You are on page 1of 5

Catapang, E. L.

(2014) “Reviving The Hanunuo and Buhid Mangyan Syllabic Scripts


of the Philippines” Mangyan Heritage Center, Inc. 2018
https://lingdy.aa-ken.jp/wp-content/uploads/2014/02/140227-intl-symp-and-
ws_emerenciana_lorenzo_catapang_paper.pdf

Karamihan sa mga Southeast Asian na sistemang pansulat, kasama ang Mangyan,


ay nanggaling sa Brahmi ng India. Ang Brahmi ay naging kilala dahil sa pagdami ng
bilang ng mga kasapi ng Budhismo at sa iba pang parte ng kontinenteng Asya bago
pa man ang Panahon ng Pagtuklas at kolonisasyon.

Ang ugnayan ng Mangyan at iba pang sistemang pansulat ng timog-silangang Asya


ay malinaw na nakikita sa:

1. Sistema ng pagpapahiwatig ng pagbago sa patinig

2. Bagay na ginagamit sa pagsulat at ang direksyon ng pagsulat

3. Hugis ng mga simbolo

4. Tiyak na pagkakaiba ng mga simbolo

May mga nakikitang suliranin sa paggamit ng sistemang pansulat na ito. Ipinakilala


ni Postma ang paggamit ng pagputol ng simbolo na itinawag nyang pamudpod
upang masolusyunan ang problema ng paggamit ng panghuling katinig sa isang
pantig. Ang mistulang “hook” na simbolo ay katulad sa hugis at paggamit ng
Balinese at Javanese bilang patunay sa Laguna Copperplate Inscription of 900AD.

Ang ugnayan ng artikulong ito sa aming pananaliksik ay maaari itong makaambag


sa kaligiran ng isa sa mga Sistema ng pagsusulat na aming nakolekta. At base rin
sa aming nabasa ay maaring nagumpisa ang pamamaraaan ng pagsulat sa pilipinas
ay galling sa ibang bahagi ng asya dahil ito ay may pagkakatulad sa ibang paraan
ng pagsulat ng mga bansa.
Pandey, A. (2015) “Towards an Encoding for
Kulitan in Unicode” University of California. 2018
http://www.unicode.org/L2/L2015/15232-kulitan.pdf

Ang Kulitan o Sulat Kapampangan ay isang sistemang pansulat na ginagamit sa


Pilipinas para magsulat ng wikang Kapampangan ng Pampanga. Hindi ito ang
pangunahing sistemang pansulat ng wika ngunit ito ay ginagamit ng kakaunting
bilang ng mga gumagamit ng wikang Kapampangan kasama ang Standard Latin
Orthography. Ang Kulitan ay nagmula sa Brahmi at ito ay base sa pangkasaysayang
Sistema ng pagsulat ng Pampanga, na ay halos magkalapit sa Tagalog, Buhid,
Hanunuo, at Tagbanwa. Ang skripto ay isinusulat pababa at pahiga.

Ang koneksyon ng artikulong ito saaming pananaliksik ay ang paghahanap namin


ng ibang pamamaraan ng pagsulat sa pilipinas gaya ng baybayin may paraan pala
ng pagsulat ang mga mangyan na ating mga ninuno, nais naming sa pananaliksik
na ito na matuklasan namin gayun din ang mga mambabasa na mayroon pa palang
ibang pamamaraan ang mga katutubong Pilipino bukod sa sikat na baybayin
Santos, H. (1996) “The Eskaya Script” A Philippine Leaf.
2018. http://www.bibingka.com/dahon/mystery/eskaya.htm.

Ang Eskaya ng Bohol ay grupo o tribo na nagsasabing may koneksyon sila sa


makasaysayang kaharian sa Butuan, isla ng Sumatra, at sa Middle East. Sinasabing
may pagkakaiba sila sa iba pang karatig na tribo kahit mukhang kakaunti lang ang
kaibahan sa kultura at itsura nila.

Ang unang Eskayang nakarating sa Bohol ay isang sundalong hari na si Dangko.


