerikano ang edukasyon upang sakupin
ang mga Pilipino sa larangan ng ekonomiya, kultura at politika, gaya ng kung paano ginamit ng
mga kastila ang relihiyon (krus at espada) upang mahigit 300 taong pagsamantalahan nito ang
mga Pilipino.

You might also like