You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, Navotas City

FILIPINO VI

INFORMATION SHEET 06

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng
pangungusap ayon sa gamit. (Ikaapat na Markahan)
Paksang-aralin: Pangungusap
Layuning: Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap ayon
sa gamit.

Ano ang alam mo na?

1. Ano ang parirala? Magbigay ng halimbawa.


2. Ano ang pangungusap? Magbigay ng halimbawa.
3. Ano ang bahagi ng pangungusap?
4. Ibigay ang kahulugan ng simuno at panaguri.
5. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap at tukuyin ang simuno at panaguri.

Pasiglahin natin – stimulating/ motivation activity


Sumulat ng mga pangungusap base sa mga sumusunod na larawan.
Tayo nang matuto (Lesson Content)
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong
kaisipan.
Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit:
 Pasalaysay- ito ay uri ng pangungusap kung saan ang tagapagsalita ay
nagkukuwento o nagsasalaysay.
 Patanong- ito ay uri ng pangungusap kung saan ang tagapagsalita ay nagtatanong.
 Pautos/Pakiusap- ang tagapagsalita sa pangungusap na ikto ay nag-uutos o
nakikiusap.
 Padamdam- ang tagapagsalita sa pangungusap na ito ay nagpapahiwatig ng
matinding damdamin tulad ng galit, pagkabigla, tuwa, takot, at iba pa.

Subukan mo ito (Post Activity here)


Isulat kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod.
___________1. Pakiabot mo nga ang aking kuwaderno at itatala ko ang mga mahahalagang
detalye na ibinigay ng ating guro.
___________ 2. Kilala mo ba ang aming Tagamasid Pansanay sa Filipino?
___________ 3. Ang Lungsod ng Navotas ay nakikilala na dahil sa mga magagandang
proyekto at programa ng ating Punong-Lungsod.
___________ 4. Kamangha-mangha ang ipinamalas na talento ng mga batang iskolar ng
Navotas!
___________ 5. Maaari mo bang ilahad ang tunay na nangyari sa kaguluhan sa inyong
barangay?

Suriin natin (5-10 questions)


Basahin ang talata at lagyan ng wastong bantas ang bawat pangungusap.
Patakbong pumasok si Jaime sa sala Nabunggo niya ang plorera at nahulog ito “Naku
nabasag mo, ang wika ng kanyang ate
“Huwag kang maingay natutulog si Ruel “
“At bakit E ano ngayon kung mag-ingay ako Di matulog siya uli
Maaari ka naming kumilos ng dahan-dahan ang sabi ng ate

Ayusin natin (Enhancement Exercises)


Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS
(pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), PU (pautos), at PK (pakiusap).

____ 1. Aray, ang sakit!


____ 2. May kumagat ba sa iyo?
____ 3. Kinagat yata ako ng langgam.
____ 4. Huwag kang tumayo riyan.
____ 5. Pakikuha nga ang gamot sa loob ng bahay.
____ 6. Bakit ka ba nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga?
____ 7. May hinahanap po akong pugad ng ibon.
____ 8. May nakita po kasi akong sisiw malapit sa puno.
____ 9. Aba, kailangan maibalik natin ito sa inahin!
____ 10. Huwag mong saktan ang sisiw.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, Navotas City

FILIPINO VI

WORK / ACTIVITY SHEET 06

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng
pangungusap ayon sa gamit.(Ikaapat na Markahan)
Paksang-aralin: Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
Layuning: Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap ayon
sa gamit.

PANUTO: Isulat ang uri ng pangungusap ayon sa gamit.

________ 1. Ang Traffic Enforcer ng Navotas ay matiyagang ginagampanan ang kanilang


tungkulin.
________ 2. Naku! Nagkakagulo sa paaralan dahil sa lalaking nagwawala.
________ 3. Pakisabi nga sa iyong guro na may darating na bisita mamayang hapon.
________ 4. Natanggap mo ba ang pinadala kong pagkain?
________ 5. Kunin mo nga ang aking salamin sa ibabaw ng tokador.
________ 6. Masayang ipinagdiwang ng mga mag-aaral ang kaarawan ng kanilang guro.
________ 7. Nakuha mob a ang nalaglag mong gamit sa bintana?
________ 8. Aruy! Napakasakit ng aking paa.
________ 9. Isara mo nga ang bintana, ang lakas ng ulan.
________ 10. Pakisabay mo nga ang anak ko sa pagpasok sa paaralan.

You might also like