Nanggaling sya sa Sumatra-Manselis. Si Dangko, kasama ang kanyang mga alipin
at labing-dalawang anak, ay umalis ng Sumatra sa hindi malamang kadahilanan.
Una silang nakarating sa Hindangan, Lanao na ngayon ay tinatawag nang
Sindangan Bay, Zamboanga. Sa huli ay lumipat rin sila sa Tambo, Talibon sa Bohol.

Ibinuo ng isang lalaking nagngangalang Pinay ang Eskaya. Ang unang mapapansin
ay karamihan sa mga tunog ng simbolo ay hindi umiiral sa wika ng Pilipinas. Sinabi
mismo ng mga eskaya na walang ugnayanang kanilang wika sa iba pang wikang
Filipino.

Koneksyon nito sa aming pananaliksik ay isa pa pala ito sa mga paraan ng pagsulat
ng mga sinaunang Pilipino at iba pang lahi na pinagumpisahan ng mga Pilipino noon
Daniels, Peter & Bright, William (1996) THE WORLD’S WRITING SYSTEM
New York City, Oxford University Press, Inc.

Taong 1947 nang makita ni Conklin (1949B) na ginagamit pa rin ang mga skripto
sa tatlong grupo, dalawa ay sa kabundukan ng Mindoro (Hanunuo at Buhid) at ang
isa ay sa isla ng Palawan (Tagbanwa). Gumagamit pa rin ng katangi-tanging skripto
ng India ang Hanunuo para isulat, basahin, kabisaduhin, at makipagpalitan ng
mensahe sa malawak na paksa. Kutsilyo ang gamit nila sa pagkurba ng sulatin sa
bamboo at kung minsan ay sa mga kapunuhan, bahay, o alinman na maaaring
pagsulatan.

Ang koneksyon nito sa aming pananaliksik ay napagalaman naming na may iba pa


palang paraan ng pagsulat sa kasaysayan ng skripturang katutubo na ang inaatim
naming na malaman para sa mga mambabasa na mayroon tayong sariling paraan
ng pagsulat gaya ng ibang bansa sa asya at hindi lang isa ngunit marami pa tulad
ng dialekto ng pilipinas na aabot sa 170
Pandey, A. (2012) “Southeast Asian Scripts” 2018.
https://pdfs.semanticscholar.org/ecb1/0883d670629d210ba37fa961f2ff0a54ae62.p
df

Ang unang sa apat na skripto – Tagalog – ay di na ginagamit sa kasalukuyan


habang ang tatlo – Hanunuo, Buhid, at Tagbanwa – ay ang mga buhay na skripto
ng Pilipinas. Ang sulatin ng Timog Inidia ng dinastiya ng Pallava ay nakarating sa
Pilipinas, bagaman ang tamang ruta ay di malaman. Maaaring hinatidsila sa paraan
ng Kavi Scripts ng Kanluranin ng Java sa gitna ng ikasampu at ikalabing apat na
siglo.

Ang mga sulatin ng Tagalog ng mga Kastilang misyonaryo at dokumento sa Tagalog


ay nasabing nagmula sa kalagitnaan ng 1500s. Ang unang libro ay naiprint sa
Manila noong 1593. Sulating Tagalog ang gamit sa pagsulat ng Tagalog, Bisaya,
Ilokano, at iba pang wika ngunit hindi na ito nagamit noong 1700s. Ang modernong
wika – na tinatawag nating Pilipino – ay sinusulat sa skripto ng Latin.

Ang tatlong buhay na skripto – Hanunuo, Buhid, at Tagbanwa – ay may ugnayan sa


Tagalog pero maaaring di ito dito nanggaling. Ang mga Hanunuo at Buhid ay mga
taong nakatira sa Mindoro at ang Tagbanwa ay sa Palawan. Kasalukuyang sikat pa
rin ang Hanunuo; ginagamit ito para magsulat ng tula tungkol sa pag-ibig. Ang
Tagbanwa ay di na masyadong nagagamit.

Ang koneksyon nito sa aming pagsasalik ay masusundan naming ang


pagkakasunod ng mga skripturang katutubong mula sa hanunuo, buhid, at
tagbanwa at baybayin at mailahad sa mga mambabasa ang mga sinaunang skripto

You might also like