You are on page 1of 2

Pag-uuri ng mga detalye o ideya

Mahahalagang Detalye sa Akda

 Nagbabago ang teksto at kontexto ng humanidades pero hindi nagbabago ang layon o
misyon nito: humanidades ang substansya ng pagkatao, ang bumubuo at bumubuhay
sa tao lampas sa batayang pangangailangan.
 Ang kantang “Anak” ni Freddie Aguilar ay naisulat gamit ang sariling karanasan.
 Ang bersyon ni Aguilar ng “Bayan Ko,” ay pinakapopular dahil ito ang naiging anthem ng
anti-Marcos na kampanya noong 1980s.
 Ang “Baby” naman ni Justin Bieber tungkol sa juvenal love na naisulat gamit ang
imahinasyon sapagkat wala pang karanasan ang mag-aawit sap ag-ibig nung ito ay
nagawa. Lahat ito ay guni-guni lamang niya na pinaniwalaan ng milyon-milyong
tagahanga.
 Ang papel ng humanidades ay dalawang bagay: una, ang ang paghanap sa konseptong
binabagayan sa lahat ng kultura sa lahat ng panahon, ang transkultural at transhistorikal
na siyang nananatili kung bakit tayo tao, makatao at may pakikipagkapwa-tao; ikalawa,
ang self-referentiality tumutujkoy sa potensyal sa humanistikong kalakaran
 Nabubuyanyang sa humanidades ang limitasyon nito. Nakakapagbigay ito ng ahensya
at rasyonal kahit wala naman talaga, at may pagtanggap sa panuntunan ng texto at
kontekstong tinatalakay.
 Pero kung susuriin ang eksena na may kritikal na pagbasa na nakaugnay sa lipunan at
kasaysayan, espasyo at panahon, may matalas itong sinasaad ukol sa kalidad o
kawalan nito sa kontemporaryong pagkatao.
 Ang pangunahing nagagawa ng humanidades ay hindi para lumikha ng kultura na
pagtanggap o tolerance dahil ang mismong konsepto nito ay nagsasaad na may
nagdidikta pa rin kung ano ang katanggap-tanggap.

Pagtukoy sa Layunin ng Teksto


Ang layunin ng awtor na maipaliwanag kung ano ang papel ng karakter ng isang
indibidwal gamit ang ng paghahambing sa dalawang kanta ay maliwanag na nailahad sa akda.
Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng paraan ng pagsulat at pagtanggap ng mga tao sa musika,
mailinaw na naipakita ng awtor ang iba’t-ibang katangian ng isang indibidwal at epekto nito sa
naisin sa buhay ng bawat isa. Ang isang awitin ay itinuturing na epektibong instrumento sa
pagpapahayag ng ideya o konsepto. Isa sa mga ebidensiya nito ang awiting “Anak” at “Bayan
ko” ni Freddie Aguilar noong panahon ng Martial Law. Nabagbag ang damdamin ng mga
mamamayan sa dalawang awitin, sapagkat naiuugnay nila ang kanilang sariling karanasan sa
liriko. Ito ay lubos na inakap dahil sa kultural, historikal na aspeto at pananaw ng mga tao sa
panahon ito ay nalikha. Sa kabilang banda ang kantang “Baby” naman ni Justin Bieber ay
sumikat ngunit ang proseso ng paggawa ay hindi nakabase sa sariling karanasan ng mang-
aawit. Isa lamang itong imahinasyon. Bagama’t ganito ang sitwasyon, naging isa pa rin ito sa
awiting minahal ng mga tao nahumaling sila sa kathang -isip na ito.
Isa rin sa mga pangunahing tunguhin ng teksto ang pagpapakita sa suliranin ng mga
nilalang sa paggawa ng isang desisyong makatao. Ipinaliwanag nito ang humanidades gamit
ang kritikal na analisasyon sa mga halimbawang senaryo. Ang mga tao ay nahaharap sa isang
dilema sa pagpili ng kung ano ba ang dapat gawin sa mga sitwasyong katuad ng ipinahayag sa
teksto. Nais ng manunulat na ipakitang ang mga nilalang ay naiipit sa paggawa ng tama at
mabuti laban sa pagsunod sa kung ano ang nakasanayan para makaiwas sa gulo.
Sa kabuuan naging layunin ng teksto na maipakita ang kompleksidad ng disiplinang
Humanidades. Tinalakay ang pag-uugali ng isang tao at kung paano nakakaapekto ito sa
pananaw ng isang nilalang. Pinakita dito ang ebolusyon ng mundo at transpormasyon ng
pagpapahalaga ng bawat isa.

You might also like